Candice CHIARA ELENA Agad kong binitiwan ang kamay ni Jojo nang tuluyan kaming makalabas ng gate ng mansyon. Hinihingal na nasapo ko ang dibdib ko at doon ko namalayang ang bilis pala ng paglakad ko kanina na animo may tinatakbuhan. Napangiwi ako nang mapahawak sa sugat kong bagama’t naghilom na ay paminsan-minsan pa ring kumikirot. “Ayos ka lang ba, Cha?” tanong sa akin ni Jojo at agad naman akong umayos ng tayo at hinarap siya. “A-anong ginagawa mo dito, Jojo?” Simula nang linggo ay hindi pa niya ako minemessage. Iniisip kong galit siya sa akin. Gusto ko mang maunang mag-chat sa kanya ay hindi ko ginawa. Sa naging asta niya noong linggo, natatakot ako sa sinabi ni Kaiden sa akin, na baka nga napapaasa ko si Jojo sa mga pagtanggap ko sa mga alok niyang gala o anupamang ibibigay ni