CHE-CHE'S POV Kahit na gusto ko pa na magpahinga ay mas pinili ko na bumangon na. Hindi ko na sinulyapan pa si Jayson. Akmang kukunin ko ang vacuum nang bigla na lang akong binuhat ni Jayson. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya. "Binubuhat ka. Hayaan mo na 'yan, magpahinga na muna tayo." Sabi niya sa akin. "Ikaw na lang, marami pa akong gagawin." Sagot ko naman sa kanya. Parang wala lang itong narinig. Dahil karga pa rin niya ako papasok sa silid namin. Humiga kami at niyakap niya ako ng mahigpit. Naamoy ko ang pabango niya. "Hug me, please." Utos niya sa akin. "Jayson, bakit ka ba ganito? Hindi na kita naiintindihan." Tanong ko sa kanya dahil talagang natatakot na ako. "Bakit ayaw mo ba na ganito ako? Ayaw mo ba na malambing ako sa 'yo?" Tanong niya sa akin. "Oo, dahil ayoko