JAYSON'S POV (PAST TO PRESENT) "Jayson, gumising kana diyan. Diba may pasok ka pa?" Niyugyog ako ni Mommy. "Mom, five more minutes." "Tigilan mo ako, panay ka kasi punta sa bar. Alam mo naman na may pasok ka pa pero naglasing ka kagabi!" Sigaw niya sa akin. Kaagad ko naman niyakap si mommy. She's super maingay pero siya ang pinaka- the best mommy. Malambing siya at maalaga sa amin. "Dinadaan mo na naman ako sa mga paganito mo. Bumangon kana diyan, manang-mana ka talaga sa ama mo. Kapag ikaw may nabuntis na babae. Hahayaan na kitang maikasal sa kanya. Para maghirap ka, lalo na kapag hindi mo mahal ang babae." Sabi niya sa akin. "Mom, marami po akong stocks." Sagot ko naman sa kanya. "Pasaway ka talaga! Talagang may pa-stocks ka pa." Naiinis na sabi niya sabay hampas sa braso ko. "M