CHE-CHE'S POV Unang bumungad sa akin ang puting kisame. Oh my gosh! Tige na ba ako? Nakikita ko na ba si San Pedro? Jusko po hindi pa po ako handa. Hindi pa ako prepared. Mahal ko pa buhay ko. Help! Napabalikwas ako ng bangon. "Miss, anong nararamdaman mo?" Tanong sa akin ng isang magandang babae. "Miss, patay na ba ako? Isa ka bang anghel?" Tanong ko sa kanya. "Miss, buhay na buhay ka. Nahimatay ka lang pero hindi ka pa patay." Natatawa na sagot niya sa akin. "Hehehe! Akala ko kasi natige na ako." Sagot ko rin sa kanya kaya tumawa ito. Nakahinga naman ako ng maluwag. Ang buong akala ko talaga ay nakikipag sabong na ako kay San Pedro. Bumangon ako dahil naalala ko na may trabaho pa pala ako. "Miss, nasaan pala ako?" Biglang tanong ko sa babaeng maganda. "Nandito ka sa Academy c