CHAPTER 18

1968 Words
“WHAT are you doing here?” ulit na tanong niya nang hindi agad ako nakapagsalita. “Um,” napakurap ako nang sunod-sunod at nagbawi ng tingin sa kaniya. Seriously? Nandito rin siya? Don’t tell me rito rin siya nakatira sa bahay ni Don Felipe? Naglakad siya papasok sa kusina; palapit sa puwesto ko. Bigla ko namang nadama ang mas lalong paglakas ng tahip ng aking dibdib. Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin at gagawin ko sa mga sandaling ito, napaatras na lamang ako nang hindi pa rin siya tumitigil sa paghakbang palapit sa akin. Mayamaya ay napahinto ako nang bumangga ang likuran ko; napalingon ako sa likod ko upang tingnan kung saan ako bumangga. Sa lababo. Sa marmol na lababo. “I’m asking you woman, what are you doing here?” Muli akong napalingon sa kaniya. “Um, a-ako... ako po ang bagong nurse ni Don Felipe.” Kanda utal na sagot ko. Nagsalubong naman ang mga kilay niya. Mas lalo siyang napatitig sa mukha ko. Mayamaya ay bigla naman siyang tumawa ng pagak. “Are you kidding me?” mapanuyang tanong niya pagkatapos ay nagtagis ang kaniyang bagang. God, parang mas nakakatakot ata ang hitsura niya ngayon kaysa noong nakaraan. And holy lordy! Kung hindi lamang kami nasa war zone stage ngayon, sigurado akong kanina ko pa nadakma ang abs na ’yan na kanina pang nagpapapansin sa akin. Walang-hiya naman kasi! Ang ganda-ganda ng katawan niya. Perfect talaga sa paningin ko. Ang ugali niya lang ang hindi perfect. Dahil hindi ko kayang salubungin ang nanlilisik niyang mga mata, paminsan-minsan akong napapatitig sa dibdib at abs niya. Muli akong napalunok ng aking laway at nang mag-angat ako ng mukha ay muling nagsalubong ang mga paningin namin. “M-mukha po ba akong nagbibiro sir sungit? Este, sir?” tanong ko. Dahil sa sinabi ko, kitang-kita ko kung paanong mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Halos mag-isang linya na iyon. Kitang-kita ko rin kung paanong umigting ang kaniyang panga dahil sa galit o inis na nararamdaman niya para sa akin. “Don’t be a philosopher. I ask you what are you doing here?” Bahagya akong humugot ng malalim na paghinga ’tsaka ko iyon pinakawalan sa ere. Kahit ramdam kong unti-unti na namang nanglalambot ang mga tuhod ko, tinatagan ko iyon. Hindi ako puwedeng magpatalo sa sungit na ito. Aba, namumuro na siya sa akin a. Kaya kahit wala akong lakas ng loob na salubungin ang mga titig niya, ginawa ko na rin. Kailangan kong ipakita sa kaniya na hindi lang siya ang marunong magsungit. “Hindi po ako namimilosopo sa inyo sir,” sabi ko at nagtaas pa ako ng noo ko. “Sinagot ko lang po ang tanong ninyo.” Dagdag na saad ko pa. Muling umigting ang panga niya at bumuntong-hininga rin siya. Kung kanina ay seryoso lamang ang titig niya sa akin, ngayon naman ay matalim na iyon. Hindi niya siguro nagustohan ang pagsagot ko sa kaniya. Humakbang siyang muli palapit sa akin. Hayon at mas lalong nagrambulan ang mga daga sa loob ng dibdib ko. Kahit kinakabahan ako, hindi ko iyon pinahalata sa kaniya. Sa halip ay mas lalo akong nagtaas ng noo sa kaniya, ganoon na rin ng kilay. “Ikaw pa lang ang sumagot sa akin ng pabalang Ms. Goncalvez.” “E ano ngayon kung ako pa lang ang sumagot sa ’yo ng—” “Damn it!” mariing saad niya at tinawid ang natitirang espasyon sa pagitan naming dalawa. “Ano ba?” galit na sigaw ko sa kaniya nang magulat ako sa paglakas ng boses niya. Dahil inisang hakbang niya ang natitirang espasyo sa pagitan naming dalawa, mas lalo akong napasandal sa marmol na lababo habang nakahawak ako sa gilid niyon. Siya rin naman ay nakatuon ang mga palad niya sa gilid ng lababo, sa may magkabilang baywang ko. Sa labis na pagkagulat ko, nahigit ko ang aking paghinga habang nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. Halos gahibla na lamang ang layo ng mukha namin sa isa’t isa. Dahil sobrang lapit namin... amoy na amoy ko ang deodorant na gamit niya. Kahit pawisan man siya, mabango pa rin siya. Oh, holy lordy! Mas lalong kumabog ang puso ko ngayong sobrang lapit na niya sa akin. Ang mga mata niya, mas maganda pa lang titigan kapag ganito kalapit. Kulay tsokolate at sobrang pungay. Para bang nanghihiponotismo habang tumatagal na nakatitig ako sa kaniya. Ang mga labi niya, mamula-mula. Halatang hindi siya naninigarilyo. Tumitig din siya sa akin, pero mayamaya ay nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga mata at mga labi ko. Amoy na amoy ko rin ang amoy mint niyang hininga na tumatama sa ilong ko. Jesus! Mas lalo pang nagrambulan ang mga daga at paru-paro sa loob ng dibdib at sikmura ko. “A-ano...” hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko. Napalunok na lamang ako at napatitig na rin sa mga labi niya. Oh, naalala ko ang ginawa niyang pagnanakaw ng halik sa akin no’ng araw na ’yon habang nasa park ako. Hahalikan niya ba ako ulit? Oh, God! Bakit ko naman itinatanong iyon sa sarili ko? Bakit, gusto ko bang nakawan niya ulit ako ng halik? No way! Yes way! You want him to kiss you. Shocks! Nagtatalo na ang isipan ko. Baliw ba ako? “What is that noise?” Kaagad ko siyang naitulak sa dibdib niya nang mula sa pintuan ng kusina ay narinig namin ang boses ng Don Felipe. Napatayo ako ng tuwid nang mawala siya sa harapan ko. Oh, Psyche! Ano ba itong nangyayari sa ’yo? Nakakahiya ka! Baka mamaya niyan ay magalit na ng tuluyan sa akin ang Don Felipe dahil nasa pamamahay ako nito pero kung anu-ano ang ginagawa ko. Hindi ko naman iyon kasalanan. Itong si sungit ang naunang lumapit sa akin. “Psyche hija, narito ka na pala!” Pilit naman akong ngumiti sa Don pagkuwa’y saglit na tinapunan ng tingin si sir sungit. Seryoso na naman ang hitsura nito habang nakatitig sa akin. “Um, good morning po Don Felipe,” nakangiting sabi ko rito at naglakad na ako palapit dito. “Good morning hija. Nagkausap na ba kayo ni Mary kanina?” “Opo. Naituro niya na rin po sa akin kanina ang mga gagawin ko.” “Good,” sabi nito. “Natutuwa ako at nandito ka na.” “Ninong,” dinig kong sabi niya. “Yes hijo?” “Can we talk for a sec?” “Sure. Itulak mo ang wheelchair ko papunta sa garden at gusto kong magpaaraw muna bago ako kumain ng almusal ko.” Naglakad naman siya palapit kay Don Felipe. “Maring, samahan mo muna si Psyche papunta sa magiging kuwarto niya rito.” Napatitig ako sa Don. “Po? M-may... may kuwarto po ako rito?” gulat na tanong ko. E, hindi naman ako nasabihan ng Don kahapon o ni Ma’am Mary kanina tungkol doon. “Yes hija. Of course, kasi stay in ka naman dito sa trabaho mo.” Napatango na lamang ako nang makita kong tinapik ng Don ang kamay ni sir sungit upang itulak na ang wheelchair nito palabas ng kusina. “Halika po ma’am at sasamahan ko po kayo papunta sa magiging silid ninyo,” sabi sa akin ng kasambahay na tinawag na Maring ng Don kanina. Tumango at ngumiti na lamang ako at sumunod na rito nang maglakad na ito palabas ng kusina. “WHAT IS SHE doing here, ninong?” seryoso ang mukha na tanong ni Kidlat habang nasa garden na sila ng Don Felipe. “Psyche is my new nurse.” Sinabi na iyon ng dalaga sa kaniya kanina, pero hindi niya pa rin napigilan ang kaniyang sarili na magulat ngayong ang kaniyang Ninong Felipe na mismo ang nagsabi niyon. “What? You’re kidding right?” Tumingala naman sa kaniya ang Don. “Do I look like I’m kidding hijo?” sa halip ay balik na tanong nito sa kaniya. Seryoso nga ang kaniyang ninong. Pero bakit? Bakit ang dalaga pa? E, pina-background check niya na ito no’ng nakaraan. High school lamang ang natapos nito. So, ano ang alam nito tungkol sa pagiging nurse? Sa pag-aalaga ng may sakit kagaya ng kaniyang Ninong Felipe? “That woman only finished high school, ninong. She did not have a completed degree. She has no experience about being a nurse—” “I know, I know hijo. But you don’t have to worry—” “Paanong hindi ako mag-aalala, Ninong? I’m thinking about your health. That woman knew nothing about caring for the sick person. What if—” “Hijo, relax.” Anang Don na natatawa pa. Umiling pa ito pagkuwa’y. “Just relax okay? Walang may mangyayari sa aking masama kung si Psyche ang magiging nurse ko ngayon. And I know na wala siyang karanasan tungkol sa pagiging nurse. But I’m sure na kaya niyang gawin ang trabahong ibinigay ko sa kaniya. I know magaling siyang mag-alaga.” Ngumiti pa ito sa binata. Napatitig na lamang si Kidlat sa kaniyang ninong. Baka naman sinadya talaga nitong kunin na nurse si Psyche para madala na nito ang dalaga rito sa mansion? Baka iyon ang way ng kaniyang ninong para maibahay na ang babaeng ’yon? Hindi kaya? “Two months lang na magtatrabaho si Psyche bilang nurse ko. Habang hinihintay kong dumating ang nurse ko na galing sa amerika.” “But ninong, there are many nurses available out there. You can hire someone who is already experienced in this job. May mga kakilala ako. Kung gusto mo, tatawagan ko sila! Hindi mo kailangang kumuha ng tao na wala namang alam tungkol sa trabahong ibinibigay mo sa kanila. Baka kung mapapaano ka pa niya.” “I understand your concern, hijo. Pero hindi mo na kailangang kumuntak ng iba. Okay na si Psyche. Ako mismo ang pumili sa kaniya. Sigurado kasi akong mas mapapabilis ang paggaling ko kung siya ang mag-aalaga sa akin.” Napabuntong-hininga na lamang ng malalim si Kidlat at napatingala sa malawak na kalangitan. Ano ba itong nangyayari sa kaniyang ninong? Sigurado siyang pakana rin ito ng babaeng ’yon. “You don’t have to worry.” Muling saad ng Don sa kaniya. “Go on, maglinis ka na ng katawan mo at saluhan mo akong mag-almusal.” Dagdag pa nito. Wala naman siyang ibang nagawa kun’di ang tumalikod na lamang at muling pumasok sa kabahayan. Pumanhik siya sa itaas ng bahay upang tunguhin ang kaniyang silid. Dati pa man ay parati na siyang tumitira sa bahay ng Ninong Felipe niya kaya may sarili na rin siyang silid sa mansion. Mas gusto kasi niyang dito tumira dahil mas tahimik ang buhay niya kaysa nasa condo niya siya o hindi kaya ay nasa bahay siya ng kaniyang Papa. Lagi siyang naiisturbo lalo na kapag naroon ang dalawa niyang kapatid. Mabuti na rin iyong nandito siya lagi sa mansion ng kaniyang ninong dahil namomonitor niya ang kalagayan nito. Madalas pa namang wala sa Pilipinas ang anak nitong si Vince. Si Arwin naman ay napapadalas ding nasa condo nito umuuwi kaya walang kasama ang Don sa mansion. Pagkapanhik niya sa mataas na hagdan, tinahak niya ang daan papunta sa kaniyang silid. Ngunit hindi pa man din siya nakakalapit doon ng tuluyan nang bumukas naman ang pinto ng isang silid na nasa tapat ng kwarto niya. Iniluwa roon ang dalaga. Nagsalubong bigla ang kaniyang mga kilay. What? She’s just a nurse pero bakit ang silid na iyon ang kailangang ipagamit ng Ninong Felipe niya sa babaeng ito? May guest room naman sa ibaba. Nagsalubong ang paningin nilang dalawa ng dalaga. Napabuntong-hininga na lamang siya nang malalim at tahimik na lumapit sa tapat ng pinto ng kaniyang silid. Pinihit niya ang seradura niyon at tuluyan ng pumasok doon. “Ang sungit talaga!” napaismid na lamang si Psyche.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD