Sugat
KAIDEN
Sunod-sunod akong napalunok nang matitigan ang mukha ni Chiara na uubo-ubo nang maiahon ko. Wala na ang salamin niya at kitang-kita ko nang malapitan ang mga mata niya. Namumula na tila naiiyak siya at puno ng takot ang mga ‘yon.
Dahil yakap-yakap ko siya ay ramdam ko ang panginginig niya. Hindi ko inasahan na hindi siya marunong lumangoy at agad ko namang pinagsisihan ang ginawa kong paghila sa kanya sa swimming pool para lang makaganti sa hindi niya sinasadyang pagkakabasa sa akin.
Coming from you man, hindi sinasadya. Kailan ka pa naging ganito ka-petty?
“A-ahh,”
What’s wrong?
Gusto kong itanong nang makita ang pagngiwi niya na tila may iniinda. Napakilos ako para iahon na siya pero mukhang inakala niyang bibitiwan ko siya kaya nangunyapit siya sa leeg ko nang hindi makuntento sa paghigpit ng kapit sa damit ko.
“H-huwag mo akong bitiwan,” naiiyak niyang saad.
Damn it! Hindi pa ako ganoon kasama para bitiwan ka kahit alam kong hindi ka marunong lumangoy.
Tumikhim ako at lumangoy na para maiahon siya.
“Ahhh!” impit niyang sigaw napapaiyak at napahawak sa tiyan niya.
“What’s wrong?” hindi ko na napigilang itanong.
Nang tumulo ang luha niya ay natataranta ko siyang binuhat patungo sa lounge chairs.
“Anong masakit?!” sigaw ko sa kanya.
Umiling-iling lang siya pero napapahawak sa tiyan niya na tila may iniinda pa rin doon. Hindi na nakatiis na itinaas ko ang damit niyang suot at umawang ang labi ko nang makita ang tila sariwa pang tahi roon.
“A-ano ba!” sigaw niya at tinabig ang kamay ko. Pulang-pula ang mukhang tumayo siya pero muntikan pang mapatid kung hindi ko maagap na nahawakan ang braso niya.
“Sandali lang–”
Pumiksi siya sa pagkakahawak sa akin. Hindi humaharap na nagsalita siya. “A-ano? Masaya na ho ba kayong nakaganti kayo sa pagkakabasa ko sa inyo? Pasensya na po, Sir. Hindi na po mauulit a-ang nangyari kanina. Nakakatakot po p-pala kayong magparusa.”
“I-I’m so–”
“Sir, eto na po iyong towel at–diyos ko Chiara, ba’t basang-basa ka?”
“Pwede mo ba akong samahan sa taas, Cherry?”
“Teka, tatawagin ko nanay mo–”
“Hindi na! H-huwag na, nadulas kasi ko sa pool. Mag-aalala pa ‘yon,” pagsisinungaling niya.
“Pero–”
Natigil si Cherry sa pagsasalita nang magtagpo ang tingin naming dalawa. Doon niya lang mukhang naalala ang towel at robe na hawak niya na iabot sa akin pero hindi ko tinanggap iyon.
“Give it to her,” saad ko at tinalikuran sila.
“Huwag na Cherry, nakakahiya kay Sir, iabot mo na sa kanya ‘yan.”
“Just wear it, goddamn it!” sigaw ko ngunit gusto kong suntukin ang sarili ko nang makita ang pagpitlag niya sa naging pagsigaw ko.
Asshole!
“Sige na, Chiara. Dadalhan ko na lang ulit si Sir, nanginginig ka na oh.”
Hindi na siya nagprotesta pa nang isuot sa kanya ni Cherry ang mahabang robe at patungan ng towel ang buhok niya.
“Teka, iyong salamin mo nga pala,” ani Cherry nang alalayan siyang maglakad.
Napatingin ako sa pool at tinalon iyon para kunin ang salamin niya.
“H-halika na nga–”
“Teka kinukuha na ni Sir.”
Pag-ahon ko ay dumiretso ako sa kanilang dalawa at inabot iyon. Agad naman iyong tinanggap ni Cherry.
“Salamat, sir,” saad niya.
Wala namang imik si Chiara na sinuot lang iyon at pagkatapos ay hindi sumusulyap na naglakad na paalis pero napatigil na naman at napahawak sa tiyan niya.
“Chiara! Masakit?”
Umiling lang siya at umabrisete kay Cherry. Tinanaw ko ang pag-alis nila at napapabuntonghininga na ibinagsak ang sarili muli sa pool ginustong lunurin ang sarili dahil sa nagawa.
Damn it! Ano bang malay ko na hindi siya marunong lumangoy?!
Nah. Even if she can swim. What I did was wrong.
What’s with the scar?
Hindi lang doon ang napansin kong sugat niya kung hindi maging ang pasa sa gilid ng noo niya.
She’s with his father in that accident…
***
CHIARA
“Chiara?”
Agad akong lumabas ng banyo nang marinig ang nag-aalalang boses ni Nanay.
“N-nay,” pilit ang ngiti kong saad sa kanya at nilapitan siya.
Minasdan niya ako mula ulo hanggang paa. “Anong nangyari? Ang sabi ni Cherry ay nalaglag ka daw sa pool.”
“Si Cherry talaga, sinabi pa.”
“Ikaw na bata ka, bakit hindi mo gustong sabihin niya sa akin?”
Lumapit ako sa tokador at nakahinga nang maluwag nang mawala na ang pagkirot ng sugat ko. Nakatulong ang pain reliever na mabuti na lang ay hindi ko pa nauubos inumin.
Hangga’t maaari kasi kung kaya ko pa naman ang sakit ay hindi ko inuubos iyon. Pero marahil dahil sa lamig ng pool kanina at gulat sa nangyari ay sumakit muli ang opera ko.
Naupo ako at kinuha ang suklay. Bago ko pa maisuklay sa buhok ko iyon ay naunahan na ako ni nanay at sinuklay ang buhok ko.
“Eh alam kong mag-aalala lang kayo, nadulas lang naman ako.”
“Niligtas ka daw ni Kaiden?”
“Ho?”
Tiningala ko siya at nang makita ang mga mata niya ay napatango walang plano na sabihin pa sa kanya ang totoong nangyari. “Opo, mabuti ay nandoon siya kung hindi nalunod na ako.”
“Mabuti nga kung ganoon, kumusta ang opera mo? Masakit ba?”
“Hindi naman po,” nakangiting sagot ko sa kanya.
“Sige na nay, baka gising na si Theo at hinahanap na kayo no’n, ako nang bahala sa buhok ko.”
“O sige, sabay-sabay na tayong bumaba para sa agahan. Magpapasalamat nga pala ako kay Kaiden sa pagsagip sa ‘yo.”
Tanging tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya at napatango. Nang mawala siya sa paningin ko ay doon lang unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ko at sunod-sunod na napabuntonghininga.
Maigi pang walang malaman si Nanay sa tunay na nangyari kaninang umaga dahil ayokong mag-alala pa siya para sa kalagayan ko.
Nagbaba ako ng tingin sa suot ko na t-shirt at naalala ang ginawang pagtaas ni Kaiden ng damit ko kanina. Muli kong naramdaman ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa hiya sa ginawa niya. Mas nag-init pa ang mukha ko nang maalala ang higpit nang pagkakasabit ko sa kanya kanina.
Lalo pa’t nakita niya ang hindi kaaya-ayang tahi ko. Siguro’y nandiri siya sa nakita niya sa akin.
Akala ko’y mas may ibabait siya kay Angeline. Mukhang nagkamali ako. Pero mabuti na nga lang at hindi niya naisipang hindi ako sagipin kanina.
Wala naman sa mukha niyang mamamatay-tao siya…
Ipinilig ko ang ulo ko para maalis na sa isipan ko ‘yon at tinuyo na ang buhok ko. Papalabas na ako ng kwarto nang sunod-sunod akong mabahing.
Masama ‘to…
Sa isip-isip ko at napasinghot. Hinipo ko ang noo at nakagat ang labi nang maramdaman na medyo mainit ako. Bumalik ako ng kwarto at muling uminom ng gamot para sa nagbabadyang sama ng pakiramdam.
“Ate!” sigaw ni Theo at tangkang yayakapin ako nang mahila siya ni nanay.
“Theo, hindi ba’t kabilin-bilinan ko sa ‘yo na hindi pa magaling ang sugat ni ate?”
“Ay nalimot ko!” tutop ni Theo sa bibig niya.
Natawa ako at ginulo ang buhok niya. Magkakasabay na kaming bumaba at himala na kami pa ni nanay ang nahuli sa hapagkainan.
“Pasensya na sa paghihintay,” ani nanay tila nahihiya.
Tanging pag-ismid lang naman ang ginawa ni Angeline. Diretso lang ang tingin ko at hindi tinapunan ng tingin si Kaiden kahit pakiramdam ko ay nakatingin siya sa akin.
“Ayos lang, Regina. Kakadating-dating lang din naman namin, ang balita ko’y ikaw ang naghanda ng agahan ngayon.”
“Ah oo, tumulong ako kina nanay Pasing.”
