CHE-CHE’S POV Ang ganda ng ngiti ko habang papalapit sa kotse. Panay din ang yuko ko para maghanap ng pwede kong gamitin para butasin ang gulong. Lalong lumawak ang ngiti ko ng may makita akong may kalawang na pako. Kaagad ko itong dinampot. “Butas ka sa akin ngayo—” “Miss, anong ginagawa mo dito?” Tanong sa akin nang guard. “Hello kuya. Nahulog kasi ang singsing ko. Hinahanap ko lang,” palusot na sagot ko sa kanya. “Tulungan na kita.” “Naku! Nakita ko na, sige alis na po ako.” Paalam ko sa kanya. Mabilis akong naglakad palayo kay kuyang guard. Mabuti na lang hindi ko pa nabubutas ang gulong dahil kapag ako nahuli baka ipakulong ako ng may-ari. Mukha pa namang mamahalin ang kotse niya. Pero kahit na mamahalin pa ay kailangan kong makaganti sa kanya. "Sayang, pero may next time pa