“ARE YOU OKAY, HIJA?”
Napalingon ako kay Don Felipe nang marinig ko ang tanong nito. Hindi agad ako nakapagsalita nang pagkatingin ko ulit sa lalaking nakatayo pa rin sa harapan ko ay mas lalong dumilim ang mukha nito habang nakatingin sa akin.
“A, e, i, o, u, o-opo!” nauutal na saad ko kay Don Felipe at muling sinulyapan ang lalaki. Pero nang magsalubong ang mga mata naming dalawa ay kaagad din akong nagbawi ng tingin at pilit na ngumiti sa Don. “E-excuse lang po Don Felipe.” Saad ko at nagmamadali na akong naglakad palayo kahit medyo nangangatog pa ang mga tuhod ko dahil sa klase ng titig sa akin ng lalaking ’yon. Bago ako pumasok sa banyo ay nilingon ko pa ang kinaroroonan ng Don Felipe at ng lalaking kasama nito. Nakaupo na ito sa isang silya habang kausap ng Don.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere ’tsaka tumalikod na at pumasok sa banyo. Ewan, pero bigla rin akong napangiti nang malapad at napahawak sa tapat ng dibdib ko nang naramdaman kong parang kakaiba ang t***k n’on ngayon.
“Oh, don’t tell me na nagkagusto ka kaagad sa lalaking ’yon, Psyche?” tanong ko sa sarili ko habang nasa harap na ako ng lababo at naghuhugas ng kamay ko. Nang tumingin ako sa malaking salamin, kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ko. Oh, holy lordy! Bakit naman namumula ang mukha ko ngayon? Nagka-crush at first sight ba ako sa kapreng ’yon? Walang-hiya! Napailing na lamang ako at napatutop sa bibig ko.
Magtatagal pa sana ako sa banyo para pakalmahin ang sarili ko, pero hindi ko na rin nagawa. Nakakahiya naman kay Don Felipe kung paghihintayin ko pa ito. Pero nang makalabas ako ng banyo, pagkatingin ko sa lamesa namin ng Don, naroon pa rin ang lalaki at parang seryoso ata silang nag-uusap dahil na rin sa seryoso pareho ang hitsura nila.
Lalapit pa ba ako roon? O, babalik na lang kaya ako sa trabaho ko. Malamang na pagalitan na naman ako ni Ma’am She kapag nahuli na naman ako ng balik.
Muli akong napabuntong-hininga nang malalim. Pero kabastusan din naman kay Don Felipe kung hindi na ako babalik para magpaalam dito. Ano na lamang ang sasabihin nito kapag hindi na ako bumalik sa puwesto namin?!
Sa huli ay wala na rin akong nagawa. Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa mesa namin. Ilang hakbang pa man ang layo ko mula sa dalawa ay napalingon naman sa direksyon ko ang tingin ng guwapong nilalang na ito.
Oh, Psyche... nagka-crush ka nga bigla sa kaniya. Hindi ka naman pumupuri sa hitsura ng isang lalaki ng ganoon lang kabilis e! Anang isipan ko.
Habang papalapit ako nang papalapit ay mas lalo ko namang nakikita ang seryoso pa ring hitsura at mga mata ng lalaki. Grabe naman kung makatitig si sir! Kung nakakamatay lang ang matalim niyang tingin, siguro kanina pa ako nakahandusay sa sahig.
“Pysche hija, come here at ipapakilala kita sa inaanak ko.” Saad ng Don Felipe nang tumingin din ito sa akin.
Pinilit ko namang ngumiti nang mag-iwas ako ng tingin sa lalaking nakatingin pa rin sa akin.
“Come here, sitdown hija.” Tinapik pa ng Don ang silya na nasa tabi nito.
Wala naman akong nagawa kun’di ang umupo sa tabi nito.
“Hija, he’s Kidlat inaanak ko. Anak siya ng kumpare kong si Stefano. Remember him? ’Yong kasama ko last time na naglaro ng Golf course?” tanong ng Don.
Pilit na ngiti pa rin ang nakapaskil sa mga labi ko at tumango ako. Anak pala ito ni Sir Stefano.
“Um, o-opo. Naaalala ko po si Sir Stefano.” Sagot ko.
“And hijo, this is Psyche...” hinawakan pa ako ni Don Felipe sa balikat ko at ngumiti ito nang malapad. “...one of my favorite employee here in Casa de Esperanza.” Dagdag pa nito.
Kahit nahihiya man akong tumingin sa kaniya, pinilit ko na ring salubungin ang mga mata niya at muling ngumiti nang tipid. “N-nice meeting you po... sir!” sabi ko at nag-aalangan na itinaas ang kamay ko para sana makipagkamay rito.
Pero sa pagkadismaya at pagkapahiya ko na rin, kaagad kong binawi ang kamay ko na nabitin lang sa ere, itinago ko sa ilalim ng lamesa ang kamay ko nang hindi manlang siya nag-abalang tanggapin iyon sa halip ay tumingin siya kay Don Felipe.
“Well, I’ll go ahead Ninong. I have meeting to attend to.” Saad niya at kaagad na tumayo sa puwesto niya.
“Alright... see you, hijo!”
Walang paalam na tumalikod na siya at naglakad palayo. Wala naman akong ibang nagawa kun’di ang sundan na lamang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng restaurant.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere at napatingin kay Don Felipe. Muli akong napangiti.
“Grabe! G-ganoon po ba talaga siya Don Felipe? I mean, masiyadong seryoso po ang mukha niya. Nakakatakot.”
Tumawa naman ng pagak ang Don. “He’s... a nice guy hija.”
“Nice po? Saan po banda? Hindi ko po kasi nakita kanina e.” Napahagikhik pa ako. “Hindi naman po madumi ang kamay ko pero hindi niya po tinanggap. Nako, sinayang niya po ang pagkakataon na makadaupang palad ang isang Psyche Goncalves. Ang pinakamaganda, pinaka-sexy, pinakamabait at pinakamasipag na empleyado ng Casa de Esperanza.”
“You’re right, hija.” Pagsang-ayon naman agad ng Don na natatawa pa rin. “Sinayang ng batang iyon ang pagkakataong ito na makilala ang pinakapaborito kong empleyado rito sa Casa de Esperanza.”
Napailing-iling naman ako na sumandal sa silya. “Hindi naman po siya ipinaglihi ng Nanay niya sa sama ng loob ano po Don Felipe?” pabirong tanong ko pa.
Muling tumawa ng pagak ang Don. “Of course not hija.”
“E, bakit po ganoon ang hitsura niya kanina Don Felipe? Parang mangangain po ng buhay na tao?”
Bumuntong-hininga ito nang malalim pagkuwa’y dinampot ang baso ng tubig at uminom doon bago sinagot ang tanong ko. “Well, the truth is... mabait naman talaga ’yang si Kidlat, hija. May pinagdaanan lang tungkol sa love life niya noon kaya ganiyan na lagi ang hitsura. Hindi na nagbago. Parang laging kaaway ang mundo.”
“Ah!” napatango-tango ako. Kaya naman pala. May pinagdadaanan ang puso ni sir sungit kaya ganoon ang hitsura hindi maipinta ang mukha.
Hindi na ako nag-usisa pa kay Don Felipe tungkol kay sir sungit. Pagkatapos naming kumain ay sinamahan pa ako nitong bumalik sa Bar. Tatanggi na sana ako dahil nakakahiya naman dito na ihahatid pa ako nito sa trabaho ko, pero nang makita ko na kalahating oras na akong late sa trabaho ko, hindi na ako umalma. Para at least, may back up ako sa machine gun na bibig ni Ma’am She mamaya.
“Thank you so much hija. I really enjoy when you are with me. You always make me happy. You always make me laugh. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag ikaw ang kausap ko.”
Sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi ng Don Felipe. Bago pa man kami makapasok sa Bar, huminto na ito sa paglalakad at hinarap ako.
“Walang anuman po Don Felipe. Masaya rin naman po ako kapag kausap ko po kayo,” sabi ko rito. “At isa pa po, natutuwa rin po akong malaman na okay na po kayo at wala na kayong sakit.”
“Thank you, hija.” Anito at kinuha pa ang isang kamay ko at hinawakan iyon. Masuyong pinisil at tinapik ng isang kamay nito. “Hindi talaga ako nagsisi na nakilala kita at naging magkaibigan tayo.”
Muli akong napangiti. “Ako rin naman po Don Felipe.”
Sa totoo lang, parang tatay na rin ang turing ko rito. Sobrang gaan talaga ng pakiramdam at loob ko kapag kausap at kasama ko ito. Sobrang bait at maalalahanin sa akin. Namimiss ko tuloy si Itay dahil kagaya kay Don Felipe mabait at maalalahanin din sa akin ang Tatay ko. Ganoon din naman si Inay. Kaso, pareho na silang namaalam sa akin nang minsan ay nagkaroon ng bagyo at nag-landslide sa lugar namin, six years ago na ang nakakaraan. I was in fourth year high school nang mangyari iyon. Seventeen lang ako noon. Dala sa mahirap ang buhay kaya inabot na ako sa ganoong edad bago ako nakapagtapos ng high school. Ganoon din kaaga akong naulila sa mga magulang ko. Pero dahil sa mababait na kapitbahay namin, tinulungan nila ako. Hanggang sa unti-unti ko ng natanggap na wala na talaga ang magulang ko. Four years ago, two years na noon simula nang mawala ang Inay at Itay, nakilala ko naman itong si Don Felipe. At simula noong ipasok ako nito rito sa Casa de Esperanza, kahit papaano ay guminhawa na rin ang buhay ko.
“Paano, ako’y mauuna na at may importante rin akong pupuntahan.”
Bago pa man ako makasagot sa sinabi ng Don Felipe, napatingin ako sa dulo ng pasilyo at nakita ko roon si sir sungit na seryoso na namang nakatingin sa amin ng Don.
Nagbawi na lamang ako rito ng tingin pagkuwa’y muling ngumiti kay Don Felipe. “Sige po. Mag-iingat po kayo Don Felipe.”
“Ikaw rin hija!”
“Salamat po ulit.”
“Bye hija!”
“Bye po!”
Kumaway pa ako rito at sinundan ko ito ng tingin nang umalikod na ito at naglakad. Nakita ko naman si sir sungit na naglakad din papunta sa direksyon ng Don. Muli na naman siyang tumingin sa akin.
“Ang sungit naman! Nako, kung hindi ka lang guwapo sir sungit, nunca na maging crush agad kita.” Saad ko sa sarili ko at napairap sa hangin ’tsaka ako tumalikod. Pero bigla rin akong natigilan nang bumungad sa harapan ko si Ma’am She. Usual, nakataas na naman ang isang kilay nito at matalim ang titig sa akin. Oh, bagay silang magsama ni sir sungit. Si Ma’am She nakataas ang isang lagi sa akin. Samantalang si sir sungit, kanina lang kami nagkita pero ang mga kilay hindi na mapaghiwalay.
“Mukhang nag-enjoy ka atang kasama ang Don Felipe, Psyche?” mapanuyang tanong sa akin ni Ma’am She.
Napayuko naman ako. “Um, s-sorry po ma’am—”
“Binabayaran ka rito para magtrabaho, hindi para sayangin ang oras ng trabaho mo. Aba, Ms. Goncalves... wala ka bang hiya sa katawan mo at ang may-ari pa mismo ng Hotel na ito ang nilalandi mo para—”
“Dahan-dahan naman po kayo sa pagsasalita ninyo Ma’am She,” sabi ko rito nang biglang magpantig ang tainga ko dahil sa sinabi nito. Ano raw? Nilalandi ko ang Don Felipe? Why on earth would I do that?
“Why? Hindi ba’t iyon naman ang ginagawa mo? Kaya nga gustong-gusto ka ni Don Felipe kasi nakikipag-flirt ka sa kaniya.”
Lihim akong napatiim-bagang dahil sa muling sinabi nito. Aba! Kung gusto ko lang ng gulo ngayon, baka bigla kong pinatulan ang matandang dalaga na ito. Sobra naman kung mambintang ang babaeng ito. May ebidensya ba itong nilalandi ko ang Don Felipe?
“Know your place, Psyche. You’re just an employee here in Casa de Esperanza. Hindi ka dapat nakikipaglapit sa mga big boss natin. Nakakahiya ka!”
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa mga binitawang salita ni Ma’am She.
“Go back to your work.” Anito. “Overtime ka mamaya ng tatlong oras.” Saad pa nito bago tumalikod at muling pumasok sa loob ng Bar.
Napabuntong-hininga na lamang ako nang malalim ’tsaka humakbang na rin papasok sa Bar.