CHE-CHE'S POV Kaagad akong sumunod sa kanya sa loob ng bahay namin. Nagulat ako dahil gising pa pala si inay. Nagtataka ako dahil hindi man lang ito nagtanong kung bakit kasama ko si Jayson. "Nay, saan ko po siya papatulugin?" Mahinang tanong ko kay inay. "Sa kwarto mo, may kutson doon at may electric fan. Kaysa dito sala malamok. Nakakahiya naman kung dito mo siya patulugin." Sagot naman sa akin ni inay. "Doon kana sa kwarto ko matulog." Sabi ko kay Jayson. "Saan ka matutulog?" Tanong naman niya sa akin. "Dito na lang ako sa labas." "No, ako na lang dito." Mabilis na kontra niya. "Pero malamok dito," sagot ko sa kanya. "Okay lang, makatikim man lang sila ng gwapo." Sagot niya sa akin na ikinangiti ko. Marunong din pala siya magjoke. Hindi kasi halata. Saka ang swerte rin naman t