Sakit
KAIDEN
“Zoey and Nics together with their boyfriends are planning for a trip to Singapore. They asked me if gusto nating sumamang dalawa and of course I said yes. I mean we talked about this last month, remember? Kaso sa daming bansa na gusto kong puntahan, you told me na sabihin ko na lang sa ‘yo kung saan and you’ll book our flight. So, I’ve decided it’s Singapore, though I already went there, hindi ka pa di ba? I really like that country, we’ll surely enjoy our trip there especially kasama pa ang mga friends natin. So, kailan ka babalik? Birthday ni Nics next week, sabay-sabay na lang tayong mag-book ng flight that day!”
Nahulog sa pool? Bakit niya sasabihin iyon? Bakit hindi niya ako sinumbong kina daddy? As if mapapalo ako kung magsasabi siya ng totoo…fool.
“Kai? Kaiden? Kaiden Casimiro!”
Napamura ako at pabato kong itinapon ang controller na hawak ko nang matalo din naman ako sa laro. Wala doon ang konsentrasyon ko at lalong wala din sa girlfriend kong kanina pa nagsasalita sa kabilang linya pero wala naman akong naintindihan sa pinagsasasabi niya.
“Naririnig mo ba ako, Kaiden?!”
Naipikit ko ang mga mata sa matinis na boses ni Blythe sa kabilang linya. Inalis ko ang pagkaka-loudspeak ng cellphone ko at tinapat iyon sa tenga ko.
“I’m sorry, Blythe. I was playing a game. Ano nga ulit ‘yon?”
“You were playing a game?! Ganoon na ba kawalang kwenta na kausapin ang girlfriend mo para maglaro ka ng lintik na video game na ‘yan while talking to me? I hate you!”
Ni hindi ko na nagawang makapagsalita pa nang babaan niya na ako ng cellphone. Padaskol kong ibinato sa kama iyon at hindi na nag-abalang tawagan pa si Blythe dahil natitiyak kong hindi niya naman ako sasagutin.
I know her very well. We’ve been together for almost a year. Sa tuwing tinotopak siya, mas nakakatulong na hindi ko siya kausapin kesa ang suyuin ko siya.
I was actually thinking of breaking up with her since I’m getting tired of all her whims and tantrums. Pareho sila ng ugali ng kapatid kong si Angeline na sa tuwing hindi makuha ang gusto ay nagwawala.
But I still stayed. I enjoyed our sexy time. Yes, I’m a bastard for staying in a relationship because of s*x. Kesa naman magpapalit-palit ako ng babae para ma-satisfy ako.
Besides, naibibigay ko din naman ang gusto ni Blythe. I showered her with gifts and pleasure. Hindi ako nagkukulang sa ganoon.
This is that woman’s fault! Kung sinabi niya na lang ang totoo sa kanila kanina, hindi ako magi-guilty nang ganito at madi-distract.
She didn’t even give me a chance na maitama ang maling akala nila Daddy.
Iiling-iling na kinuha ko ang sketchpad ko na palagi kong dala-dala. Kahit mas uso na ang digital ay mas gusto ko pa rin ang tradisyunal na gamit. Everytime I’m stressed, ang sketchpad ang katuwang ko.
During my senior year, isang sketchpad ata ang napuno ko before my college exams. Ganoon ako ka-stress at frustrated na hindi ko magagawang aralin ang kursong gusto ko.
Fine arts. Something that my father doesn’t like. Wala daw akong mapapala sa pagpipinta. Ako ang tagapagmana niya ng lahat-lahat ng ari-arian at kailangan kong paghandaan iyon.
Huling taon ko na sa kolehiyo at kinausap na agad ako ng ama kong mag-aaral ako sa ibang bansa para sa master’s degree ko naman.
Wala akong tutol. Nakakapagod din naman kasing ipaglaban ang kung anong gusto ko. I’ll just let my father manipulate my life. Like a puppet.
