Chapter 2

1381 Words
CHE-CHE'S POV "Maiba tayo, buti binili pa ang mga tilapia?" Tanong niya sa akin. "Oo binili pa rin ni Madam Deday." Sagot ko sa kanya. "Madam Deday?" Parang hindi naniniwala na tanong niya sa akin. "Si Madam Deday nga, alam mo ang kulit mo rin talaga." "Ang swerte mo naman," aniya sa akin. "Kilala mo ba siya?" Tanong ko sa kanya. "Oo naman sila ang may-ari ng malaking bahay doon sa bungad ng subdivision. Minsan na akong nakapasok sa bahay nila nang isinama ako ni inay." Sagot niya sa akin. "Kanila pala 'yon. Kung nakita mo lang siya kanina ay napakasimple lang niya manamit. Kung hindi siya naka kotse ay hindi mo akalain na mayaman siya." Sabi ko kay Joy. "Ang alam ko, dating maid si Madam ng isang propesor na naging asawa niya." "Talaga! Ang swerte pala niya sa buhay." Namamangha na sabi ko. "Sinabi mo pa, lahi sila ng magaganda at gwapo. Pag nakita mo siguro mga anak niya kahit na masikip ang garter ng panty mo baka bigla masira at malaglag." Humahagikgik na parang kiti-kiti na saad niya sa akin. "Grabe naman 'yan. Bakit hinila ba nila panty mo? Kung ako 'yon hahawakan ko ng mabuti ang panty ko. Sayang din kasi kapag nasira. Ang mahal kaya ng panty ngayon, hindi ko pa nga 'yon tapos bayaran kay bombay. In short hulugan ko lang ang panty ko." Sabi ko sa kanya. "Akin nga one month to pay. Avon tatak, minsan kapag wala akong pambayad two months to pay na. Matibay 'to nabubutas lang pero di nalo-loose thread, pero para sure na hindi mahulog hinigpitan ko ang kapit." "Buti nga 'yang sa 'yo buwanan. Akin nga arawan ang hulog. Minsan nagtatago na nga ako sa bombay eh. Sabi ba naman sa akin, ligawan daw ako para libre na lang daw ang mga panty ko." "Jowain mo na, para libre ang mga panty mo na soen." Natatawa na sabi sa amin ni Joy. "Ayaw ko nga, kahit na butas-butas pa mga panty ko at magbayad ako araw-araw. Hindi ko 'yun jojowain. Teka lang, bakit ba nandito pa rin tayo? Diba maglalako tayo ng pechay mo." Sabi ko sa kanya bigla. "Oo nga, kasi naman ikaw eh." "Anong ako? Halika na nga, para maubos na 'yang pechay mo. Ilako na natin habang fresh pa. Kaysa naman mamaya lanta na." Hinila ko na siya papunta sa palengke. Wala kaming puwesto kaya ilalako lang namin doon para na rin mabilis maubos. "Pechay kayo diyan, fresh na fresh!" Sigaw ko dito sa palengke. "Paano mo nasabi na fresh 'yan?" Tanong sa akin ng kontrabida na si Amelia. "Mas fresh pa 'to sa 'yo. Nakita mo 'to, makinis, maganda higit sa lahat malinis." Pang-aasar na sagot ko sa kanya. "Bakit parang ako ang nilalait mo?" Nanlalaki ang butas ng ilong na tanong niya sa akin. "Anong nilalait? Sinasabi ko lang kalidad ng pechay ni Joy. Eh 'yang patola mo, fresh ba 'yan?" Tanong ko sa kanya. "Oo naman fresh 'to!" Mabilis na sagot niya sa akin. "Eh ba't kulubot?" Maarte na tanong ko sa kanya. "Hindi kulubot ang patola ko. Iyang pechay mo nga lanta na." Pagtatanggol niya sa patola niya. "Lumapit ka dito," utos ko sa kanya. "B-Bakit?" Nauutal na tanong niya sa akin. "Para malaman mo kung gaano ito ka fresh. Hindi mo ba alam kung saan 'to galing?" Sabi ko pa sa kanya. "Saan?" "Sa lupa, saan ba dapat galing ang pechay?" "Ewan ko sa pechay mong lanta na" "Kulubot." "Lanta" "Kulubot, kulubot, kulubot ang patola mo." Pang-aasar ko sa kanya. "Lanta nga 'yang pechay mo!" Naiinis na siya ngayon. "Excuse you and me, fresh na fresh ang pechay ni Joy." Nakapamewang na sabi ko sa kanya. "Fresh daw, kwento mo sa pagong." Inirapan pa ako. "Ikaw nga kulubot na nga 'yong patola pati ba naman nagtitinda." Pang-aasar ko pa sa kanya. "Bawiin mo sinabi mo, bawiin mo." Umiiyak na utos niya sa akin. "Ayaw ko nga, bakit ko babawiin? Ano ba 'yan. Napaka-iyakin mo naman, Joy pasayahin mo nga ito. Tulo uhog na eh." Utos ko sa kaibigan ko. "Peekaboo! Where is Amelia? Peekaboo! Peekaboo, b*bo!" Nagsimula na si Joy pero lalo lang umiyak si Amelia. "Ano ba naman 'yan Joy? Galingan mo naman. Hindi naman siya natawa kundi lalo mo lang pinaiyak." Kunwaring sabi ko kay Joy. "Sorry na ito na, Amelia, Amelia, yes Joy-joy, eating patola no Joy-joy telling lies no Joy-joy open your mouth hahaha!" Kumakanta na si Joy at sabay acting kasama ang patola ni Amelia. Ako naman tawa ng tawa dahil uto-uto rin talaga ang kaibigan ko. Nabulunan pa siya sa kakaasar kay Amelia. "Bwisit ka huhuhu." Umiiyak na sabi ni Amelia sabay tutok ng patola kay Joy. "Round one fight," ako naman ang nagsilbing referee sa kanilang dalawa. Kumuha naman ng patola si Joy at kaagad na itinutok kay Amelia. Nagsimula na silang maglaban gamit ang patola. May mga nanonood na kaya naman naglagay na ako ng lata. Siyempre kailangan nila magbigay. Hindi pwede ang libreng sine dito hahaha! "Piso, piso lang! Hulog na kayo pang icetubigbeh lang po! Wala na pong libre ngayon kaya arat na, pwede kayong tumaya kung sino sa dalawa ang manok niyo. Sa team patola o team pechay?" Sigaw ko kaya mabilis namang nagsilapit ang iba na nais tumaya. "Ipapakita ko sa 'yo na fresh ang patola ko." Naiinis na sabi ni Amelia habang patuloy sa pag-atake kay Joy. "Sige nga ihampas mo nga 'yan sa ulo ko. Kung talaga bang fresh 'yan." Utos ni Joy kay Amelia. "Ipapakita ko sa 'yo na hindi ito kulubot. Fresh ang patola ko fresh!" Sigaw niya kasabay ng pagpalo niya sa ulo ni Joy. "Kitam, kulubot na bulok pa ang patola mo naputol eh. Ano ba 'yan may nanalo na?" Sabi pa ni Joy kay Amelia. "Besh, announce mo na ako nanalo." Utos sa akin ni Joy. "At ang nagwagi…tan, tan, tan, tan…. Teaaammmm…. Pechay!" Anunsyo ko. "Woah! I am the championist! Championist, championist!" Paulit-ulit na saad ni Joy. Mabilis naman na nagwalk-out si Amelia. Pero nagulat ako dahil bigla na lang natumba si Joy. "Besh, gabi na ba? Bakit may mga stars?" Tanong niya sa akin bigla. "May nakita ka bang, twinkle twinkle little star how i wonder what you are? Akala ko ba matigas 'yang ulo mo?" Tanong ko sa kanya with matching kanta. Sa ganda ng boses ko tiyak aantokin siya. Kung pwede lang ako sumali sa the voice of the voices ay ako siguro ang magiging kampyon. "Akala ko rin besh, mas matigas pala patola niyang kulubot." Sagot niya sa akin na ikinatawa namin pareho. "Ilako na natin itong refreshing pechay mo. Kumita pa tayo sa patola ni Amelia. Mamaya na lang ang hatian." Aya ko sa kanya at nagsimula kaming magtinda ng mga pechay niya. "Dalasan ko na nga ang pang-aasar sa kanya. Nagkakapera pa tayo hahaha." Saad sa akin ni Joy. "Hahaha! Last na 'yon, naawa ako bigla." Sabi ko sa kanya. "Kung sabagay, napaka iyakin kasi. Pero lakas magmaldita, parang ang nanay niyang sesmosa." Natatawa na sabi pa ni Joy sa akin. Ganito palagi ang araw namin ni Joy. Masaya kaming nagtitinda para may maiuwi kami sa pamilya namin. Mahirap ang buhay na kinagisnan ko kaya sinisikap ko na may kitain para may pambili kami ng pagkain. Ako ang panganay kaya nasa akin ang malaking responsibilidad. Anim kaming magkakapatid ang lahat kami mga panganay pero ako ang pinakamatanda. Universal ang lahi namin. Isa lang ang pinoy, 'yon ang bunso namin. Ako ang tatay ko naman ay isang Italyano. Nabuntis si inay at hindi na bumalik dito sa Pilipinas ang ama ko. Kaya marami ang nagsasabi na maganda ako. Pero kahit na maganda ako ay hindi pa rin naman nagbago ang buhay ko. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral high school nga ay hirap na si inay kaya mas pinili ko na lang magtrabaho. Mahirap man ang buhay ay pipilitin kung sumabay sa agos. Kaya kahit na dise otso na ako ay wala akong sinasagot sa mga manliligaw ko. Sa panahon ngayon dapat may mindset ka. Yon yung i-seset mo ang mind mo. Focusing lang dapat, focusing. Shalla talaga gumagaling na ako sa englishing ko. Needing ko talaga na matuto dahil kapag nagkita kami ni What the fvck ay pak na pak din ang englishing ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD