Mad CHIARA ELENA “Salamat talaga ngayong araw, Raze, imbes na mamimili ka na din ay napagod ka pa ni Theo,” pagpapaalam ko kay Raze bago pumasok sa kotse. Hindi ko halos namalayan ang oras at nagtagal pala kami sa arcade. Maga-alas singko na nang makaalis kami doon. Hindi pa naman sarado ang bilihan pero mga alas-sais ay nasa bahay na din sila Nanay at ayokong mauna pa sila sa amin, bukod pa roon, ay nakatulog na si Theo sa pagkakabuhat sa kanya ni Kaiden at magwawala ‘yon kapag ginising ko pa. Kahit nga ayokong sumabay kay Kaiden ay wala akong karapatang tumanggi sa alok niyang sumabay na sa kanya dahil mahihirapan kaming mag-commute nila Cherry. Nag-uuwian na ang mga tao at mahirap na sumakay. Kapag din lumubog na ang araw ay baka wala na sa aming magsakay na tricycle patungong mans