CHAPTER 19

2508 Words
“HIJA, come here at saluhan mo akong mag-almusal.” Saad sa akin ng Don Felipe nang pagkapasok ko sa kusina ay naroon na ito at nakapuwesto na sa may kabisera. Nakangiti naman akong naglakad palapit dito. “Naku Don Felipe, busog pa naman po ako,” sabi ko. “Kape? Baka gusto mong magkape? Halika na at saluhan mo na ako hija. Ngayon na lang ulit ako makakakain ng agahan na may kasabay. You know, hindi naman naglalagi rito sa bahay ang anak at apo ko. Lately ay palagi silang malayo sa akin.” Bigla naman akong nakadama ng lungkot para sa Don dahil sa sinabi nito. Hindi nga naman nakakaganang kumain kung walang kasabay. Nang mawala ang mga magulang ko noon, hindi rin ako sanay kumain ng mag-isa. Hanggang sa nasanay na lang ako sa araw-araw na ginawa ng Diyos na mag-isa lang ako sa apartment na tinitirhan ko ngayon. Sa trabaho ko lang ako nakakakain ng may kasabay. Nariyan sina Cj at Xia. Kaya kahit busog pa ako at wala na akong balak na kumain, napilitan na rin akong umupo sa upuang nasa bandang kanan ng Don. “Gusto ko po ng kape,” nakangiting sabi ko. Ngumiti na rin ito at binalingan ng tingin ang isang kasambahay na nakatayo sa gilid ng lamesa at naghihintay sa iuutos ng Don. “Please, pakitimplahan naman ng kape ang Ma’am Psyche ninyo.” Utos ng Don. Bahagya pa nga akong nahiya dahil sa sinabi ng Don. Ma’am Psyche raw. E, tagapag-alaga lang naman ako rito. Baka mamaya niyan ay iba ang isipin sa akin ng kasambahay na iyon. “Opo Don Felipe,” sabi ng isang kasambahay at saka tumalima upang magtungo sa kusina. “Hindi ka ba talaga kakain hija?” tumingin sa akin ang Don. “Um, busog pa po kasi ako e. Pero po, kung sabi naman ninyo na ngayon na lang po ulit kayo kakain ng may kasabay, kakain na lang din po ako para po ganahan kayong kumain.” Nakangiting saad ko. “Oh, you’re so sweet hija.” Tumayo ako sa puwesto ko at lumapit sa tabi ng Don. “Ano po ba ang gusto ninyong kainin?” tanong ko pa at tiningnan ang mga pagkaing nakahain na sa mesa. “Heto po ang pagkain ng Don Felipe, ma’am.” Nang biglang lumabas sa pintuan ng kusina ang isa pang kasambahay. May bitbit itong isang tray na may pagkain sa ibabaw. Inilapag nito iyon sa harapan ng Don. “Sige po at ako na ang bahala kay Don Felipe,” sabi ko sa babae. Tinanggal ko sa tray ang mga pagkaing nakapatong doon. Puro healthy foods nga ito. Maganda para sa katawan ng Don para bumalik agad ang lakas nito. “Kumain po kayo ng maayos para po bumalik agad ang lakas ninyo.” “I will hija. Thank you!” nasa mga labi pa rin ng Don ang matamis nitong ngiti. Ngiti na kakaiba at ngayon ko lamang nakita sa mukha ng matanda. Mas maaliwalas din ang mukha nito ngayon kumpara sa kahapon, maging noong mga nakaraang linggo. Nang bumalik ako sa puwesto ko ’tsaka rin dumating ang isang kasambahay dala ang kape na ipinag-utos ng Don. “Maraming salamat po.” Saad ko nang tanggapin ko ang tasa ng mainit na kape. “Hijo, nariyan ka na pala!” Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi ng Don. Nariyan siya? Hayon at awtomatiko na namang kumabog ang dibdib ko. Hindi ko pa man siya nakikita, pero parang feeling ko nakatitig na naman siya sa akin; sa likuran ko. “Come here at sumabay ka na sa amin ni Psyche.” Dahan-dahan akong napatingin sa may pintuan. And there, I saw him. Nakabihis na at bagong ligo pa. Nakasuot siya ng white polo shirt na hapit sa katawan niya kaya kitang-kita ko kung paano bumakat doon ang kaniyang mga muscles sa balikat at braso. Ang malapad niyang dibdib. Ang katawan niyang may walong abs. Mala-adonis nga ang katawan niya na kanina lang ay lantarang nasa harapan ko. Itim na pantalon din ang suot niya. Naka-tucked in doon ang laylayan ng kaniyang damit. Holy lordy! Bakit mas lalo siyang naging hot at pogi sa paningin ko ngayon? Pang hollywood nga talaga ang datingan niya. Kung mag-o-audition siya bilang artista sa Hollywood at kung matatanggap siya roon, malamang na hihilira siya sa hanay nina Henry Cavill, Brandon Routh, Tom Welling at marami pang iba na mga kalalakihang naggagandahan ang mukha. Lalo na kung aahitin niya ang kaniyang balbas at bigote. Panigurado akong maraming kababaihan ang mahihimlay sa angking kaguwapohan niya. Oh, my gulay! Ano ba itong iniisip ko? Nagagalit ako sa kaniya pero bakit puro papuri ang ibinibigay ko sa lalaking ito? “Maupo ka na hijo.” Bigla akong napakurap at nagbawi ng tingin sa kaniya nang magsimula siyang humakbang palapit sa mesa. Umayos ako sa puwesto ko. Umikot naman siya at pumuwesto sa kaibayo ng puwesto ko. As always, seryoso na naman ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko na naman kayang salubungin ang mga mata niyang parang lagi na lang nag-aapoy. Napayuko na lamang ako at nagsimula ng maglagay ng kaunting pagkain sa plato ko. “Where are you going hijo?” “I have meeting with Papa, ninong.” “Hindi ka ba pupunta sa Casa?” “If I finish my office work early, I’ll go through there,” sagot niya. “Bakit, may ipag-uutos po ba kayo?” “Sana. Pero naroon naman ang sekretarya ko. Naitanong ko lang kung dadaan ka roon mamaya.” Nakikinig lamang ako sa usapan nila habang nakayuko pa rin ako at nakatuon ang atensyon ko sa kaunting pagkain na nasa plato ko. Hindi ko pa malunok ng maayos ang kinakain ko dahil ramdam kong nakatitig siya sa bawat paggalaw ng kamay ko, sa bawat pagsubo ko ng pagkain ko. “Kumain ka pa hija. Don’t be shy at marami naman ang pagkaing nakahain.” Nag-angat ako ng mukha nang marinig ko ang Don. Tumingin ako rito. “Okay na po ito sa akin Don Felipe. Sadyang busog pa po talaga ako.” Tipid pa akong ngumiti ’tsaka bahagyang tinapunan ng tingin ang kaharap ko. Mabuti naman at hindi siya nakatingin sa akin. Nakatuon ang atensyon niya sa pagkain niya. Dahil doon, nagkaroon ako ng pagkakataon na muli siyang matitigan. Oh, ang hinhin naman niyang kumain. Dinaig pa ako kung kumain lalo na kapag gutom ako at wala akong hiya. Ang liit-liit din ng subo niya. Para siyang babae. Samantalang ako, subo at lamon ang ginagawa. Mayamaya ay bigla siyang nag-angat ng mukha. Dahil hindi agad ako nakapag-iwas ng tingin sa kaniya, hayon at nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. ’Tsaka ako nagbaba ng mukha at muling itinuon ang paningin ko sa pagkain ko. Inubos ko na iyon. Muling nagsalita ang Don Felipe. Kinausap niya si sir sungit. Dahil hindi naman ako kasali sa usapan nila na tungkol sa mga negosyo, nanahimik na lamang ako sa puwesto ko kahit tapos na akong kumain. Inunti-unti ko na lang ang pag-inom sa kape ko na medyo mainit pa naman. Nakayuko pa rin ako habang tina-tap ko ang isang paa ko sa marmol na sahig. Ganito kasi ako kapag tensyonado. Para ma-relax ang sarili ko, kailangan kong i-tap ang paa ko hanggang sa kumalma ako. Paano ba naman kasi, simula no’ng halikan niya ako roon sa park, kapag nariyan siya o hindi kaya ay masilayan ko lamang ang hitsura niya, awtomatik na kumakabog ang puso ko. Parang nininerbyos ako kapag nasisilayan ko siya. Ang oa naman nitong puso ko. Mayamaya, aayos sana ako sa pagkakaupo ko, nang pagka-angat ng isang paa ko, hindi ko sinasadyang natanggal ang dollshoes na suot ko. Bigla tuloy akong napatingin sa kaniya nang tumingin din siya sa akin. Bahagyang naningkit ang kaniyang mga mata. Oh, my! Tumama kaya sa paa niya ang dollshoes ko? “Just tell Hideo na sa susunod na linggo na lamang ako makikipag-meeting sa kaniya.” Sinilip ko naman sa gilid ng mata ko ang Don Felipe na abala pa rin sa pagkain habang patuloy pa rin naman ang kuwento kay sir sungit. Dahan-dahang kumilos ang paa ko upang hanapin kung nasaan na ang dollshoes ko, pero hindi ko naman makapa iyon. Bahagya pa akong tumagilid at sinilip ang ilalim ng lamesa upang tingnan kung nasaan iyon banda, ngunit hindi ko naman nakita. “Are you okay, hija?” nagtatakang tanong sa akin ng Don Felipe. Pilit naman akong ngumiti rito. “O-opo Don Felipe.” Saad ko at muling hinanap ng paa ko ang dollshoes ko. Pero may naapakan akong makinis na sapatos. Napatingin akong muli sa kaniya nang tumingin din siya sa akin... s-sapatos niya ba ang naapakan ko? Wala sa sariling napalunok tuloy ako ng laway ko nang makita kong umigting na naman ang panga niya. Nagbawi ako ng tingin sa kaniya at ipinatong ko na lamang sa isang paa ko ang nakayapak kong paa dahil malamig ang sahig. “Alright, I’m done eating. Come on hija. Itulak mo ang wheelchair ko papunta sa veranda at doon ako iinom ng gamot ko.” Ani Don Felipe. Napatingin ako ulit dito, pagkatapos ay kay sir sungit. Paano naman ako nito tatayo at maglalakad kung walang sapin ang isang paa ko? “Um,” ah, nakakahiya ka talaga Psyche. Panenermon ko sa sarili ko. Unang araw ko sa trabahong ito pero palpak agad ako. “Why hija? Is there a problem?” tanong ulit ng Don Felipe. Bumuntong-hininga ako nang malalim. “Um, s-saglit lang po Don Felipe,” sabi ko at kaagad na tumayo sa puwesto ko. Inalis ko ang isang upuan na nasa tabi ng puwesto ko at walang paalam na lumuhod ako sa marmol na sahig at hinagilap ng paningin ko ang dollshoes ko. Roon ko lang nakitang inapakan niya pala iyon. Kaya naman pala hindi mahanap ng paa ko kanina dahil inapakan pala ng sungit na ito. Walang salita na gumapang ako papunta sa ilalim ng lamesa at hinila iyon upang kunin, pero mas lalo niya namang diniinan ang pagkakatapak doon. “What are you doing there hija?” dinig kong tanong ng Don Felipe. Hindi naman ako agad sumagot, sa halip ay muli kong hinila ang dollshoes ko. Walang-hiya naman ang lalaking ito, gusto ata na magkagulo kami ngayon! Muli akong bumuntong-hininga at kinurot ko ang binti niya dahilan upang mapaangat ang paa niya. Mabilis kong kinuha ang sapatos ko ’tsaka ako gumapang ulit palabas sa ilalim ng mesa. “What—” “Um, kinuha ko lang po ang dollshoes ko,” sabi ko sa Don at ipinakita pa rito ang sapin ko sa paa. Tinapunan ko rin ng masamang tingin ang sungit na ito. Usual, matalim na naman ang titig niya sa akin. Nakakainis talaga ito! Sarap ibato sa pagmumukha niya ang dollshoes ko. Inirapan ko siya matapos kong muling isuot ang dollshoes ko ’tsaka naglakad palapit sa likuran ng Don at itinulak ko na ang wheelchair nito. “Bye hijo!” Dahil hindi ko pa naman nalilibot ang mansion ng Don Felipe, ito na ang nag-guide sa akin kung saan banda ang veranda na sinasabi nito. Pagkarating namin doon ay inihatid naman ng isang kasambahay ang mga gamot ng Don. Naroon daw kasi iyon sa silid nito at ipinakuha na muna sa maid. May listahan naman ako sa mga itinuro sa akin ni Ma’am Mary about sa mga gamot ng Don, pero natutuwa at nagpapasalamat din ako na mabait nga talaga ang Don dahil tinuruan din ako nitong muli. And this time, mas madali kong na-gets at nakuha ang mga paliwanag nito. Mukhang madali nga lang ang trabaho ko ngayon kaysa sa Bar. Pagkatapos kong mapainom ng gamot niya ang Don, pinaupo lang din ako nito sa isang single couch tutal at wala naman daw akong gagawin. Nagkuwentohan lang kami, kagaya sa ginagawa namin dati kapag nagkikita kami sa park. “Bakit hindi mo na lang tanggapin ang scholarship na ibinibigay ko sa ’yo hija? Para makapag-aral ka na rin ng kolehiyo. Hindi nga ba’t iyon naman ang gusto mo?” tanong ng Don. Ilang beses na nitong ipinipilit sa akin ng scholarship na sinasabi nito, pero hindi pa rin nagbabago ang sagot ko kagaya no’ng unang beses na inalok ako nito. “Nakakahiya na po kasi sa inyo—” “Walang may nakakahiya roon hija. It’s an scholarship. Matagal na akong nagbibigay ng libreng paaral para sa mga anak ng empleyado ko na hindi kayang pag-aralin ang mga anak nila sa kolehiyo. Even my other employee na interesado pa ring mag-aral. Kaya kinukulit kitang tanggapin ang alok ko kasi gusto ko ring matupad ang pangarap mo. Ang makapagtapos ng pag-aaral.” Pagpapaliwanag nito. Totoo? E, wala naman akong nababalitaan sa Casa na may ganoong programang ibinibigay ang Don sa mga anak ng empleyado roon. Kaya nga ayaw kong tanggapin ang alok nito kasi baka maging issue pa at ako lang ang inalok nito ng ganoon. Baka sa ibang negosyo nito nagbibigay ng scholar at hindi sa Casa?! “Ano ba ang gusto mong kunin na kurso hija?” tanong pa nito mayamaya. “Um, Business Administration po sana. Kasi, balak ko pong magkaroon ng negosyo sa future. Kapag po nakapag-aral na ako at nakapagtrabaho, nakapag-ipon ng pera, gusto ko po kasing magtayo ng kahit maliit lang na restaurant. Iyon po kasi ang pangarap namin nina Nanay at Tatay noong maliit pa lamang po ako.” Nakangiting saad ko. “I can help you with that. Tanggapin mo na ang alok ko sa ’yo. And when you finish your studies, tutulungan din kitang makapagpatayo ng sarili mong restaurant.” Ngumiti ako sa Don. “Mas lalong hindi ko naman po matatanggap ang alok na ’yon Don Felipe. Malaking tulong na po ’yon—” “Malaki o maliit na tulong, hindi dapat tinatangihan iyon kung kusa at taos puso namang ibinibigay sa ’yo hija. Walang masama iyon. I just wanted to help you. Wala ka ng magulang, at... parang anak na rin ang turing ko sa ’yo.” Ewan ko ba, pero parang may malamig na palad ang humaplos sa puso ko dahil sa mga sinabi ng Don. Simula nang mawala ang magulang ko, ito ang unang beses na may nagsabi sa akin na ibang tao na parang anak na rin ang turing sa akin. Nakaka-touch lang. “So please...” Dahil magkatabi lang ang puwesto namin ni Don Felipe, inabot nito ang kamay kong nakapatong sa gilid ng single couch. Nagulat pa nga ako sa ginawang iyon ng Don, lalo na no’ng pisilin nito ang palad ko. Napatitig ako sa kamay namin at tumingin din ako sa mga mata nito. Ngumiti ito sa akin ng matamis. “Let me help you, Psyche.” I’m speechless. Wala akong nahanap na kataga sa bibig ko. Nang mag-angat ako ng mukha, saktong tumagos sa likuran ng Don ang paningin ko, sa may pintuan ng veranda. At doon nakita ko si Sir Kidlat na nakatayo sa gilid niyon at matalim na naman ang paningin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD