Plano CHIARA ELENA “Nababaliw na ako sa ‘yo, Chiara.” “Chiara? Ayos na ba ang pakiramdam mo?” Napapitlag ako sa gulat sa pagsulpot ni Nanay sa kwarto na siyang nakalaan para sa aming tatlo nila Theo. Patanghali na halos nang makarating kami sa isla na pagmamay-ari ni Tito Carlos. Tunay na napakaganda nga ng lugar pero hindi ko masyadong napagtuunan ng atensyon iyon dahil sa mga salitang tila sirang plaka na umuulit-ulit sa isipan ko. Mga salitang mula kay Kaiden. Nababaliw na siya sa akin? Sino namang maniniwala sa ‘yo? “Chiara?” Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Nanay na kanina pa nga pala ako tinawag pero muling nawala sa isip ko nang muling maokupa ni Kaiden ang isipan ko. “May problema ba? Masama pa ba ang pakiramdam mo sa biyahe?” Kanina’y naputol ang p