“f**k! DAMN IT! What is wrong with me?” galit na tanong ni Kidlat sa sarili habang nagpaparoo’t parito siya ng lakad sa loob ng kaniyang kwarto. Ewan ba kung ano ang nangyayari sa kaniya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit hinalikan niya ulit si Psyche kanina. Damn! Dalawang beses na niyang ginawa iyon sa dalaga. Una, no’ng nasa park sila. That day, hindi niya inaasahan na makikita niya ang dalaga roon. He was on his way to Judas’ office nang makita niya roon sa park si Psyche. He just wanted to talk to her about his Ninong Felipe, pero ang nangyari... he kissed her. Ewan ba sa kaniya, sa tuwing napapatitig siya sa mukha ng dalaga; lalo na sa mga labi nito tila ba ay lumalambot siya. Nawawala sa isipan niya ang mga bagay na iniisip niya tungkol dito at sa ninong niya. Kagaya na lamang din kanina, wala siyang balak na halikan ito ulit... but what did he do? Hinalikan niya ito ng sapilitan. “Damn it, Giulio.” Tiim-bagang na saad pa niya at napahilamos sa kaniyang mukha. Naiinis na ginulo niya ang kaniyang buhok at malalim na buntong-hininga ulit ang pinakawalan niya sa ere at pabagsak na umupo sa single couch na naroon sa gilid ng kaniyang silid. Napatulala siya sa kawalan at muling inalala ang nangyari kanina.
Nang maramdaman niyang umangat sa tapat ng kaniyang dibdib mga palad ni Psyche, bigla siyang naalerto. Bago pa man siya nito maitulak ay mas lalo niyang kinabig ang batok nito. Ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan nito ay mabilis niyang nailipat sa baywang nito. Hinapit niya ito at mahigpit na ipinulupot doon ang kaniyang braso. Dampi lang sana ang gagawin niyang halik sa dalaga, ngunit nang maramdaman niyang kumilos ang mga labi nito’y mas lalo siyang may naramdamang kakaiba sa kaibuturan niya.
“Mmm!”
Dinig niyang ungol ni Psyche nang bahagya niyang kagatin ang pang-ilalim nitong labi.
Damn it! Why her lips are taste good? Kakaiba ang init ng mga labi niya. Sa lahat ng halik na natikman ko, sigurado akong ito ang naiiba. Sa isip-isip niya at unti-unti ng bumababa ang kaniyang mga talukap.
Ngunit bago pa man siya tuluyang mapapikit dala sa kakaibang dating ng halik na iyon sa kaniya ay bigla niyang narinig ang pagbagsak ng baso sa marmol na sahig na siyang naging dahilan upang pareho silang magulat ng dalaga. Mabilis siyang naitulak ni Psyche sa kaniyang dibdib. Napalayo siya rito.
Labis na pagkalito ang mababanaag sa mukha at mga mata ng dalaga nang magtagpo ang paningin nila.
“B-bakit...” hindi nito maituloy-ituloy ang nais sabihin sa kaniya.
Mayamaya ay napayuko ito upang tingnan ang nabasag na baso at nagkalat na gatas sa sahig. Ganoon din ang ginawa niya. Nang muling mag-angat ng mukha ang dalaga at tingnan siya, hindi na siya nakapagsalita pa nang basta na lamang itong tumalikod at patakbong lumabas sa kusina. Napatiim-bagang na lamang siya kasabay nang pagpapakawala niya ng malalim na paghinga.
“Damn it!” muli siyang napamura matapos niyang alalahanin ang tagpong iyon kanina sa kusina. Masisiraan na ata siya ng ulo. Kanina pa at ayaw mawala sa kaniyang isipan ang halik na iyon. Parang pakiramdam nga niya ay magkadikit pa rin ang mga labi nila ni Psyche hanggang ngayon.
NAIINIS NA tinanggal ko ang pagkakatalukbong ko ng kumot. Oh, God. Madaling araw na ngunit dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Kahit ano ang gawin kong pilit na matulog, ayaw akong dalawin ng aking antok. Paano naman kasi, sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko awtomatik na nakikita ko ang mukha niya at ang tagpong nangyari kanina sa kusina. Damn, he kissed me again! Dalawang beses na niyang ginawa iyon sa akin. Bakit? Hindi nga ba’t galit siya sa akin? Ngunit bakit niya ako hinalikan? O baka naman sinusubukan niya ako para mapatunayan niyang tama ang ibinibintang niya sa akin?
Napaupo ako sa gitna ng kama at malalim na buntong-hininga ang muli kong pinakawalan sa ere.
“Ah, mababaliw ako nito! Inay, Itay, baka naman po puwede n’yo akong tulungan ngayon? Kailangan ko pong matulog dahil may trabaho po ako mamayang umaga.” Stress na saad ko habang nakatingin sa malaking ceiling fan na nasa gitna ng kisame. “Nakakainis naman ang lalaking ’yon! Manghalik ba naman nang basta-basta?!”
Oh, really Psyche? Naiinis ka? Baka natutuwa ka dahil hinalikan ka niya?!
Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa isiping iyon. “Aba, hindi ako natutuwa na hinalikan niya ako ano?!”
Sigurado ka? Kasi sa klase nang t***k ng puso mo ngayon, masaya ka at hindi ka naiinis dahil sa halik na ’yon.
Napapikit ako nang mariin. Diyos ko! Baliw na ba ako at nakikipagtalo na ako sa sarili kong isipan?
Muling lumitaw sa isipan ko ang saglit na halik na iyon kanina. Mayamaya ay wala sa sariling nakagat ko ang pang-ilalim kong labi at sumilay ang maliit na ngiti ko roon.
See? In denial ka pa riyan na hindi mo gusto ang halik na iyon. Tapos ngayon ngingiti-ngiti ka pa.
“Argh! Oo na,” naiinis na sabi ko at pabagsak na muling humiga sa malambot na kama. Tumitig ako sa kisame. “Oo na at inaamin ko ng... g-gusto ko ang halik na ’yon. Oh, Diyos ko! Nababaliw na nga talaga ako.” Kinuha ko ang isang unan ko at itinakip ko iyon sa mukha ko. Doon, pinakawalan ko ang malakas kong tili na kanina ko pa gustong gawin. “Walang-hiya ang lalaking ’yon!”
KINABUKASAN, naalimpungata ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng kwarto ko. Pupungas pa akong tinanggal ang makapal na kumot na nakatalukbong sa akin maging ang unan na nakatakip sa mukha ko.
“Psyche!”
Napatingin ako sa may pintuan nang marinig kong tinatawag ang pangalan ko. No’ng una ay nagtaka pa ako at mabilis na inilibot ang paningin sa buong paligid nang mapansin kong hindi familiar ang kuwartong kinaroroonan ko ngayon. Pero mayamaya ay naalala ko naman agad na nasa mansion ako ng Don Felipe ngayon.
“Psyche!”
“O-oo. Ito na! Sandali lang!” sigaw ko at nagmamadaling bumangon sa kama at naglakad palapit sa pinto upang buksan iyon. “B-bakit?” medyo ngarag pa ang boses ko at gulo-gulo ang buhok ko.
Si Natalija ang napagbuksan ko ng pinto. Nagsalubong pa ang mga kilay nito nang pasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa ko. “Kagigising mo lang?” nagtatakang tanong nito.
“H-huh? B-bakit... a-ano’ng oras na ba?” nauutal na tanong ko.
“Alas otso na ng umaga at tinatanong sa akin ng Don Felipe—”
“Huh?” gulat at napalakas pa ang boses ko nang marinig ko ang sinabi nito. “Ano? Alas otso na?” tanong kong muli at mabilis na hinawakan ang kamay ni Natalija upang tingnan ang oras sa relong suot nito. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita kong ilang minuto na lamang ay alas otso y medya na ng umaga. “Natalija... late na ako ng gising.” Bigla akong kinabahan. Damn, ano na lamang ang sasabihin sa akin ng Don Felipe mamaya kapag bumaba na ako? Baka isipin ng matanda na masiyado naman akong na-feel at home at hindi na inalala ang trabaho ko. Gising ba ito ng isang empleyado? Walang-hiya naman! Kasalanan ito ng lalaking ’yon e. Kung hindi niya ako hinalikan kagabi e ’di sana nakatulog ako nang maaga at nagising ako ng maaga kanina.
Nagmamadali akong tumalikod at nagtungo sa closet upang kumuha roon ng damit ko.
“Ano ba ang nangyari sa ’yo at late ka ng nagising?” tanong ni Natalija na sumunod pala sa akin.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko sa ere at bakas ang pag-aalala sa mukha ko nang lingunin ko ito. “E...” sasabihin ko ba rito ang dahilan kung bakit late akong nagising? Of course not. Nakakahiya naman kay Natalija.
“E ano?”
“E... a, n-namahay lang ako,” sabi ko na lang. Oh, excuses Psyche. “Teka lang at maliligo muna ako. Nakakahiya na kay Don Felipe.”
“Sige at hihintayin na lang kita sa ibaba.”
Nagmamadali naman akong pumasok sa banyo at naligo.
Pagkatapos kong magbihis ay dali-dali rin akong lumabas ng kuwarto ko. Halos takbuhin ko na nga ang hagdan pababa makarating lang ako agad sa kuwarto ng Don.
Sa pagmamadali ko, nakalimutan ko ng kumatok at basta na lamang akong pumasok.
“Don Felipe,” sabi ko nang pagkapasok ko ay nadatnan ko ang Don na nakaupo na sa gilid ng kama nito at sinusubukang tumayo. Nagmamadali akong lumapit dito upang tulungan ito.
“Hija, good morning.”
“Tutulungan ko na po kayo,” sabi ko.
“Thank you!”
Nang makaupo na ito sa wheelchair nito, saglit akong nanahimik. Mayamaya ay tumikhim ako.
“How was your sleep hija?” tanong ng Don.
“Um, p-pasensya na po kayo Don Felipe.”
Nangunot naman ang noo nito at tumingin sa akin. “Why?”
Hindi ko magawang tumitig ng diretso sa mga mata nito ngayon. Paano naman kasi, nagi-guilty ako. “E, l-late po akong nagising. Kasi po—”
“Oh, that’s okay hija. There’s no problem about that.” Anito hindi pa man ako tapos sa nais kong sabihin. “Okay lang naman sa akin kung late kang magising. Importante pa rin na may maayos kang tulog. I mean, did you sleep well?”
Hindi po. Hindi po ako nakatulog ng maayos dahil po sa inaanak ninyo. Dahil din po sa kaniya kaya po late akong nagising kanina. Gusto kong sabihin iyon, pero pinigilan ko ang sarili ko.
Saglit akong nagbaba ng tingin at tipid na ngimiti. “M-medyo namahay lang po ako,” sabi ko na lamang.
“I know right. Iyon nga ang iniisip ko kagabi.”
“Pasensya na po kayo. Promise po, hindi na po mauulit.”
“You don’t have to say sorry hija. That’s okay.” Ngumiti pa ito sa akin.
“Salamat po, Don Felipe.”
“Well, let’s go outside. Inutusan ko na si Natalija na sa gazebo na dalhin ang almusal natin. Gusto kong magpaaraw rin ngayon.”
Kaagad naman akong tumalima at itinulak na palabas ang wheelchair ng Don, hanggang sa makalabas kami ng bahay at marating ang gazebo na nasa malapit lang sa swimming pool area.
“Nakahanda na po ang almusal ninyo Don Felipe,” sabi ni Natalija na naroon na rin habang katulong nito ang isag kasambahay.
“Salamat hija, Natalija.” Anito.
“Um, sasaluhan ko po ba kayo ulit Don Felipe?” nang makita kong dalawang plato ng pagkain ang nakahain sa maliit na mesa.
“If you want me to eat a lot and take my medicine hija, saluhan mo akong kumain para may gana ulit ako. Dahil kung hindi—”
“Sasaluhan ko na po kayo,” mabilis na sabi ko at ngumiti rito.
“Then let’s eat.”
Kaagad akong pumuwesto sa isang silya na nasa kabilang bahagi ng mesa. Ngumiti pa ako kay Natalija nang tapunan ko ito ng tingin. “Salamat bes.” Saad ko.
Tumango naman ito habang nakangiti sa akin ’tsaka tumalikod na at iniwan kami ng Don Felipe.
“Mukhang magkasundo agad kayo ni Natalija?!” mayamaya ay saad ng Don.
“Mabait po siya.”
“I know. At sana maging magkaibigan din kayo ni Kidlat.”
Bigla akong napatingin sa Don nang marinig ko ang sinabi nito. Nakatuon ang paningin nito sa pagkain.
“Napapansin ko kasi... simula nang unang araw na magkita kayo sa restaurant, parang hindi kayo magkasundo.”
Hindi naman ako nakaimik. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko rito. Should I tell Don Felipe kung ano ang ibinibintang sa akin ng inaanak nito? Paniwalaan kaya ako ng Don?
“Is there a problem between the two of you hija?”
Nagsalubong ang paningin namin ng Don nang mag-angat ito ng mukha.
“E,”
“Tell me if may problema sa pagitan ninyo. Maybe I can help fix it.”
“W-wala naman po,” sabi ko. “Um, w-wala naman pong problema sa pagitan namin ni Sir Kidlat, Don Felipe. Ano... ano lang po.”
Itinigil nito saglit ang pagkain at pinakatitigan ako ng mataman. Naghihintay sa sasabihin ko.
Bahagya naman akong nagbuntong-hininga at tipid na ngumiti. “Ah, naiilang lang po ako kay Sir Kidlat. Kasi po... masiyado po siyang seryosong tao. Pero... w-wala naman pong problema sa pagitan naming dalawa.” Pagdadahilan ko na lamang.
“Ganoon ba?” anito. “Pagpasensyahan mo na ang batang ’yon hija. Ganoon lang talaga ’yon at masiyadong seryoso sa buhay. Pero sigurado akong mabait siya at magiging magkaibigan kayo kapag nakilala na ninyo ang isa’t isa. Magkakasundo rin kayong dalawa.”
Ngumiti na lamang ako sa Don at ipinagpatuloy ulit ang pagkain ko. Sus, malabong mangyari na maging magkaibigan kaming dalawa. Malabong mangyari na magkasundo kaming dalawa.
PAGKATAPOS naming kumain ng almusal ni Don Felipe, saglit kaming nanatili sa garden dahil nagpaaraw ito. Kagaya kahapon, marami na naman kaming napag-usapan tungkol sa mga buhay-buhay namin. Nang oras na ng pag-inom nito ng gamot ay bumalik kami sa silid nito. Pagkatapos kong painumin ang Don Felipe ay bumalik ito sa paghiga sa kama at sinabihan akong hayaan na muna ito roon. Kaya hayon at nagtungo ako sa kusina at hinanap ko si Natalija.
“Good morning po Nanay Sabel,” bati ko sa matanda nang madatnan ko ito roon. “Kumusta po ang pakiramdam ninyo?”
“Magandang umaga rin sa ’yo hija. Ito, mabuti naman na. Salamat.”
“Mabuti naman po at okay agad po ang pakiramdam ninyo.”
“Siyempre, magaling ang nurse ng lola, hindi po ba lola?” saad naman ni Natalija habang kumakain ito ng almusal.
Nangiti naman ako.
“Siya nga pala bes,” sabi ko nang lumapit ako sa puwesto ni Natalija. “Wala ka bang nakita na kalat dito kanina?” tanong ko. Kanina pa nasa isipan ko ang tungkol sa basong nabasag kagabi at ang gatas na nagkalat dito sa kusina. Nakakahiya kay Natalija kung ito pa ang naglinis niyon. Ano na lamang ang sasabihin nito sa akin?!
“Kalat? Ano’ng kalat? Wala naman akong nadatnan na kalat dito kanina.” Kunot ang noo na saad nito.
Oh, ibig sabihin... nilinis niya ang kalat kagabi bago siya pumanhik sa kwarto niya?
“Bakit? Ano ang nangyari?” tanong pa nito.
“Ah, w-wala naman. Akala ko lang kasi na may kalat dito kanina. Huwag mo ng pansinin ang tanong ko.” Saad ko.
“Hindi ka siguro nakatulog ng maayos kagabi ano?”
“Hindi nga. Namahay ako kagabi,” sabi ko habang nagsasalin ng tubig sa isang baso. “Mabuti na lamang at mabait ang Don Felipe kaya hindi siya nagalit sa akin kanina nang dumating ako sa kuwarto niya.”
“Mabait talaga ang Don.” Saad ng Nanay Sabel.
“Super bait.” Pagsang-ayon pa ni Natalija. “Si Sir Kidlat lang talaga ang masungit,” dagdag pang sabi nito at nanunudyo na naman ang ngiti sa akin.
Inirapan ko naman ito.
Tumawa ito ng pagak. “Huwag kang mag-alala amiga, promise ko ’yon sa ’yo. Secret lang.”
“Aba, at mukhang nagkakasundo na kayong dalawa.”
“Siyempre naman po lola. Secret po namin ni Psyche na may crush po siya kay Sir Kidlat.”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Natalija. Napatingin din sa akin si Nanay Sabel.
Oh, ang nice naman ng babaeng ito! Nakakahiya tuloy kay Nanay Sabel.
Nahihiyang nagbaba naman ako ng mukha ko ng makita ko ang nanunudyo ring ngiti sa akin ng matanda.
“Aba’y bagay na bagay kayo hija.” Anito.
Maglola nga sila.
Pilit na ngiti na lamang ang ibinigay ko sa matanda bago ko binalingan ng tingin si Natalija na malapad ang pagkakangiti sa akin. Naku, lagot talaga sa akin ang babaeng ito.
NASA MAY puno na ako ng hagdan nang makita kong bumukas ang pinto ng kuwarto ni Sir Kidlat. Nakita ko siyang lumabas doon. Nakasuot siya ng sky blue long sleeve polo at itim na pantalon. Naka-tacked in doon ang damit niya. May bitbit din siyang itim na bag.
Oh, damn. Narito na naman ang pagkabog ng puso ko habang nakatitig ako sa kaniya. Tila na nag-slow motion ang buong paligid habang naglalakad siya palapit sa direksyon ko. I can’t feel my body. I can’t move my feet, even my fingers. Natuod na ata ako sa kinatatayuan ko habang nakatulala sa kaniya.
Bakit ba kasi napakaguwapo ng lalaking ito kahit napasungit niya?
And oh, the kiss again. Naalala ko na naman nang mapatitig ako sa mga labi niya. Mas lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko.
Walang-hiya!
Nang mag-angat siya ng mukha, nagtama ang paningin namin. Ewan ko ba, para siyang may magnet at hindi ko magawang iiwas sa kaniya ang paningin ko.
Hanggang sa unti-unti na siyang nakakalapit sa puwesto ko, pero nanatili pa rin akong nakatayo sa gitna ng may hagdan.
Ang guwapo talaga niya! Ang mga mata niya.
“Good morning.”
Oh, he greeted me? Binati niya ako ng good morning? Why?
My heart.
Ano ang nakain niya at binati niya ako ngayon? Or maybe because of the kiss last night kaya ganoon?
“G-good morning din.” Nauutal na bati ko rin sa kaniya. Hindi ko manlang magawang kumurap habang nakatitig sa kaniya.
Mayamaya ay tumigil siya sa harapan ko. Biglang nagsalubong ang mga kilay niya at tinitigan akong muli. Seryoso.
“Wait for a second,” sabi niya at ibinaba niya ang kaniyang kamay na nasa tapat ng kaniyang tainga. May hawak pala siyang cellphone.
Oh, so, h-hindi pala para sa akin ang good morning na sinabi niya kanina?
Walang-hiya naman Psyche. Ang assumera mo naman. Malinga-lingang batukan ko ang sarili ko dahil sa pagkapahiya ko.
“Excuse me.” Saad niya sa akin.
“P-po?”
“You’re blocking my way.” Aniya.
Doon ko lamang din napagtanto na hindi pa pala ako umaalis sa puwesto ko.
“Ah, s-sorry po sir,” sabi ko at dali-daling umalis sa gitna ng hagdan.
“Tss,” sabi niya at nilagpasan na ako.
Napabuntong-hininga na lamang ako habang sinusundan ko siya ng tingin hanggang sa makababa siya ng hagdan.
“Nag-assumed ka talaga na para sa ’yo ang good morning niya?! Nakakahiya ka talaga, Psyche.” Natatawang saad ko na lamang at napailing bago tumalikod at nagtuloy na ng lakad papunta sa silid ko.