CHAPTER 24

2524 Words
“HELLO PO SIR ULAP!” nakangiti at masiglang bati ng babae na nakapuwesto sa tapat ng isang mesa. Inayos pa nito ang buhok at tumayo sa puwesto nito. “Hello there... sexy Aly,” sabi ng binata na may matamis ding ngiti sa mga labi nito. Kinindatan pa nito ang babae. Kinikilig namang nagtakip ng bibig ang babae. “Naku, si Sir Ulap po talaga. Alam ko naman pong sexy ako kaya hindi n’yo na po kailangang sabihin sa akin everytime na pupunta po kayo rito sa office.” Nagkibit-balikat naman ang binata. “Well I can’t help myself from praising the beautiful and sexy lady standing in front of me.” Kumindat pa itong muli na siyang lalong ikinakilig ng babae. “So, is your boss in his office?” mayamaya ay tanong din nito. “Opo. Nasa loob po si Sir Giulio.” “Alright. Thanks.” ’Tsaka ito naglakad palapit sa nakasaradong pinto ng opisina ng kaniyang kapatid. Tatlong beses na kumatok doon ang binata bago hinawakan ang doorknob at binuksan iyon. “Hey, Mr. Ceo!” bungad nito sa kapatid. Kaagad namang nag-angat ng mukha niya si Kidlat nang marinig niya ang boses ng kaniyang kapatid. Kunot ang noo na tumitig siya rito. “What are you doing here?” tanong niya. “Seriously? Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita tapos ganiyan agad ang tanong mo sa ’kin? Don’t you miss me?” nakangiti pa ito ng nakakaloko ’tsaka umupo sa visitor’s chair na nasa gilid ng mesa. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawang trabaho. Knowing his brother, alam niyang mangungulit na naman ito sa kaniya. Well, kailan ba ito nagpunta sa opisina niya na negosyo ang sadya sa kaniya? Lagi lang naman ito nangungulit na parang batang maliit. “Wala akong panahon para sa pang-iisturbo mo ngayon Guilherme. If you don’t want me to kick your ass, you’d better just leave my office. Don’t you see I’m busy with my work?” “Come on, hindi naman ako nagpunta rito para abalahin ka. Ano ang akala mo sa ’kin... batang maliit na—” “Exaclty,” sabi niya hindi pa man ito tapos sa pagsasalita. “Umalis ka na kung wala ka naman importanteng sasabihin.” Dagdag pa niya at saglit na tinapunan ng tingin ang kapatid bago muling ipinagpatuloy ang trabaho. Bahagya namang tumawa ng pagak si Ulap. “Masiyado ka namang seryoso sa buhay mo kapatid.” Anito at dumekwatro. Inilibot pa ang paningin nito sa buong opisina ni Kidlat. “Masiyado mo na talagang siniseryoso ang pagiging businessman ah. Look at you, mukhang wala ka ng social life at lagi ka na lang nagkukulong dito sa apat na sulok na ito.” Muli siyang nagpakawala nang malalim na paghinga at inabot niya ang intercom na nasa gilid ng mesa niya. “Aly, call the security guard para palayasin ang surot na ito.” “Hey! Ang baho naman ng surot.” Pag-alma agad nito sa sinabi niya. “Puwede namang... guwapong nilalang.” Nagtaas-baba pa ang mga kilay nito habang may nakakalokong ngiti sa mga labi. Nagtitimping binitawan niya ang hawak na ballpen ganoon na rin ang mga papeles na kanina pa niya binabasa at pinipirmahan. Sumandal siya sa kaniyang swivel chair at seryosong tinitigan ang kaniyang kapatid. “Alright. Just chill... for a sec.” Anang Ulap. Nagtiim-bagang lang naman siya. “Okay. Okay. Masiyado ka namang hot. I mean, mainitin ang ulo,” sabi nito. “Nagpunta lang naman ako rito kasi may ipinapabigay si Sky sa ’yo.” Anito at may inilapag sa mesa na flash drive. Nagsalubong naman ang kaniyang mga kilay nang tapunan niya ng tingin ang bagay na iyon. “What is that?” “Files.” “What files?” “Borbón.” Biglang naging seryoso ang kaniyang mukha nang marinig niya ang sinabi nito. Muli niyang tinitigan ng seryoso ang flash drive na nasa harapan niya. “Kagabi lang nalaman at nakuha ni Giuseppe ang files na ’yan mula sa isang connection niya sa Spain.” Saad pang muli ni Ulap habang seryoso na ang hitsura nito. Hindi siya umimik. Ilang sandaling katahimikan ang namayani bago tumayo sa puwesto nito si Ulap at nagpakawala nang malalim na paghinga. “Sai che siamo una squadra.” Anito ’tsaka walang paalam na tumalikod at lumabas sa kaniyang opisina. “OH, PSYCHE, ano ang ginagawa mo riyan?” Bigla akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Natalija na kapapasok lang sa kusina. “Ah, gagawa ako ng pancake para sa meryinda ni Don Felipe,” sabi ko. “Ako na ang gagawa niyan. Dapat nagsabi ka sa akin kanina.” “Naku, okay lang. Kaya ko naman ano ka ba!” “Pero—” “Maupo ka na lang diyan. Ako na ang gagawa nito. Hindi naman ito mahirap e.” Saad ko pa kay Natalija nang lumapit ito sa akin para sana ito na ang gumawa o magluto ng pancake. “Puwede bang kumain niyan si Don Felipe? Hindi ba’t bawal siya sa mga pagkaing matatamis?” tanong pa nito nang umupo ito sa high chair na nasa gilid ng kitchen counter. “Less sugar naman itong ginagawa ko kaya okay lang na kumain ang Don.” Habang naghahalo ako ng flour at itlog sa malaking bowl. “Oh, Psyche hija... ako na ang gagawa niyan.” Nang dumating din si Nanay Sabel. “Okay lang po. Ako na po ang gagawa.” “Sigurado ka?” “Ayaw nga niyang ibigay sa akin lola e,” sabi naman ni Natalija. “Madali lang naman po ito Nanay Sabel.” “Siya sige ikaw ang bahala.” “Psyche, may tanong pala ako,” sabi nito mayamaya. “Ano ’yon?” “Saan ka pala nakatira?” “Sa Novaliches lang ako.” “Buti pumayag ang nanay mo na mag-stay in ka rito sa trabaho mo?” Tipid akong ngumiti nang saglit kong tapunan ng tingin si Natalija. “Wala na akong nanay. Pati tatay,” sabi ko. Napatitig naman sa akin si Natalija. “Ay, sorry.” Ngumiti akong muli. “Bakit, ano ang nangyari sa magulang mo hija?” tanong din sa akin ni Nanay Sabel habang nakaupo na ito sa isang silya na nasa gilid. “Nawala po ang Nanay Yolanda at Tatay Pastor ko dahil sa landslide na nangyari noon sa lugar namin,” sabi ko. “Ako na lang po mag-isa sa buhay. Dahil po sa tulong ng mababait na kapitbahay namin noon, kaya po ako naka-survived. Pati na rin po sa tulong ni Don Felipe.” “Yolanda at Pastor kamo ang pangalan ng mga magulang mo?” Nilingon ko ang Nanay Sabel. “Opo.” “Yolanda.” Sambit nitong muli. “Bakit po lola, kakilala n’yo po?” tanong ni Natalija. “May kakilala kasi akong Yolanda at Pastor na dating nagtatrabaho rin dito sa mansion ng Don Felipe.” Natigil naman ako sa ginagawa ko at humarap kay Nanay Sabel. Ewan, pero bigla akong naging curious and at the same time ay nakadama ng tuwa sa isiping kaibigan ng Nanay Sabel ang magulang ko. “Talaga po Nanay Sabel?” “Ano ba ang apelido ng magulang mo hija?” “Yolanda Moreno po si nanay at Pastor Goncalves naman po ang itay.” Saglit namang nag-isip si Nanay Sabel. Tila inaalala nito ang mga pangalang sinabi ko. “Hindi ko masiyadong maalala. Pero teka lang at ako’y may larawan na naitabi. Baka siya nga ang Yolanda na nanay mo,” sabi nito at tumayo sa puwesto nito. Naglakad palabas ng kusina. “Ang lola talaga, may pagka-marites din.” Natatawa at