CHE-CHE'S POV Nagising ako dahil nilalamig ako. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nagulat ako dahil nandito na ako sa condo ni Jayson. Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang nangyari kanina. Babangon na sana ako pero biglang sumakit ang p*mp*m ko. Napangiwi ako dahil ang hapdi. Nawasak na talaga ang pakwan. Nasaan naman kaya ang lalaking 'yon? Naiihi pa naman ako pero wala siya sa tabi ko. Nasaan kaya siya? "Jayson!" Tawag ko sa kanya. Sa tingin ko kasi ay hindi ko kayang bumaba at maglakad papunta sa banyo. "Jayson!" Tawag ko ulit sa kanya. Bumukas naman ang pintuan at pumasok siya. "Baby, tinawag mo ba ako?" Tanong niya sa akin. "Naiihi ako," nahihiya na sabi ko sa kanya. Mabilis naman niya akong binuhat papunta sa banyo. Medyo nag-alangan pa ako dahil wala yata siyang balak