Nah. There’s something I have to do before that. Hindi ako babalik ng Maynila hangga’t hindi nagigising ang ama ko sa kahibangan niya sa makasalanan kong ina.
Papatunayan ko sa kanyang mali ang desisyon niya. Higit pa roon ay paparusahan ko ang mga taong sumira sa pamilya namin ni Angeline.
That woman, Regina.
What about her children?
Natigil ako sa pags-sketch at napamura nang makita ang nai-drawing ko. Agad kong pinunit iyon at nilukot bago itinapon sa basurahan.
Bakit ko iginuhit ang mukha ng babaeng ‘yon?
Napatingin ako sa painting na kinuha ko sa guest room na tinutuluyan ni Chiara at napagpasyahan na itapon na iyon. Matagal ko nang gustong itapon iyon pero sabi ni Nanay pasing ay sayang naman kaya isinabit niya sa guest room pero hindi na ako natutuwang makita iyon kaya itatapon ko na talaga ang painting na pinagpuyatan kong tapusin noon.
Kukunin ko na sana iyon para ibaba nang maisip na iutos na lang sa katulong.
Isang katok sa pinto ang nakapagpaalis ng tingin ko ro’n.
“Ano ‘yon?” pagbukas ko sa kasambahay na kumakatok.
“Nakahanda na po ang tanghalian, Sir. Bumaba na daw po kayo sabi ni nanay Pasing.”
Tumango ako. “Sige, susunod na ako.”
Wala akong planong makasabay sa tanghalian si Chiara na gaya ko’y nagpaiwan din kina daddy mula sa pamamasyal ngunit nakaramdam na ako ng gutom kaya bumaba na lang din ako.
Wala siya?
Sa isip-isip ko nang lumipas ang ilang minuto ay nanatili akong mag-isa sa mahabang hapag.
Bakit mo siya hinahanap? Hindi ba’t maganda ngang wala siya?
“Oh hijo, bakit hindi ka pa kumakain?”
Tumikhim ako at nagsimulang sumandok ng kanin sa plato ko. “Kayo, nay?” pag-aya ko sa kanya.
“Kumain na kami nila Cherry.”
Tumango-tango ako. “Ganoon ba? Eh iyong anak ni Regina?”
“Kaiden, anong Regina? Mommy mo ‘yon.”
Hindi ako sumagot at nagsimula lang kumain hindi pinansin ang nanenermon na tono ni nanay.
“Si Chiara ba kamo? Papapanikan ko na lang ng pagkain. Pinatawag ko kay Cherry pero nilalagnat daw at hindi makabangon sa kama. Nag-aalala nga ako pero ayaw naman ipatawag ang nanay n’yo. Nakasama ata ang pagkahulog sa pool kaninang umaga, napakalamig no’n at tiyak na nakasama sa sugat niya. Nakakatakot pa namang magkasakit si Chiara ayon sa nanay mo.”
Natigilan ako sa pagkain sa sinabi niya. “Bakit naman ho? Lahat naman tayo nagkakalagnat once in awhile,” saad ko pero ramdam kong ayon na naman ang panunundot ng konsensya ko.
“Ay hijo, hindi nga ba’t kasi si Chiara naaksidente kasama ng alam mo na…” pabulong na saad ni nanay Pasing dahilan para humigpit ang pagkakahawak ko sa kubyertos. “Mag-iisang buwan pa lang ang opera niya, ang sabi ng nanay mo spleen daw iyong inalis kay Chiara dahil doon nga bumaon iyong tubo na pumasok sa katawan niya, eh ayon daw ay panlaban sa mga sakit-sakit kaya may posibilidad na humina ang immune system niya at magkaroon ng infection–ay ano ba ‘tong sinasabi ko, kumakain ka pa naman. Sige na, maiwan na kita. Kaawa-awang bata, aba’y muntikan na daw mamatay ayon sa ina mo tapos ngayon may lagnat naman.”
Damn it!
