Stranded CHIARA ELENA “Peace be with you,” pagharap sa akin ni Kaiden na matamis ang ngiti sa labi. Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya dahil kanina pa tapos ang ama namin at patapos na ang misa ay hindi pa rin niya ginawang bitiwan ang kamay ko. “Anong pinagdasal mo?” tanong niya sa akin habang naglalakad na kami palabas ng simbahan na medyo may kaliitan pero napakaganda ng pagkakagawa. Lalo na ang tanawin no’n sa labas. Imbes na hilahin siya patungo sa mga bumababa ng mga tao ay hinila ko siya patungo sa isang bench na naroroon. May mga katulad din naman namin ni Kaiden na hindi agad bumaba at pinagmasdan ang magandang tanawin sa harap namin. Naupo ako doon at nakangiting minasdan ang papalubog na araw. Napakaganda no’n. Naupo sa tabi ko si Kaiden at muling inulit ang tanong