CHE-CHE’S POV
“Besh! Tikman mo na nga ito!” Sigaw ko kay Joy galing dito sa kusina.
“Luto na, besh?!” Tanong niya sa akin.
“Hindi pa besh, hilaw itong titikman mo.” pabiro na sabi ko sa kanya.
“Mukhang masarap, amoy pa lang ulam na.” Sabi niya sa akin.
“Ulam naman talaga ‘yan, besh.”
“Besh, huhuhu!” umiiyak na tawag niya sa akin.
“Bakit ka umiiyak? Nagbibiro lang ako, tahan kana.” sabi ko sa kanya.
“Hindi naman ako umiiyak dahil sa sinabi mo.” Sagot niya sa akin.
“Eh, saan ka naiyak?” Tanong ko sa kanya.
“Sa niluto mo, huhuhu!”
“O, bakit ka naman umiyak lalo?” Tanong ko sa kanya.
“Kasi….”
“Kasi ano?” Tanong ko sa kanya kasi pinutol pa niya ang sasabihin niya.
“Kasi sobrang sarap,” sagot niya sa akin na ikinatulala ko. Ang buong akala ko talaga ay kung ano na ang nangyari sa kanya pero ‘yun lang pala. Nasarapan lang pala siya.
“Kinabahan ako sa ‘yo, next time ‘wag ka naman umiyak na para bang may nangyari sa ‘yo.” Sabi ko sa kanya.
“Okay besh, pahingi ako nito ha. Ipapatikim ko rin sa mga kapatid ko.” Sabi niya sa akin.
“Sige besh,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
Mapagmahal na anak si Joy lalo na sa kanyang mga kapatid. Wala kang masasabi pangit sa kanya pagdating sa pamilya niya. Pareho kaming dalawa, mahalaga sa amin ang pamilya namin. Na kahit kami ang panganay ay mas pinipili namin ang magparaya at akoin ang mga responsibilidad na dapat ay ginagawa ng mga magulang namin.
“Besh, uwi na ako. Kita tayo mamayang gabi sa bar.” Sabi niya sa akin.
“Sige, ingat ka!” Sigaw ko sa kanya mula dito sa banyo.
Tuwing gabi ay kumaraket kami bilang waitress sa isang kilalang bar dito sa amin. Dagdag kita rin para sa renta sa bahay, waitress lang at walang halong service ang ginagawa namin. Nagsisimula kami ng alas siyete hanggang alas dose kaya nakakatulog pa ako ng sapat para magtinda ng isda sa umaga.
Tuwing hapon ay ginagawa ko naman ang mga gawain dito sa bahay. May sakit si inay at hindi na siya puwedeng magtrabaho pa. Kaya madalas kinakapos kami dahil sa maintenance niya. Nasa paaralan pa ang mga kapatid ko kaya kami na lang ni inay ang sabay na kumakain sa tanghali.
“Anak, mamaya na ‘yan. Kakatapos mo lang kumain maglalaba ka na kaagad.” pigil sa akin ni inay.
“Ibabad ko lang po muna, para mamaya ay mabilis na pong kusutin.” sagot ko sa kanya.
Nang matapos kung ibabad ay agad kung kinuha ang gamot ni inay para makainom na siya. Marami akong nabili sa pera na binigay sa akin ni Madam Deday.
"Nay, uminom na po kayo ng gamot niyo." Sabi ko sa kanya.
"Anak, pasensiya kana, kung nagiging pabigat na ako sa 'yo." Malungkot na sabi sa akin ni inay.
"Naku, 'wag mong isipin 'yan. Ang mahalaga po ay okay kayo. Kayang-kaya ko po ito, kaya 'wag kayong mag-alala sa akin." Nakangiti na sabi ko sa kanya.
"Hindi man ako swerte sa mga naging karelasyon ko ay, swerte naman ako sa inyong mga anak ko."
"Oo naman, gwapo at magaganda ang lahi natin." Pabiro na sabi ko sa kanya.
"Ikaw talaga, magpahinga kana muna. Ang dami mong ginagawa, natatakot ako na baka mauna kapa sa aking matige." Sabi sa akin ni inay.
"Hindi pa ako puwedeng matige agad, inay. Hindi ko pa nakikilala ang prince charming ko. Ang pag-aalalayan ko ng aking bulaklak, hahaha!" Natatawa na biro ko sa kanya.
“Naman, ibabahagi mo pa ang lahi natin.” Sagot niya sa akin.
Sabay kaming tumawa ni Nanay. Nang makainom na si nanay nang gamot ay bumalik ako sa likod ng bahay para simulan na ang labahan ko. Masaya akong naglalaba pero nasira lang nang maalala ko ang bwisit na lalaki na ‘yun.
Humanda ka talaga sa akin. Sana bukas ay hindi na kita makita. Ayoko ng palanguyin sa kalsada ang mga tilapia ko. Kausap ko sa sarili ko. Nang matapos na akong maglaba ay umidlip muna ako dahil mamayang gabi ay may pasok pa ako sa bar.
“Anak, gising na. Diba may pasok ka pa sa bar ngayon?” Gising sa akin ni inay.
“Ano oras na po?” Tanong ko sa kanya.
“Alas sais na anak. Mukhang pagod ka sa mga labahin natin. Huwag kana kayang pumasok.” Sabi niya sa akin.
“Nay, papasok pa rin po ako. Okay lang ako malakas ang anak mong ‘to.” Sabi ko sa kanya.
“Basta anak, hindi masama na magpahinga rin. Alam ko na dahil sa akin kaya ka nagtatrabaho ng mabuti. Pero sana ay ‘wag mong kalimutan na may buhay ka rin. Gusto ko na mag-enjoy ka.” ani niya sa akin.
“Opo, sige po maligo na ako.” Paalam ko sa kanya dahil matatagalan na naman kami kapag hindi pa ako umalis para maligo.
Maloko akong babae pero pagdating sa pamilya ko ay malambot ang puso ko. Hindi ko kaya na nahihirapan sila. Binilisan ko ang bawat kilos ko para hindi ako mahuli sa trabaho ko.
“Magandang gabi sa ‘yo, Chemmary.” bati sa akin ng bouncer.
“Gandang gabi, Dags.” Nakangiti na bati ko sa kanya. Dags short for Dagul. ‘Yun kasi ang tawag sa kanya.
Mababait ang mga ka-trabaho ko kaya hindi ako nahihirapan. Madalas ay tinutulungan pa nga nila ako.
“Besh, sensya na late ako.” Sabi sa akin ni Joy.
“Okay lang ‘yan, konti pa lang naman ang mga tao.” sagot ko sa kanya.
“Chemmary, pakidala itong drinks sa VIP room.” utos sa akin ng manager.
"Okay, Sir." Sagot ko at kinuha ko ang mga alak para sa VIP customer namin.
Kapag VIP ay mga mayayaman talaga ang naroon. Kaya madalas ay hindi ako ang naghahatid. Pero ngayon ay ako ang inutusan niya. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang mga babae at lalaki na naghahalikan. Jusko ganito ba talaga ang mga mayayaman.
"Excuse me, here's your order Sir/Ma'am." Sabi ko sa kanila.
Walang sumagot sa akin kaya ibinaba ko na lang. Abala kasi sila masyado. Habang palabas ako ay may bumangga sa akin.
"Sorry po, Si—"
"Ikaw?" Panabay namin na anas.
"What are you doing here?" Suplado na tanong niya sa akin.
Shet ang pogi niya. Wala na itong suot na shades pero hindi. Hindi ako dapat magpadala sa pagiging pogi niya.
"Bayaran mo ako! Hindi mo man lang binayaran ang mga tilapia ko." Naiinis na sabi ko sabay singil sa kanya.
"Kasalanan ko ba na tanga ka," parang wala lang na sabi niya sa akin.
Kahit na gusto kong makipag-away sa kanya ay pinigilan ko ang sarili ko. Ngumiti ako sa kanya bago ako tumalikod. Kailangan ko ang trabaho na ito at kailangan kong magpigil ng galit ko. Nakailang balik din ako sa loob ng VIP room at nandoon si fvck-fvck.
Mukhang trip niya ako ngayong asarin. Humanda talaga siya sa akin. May araw rin siya. Pasamalat ako dahil natapos na ang oras ng trabaho ko. Habang naglalakad kami ni Joy ay napansin ko ang kotse niya. Mabilis akong lumapit at sinipa ko ng malakas ang side mirror niya kaya tumunog ang sasakyan ng malakas kasabay ng pagkalas ng side mirror. Mabilis kaming tumakbo ni Joy.
Hiling ko na hindi ako mamukhaan ng cctv sa bar. Mukhang malinaw pa naman 'yun. Nakaganti rin ako sa kanya. Kala niya siguro ay ganun ako kahina. Huwag na sana kaming magkita pa. Dahil kahit gwapo siya ay tatamaan talaga siya sa akin.
Habang naglalakad kami pauwi ay biglang nagsalita si Joy.
"Besh, may bakanteng trabaho doon sa canteen sa Colmish Academy. Apply tayo bukas." Sabi sa akin ng kaibigan ko na si Joy.
"Sige besh, kailangan ko na rin talaga ng stable na trabaho para sa maintenance ni nanay." Sagot ko sa kanya.
Bukas ay susubukan ko kung ano ang bakante doon sa paaralan na 'yun. Isa lang ang alam ko, paaralan siya ng mga mayayaman. Sana ay pumanig sa akin ang kapalaran at matanggap ako sa trabaho doon.