CHE-CHE'S POV "Bwisit ka talaga!" Sigaw ko sa kanya dahil sa sobrang inis ko. "Bilisan mo na diyan dahil marami ka pang trabaho na naghihintay sa 'yo!" Sigaw rin niya sa akin. Bwisit talaga ang lalaking 'to. Wala siyang puso, balunbalunan at atay. Napakasama ng ugali, nakakagigil siya. Yawa talaga, kumukulo ang dugo ko sa kanya at sarap niyang layasan. Kung iisipin ay bayad na, ang 10k niya sa pagod ko sa pag-akyat pa lang sa hagdanan. Isang floor isang libo. Hinayaan ko siya at nakaupo pa rin ako. Dahil nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. Nauna na itong pumasok sa unit niya. "Miss, are you okay?" Biglang may nagtanong sa akin. "Okay lang po ak—" sh*t! Ang pogi saad ko sa sarili. Parang artista, matangkad at talagang makalaglag panty ang kagwapuhan niya. Mabuti na lang bago itong pa