CHE-CHE'S POV Napapaisip ako sa alok niya sa akin. Kung iisipin nang mabuti ay talagang nakaka-tukso ang offer niya. "Sigurado ka ba na 10k isang araw?" Tanong ko pa sa kanya para maka-sigurado ako. "Mukha ba akong nagbibiro?" Seryoso na sagot niya sa akin. "Pwede ba ako humiram ng selpon mo?" Tanong ko sa kanya. "Why?" "Tatawagan ko lang si Rain." "Pumapayag kana ba?" Tanong niya sa akin. "Wala na bang itataas ang 10k?" Pabiro na tanong ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya. Alam ko na nagmumukha akong pera pero nagbibiro lang naman ako. "Char lang! Hahaha! Pero teka lang, bakit ang laki ng bayad mo?" Tanong ko sa kanya. Dahil ngayon lang talaga ako naka encounter ng 10k maglilinis lang sa condo niya tapos isang araw lang 'yun. "Gusto ko lang, saka marami akong