Yakap CHIARA ELENA Maaga pa lang ay bumangon na ako para tumulong sa paghahanda ng almusal. Sa daming bagay na natatanggap ko mula sa mga Figueroa, alam kong kailangan kong gumawa ng bagay na kahit papaano’y magiging kabayaran ko sa kanila. Palagi kong ipapaalala sa sarili kong hindi ako bisita sa bahay nila. Sabit lang ako at kung hindi dahil kay Nanay ay wala ako dito. Bago ako bumaba ay sinilip ko muna sila Nanay at mahimbing pa din ang tulog nila. Mukhang napuyat ang nanay kay Theo na hindi na naman siguro tinigilan ang kakapanood ng telebisyon. Naabutan ko sa baba si Cherry na gulo-gulo pa ang buhok at halatang kagigising pa lang. “Oh, Cha, ang aga pa ah. Ba’t gising ka na?” “Tutulong sana ako sa pagluluto ng agahan at maglilinis na rin.” “Eto naman, baka mapagalitan pa kami