“Hindi ka na sana nagpakapagod pero nami-miss ko na din ang luto mo kaya salamat. Kumain na tayo,” ani Tito Carlos.
“Alin dito ang mga niluto mo?” matabang ang boses na tanong ni Angeline kay nanay.
“Ah iyang fried rice anak, tapos…”
Isa-isang binanggit ni nanay ang mga inihanda niyang putahe para lang matigil nang tawagin ni Angeline ang isa sa mga kasambahay.
“I want some cereals–”
“No. Bumalik ka na doon, Jeng. Wala kang ihahain na cereals sa anak ko. Kung anong nasa harapan mo, kainin mo, Angeline.”
“But–”
“Eat, now.” maawtoridad na putol sa kanya ni Tito Carlos.
Walang nagawa si Angeline at nagsalin ng onting mga luto ni nanay sa plato niya.
Doon ko na hindi naiwasang mapatingin kay Kaiden at napalunok ako nang agad na magtagpo ang tingin naming dalawa.
Tumikhim si nanay sa tabi ko. “Siya nga pala, Kaiden, gusto ko sanang magpasalamat sa ‘yo.”
“Thank me for what?” walang emosyon na baling sa kanya ni Kaiden mula sa pagkakatingin sa akin.
“Sa pagsagip kay Chiara sa pool. Ang sabi niya’y ikaw daw ang tumulong sa kanya mula sa muntikang pagkalunod.”
“Huh? Lunod? Anong nangyari?”
Naikuyom ko ang kamao sa hita ko at pilit na ngumiti kay Tito Carlos. “N-nadulas po kasi ako sa pool area, T-Tito, at nahulog sa pool.”
“At niligtas ka ng anak kong si Kaiden?” may ngiti sa labing tanong niya.
Dahan-dahan akong napatango at napatingin kay Kaiden na kunot na kunot ang noo sa ‘kin.
“What? You saved her, Kuya? Are you out of your mind na din ba just like dad–”
“Shut up, Angeline,” putol sa kanya ng Kuya niya. “I did not–”
“Salamat, Kaiden,” kinakabahang putol ko sa kanya dahil mukhang ikukwento niya ang tunay na nangyari gayong ayoko nang malaman pa iyon ni nanay dahil ayoko na siyang bigyan pa ng alalahanin.
“Salamat, Kaiden? Are you flirting with my brother, b***h–”
“Watch your mouth, lady!” saway sa kanya ni Tito Carlos bago pa niya matapos ang sasabihin niya.
“Sus, for all I know sinadya niyang madulas doon para magpasagip kay Kuya. What a pick me up girl strategy.”
“Enough, Angeline!” sigaw ni Kaiden na ikinagulat ko at mukhang ng lahat.
“Sinisigawan mo ako because of her, K-Kuya?” tila maiiyak na tanong ni Angeline.
“Enough of this. Hindi na ba talaga matatapos tayong kumain na walang sigawan na mangyayari? I’m proud of what your Kuya did, Angeline. You should be proud of him, too.”
“What–”
“Wala na akong maririnig pang salita mula sa ‘yo. After breakfast, fix yourself. Dadayo tayo sa La Consolacion at mamamasyal kasama ang mommy mo at sila Theo.”
“Huh? Carlos, anong pasyal–”
“Sige na, Regina. Kailangan mo na din ng mga bagong damit para sa mga future events and meetings na pupuntahan natin.”
“Hindi na–”
“I’m your boss, right?”
Hindi nakasagot si nanay sa sinabi ni Tito Carlos at napatango na lang.
“What? No way, hindi ako sasama–”
“Tumawag si Tita Jackie mo, may mga bago raw dating na designer bags from Paris. Hindi mo ba gustong tingnan ang mga ‘yon?”
Namilog ang bibig ni Angeline at saglit na tila nag-isip bago walang sali-salita nang nagsimulang kumain.
“I can’t come, dad. May online class ako sa isa sa mga subjects ko na hindi pa tapos ang report.”
“Okay,” ani Tito Carlos na binalingan naman ako. “Do you like bags too, Chiara?”
Umiling ako. “H-hindi po. Pero tito, hindi din po ako sasama. Sila nanay na lang po.”
“Huh? Bakit naman?”
Nakita ko ang pagsulyap ni nanay sa akin. Hindi ko pwedeng sabihin na masama ang pakiramdam ko dahil tiyak kong mag-aalala siya sa akin. Saka hindi rin ako komportable na mamasyal kasama ang mga Figueroa.
“Malayo-layo ang Consolacion, Carlos. Baka matagtag nga sa byahe si Chiara. Sasaglit lang naman tayo doon hindi ba?”
“Oo naman. Uwian na lang natin sila Chiara kung ganoon.”