CHAPTER 4

1820 Words
MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere matapos kong hakutin sa walk in freezer ang lahat ng mga alak, prutas at pagkain na bagong deliver dito sa bar. Kagaya sa sinabi ni Ma’am She sa akin kanina, nag-over time nga ako ng tatlong oras. At lahat ng natirang trabaho rito sa Bar ay ako na ang gumawa. Dapat ay sa labas lang ang trabaho ko at hindi ako ang nakatoka para sa paghahakot ng mga ito rito, pero dahil sa masungit kong manager na parang siya ata ang next na tagapagmana ng Casa de Esperanza, hayaan at grabe kung parusahan ako sa trabaho ko. “Psyche, tapos ka na ba?” tanong sa akin ni Xia, isa sa mga katrabaho ko rito. “Um, katatapos ko lang hakutin ito lahat,” sabi ko. “Pero kailangan ko pang i-arrange sa lalagyan.” “Tutulungan na kita—” “Hindi na, Xia. Baka mapagalitan ka pa ni Ma’am She.” Putol ko sa iba pa sanang sasabihin nito. Umirap naman ito sa akin at naglakad na papasok sa walk in freezer. “Kanina pang umalis ang madam mo kaya hindi niya malalaman kung tutulungan kita rito.” Anito. “At isa pa, ginawa na rin namin ni CJ kanina ang trabaho mo sa labas para makauwi ka na rin ng maaga. Nauna na ring umuwi ang bruha dahil over time ka raw.” Saad pa nito. Napangiti na lamang ako. Kahit papaano ay nakadama ako ng ginhawa dahil sa sinabi nito. Oh, ang akala ko’y pagkatapos ko rito may gagawin pa akong trabaho sa labas. Mabuti na lang at mababait sa akin itong mga kasamahan ko. Lalo na itong si Cj at Xia. Mga halos kasabayan ko rin sila rito noong pumasok kami rito sa Casa de Esperanza kaya close friends kaming tatlo. “Thank you, Xia!” nakangiting saad ko. Ngumiti na rin ito sa akin at nag-umpisang tulungan ako na ilagay sa lalagyan ang mga alak. “Mabuti na lang pala at night shift ako ngayon. Kung hindi, mamaya ka pa makakauwi dahil walang may tutulong sa ’yo rito.” “Oo nga e,” sabi ko. “Huhulaan ko, pumutok na naman ang bunbunan ni madam She kaya mainit na naman ang ulo sa ’yo ano?” natatawang tanong nito sa akin. Nagkibit-balikat ako at bumuntong-hininga ulit habang nakangiti pa rin. “Lagi naman mainit ang ulo at dugo ni Ma’am She kapag ako ang nakikita n’on. Hindi na magbabago.” “Grabe talaga ang matandang dalaga na ’yon. Siguro malapit na mag-menopause kaya mas lalong umiinit ang ulo at dugo sa ’yo.” Sabay na lamang kaming tumawa ni Xia dahil sa sinabi nito. Baka nga, kaya laging ganoon sa akin si Ma’am She. Laging mainit ang ulo. Laging aburido. Inabot pa kami ni Xia ng isang oras bago namin natapos ang trabaho roon. Pagkatapos ay kaagad din akong nagpaalam dito na uuwi na ako dahil inabot na rin ako ng apat na oras sa over time ko. Pagkalabas ko sa employees entrance, sakto namang nakita rin ako ni Don Felipe. “Hija, Psyche!” tawag nito sa akin. Kaagad naman akong naglakad palapit dito habang may ngiti na naman sa mga labi ko. “Good evening po Don Felipe.” Bati ko rito. Kunot ang noo na tiningnan naman nito ang suot na wrist watch. “It’s already nine in the evening. Hindi ba’t hanggang alas sinco lang ng hapon ang pasok mo? Bakit narito ka pa hija?” nagtatakang tanong nito sa akin. “Um, over time po Don Felipe.” Sagot ko. “Why?” “E, m-marami pa pong tinapos na