Pinasan CHIARA ELENA “Bye Chiara!” pagkaway sa akin nila Clarissa at ng mga kasamahan namin bago sila tuluyang sumakay ng jeep. Naglakad ako patungo sa kanto na palaging pinaghihintayan sa akin ni Kaiden anumang pagsasabi ko sa kanya na ‘wag na akong hintayin pa. Isang beses niya lang ako hindi nasundo simula nang mag-umpisa ang klase at pagpa-part time ko. Iyon ‘yong kinailangan niyang iuwi at bantayan si Angeline sa bahay dahil sa pakikipag-away nito sa university na muntikan niyang ika-suspend. Halos mag-iisang buwan na din ang matuling lumipas simula nang magpasukan at ligawan niya ako, at sa paglipas ng mga araw, linggo, hindi ko maitatangging mas lalo akong nahuhulog sa kanya kahit meron pa rin sa loob ko na natatakot sa ginagawa naming pagtatago sa lahat. Pakiramdam ko may m