Kapatid “Cha, nandito na tayo.” Nagmulat ako ng mga mata at agad umalis sa pagkakasandal sa balikat ni Nanay. “Ayos-ayos na ba ang pakiramdam mo, hija? Kung ako lang ang nasunod ay mabuti pa yatang nagpa-admit ka na lang.” Gastos lang po iyon… Gusto kong sabihin ngunit umiling lang ako at umayos sa pagkakatindig. “Bumuti-buti na po ang pakiramdam ko, Tito Carlos. Salamat po ulit sa pagtulong kay Nanay sa h-hospital.” “Walang anuman hija. Tara na’t bumaba nang makapahinga na nang ayos at alas dose na rin pala nang gabi. Tiyak kong inaantok na pati si Regina.” Nagsibabaan na kami ng sasakyan at sabay-sabay na kaming pumanhik sa taas. “Bueno, mauna na ako. Magpagaling ka, Chiara,” pagpapaalam sa amin ni Tito Carlos dahil unang madadaanan ang silid niya. Nakita ko pa ang pagtigil