Kabanata 23

2309 Words

Kapatid CHIARA ELENA Napapitlag ako sa gulat nang sa pagtalikod ko mula sa pagtanaw sa umalis na kotse ni Kaiden ay nakita ko si nanay na naglalakad papalapit sa akin. “K-kanina pa kayo nandiyan, nay?” Walang kangiti-ngiting tumango siya. “Oo, anong ginagawa mo dito, Chiara?” “A-ah, pinabaunan ko lang po ng sandwich at juice si Kaiden para sa biyahe niya.” Tumango-tango siya. “Maaga kang nagising?” Tumango ako at umabrisete sa kanya. “Opo nay, tumulong ako sa pagluluto kina Ate Gina para makatulong naman ako sa gawaing bahay dito sa mansyon.” Huminto siya sa paghakbang nang makarating kami sa pintuan papasok ng mansyon at hinarap ako. “Chiara, nakita kong niyakap ka ni Kaiden. Mukhang malapit na kayo sa isa’t-isa.” Agad naman akong umiling at kinabahan sa paraan ng pagsasalita ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD