Chapter 5

1365 Words
CHE-CHE'S POV “Beshy! Gising kana ba?!” naririnig kong sigaw ni Joy mula sa labas ng bahay. “Yes, beshy. Ready ka rin na ba?” Tanong ko rin sa kanya. “Hindi nga ako makatulog dahil excited akong pumunta doon sa Academy.” “Ako rin eh,” sagot ko sa kanya. “Let’s…..go!” Masayang sabi niya sa akin. Naglakad lang kami papunta sa Academy dahil wala kaming extrang pera para sa pamasahe. Ngayon kasi kami mag-apply at talagang inagahan namin ang pagpunta. Pagdating namin ay talagang namangha ako sa laki ang ganda ng school nila. Dati tuwing napapadaan ako dito ay pangarap ko na makapasok dito pero may mga bagay na mas mahalaga kaysa sa sarili ko. Kaya hanggang tingin lang muna ako sa ngayon. Pumasok kami at nagtanong sa guard kung saan ang canteen nila. Nang ituro niya sa amin ay kaagad kaming pumunta. Pagdating namin ay wala pa gaanong mga tao. May mga itinanong lang sa amin at sinagot naman namin ng maayos ni Joy. Hindi ko rin nagawang magbiro dahil seryoso na ako ngayon. “Tanggap na kayo,” sabi sa amin ni Ate Sally. “Totoo po ba?” Hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya. “Oo, at magsisimula na kayo ngayon.” "Ngayon po?Agad-agad?" Excited na tanong ko sa kanya. "Oo, ngayon na talaga." Nakangiti na sagot ni ate sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko rin na pigilan ang sarili ko na yakapin siya. Sobrang saya ko lang dahil may stable na akong trabaho at makakabili na ako ng gamot ni inay. Masaya akong nagsimula sa trabaho, katuwang ko si Joy sa kusina. Binigay ko ang best ko at talagang sinarapan ko ang mga pagkain na niluto ko. “Chemmary, ang sarap mo magluto. Halos nagustuhan ng mga bata. At si Sir Sungit ay napa-order pa ulit.” sabi sa akin ni Ate Sally. “Sir Sungit po?” “Oo may professor dito na masungit pero ubod naman ng gwapo.” Sagot niya sa akin. “Ganun po ba? Kapag kumain siya ng luto ko araw-araw ay maging mabait ‘yun.” Pabiro na sabi ko sa kanya. “Hahaha! Malabo ‘yang sinasabi mo, anak.” "Masyado po bang masama ang ugali niya?" Natatawa na tanong ko sa kanya. "Lahat yata ng mga estudyante ay takot sa kanya. Pero bata pa siya nasa bente-singko pa lang yata siya." Marami pang naging kwento si Ate Sally. Kami naman ni Joy ay nakikinig at nakitawa na lang sa kanya. Naubos na ang unang batch ng niluto ko kaya kasalukuyan ulit akong nagluluto. Ang sabi pa nila sa akin ay ngayon lang raw nangyari na nagdagdag pa dahil marami pa ang may gustong kumain at bumili. Nakakapagod man ang araw na ito ay sulit naman ang magiging sweldo ko. Linggohan ang pinili ko dahil kailangan ko laging bumili ng mga gamot ni inay. At pambaon na rin ng dalawa kong kapatid. Tumulong muna kami sa pagliligpit bago umuwi. Pagkarating ko sa bahay ay umidlip muna ako dahil kailangan ko pang pumasok mamaya sa bar. Ngayon pa lang nanalangin na ako na hindi ako sisantihin sa trabaho. Sigurado ako na inaalam na ni Fvcking boy ang bahay ko dahil sa pagsira ko sa side mirror niya. Talagang pinili ko na magpa-late sa pagpasok. Hindi ako sumabay kay Joy dahil ayoko na maagang mapagalitan ng manager. "Chemmary, mabuti naman at nandito kana. Ihatid mo ito sa VIP room." Utos kaagad sa akin ng manager namin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi niya ako pinagalitan. "S-Sige po," kabado na sagot ko sa kanya. Hindi ko rin alam pero kinakabahan talaga ako. Kabado man ay mabilis akong umakyat papunta sa VIP room. Pagbukas ko sa pintuan ay bigla akong sinalubong ng kadiliman. "Mali yata ang pinasukan kong silid. Makalabas nga at itatanong ko ulit." Saad ko sa sarili ko dahil sobrang dilim ng paligid. Akmang lalabas na ako ng biglang bumukas ang mga ilaw. Napapikit pa ako dahil bigla akong nasilaw. Nang idilat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin si fvcking boy. "Ayy kalabaw kang masungit!" Bigla kong bulalas sa pagkagulat. Nakaupo ito sa couch habang may hawak na baso ng alak. Tanging kami lang na dalawa ang narito ngayon. Ngumiti ito sa akin pero alam ko na may kakaiba sa ngiti niya. Alam ko rin na galit ito sa akin. Patay ako nito. Bakit kasi hindi ko naisip ang magiging resulta ng ginawa ko? Bigla akong natakot pero dahil matapang ako. Oo matapang ako, hindi ako puwedeng magpatalo na lang sa kanya. Dahan-dahan kong ibinaba ang dala kong alak sa mesa at hindi ko siya sinulyapan. "Sir, kung may kailangan pa po kayo ay pindutin niyo lang ito." Magalang na sabi ko sa kanya. Akmang lalabas ako nang bigla itong nagsalita. "Saan ka pupunta? Hindi ba sinabi sa 'yo ang trabaho mo ngayong gabi." Seryoso na tanong niya sa akin. "Wala po si lang sinasabi—" "Set down," putol niya sa sasabihin ko pa. "Ho?" "Alam kong narinig mo ako. Do I need to repeat it again?" Masungit na tanong niya sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa dulong bahagi ng couch. Matalim na ngayon ang tingin na ipinukol niya sa akin. "G—Galit ka ba?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. "Sa tingin mo ba dapat maging masaya ako?" Natameme ako sa naging sagot niya sa akin. Alam ko naman na hindi nakakatuwa ang ginawa ko. Pero syempre dapat deadma ako dahil siya naman talaga ang may atraso sa akin. "Malay ko sa 'yo, bakit ako tinatanong mo kung dapat ka ba maging masay—" "Bayaran mo ang sinira mo." "Bayaran mo rin ang tilapia ko!" Mataray na sabi ko sa kanya. "Ayoko!" Mabilis na sagot niya sa akin. "Ayoko rin!" Naiinis na sabi ko sa kanya. "Magbabayad ka o ipapakulong kita?" Pananakot niya sa akin. "Bakit nang muntik mo na akong mabangga at natapon ang mga tilapia ko? Tumawag ba ako ng pulis?" Naiinis rin na tanong ko sa kanya. Akala niya siguro ay matatakot niya ako. Sarap niyang hampasin ng hawak kong tray. "Mukha bang joke ang side mirror ng sasakyan ko?" "Bakit mukha bang joke ang mga tilapia ko?!" "Fvcking sh*t!" "Hoy! Fvcking boy 'wag mo akong minumura ha. Akala mo siguro hindi ko alam mga sinasabi mo." Galit na sabi ko sa kanya. "Magkano ba ang tilapia mo?" "1k, sinabi ko na sa 'yo kahapon diba." Mataray na sagot ko sa kanya. "Okay, babayaran kita pero bayaran mo rin ang sinira mo." Sabi niya sa akin sabay dukot sa wallet niya ng isang libo. Inabot niya sa akin ang pera. Napalunok ako at tinitigan lang ito. "Ayaw mong kunin?" Suplado na tanong niya sa akin. "Kung kukunin ko 'yan, magkano naman babayaran ko sa 'yo?" "Ten thousand." "Ano?! 10k?!" Laglag ang panga ko sa kanya. "Yeah, 10k nga." "Bakit ang mahal?" "Bakit anong tingin mo sasakyan ko?" "Sa 'yo na 'yang 1k na 'yan. Puwede naman hulugan diba. Alam mo ba 'yon? 'Yung parang sa bombay? Saka hindi ko naman 'yon gagawin kung binayaran mo na sana ako agad." Tanong ko sa kanya. "Puwede naman, pero two gives." Nakataas ang isang kilay niya habang nagsasalita. "Grabe ka naman sa two gives. Puwede ba na linggohan, five hundred?" Tanong ko sa kanya. "Hindi puwede," matigas na sabi niya sa akin. "Kahit anong piga mo sa akin ay hindi ko kaya ang two gives." Naiinis na sabi ko sa kanya. "Puwede mo naman akong bayaran sa ibang paraan." Sabi niya bigla sa akin. Umusod ito papunta sa akin at ako naman ay sumiksik pa lalo sa dulo ng couch. Kahit na alam kong wala na akong uusuran. Lumapit ang mukha niya sa akin. Sh*t! Ang gwapo niya talaga, saad ko sa sarili. Pero kaagad ko rin namang sinaway ang sarili ko dahil hindi ito ang oras para purihin ko siya. "A—Anong paraan ang sinasabi mo?" Nauutal na tanong ko sa kanya dahil sa kinakabahan ako sa sobrang lapit na niya sa akin. Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya na para bang may binabalak na masama sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD