bc

TRAPPED BY A HOT PROFESSOR (RODRIGUEZ SERIES 1)

book_age18+
2.1K
FOLLOW
13.9K
READ
love-triangle
contract marriage
HE
opposites attract
bxg
lighthearted
witty
campus
professor
like
intro-logo
Blurb

(PROFESSOR'S MAID SERIES)

Arogante, masungit at strict na Professor si Jayson Rodriguez sa isang Academy. Para sa kanya hindi uso ang salitang awa lalo na pagdating sa kanyang mga estudyante.Chemmary Pelipa aka Che-Che. Isang babaeng galing sa mahirap na pamilya ngunit isa rin siyang babaeng palaban. Pagtitinda ng tilapia ang hanapbuhay ng kanilang pamilya. Nagkasakit ang kanyang ina kaya kinailangan niyang mamasukan bilang isang kusinera sa isang school canteen.Paano kapag magtagpo ang landas ng dalawang masungit? May pag-ibig kayang mabubuo?Professor's Maid Triplets (Rodriguez Series 1)

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHE-CHE’S POV “Nay! Alis na po ako!” sigaw ko sa aking ina dahil nagmamadali na ako papunta sa palengke. “Sige anak, mag-iingat ka!” sigaw niya buhat sa aming kusina. “Opo, uuwi rin po ako kaagad!” Mabigat ang dala kong timba na may lamang tilapia. Nagtitinda kasi ako sa palengke tatlong beses sa isang linggo. Ako ang panganay sa pamilya namin kaya ako talaga ang inaasahan nila inay. Dalawa ang trabaho ko, minsan ay taga-linis ako sa mga condo ng mayayaman kasama ko ang kaibigan ko na si Joy. Masaya siyang kasama dahil bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya. Madalas ginagamit ko rin siya, panghugas ng plato hindi kasi maganda na gamitin ang bareta may naiiwan pa kaya magastos sa tubig. Kaya nagswitch ako sa joy isang patak 'sang katutak kasi 'sang katutak rin ang mga hugasan. Joy ang gamit ko pero 'di ako enjoy. Dahil sa mga naiisip ko ay hindi ko napansin ang paparating na sasakyan. "Ayyy! Ang mga tilapia ko!" Pasigaw na bulalas ko dahil natapon sa daan ang mga isda na dala. Hindi ko tuloy alam kung alin ang una kong dadamputin. "What the fvck! Tanga ka ba?" Galit na bulalas ng lalaki sa harapan ko. "Hoy! What the fvck mo mukha mo! 'Wag mo akong ma what the fvck dahil wala akong pakpak. Tao ako at hindi ibon, b*bo. Bulag ka ba? Ikaw na nga itong mananagasa ikaw pa galit!" Sigaw ko rin sa kanya. Nakasuot ito ng shades at sa tingin ko gwapo naman siya. Tsk! Tumigil ka nga Chemmary. Saway ko sa sarili ko. "Hindi ko kasalanan kung tanga ka! Pwede ba umalis ka nga sa daan!" asik niya sa akin. "Bwisit ka! Paano na ang mga isda ko? Kawawa naman ang mga precious tilapia ko, huhuhu." Parang naiiyak na sabi ko habang isa-isa kung hinuhuli ang mga isda este dinadampot pala. "Hindi ko na 'yan problema! Umalis ka na nga diyan baka tuluyan kita dyan eh." May pagbabanta na saad niya sa akin. "Aba, ako pa talaga ang pinagbabantaan mo. Anong hindi mo problema?! Ihampas ko kaya 'tong isda sa mukha! Bayaran mo ako!" Sigaw ko sa kanya. "You're crazy," sabi pa niya sa akin. "Anong crazy? Crazy for you g*go! Nagsasabi ka nga lang mali pa." Nakita ko na natulala ito siguro bilib siya sa englishing ko. "Oh, ano natulala kana diyan? Bayaran mo na nga lang ako." "Hindi kita babayaran, baka modus mo lang 'yan. Hindi mo ako maloloko babaeng baliw." Sabi niya kaya lalong uminit ang ulo ko sa narinig ko mula sa kanya. "Ah.. baliw pa la ha. Ipapakita ko sa 'yo kung gaano ako ka baliw bwisit ka!" Sinimulan kong batuhin ng isda ang sasakyan niya. "Stop that! Baliw kana nga talaga!" "Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako binabayaran. Ang susunod na bato ko tatama na talaga 'to sa mukha mo!" May pagbabanta na sabi ko. Nawala na sa isip ko ang mga kawawa kong tilapia. "Magkano ba gusto mo?" Nakukunsumi na tanong niya sa akin. "1k lang lahat 'yan." Mabilis na sagot ko sa kanya. "Okay," saad nito at pumasok sa loob ng kotse niya. Siguro ay kukuha ito ng pera para ibayad sa akin. Nagulat na lang ako dahil sa isang iglap ay wala na ang kotse niya sa harapan ko. Mabilis akong nilayasan ng siraulong lalaki. "Tatandaan ko plate number mo! May araw ka rin sa akin! Mayaman ka nga kuripot ka naman! Siraulo ka! Fvck you!" Sigaw ko sa papalayo niyang sasakyan. Akala niya siguro ay siya lang marunong ng fvck niya. Pero tama ba na 'yon? Tanong ko bigla sa sarili ko. Bahala siya ako pa ba mag-adjust sa kanya. "Kawawa naman ang mga precious tilapia ko huhuhu!" Kausap ko sa mga isda habang isa-isa ko silang pinupulot sa kalsada. Hindi ko alam kung maibebenta ko pa ba ang mga ito. Kung minamalas ka nga naman. Malapit na akong matapos sa pagpulot ng mga isda ko ng may biglang tumigil na kotse sa harapan ko. "Okay ka lang ba iha?" Tanong sa akin ng isang magandang babae. "Okay lang po ako madam," sagot ko naman sa kanya dahil halatang mayaman ito. Simple man ang suot niya pero napakakinis naman ng balat niya. "Ano ba ang nangyari sa 'yo?" Malumanay na tanong niya sa akin. "Naku ho, 'wag niyo na po itanong. Mababadtrip lang po ako." Sagot ko sa kanya. "Ganun ba? Saan mo ba dadalhin ang mga 'yan?" Tanong pa niya ulit sa akin. "Sa palengke ho sana, ibebenta ko po. Kaya lang hindi na po ako sigurado kung may bibili pa po ng mga ito." Malungkot na sagot ko sa kanya. "Okay lang ba kung ako na lang ang bibili ng mga 'yan? Paborito kasi 'yan ng panganay ko." Nakangiting sabi niya sa akin. "Sigurado po ba kayo?" Hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya. Nahihiya rin kasi ako dahil may mga buhangin ang ibang isda. "Oo naman iha, magkano ba 'yan lahat?" "1k po, ipinapabenta lang po iyan sa akin at 300 po ang parte ko." Sagot ko sa kanya. "Ito ang bayad iha," aniya sa akin sabay abot ng tatlong libo. "Naku, isang libo lang ho." "Kunin mo na ito, sa 'yo na ang dalawang libo." Nakangiti na sabi niya sa akin. "Nakakahiya po," nahihiyang sabi ko sa kanya. Kahit ganito ako ay tinatablan naman ako ng hiya. "Huwag kana mahiya sa akin. Ano pala ang pangalan mo iha?" "Che-che for short, Chemmary for long po." Sagot ko sa kanya. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. "Ako naman si Deday, pwede mo akong tawagin na Tita o Mommy Deday. Sana magkita pa tayo ulit may dalawa akong binata, ipapakilala kita." Masayang sabi niya sa akin. "Naku, Madam. Sigurado po ako na gwapo ang mga anak ninyo at mayaman po kayo. Hindi po kami bagay." Sagot ko sa kanya. "Sigurado ako na bagay na bagay kayo. Lalo na ang panganay ko." Nakangiting sabi nito sa akin. "Hahaha! Sa panaginip po," natatawa na sagot ko sa kanya. "Nakakatuwa ka naman." "Huwag ho kayong matuwa sa akin Madam hindi po ako clowny… clown?" Napaisip pa ko kung tama ba ang sinabi ko sa kanya. Basta 'yun na 'yun. Clowny clown na lang hahaha. "Hahaha! Sige na iha, mauna na kami sa 'yo. Iluluto ko pa itong mga tilapia mo, este itong mga tilapia pala." aniya sa akin. "Sige po, sarapan niyo po ang luto sa mga tilapia ko, na tilapia niyo na po kasi binili niyo na sa akin." "Sige, Che-che." "Bye po, Madam. Maraming salamat po sa pagbili sa mga tilapia ko na tilapia niyo na rin." Ngumiti naman ito sa akin. Kaya kumaway ako sa kanya. Mabuti pa si Madam, maganda na mabait pa. Sana magustuhan ng anak niya ang mga tilapia ko. Ano ka ba Chemmary? Hindi mo na 'yon tilapia. Saway ko sa sarili ko. "Hoy! Chemmary bakit ka nakatulala diyan?!" Sigaw ni Joy sa akin. "Ayy, Joy na panghugas." Gulat na bulalas ko. "Narinig ko 'yon!" Nakataas ang isang kilay na sabi niya sa akin. "Alam ko, banlawan kita d'yan eh. Tumawid ka na nga dito!" Utos ko sa kanya. Kaagad naman itong tumawid habang bitbit ang mga pechay niya. "Ubos na kaagad mga tilapia mo?" Tanong niya sa akin. "Oo, binili lahat sa akin. Tulungan na lang kitang ilako 'yang pechay mo." Saad ko sa kanya. "Sige, para makapag-sesmes naman tayo." Natutuwang sabi niya sa akin. "Siguraduhin mo na okay ang sesmes mo sa akin Joy. Dapat 'yung sesmes na pewede nating ibenta." Pabiro na sabi ko sa kanya. "Oo naman, alam mo ba 'yong condo na nilisan ko kahapon?" Panimula niya. "Hindi ko pa alam," pabiro na sagot ko sa kanya. "Paano ko itutuloy kung ganyan ka." "Sorry naman dapat kasi kapag nagkukwento ka on point, straight forward at fastest. Alam mo ba 'yon?" Tanong ko sa kanya. "Basag trip ka rin talaga. Kaibigan ba kita?!" "Oo naman, bff for life tayo. 'Wag lang for dead kasi mahal ko pa buhay ko. Mabuti na lang Chemmary ang pangalan ko at hindi chicken." Bigla kong naisip 'yon kaya sinabi ko sa kanya. "Bakit mo naman naisip 'yan? Wala naman sigurong nanay ang mabibigay ng pangalan sa anak niya ng Chicken, ano palayaw niya? Manok? O nokma?" "Alam mo ang slow mo. Kasi kong naging chicken ang pangalan ko. Ang pangalan ng tandem natin Chickenjoy." Sabi ko sa kanya. Nakita ko na natulala siya. "Huwag kana matulaley d'yan. Siguro manghang-mangha ka sa pagiging matalino ko?" Tanong ko sa kanya. "Oo nga, ang talino mo." Sagot niya sa akin. "Sabi ko sa 'yo eh." Pagmamalaki ko pa. "Teka lang besh, may nakikita ako." "Ano 'yon?" Tanong ko sa kanya. "May isa pang tilapia doon oh," turo niya sa akin. "Oo nga tilapia ko 'yan. Siguro lumangoy siya papunta doon. Ang layo rin kasi ng narating niya. O baka nahulog doon sa sasakyan ng siraulo na 'yon." "Sinong siraulo besh?" Tanong ni Joy sa akin. "Si what the fvck 'yon. Ang dahilan kung bakit lumangoy sa kalsada ang mga tilapia ko kahit na wala namang tubig. Pag nakita ko talaga 'yun, bubutasan ko talaga ang gulong ng kotse niya." Nanggigil na sabi ko sa kaibigan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
186.0K
bc

His Obsession

read
92.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook