Alon CHIARA ELENA “Masakit ba ang dibdib mo, Cha?” tanong sa akin ni Cherry habang tinutulungan ko siyang magbantay ng mga iniihaw niya. May kanya-kanya na raw gawain sila Gina kaya naiwan na siya. Agad ko namang ibinaba ang kamay ko sa dibdib kong kanina ko pa tinatapik dahil tila naninikip at inilingan siya. “Ay grabe sila. Dinaig ang tambalang Richard at Dawn Zulueta noon. Pak na pak,” bulong sa akin ni Cherry. Napatingin ako sa tinitingnan niya at nakita si Kaiden na buhat-buhat si Candice patungo sa malapit sa aming mga upuan. Inuupo niya roon si Candice na matamis ang ngiti sa labi. Nagbalik sa isip ko ang ginawa niyang paghalik kay Kaiden at ayon na naman ang pamilyar na paninikip ng dibdib ko. Nang magtagpo ang tingin namin ay agad akong nag-iwas at pinakinggan ang sinasa