CHE-CHE'S POV "A—Anong, I like you?" Tanong ko sa kanya. "I like you kasi ikaw ang naghuhugas ng mga plato." Sagot niya sa akin. Hindi ko alam pero feeling ko ay biglang umuusok ang ilong ko sa inis. Tinatanong ko pa ang sarili ko kung tama ba ang narinig ko na gusto niya ako dahil ako ang naghuhugas ng mga plato. "Gusto rin kita kapag ikaw ang naghuhugas dito. Puwede ba 'wag mo nga akong yakapin. May ginagawa ako eh." Sabi ko sa kanya dahil naasiwa ako. At mabilis kong tinapos ang ginagawa ko. "Naiinis ka ba?" Tanong niya sa akin. "Hindi!" "Naiinis ka." "Hindi nga! Ang kulit mo," naiinis na sabi ko sa kanya. "Kahit papaano ay gumaganda kana sa paningin ko." Sabi niya sa akin bago niya ako binitawan. "Kahit papaano pala ha? Hindi man lang sinabi na maganda ako. Kahit pampalubag