Binaba ko ang kubyertos na hawak at ang gutom na naramdaman ko kanina ay naglahong bula. Hindi na naalis sa isipan ko ang mga ikinuwento ni nanay sa akin magmula ng tanghalian kahit nang maghapon na.
Ni hindi ko na nga napansin ang pagtawag ni Blythe at maghapon lang akong humilata habang nakatitig sa palabas sa telebisyon na hindi ko naman iniintindi. Hindi rin ako um-attend sa klase na sinabi ko sa ama ko.
Sinulyapan ko ang oras at pasado alas-kwatro na ngunit tahimik pa rin ang kabahayan. Tiyak na wala pa sila daddy dahil kilala ko si Angeline, sa kwarto ko didiretso ang kapatid kong ‘yon para ipakita ang pera ng ama kong winaldas niya na naman sa mga mamahaling bags.
Is she okay, now?
Inis kong kinuha ang unan at itinakip sa mukha ko. Matutulog na lang ako. It’s none of my business whether she’s okay now or not.
It’s your fault.
“What?!” inis kong sigaw sa magkakasunod na katok sa pinto at banas na bumangon sa pagkakahiga.
“Kaiden, ako ito si nanay Pasing!”
Bumuntonghininga ako at kumalma. Malaki ang paggalang ko sa matandang siyang nagpalaki sa amin ni Angeline. Mas matatawag ko pa nga siyang ina kesa sa babaeng ‘yon.
“Ano ‘yon, nay?” tanong ko at nabungaran ang pag-aalala sa mga mata niya.
“Kuwan kasi, hindi bumababa ang lagnat ni Chiara. Nasa kwarenta na ang temperatura niya nang i-check ko. Hindi na din namin magising-gising eh, mukhang kailangan ng dalhin sa ospital,”
Sa sinabi niya ay walang sali-salitang tinungo ko ang guest room kung nasaan siya.
“Nasaan na ang driver? Bakit hindi n’yo pa dalhin?”
“Eh hindi ba umalis sila daddy mo. Iyong si Manny naman, umuwi sa kanila at nagpaalam sa ama mo. Walang magmamaneho, Kaiden.”
“Hey, wake up,” tapik ko sa pisngi ni Chiara nang makarating ako sa kwarto niya.
Sobrang init niya at dinilat lang ang mga mata ngunit muling nawalan ng malay.
“Tawagan n’yo na sila daddy!” sigaw ko at walang anu-ano’y binuhat ko ang dalaga.
“Dadalhin ko siya sa pinakamalapit na hospital, doon n’yo na papuntahin sila daddy,” saad ko habang karga-karga si Chiara.
“O siya sige, balitaan mo na lang ako. Tatawagan ko na sila daddy mo.”
Nang maisakay ko siya sa front seat ay napamura ako nang makita ang suot-suot niyang manipis na kamison na naman.
Wala na ba siyang ibang damit?!
“Cherry! Kumuha ka ng jacket, bilisan mo!” utos ko kay Cherry na nanakbo.
Habang naghihintay ay napatingin ako kay Chiara nang hawakan niya ang kamay ko. Yumuko ako dahil hindi ko marinig ang sinasabi niya.
“S-saan mo ako dadalhin?” bulong niya.
“Sa hospital!” tugon ko sa kanya.
Umiling siya at pinisil ang kamay ko. “H-hindi na, mag-aalala lang si nanay–”
“Gusto mo bang mamatay sa kwarto mo? Ang taas-taas ng lagnat mo!” inis kong saad sa kanya pero alam kong ang inis na ‘yon ay para sa sarili ko.
Dumating na si Cherry kaya dali-dali kong kinuha ang jacket sa kamay niya at isinuot kay Chiara.
“Mamatay? S-sana nga…”
Natigil ako sa pagsuksok ng susi sa narinig na sinabi niya. Pagbaling ko ay maagap kong nasalo ang ulo niya nang muli siyang mawalan ng malay.
Ini-recline ko ang upuan niya at binilisan ang pagmamaneho para makarating sa hospital.