trabaho e.” “Over time ng apat na oras? Hindi naman kasali sa kontrata na puwedeng mag-over time ng ganoon katagal ang empleyado rito sa hotel. At isa pa, may mga naka-duty naman sa gabi so bakit kailangang ikaw pa ang gumawa ng trabaho?” kunot pa rin ang noo na tanong nito sa akin. Hindi na naman ako nakasagot sa mga sinabi nito. Oo nga at nasa policy iyon ng hotel. Hindi puwedeng mag-over time ng ganoon katagal ang mga empleyado kahit pa peek hours or marami ang guests sa hotel. Marami naman daw empleyado sa hotel so bakit kailangan pang mag-over time? Ilang beses ko ng narinig iyon mula kay Don Felipe. “I will talk to Sheila tomorrow morning. Nag-usap na kami tungkol dito. Pero—” “Nako, okay lang po Don Felipe,” mabilis na saad ko rito. “Um, hindi naman po Ma’am She ang nag-utos sa akin na mag-over time po ako. Ako lang po ang nag-volunteer para po tapusin ang natitirang trabaho roon.” Dagdag na dahilan ko pa sa Don. Ayoko naman na mas lalo pang magalit sa akin si Ma’am She kapag pinagalitan ito ni Don Felipe bukas ng umaga. Baka isipin pa nito na nagsusumbong ako e ’di mas lalo nitong iisipin na nakikipag-flirt nga ako sa Don. “Kahit na hija! Dapat ay hindi ka hinayaan ni Sheila na—” “Huwag n’yo na lang po kausapin o pagalitan si Ma’am She Don Felipe. Hindi ko na lang po uulitin na mag-over time sa susunod.” Saad ko pa. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito sa ere pagkuwa’y tinitigan ako nito nang nataman. Dahil nahihiya naman ako rito at baka mabasa nitong nagsisinungaling lang ako, nagbawi ako ng tingin dito. “Alright,” sabi nito. Muli akong nag-angat ng mukha. Ngumiti naman ako. “Thank you po Don Felipe.” Saad ko. “Paano po, mauuna na po ako. Mag-iingat po kayo.” “Nako, halika at sumabay ka na. Ihahatid ka na namin.” “Hindi na po—” “Ano’ng oras na hija. Baka napapaano ka pa sa daan.” “Kaya ko naman po!” “Come on, huwag ka ng tumanggi.” “Pero po—” “I wont talk to Sheila tomorrow morning kung hahayaan mo akong ihatid kita ngayon pauwi. Wala kang kasama at baka kung mapaano ka pa sa daan. Kargo de konsensya pa kita, hija!” Napangiti na lamang ako ng pilit kay Don Felipe dahil sa mga sinabi nito. Okay sige na nga! Kaysa kausapin pa nito si Ma’am She bukas. “O-okay po!” napipilitang sagot ko na lamang sa huli. Ito naman ang ngumiti sa akin. “Good. Then, come on. Let’s go.” Kaagad namang binuksan ng driver nito ang pinto sa backseat ng kotse. Pero hindi pa man nakakasakay ang Don Felipe, huminto ito at napatingin sa entrance ng Hotel kung saan kalalabas lamang ni sir sungit. “Oh, there you are hijo. Let’s go.” Nangunot ang noo ko at napatingin kay Don Felipe. What? Kasama rin si sir sungit? Nang muli akong mapatingin sa guwapong lalaki na naglalakad ngayon palapit sa puwesto namin, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapalunok ng laway ko. Oh, God! Sobrang guwapo talaga ng nilalang na ito! Kahit magkasalubong na naman ang mga kilay at nakatingin siya sa akin ng seryoso... hindi pa rin maikakailang guwapo siya. “What? Why are you looking at me like that?” masungit na tanong niya. “P-po?” nauutal na saad ko nang hindi ko manlang namalayan na nasa harapan ko na pala si sir sungit. “Um,” mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. “W-wala po sir.” Saad ko. “Hijo, come on.” Nadinig kong saad ulit ni Don Felipe. “Um, Don Felipe, mauuna na po ako. Sasakay na lang po ako ng—” “Come on hija, I told you... ihahatid ka na namin. So, let’s go. Sumakay ka na. Doon ka na lang sa front seat.” Anito. “Inihahatid mo pa pauwi ang empleyado mo, Ninong?” tanong niya. Nang tumingin ako kay sir sungit, kita ko na naman ang magkasalubong niyang mga kilay habang nakatingin kay Don Felipe. Mayamaya ay muli rin siyang tumingin sa akin. And oh, kung nakakahimatay lang ang mga titig niya, baka kanina pa ako bumagsak sa semento. “Yeah hijo. And besides, hindi naman na iba sa akin si Psyche.” Sagot ng Don. “But you don’t have to do this. Maraming empleyado ang mga abusado lalo na kapag mababait ang mga employer nila.” Nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig sa kaniya. Aba! Kung makapagsalita naman ang isang ito, parang si Ma’am She rin e. Walang pakundangan. Magsasalita na sana ako para sagutin siya, pero naunahan naman ako ni Don Felipe. “Mabait na bata ’yang si Psyche and she’s my friend. Kaya walang problema roon hijo. At isa pa, she’s one of my—” “She’s one of your favorite employee here in Casa de Esperanza. And because of that title she is abusing your kindness, Ninong.” Putol niya sa iba pa sanang sasabihin ng Don Felipe. Bigla namang kumulo ang dugo ko dahil sa mga sinabi niya. Aba! Aba! Sumusobra naman ata ang sungit na ito?! “Oh, no, no, no, hijo!” anang Don. “You misunderstood what I said. Mabait talaga itong si Psyche kaya gustong-gusto ko ang batang ito.” Ngumiti pa ang matanda nang tumingin ito sa akin. Tipid din naman akong ngumiti rito. “Um, thank you Don Felipe,” sabi ko at tumingin ulit kay sir sungit. “Pero, hindi na po ako sasabay sa inyo. Baka po kasi ma-high blood itong inaanak ninyo dahil sa akin, kargo de konsensya ko pa po.” Nakangiting saad ko. Pero sa loob-loob ko, gusto kong karatihin ang sungit na ito. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa mga sinabi ko. “Sige po Don Felipe, mag-iingat na lang po kayo sa biyahe.” “Oh, no hija! Come on ihahatid—” “Hindi na po, kaya ko na pong umuwi mag-isa.” Saad ko. “Good night po. Mag-iingat po kayo.” Nagmano pa ako rito at kumaway. “Are you sure hija?” “Don’t force her, Ninong. She said she could go home alone. Hindi na siya bata para hindi makauwi ng mag-isa sa magulang niya.” Sinamaan ko na lamang siya ng tingin at umismid ako. Nakakagigil ang sungit na ito! “Bye po Don Felipe!” pilit ulit akong ngumiti sa Don at inalalayan itong makasakay bago ako muling tumingin kay sir sungit at inismiran ulit siya ’tsaka ako tumalikod at naglakad na palayo. “Nako, kung hindi mo lang kasama sa kotse ang Don Felipe, ipagdadasal ko talagang mabangga ang sasakyan mo. Ang sungit kala mo ipinaglihi sa sama ng loob ng Nanay niya!” bulong ko sa sarili pagkuwa’y napabuntong-hininga ako nang malalim. “Mag-iingat ka pauwi, hija!” sabi ng Don Felipe nang sumilip ito sa bintana. Ngumiti ulit ako. “Kayo rin po Don Felipe.” Kumaway ulit ako bago pa tuluyang makaalis ang sasakyan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD