CHE-CHE'S POV
“Lumayo ka nga sa akin?!” Naiinis na sabi ko sa kanya at itinulak ko siya palayo sa akin. Kinakabahan kasi ako sa mga sinasabi niya na ibang paraan. Hindi ko maiwasan na hindi mag-overthinker dahil sa mga sinasabi. niya.
“Ang arte mo akala mo type kita.” Supladong sabi niya kaya kaagad na kumulo ang dugo ko sa kanya.
“Bakit tingin mo ba type rin kita?! Hindi ka naman ganun ka-gwapo kaya ‘wag kang feeler d’yan!” Naiinis na sabi ko rin sa kanya.
“Bayaran mo ako, kung sa tingin mo makakatakas ka sa akin ay nagkakamali ka. Kahit saan ka pa magtago mahahanap pa rin kita.”
“Magbabayad ako basta maghintay ka lang dahil ikaw lang naman ang babayaran ko. Hindi ko kaya ang two gives na sinasabi mo. Twenty gives ang kaya ko. TWENTY GIVES,” diniinan ko pa talaga ang twenty give na sabi ko sa kanya.
“Wala akong pakialam kung saan ka kukuha ng pera basta bayaran mo ako. At hindi twenty gives kundi TWO GIVES. Dahil kung hindi ipapakulong kita.” Pinagbabantaan pa ako.
“Alam mo fvcking boy. Hindi ko uunahin na bayaran ka dahil marami akong obligasyon sa buhay ko. Hindi kita uunahin kaysa sa gamot ng nanay ko.”
"Wala akong pakialam sa mga problema mo. I have my own problems too."
"Wala rin naman akong pakialam sa sasakyan mo. Dahil kapag natige ang nanay ko ipapamulto kita." Sabi ko sa kanya kaya kumunot na naman ang noo niya.
"YOU'RE CRAZY!"
"Crazy like you, tsk! Tigilan mo nga ako. Uminom ka na lang diyan dahil marami pa akong trabaho." Sabi ko sa kanya.
"Ako ang boss mo ngayong gabi kaya dito ka lang."
"Anong boss, hoy! Tigilan mo nga ako sa mga trip mo sa buhay. Dahil kapag ikaw pinagtripan ko sira buhay mo sa akin."
"Anong trip ang sinasabi mo? Hoy! Babaeng pangit, kung gusto mo na may trabaho ka pa. Umupo ka diyan at manahimik." May pagbabanta sa boses niya.
"Tsk! Pangit? Ako pangit?" Tanong ko sa sarili ko. Sa unang pagkakataon ay may nagsabi sa akin na pangit ako.
Italian spaghetti ang beauty ko. Tapos sasabihan lang niya ako ng pangit.
"Hoy! Ikaw fvcking boy ka. Excuse me, I'm not pangit, may lahi akong imported kaya maganda ako. Baka nga mas maganda pa ako sa jowa mo." Mataray na sabi ko sa kanya.
"Imported? Dami mong alam."
"Oo marami talaga, baka ikaw konti lang alam mo. Gusto mo malaman ang mga alam ko?"
"Ano naman aber?"
"Alam ko ang sesmes sa brgy. namin." Sabi ko sa kanya.
"Halata nga, sesmosa ka." Suplado na sabi niya sa akin sabay inom ng alak sa baso niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at manahimik na lang ako. Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko siya. Inabala ko ang sarili ko sa nakatingin sa mga kuko ko at nilaro ko ang mga daliri ko. Nagkunwari ako na wala siya sa paligid ko.
"Akala ko ba marami kang alam?"
Hindi ako sumagot at nagkunwari na wala akong naririnig. Iniisip ko pa lang bukas ang trabaho ko sa canteen ay napapangiti na ako kaagad.
"Bingi ka ba?!" Napauntag ako dahil sa bigla niyang pagsigaw.
"Puwede ka naman po magsalita ng mahinahon. Naninigaw ka pa, hindi naman ako bingi." May diin na sabi ko sa kanya.
"Bingi ka, kasi kanina pa kita kinakausap pero nasa ibang mundo ka."
"Oo kasi may sarili akong mundo at ayaw ko sa mundo mo. Oh, bakit mo ako tinatawag? May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Buksan mo ang tv," utos niya sa akin.
Kaagad naman akong lumapit sa lagayan ng remote at kaagad kong binuksan ang tv.
"Jusmeyo marimar!" Napaupo ako sa gulat dahil bumungad sa akin ang dalawang tao na walang kahit anong saplot sa katawan. Kaagad kong tinakpan ang mga mata ko. Bwisit ang lalaking 'to kung anu-ano ang mga pinapanood.
Nakuha pa niyang tumawa. Habang ako hindi ko alam kung alin ang tatakpan ko. Ang mata ko ba o ang tainga ko? Jusko po! Ang halay nila lalo na naririnig ko ang ungol ng babae. Nakapikit ako at akmang pipindutin ko ang remote nang bigla itong nawala sa kamay ko.
"Huwag mong patayin, nanonood pa nga ako eh."
"Yuck! Ikaw na lang ang manood niyan. Bastos!" Sigaw ko sa kanya bago ako tumakbo palabas sa VIP room.
Lalo akong nainis dahil narinig ko pang humalakhak ito. Bwisit talaga, gwapo pero manyak. Ang bastos, virgin pa ang mga mata ko sa ganoong mga bagay. Dahil sa kanya ay nadungisan na ang malinis kong pag-iisip. Kaagad akong pumunta sa bar counter at humingi ng tubig dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw.
"O, bakit nandito ka?" Tanong sa akin nang manager namin.
"Sir, okay lang ba na umuwi na ako? Sumakit kasi ang tiyan ko," paalam ko sa kanya.
"Masakit ba talaga?" Tanong niya sa akin.
"Opo, masakit at nakailang balik na ako sa banyo. Nakakahiya naman po kung doon ako sa VIP room maglabas ng—"
"Sige na, umuwi kana." Pagtataboy niya sa akin.
"Salamat po," pasasalamat ko sa kanya. Nagpaalam rin ako kay Joy at mas mabilis pa sa alas kwatro akong umuwi sa bahay.
Nang makarating ako sa bahay ay tulog na sila. Humiga ako sa luma kong papag. Naiinis ako dahil hindi ako makatulog. Tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay ang mga mahahalay na palabas ang lumilitaw sa isipan ko. Napabangon pa ako sa sobrang inis ko at sinabunutan ko pa ang sarili ko.
"Bwisit ka talaga! Simula yata ng makilala kita puro kamalasan na lang talaga ang nangyayari sa akin." Naiinis na bulalas ko.
"Che-che, hinga ng malalim. Huwag mong isipin ang nakita mo." Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na wala lang 'yon.
Gising ako pero para akong binabangungot. Kahit na ganun ay pinilit ko pa rin na matulog. Dahil may trabaho pa ako bukas at ayoko naman na maging zombie habang nagluluto ng mga pagkain ng mga bata at ang iba doon ay kaedad ko lang din.
Maaga akong gumising at kagaya pa rin ng dati ay sabay kami ni Joy. Pero habang naglalakad kami ay may biglang dumaan na kotse sa tabi namin. At sakto talagang may tubig kaya tumalsik sa akin. Nabasa ang damit ko.
"Arghhh! Bwisit! Kung minamalas ka nga naman!" Naiinis na sigaw ko.
"Naku, beshy ang dumi na ng damit mo." Sabi sa akin ni Joy.
"Mauna kana beshy, babalik lang ako sa bahay." Naiinis na sabi ko sa kanya. Hindi ako naiinis sa kaibigan ko kundi sa marumi kong damit at sa sasakyan na dumaan.
"Sige, ingat ka ha. Hintayin kita."
Ngumiti ako sa kanya at nagsimulang maglakad pabalik sa bahay. Gusto kong magwala pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Kailangan ko rin magmadali dahil ako ang magluluto ng mga ulam. Nang makapagpalit ako ay pinili kong sumakay makarating lang kaagad sa Academy. 'Yung itinabi ko na pera ay ginamit ko na bigla dahil ayokong mahuli sa trabaho ko.
"Humanda talaga sa 'kin kapag nakita ko ang kotse na 'yon. Bubutasan ko talaga ang gulong niya." Saad ko sa sarili. Nagngingitngit ako sa galit dahil sa mga nangyayari sa akin.
Mabuti at naging maayos ang trabaho ko. Naunang umuwi si Joy. Kaya ako na lang ngayon ang naglalakad pauwi. Habang naglalakad ako ay nahagip ng mga mata ko ang sasakyan na dahilan kung bakit ako nadumihan kanina. Lihim akong napangiti.
"Butas gulong mo sa akin ngayon," nakangisi na sabi ko habang papalapit sa kotse na target ko.