CHE-CHE'S POV "Anak, kumusta ang araw mo? Nandito pala si Jayson. May dala siyang pagkain, pinadala daw ni Madam sa atin." Sabi sa akin ni nanay. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni nanay. Tumingin ako kay Jayson pero tahimik lang ito ngayon. Alam ko na nagsisinungaling lang siya. Kakagaling lang niya sa Academy at malayo pa ang bahay nila madam para kunin niya ito doon. Ano siya lumipad? Ngumiti na lang ako kay inay bago pumasok sa maliit kong silid. Pagpasok ko ay kaagad akong umupo sa luma kong papag. Tinatamad akong kumilos lalo na alam ko na nasa labas lang si fvcking boy. Sa tingin ko ay may hidden agenda siya sa akin o sa pamilya ko. Hindi siya pupunta dito para lang sa wala. Pero bakit nga ba siya pumunta dito? Biglang sumakit ang ulo ko. Hindi kaya sinisingil na niya ako? Nag