CHE-CHE'S POV Tama nga ako dahil sumakit lang naman ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko tuloy ay eighty years old na ako at may rayuma na. Nahirapan tuloy akong bumangon kanina. Pero kinaya ko dahil kailangan kong pumasok. Pagdating ko sa canteen ay kaagad akong nagtrabaho. Wala si Joy dahil may sakit, kaya mag-isa lang ako ngayon sa kusina. "Chemmary, tulungan mo muna ako. Nagsabay-sabay ang breaktime ng mga bata." Sabi sa akin ni Ate Sally. "Sige po," sagot ko sa kanya. Lumabas ako at tumulong ako sa kanya. Ang dami ng mga estudyante at halatang mga mayayaman. Nakangiti sila sa akin kaya napangiti naman ako. Ang buong akala ko ay masungit ang mga ito dahil nga mga rich pero hindi naman pala lahat. "Sir Rodriguez, alin po ang gusto niyong ulam ngayon?" Rinig ko na tanong ni Ate. Da