CHE-CHE'S POV
“Besh, salamat sa pagtulong sa akin na ilako ang mga pechay ko.” Pasasalamat sa akin ni Joy.
“No, problem Joy. Your paninda is also may paninda.”Sagot ko sa kanya.
“Gumagaling na talaga ang englishing mo besh.” aniya sa akin.
“Diba bilib ka na naman sa 'kin? Steystey ka lang sa tabi ko dahil marami ako baon na mga wordi dito. Whenever you're in trouble just yell for help.” Sagot ko sa kanya.
“Besh, diba words 'yon?” Tanong pa niya sa akin.
“Kita mo 'to kinukorek pa 'ko, wala ka bang tiwala sa 'kin. Kumain nga muna tayo ng mami, doon sa mamihan ni Lome.”
“Alam mo ba besh—”
“Diko pa alam,” pabiro na putol ko sa sasabihin niya.
“Yan ka na naman,” nagtatampo na sabi niya sa akin.
“Ikaw talaga, nagbibiro lang naman ako,” sabi ko sa kanya at inakbayan ko siya.
“Nagtataka lang kasi ako, doon sa may mamihan. Kasi ang pangalan MANG LOME pero mami at pares ang binebenta nila.” Sabi niya sa akin. Napaisip rin tuloy ako sa sinasabi niya.
“Oo nga noh, bakit kaya? Pero alam mo baka naubusan lang sila ng lome kapag pupunta tayo. Matanong nga mamaya.” Saad ko rin sa kanya.
“Tayo na nga, gutom na talaga ako.” Yaya ni Joy sa akin.
Naglakad kami papunta kay Mang lome na mamihan. Kaagad kaming pumasok sa maliit nilang pwesto. Kahit na maliit ay sigurado naman na malinis ang pagkain na itinitinda nila.
“Mga ganda ano sa atin?” Tanong sa amin ni Aling Cora.
“May Lome po ba kayo, Aling Cora?” Tanong ko sa kanya.
“Wala mga ganda, mami at pares lang.” sagot niya sa aki. It's confirmed wala nga silang lome. Mami lang talaga ang binebenta nila.
“Aling Cora, bakit po MANG LOME ang pangalan ng mamihan kung hindi naman lome ang binebenta niyo?” Tanong ni Joy kay Aling Cora.
“Susmaryosep kang bata ka! Pangalan lang ‘yan ng asawa ko, Bartolome kasi ang pangalan ng namayapa kong asawa.” Sagot niya sa amin.
“Namayapa po as in deads na?!” Panabay na tanong namin ni Joy.
“Oo kaya kung ako sa inyo ‘wag kayong maghanap ng lome kung ayaw niyong multuhin niya kayo.” Pananakot niya sa amin.
“Ilang taon po ba namatay si Mang lome?” Tanong ko sa kanya.
“Eighty years old,” sagot niya sa amin.
“Ayy, mahina na tuhod niya. Hindi na niya kami kayang habulin.” Sagot ko kay Aling Cora na ikinatulala niya.
Siniko ko si Joy kaya tumingin siya sa akin.
“Sibat na,” utos ko sa kanya.
“Ha? Bakit?” Tanong niya kaya ininguso ko si Aling Cora na hawak na ngayon ang malaking sandok.
“Aling Cora sa susunod na lang po kami kakain kapag may lome na!” Sigaw ko sa kanya habang mabilis na kaming tumatakbo ni Joy.
“Bumalik kayo dito! Mga pasaway na bata!” Sigaw niya sa amin.
“W-Wait lang besh, tumigil ka nga muna.” Hinihingal na pigil sa akin ni Joy.
“Bakit besh?” Nagtataka na tanong ko sa kanya.
“Bakit ba tayo panay takbo? Eh may rayuma na ‘yon si Aling Cora. Mahina na tuhod niya para habulin pa tayo.” Sabi niya sa akin.
“O-Oo nga noh, hayaan mo na. Siguro bumili na lang tayo ng tinapay sa panaderya ni monay.” Sabi ko sa kaibigan ko.
“Isa pa ‘yon, monay ang pangalan pero walang paninda na monay.” Sabi sa akin ni Joy.
“Hayaan mo na ikaw nga Joy pero d*gyot.” Pabirong sabi ko sa kanya.
“Nanakit kana ng damdamin ha.” Masama ang tingin na sabi niya sa akin.
“Syempre joke lang ‘yon. Ikaw talaga, alam mo naman na tayo ang pinakamaganda sa squamy. We are the squamy queens.” Sabi ko sa kanya.
“Oo naman height na lang kulang—”
“Sa ‘yo,” sabi ko kaya sinamaan na naman niya ako ng tingin. Tuwing ganito siya sa akin ay lalo akong natutuwa sa kanya. Madalas ay pinagtitripan ko na lang siya at ganun rin siya sa akin.
“Pasalamat ka matangkad ka.”
“Thank you,” pabiro ko pa na sagot sa kanya.
“Forenger kasi ang tatay mo ako kasi tatay ko penoy na walang sisiw hahaha!” Natatawa na sabi niya sa akin.
Nagtatawanan naman kaming dalawa. Minsan napagkakamalan kaming may sayad pero ang totoo ay palabiro lang kami. Minsan kasi hindi naman namin sinasadya na lumabas sa bibig namin. Sadyang may sayad lang kami kapag hindi nakainom ng gamot hahaha! Syempre biro lang ‘yun.
“Besh, sa bahay ka kumain ng tanghalian ha. Tikman mo ang bagong putahe na iluluto ko mamaya. Magiging additional menu 'yon sa akin soon to be…. Karinderya…” Masayang sabi ko sa kanya.
“Salamat naman at libre chibog na naman ako. Ako ang magiging judge ng ulam mo dahil jugderist ako.” Sagot niya sa akin.
“Okay, okay jugderist Joy.” pabiro na sagot ko sa kanya.
Masasabi ko na ang pagluluto ang pinaka-talento na meron ako. Pangarap ko na magkaroon ng karinderya. Gusto kong mag-ipon ng pera para sa aking soon to be karinderya.
“Ano nga ulit pangalan ng karinderya mo besh?” Tanong niya sa akin.
“CHE-CHEBOGS KARINDERYA.” Sagot ko sa kanya.
“Ganda ng pangalan pang sosyal.” Natutuwa na sabi pa ni Joy.
“Chechecha para mabusog.” Sabi ko sa kanya.
“Bright color mo talaga,” sabi niya sa akin.
“Naman, tara na nga mauubos ang laway ko kakadaldal sa 'yo.” Sabi ko sa kanya dahil nauubos oras namin sa sesmes.
Naglakad kami papunta sa panaderya ni monay. Habang naglalakad kami ay nakita namin si Amelia. Masama ang tingin niya sa amin.
“Besh, sama ng tingin ni Kulubot patola,” sabi sa akin ni Joy.
“Hayaan mo siya, baka umiyak na naman 'yan mamaya kapag pinansin natin siya.” Sagot ko sa kanya.
“Tinitingin tingin mo jan? Gusto mo putulin ko ‘yang patola mong kulubot?” Paghahamon ni Joy kay Amelia na di man lang pinakinggan ang sinabi ko.
“Sinong tinakot mo Joy? Joyngoloid”
“Besh, ano ang Joyngoloid?” Tanong naman sa akin ni Joy.
“Diko alam besh basta feelingsh ko masamang word ata ‘yun,” pabulong kong sagot sa kanya.
“Joyngoloid mo mukha mo sampal ko sa ‘yo monay ko para naman sumaya araw mo.” Pagbabanta ni Joy kay Amelia.
“Alam mo Joy napaka-sweet mo talaga no, para kang dessert anong flavor mo? Crema De P*ta?” Hindi naman magpapatalo na banat ni Amelia.
“Ikaw nga eh CREMA DE LECHE! Kasi leche ka sa buhay ko patolang kulubot.”
“Nag reklamo ba ako sa pechay mong lanta na kinulang sa dilig!”
“Hoy! Excuse me and you. Para sabihin ko sa 'yo. Fresh na fresh ang pechay ko. Three times a day ang dilig. Eh 'yung patola mong kulubot halatang kinulang sa dilig. Dry na dry like you…. You….!” Pang-aasar na sagot ni Joy. Nakita ko na parang iiyak na naman si Amelia.
“Joy, hayaan mo na siya, baka umiyak na naman 'yan mamaya.”
“Hahaha! Napakaiyakin kasi niya.” Dagdag pa ng siraulo kong kaibigan na mana sa akin.
“Hindi ako iyakin!” Sabi naman ni Amelia sa akin.
“Joy, let’s go na nga! Don’t make patol-patol to that mukhang katol,” sabi ko sa kaibigan.ko.
“Anong sabi mo? Katol ako?” Parang iiyak na talaga na tanong ni Amelia sa akin.
“Alam mo, Amelia. Bakit hindi mo gayahin si Mark, tahimik lang.” Sabi ko sa kanya sabay turo sa boyfriend niya.
“Makakaganti rin ako sa inyo. Masyado na kayong mapang-api.”
“Eh kung tahimik ka lang tulad ni Mark. Tahimik rin sana buhay mo, diba Mark?”
Talagang pinangatawanan niya ang pagiging tahimik niya dahil hindi siya sumagot sa akin. Alam ko na nahihiya ito sa akin dahil alam na alam sa area namin na may gusto siya sa akin. Kaya alam ko na ang dahilan kung bakit galit sa akin si Amelia. Naglakad na kami ni Joy pauwi sa bahay. Ayoko ng patulan pa dahil mas nai-excite ako sa lulutuin kong ulam. Gamit ang tilapia na lumangoy sa kalsada kanina. Na tuwing naalala ko ay kumakati ang kamay ko na basagin ang kotse nang bwisit na lalaki na ‘yun. May araw rin siya sa akin, hindi ko hahayaan na manaig ang gabi. Baka biglang maputol ang katawan ko at hanapin ko bahay nila. Charot!