napapailing na pagbibiro ni Natalija. “Nakakatuwa naman kung sakaling magkakilala pala sina nanay at Nanay Sabel.” Saad ko. Ilang saglit lang ay bumalik din agad ang Nanay Sabel na may dalang maliit na photo album. “Ito si Yolanda, dating kasambahay rito.” Kaagad akong nagpunas ng kamay ko sa suot kong apron at lumapit kay Nanay Sabel upang tingnan ang picture na sinasabi nito. Bigla akong napangiti. “Siya nga po ang inay ko,” sabi ko. “Talaga Psyche?” “Oo Natalija. Ito ang inay ko.” Kahit papaano ay nakadama ako ng tuwa at gaan ng pakiramdam nang makita kong muli ang mukha ng inay. Dahil kasi sa bahang nangyari noon sa lugar namin, ni isang gamit o picture manlang na magkakasama kaming tatlo ay wala akong may naisalba. Kaya sa isipan ko na lamang inaalala ang mukha ng inay at itay kapag nalulungkot ako sa kanila. “Tingnan mo nga at napakaliit talaga ng mundo. Rito nanggaling ang nanay mo tapos ngayon ay narito ka rin.” Saad ng Nanay Salbe. Mas lalong lumapad ang matamis na ngiti sa mga labi ko. “Sino ang lalaking ito lola?” Napatingin ako sa picture na hawak ni Natalija. “Ito ang itay,” sabi ko pa. “Si Pastor nga ’yan. Noon, siya ang personal driver ng Don Felipe at ng namayapa niyang asawa.” Pagkukuwento ng Nanay Sabel. “Aba’y hindi ko alam na sina Yolanda at Pastor pala ang nagkatuluyan noon! Hindi ko naman alam na naging magkasintahan silang dalawa noong nandito pa sila.” Dati, kapag tinatanong ko ang inay kung paano sila nagkakilala ng itay, ang sinasabi niya lang sa akin ay magkasama raw sila sa trabaho. Parehong nahulog ang damdamin nila sa isa’t isa kaya naging mag-asawa sila. Bukod doon, wala na akong alam tungkol sa love story nila. Close naman ako sa magulang ko pero hindi ako ang tipo ng anak na matanong tungkol sa nakaraan ng magulang ko. “Pero alam ko na may pagtingin si Pastor kay Yolanda noon. Iyon nga lang ay parang may kasintahan ang nanay mo dati kaya hindi niya pinapansin ang pagpapalipad hangin ng kawawang Pastor.” “Bakit po sila umalis dito lola?” I have the same question with Natalija. Mabait naman ang Don Felipe kaya bakit umalis ang magulang ko rito noon? Or baka hindi puwede sa mag-asawang Da Silva na mayroon silang empleyado rito na may ugnayan sa isa’t isa. “Ang pagkakaalala ko, nagpaalam si Yolanda kay Don Felipe na uuwi na siya sa probinsya nila dahil may sakit daw ang nanay niya. Ayaw nga sanang pumayag ng Don, pero wala naman silang nagawa. Tapos, dalawang buwan pagkaalis ni Yolanda ay nagpaalam din si Pastor na titigil na sa trabaho. Simula noon ay wala na rin akong balita sa kanila.” Pagkukuwento pa ng Nanay Sabel. “Kaya natutuwa ako ngayong malaman na ikaw pala ang anak nilang dalawa.” Muli akong napangiti ng matamis. “Kaya po pala magaan agad ang loob ko sa inyo. Pati na rin po kay Don Felipe, kasi naging bahagi po pala kayo ng buhay ng mga magulang ko.” Habang nagluluto ako ng meryinda para kay Don Felipe, panay naman ang kuwento ni Nanay Sabel tungkol sa magulang ko. Kahit papaano ay lumuwag ang dibdib ko sa mga sandaling ito. And of course, kinikilig ako sa ibang kuwento ni Nanay Sabel tungkol sa panunuyo ng itay noon sa inay ko. Kung hindi nga lamang oras na ng pag-inom ng gamot ng Don Felipe, ayoko pa sanang lumabas sa kusina at putulin ang masayang usapan namin. Kaso kailangan kong unahin ang trabaho. Magkasama lang naman kami rito sa mansion kaya may ibang araw pa para magkwento ulit ang Nanay Sabel. “PSYCHE!” Kaagad napalingon ang dalaga sa may dulo ng swimming pool area nang marinig nito mula roon ang boses ng lalaki. Bahagya itong napakunot ang noo nang makitang paparating sa puwesto nito at ng Don Felipe si Arwin. “I knew it. It’s you.” Saad ng binata na may malapad na ngiti sa mga labi. Nasa likuran naman nito ang binatang si Kidlat na usual, magkasalubong na naman ang mga kilay habang nakatingin sa dalaga. “What are you doing here?” tanong pa ni Arwin. “Good afternoon po Sir Arwin.” Sa halip ay bati nito. Si Kidlat naman ay seryoso pa ring nakatitig sa mukha ni Psyche. “Are you... lolo’s new nurse?” nang makita nitong inaasikaso ng dalaga ang abuelo nito. Nakita naman ni Kidlat ang tipid na ngiti sa mga labi ng dalaga. Pagkatapos ay tumango pa ito. “Seriously?” tila ayaw pang maniwala ni Arwin. “You’re so noisy, kiddo.” Kunwari ay naiinis namang saad ng Don kasabay nang pagtiklop nito sa binabasang magazine. Tumawa naman ang apo nito. “I’m sorry lolo. Nagulat lang po ako na nakita ko rito si Psyche. Actually, I was looking for her yesterday in the Casa. Hindi naman sinabi sa akin ni Shiela na rito na pala sa mansion nagtatrabaho si Psyche. As your personal nurse.” “Um, dalawang buwan lang naman po akong magtatrabaho rito bilang tagapag-alaga ng Don. Babalik din po ako sa Casa, Sir Arwin.” Muli siyang napatitig sa mukha ng dalaga matapos niyang marinig ang sinabi nito. Actually, sinabi na rin iyon sa kaniya ng kaniyang Ninong Felipe. Psyche will only stay in the mansion for two months. After that, babalik na nga raw ito sa Casa; sa bar kung saan ang totoong trabaho nito. “Really? So that means... you will stay here for two months?” Napatingin naman siya kay Arwin. Ewan ba niya, pero biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang makita niya ang excitement sa mukha ng apo ng kaniyang ninong nang malaman nitong sa mansion mananatili si Psyche. “Psyche will going to stay here for two months.” Si Don Felipe na ang sumagot sa tanong ng apo nito. “Wow!” malakas na saad nito at walang paalam na inakbayan si Psyche na halatang ikinagulat nito. “Ngayon, may rason na pala ako para dito na ulit umuwi lolo.” Ano raw? Rason para umuwi ito sa mansion? What does he mean? “What do you mean?” “I mean, because Psyche will stay here lolo. And I think... hindi na ako tatamaring tumambay rito sa bahay.” Ipinagpalipat ng Don ang tingin kay Psyche at sa apo nito. Ganoon din ang ginawa niya. Mayamaya ay nagbaling din sa kaniya ng tingin si Psyche. Mas lalong naging seryoso ang mukha niya habang nakatingin dito. “Please be specific young man?” Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ni Arwin at mas lalong hinapit ang dalaga palapit sa katawan nito. Ewan ba niya kung bakit parang bigla siyang nainis dahil sa ginagawa ni Arwin ngayon. Parang gusto niyang sawayin ang binata at sabihing pakawalan nito si Psyche, pero wala siyang lakas na gawin iyon. Baka magmukha lang siyang katawa-tawa roon. Sino ba naman kasi siya para gawin iyon? Hindi nga ba’t galit siya sa dalaga? “Well, lolo...” anang Arwin at saglit na tiningnan si Psyche na mahahalata sa mukha ang labis na pagkailang dahil sa pagkakaakbay nito rito. “...I like Psyche." Damn it! Bigla siyang napamura sa kaniyang isipan. What? Bakit naman parang masiyado siyang apektado dahil sa sinabi ni Arwin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD