CHAPTER 33

2268 Words
NAPANGITI akong muli nang matawa na naman ng pagak si Arwin. Bakas pa rin sa mukha nito ang halo-halo at hindi maipaliwanag na reaksyon. Napapailing pa ito nang magpakawala nang malalim na paghinga. “I still can’t believe it,” sabi nito. Tinitigan ako nito ng mataman. “Ayaw mong tanggapin na tita mo ako?” pabirong tanong ko. “No. I mean, nabigla lang ako sa mga kwento ni lolo kagabi.” Anito. “You know last night, hindi ako nakatulog kakaisip sa ’yo pati sa naging relasyon ni lolo at mother mo.” Sumandal ako sa puwesto ko. “Ako rin naman. No’ng sinabi sa akin ni Don Felipe ang lahat...” “Wait, Don Felipe pa rin ang tawag mo kay lolo?” tanong nito dahilan ng pagkaputol ng pagsasalita ko. Tumango naman ako. “Oo,” wika ko. Nagsalubong naman ang mga kilay nito. “But why? I mean, you are his daughter. You should call him dad or papa.” “Kinausap ko na ang Don Felipe tungkol diyan,” sabi ko. “Gusto niyang tawagin ko na rin siyang tatay, pero ang sabi ko sa kaniya, kung puwede ay bigyan niya muna ako ng time para mag-sink in ng tuluyan sa utak ko ang lahat ng ito. Nabigla ako sa mga nalaman ko kaya sigurado akong ganoon din ang magiging reaksyon ng mga tao sa paligid kapag nalaman nilang anak pala ako ng Don Felipe. Ayoko naman na pag-isipan nila ako ng kung anu-ano. Puwede namang dahan-dahanin ang sitwasyon ngayon e.” Pagpapaliwanag ko. “Well, sabagay!” pagsang-ayon nito sa akin. “And I don’t think if papa knows anything about this.” Bigla ko ngang naalala si Sir Vince; ang nag-iisang anak din ng Don Felipe sa una nitong asawa. Paano kung hindi pa nito alam ang tungkol sa akin? Paano kung kapag nagkita kami ay magalit ito sa akin? Paano kung hindi nito matanggap ang tungkol sa akin? Mga katanungang nagpangamba sa ’kin. Pero siguro naman, kung sakaling malaman ni Sir Vince ang totoo tungkol sa naging relasyon noon ng tatay nito sa nanay ko, sana hindi siya magalit sa akin kagaya kay Arwin. Naintindihan agad nito ang paliwanag ng lolo nito. Sana lang! “What are you thinking?” Napabuntong-hininga akong muli at nag-iwas ng tingin dito. “Iniisip ko lang ang papa mo,” sabi ko. “Nag-aalala lang ako sa kung ano ang magiging reaksyon o sasabihin niya kapag malaman niya ang tungkol dito. Ang tungkol sa akin.” Kumilos naman sa puwesto nito si Arwin. Lumapit ito sa gilid ng mesa at inabot ang mga kamay kong nasa ibabaw ng mesa. Masuyo nitong ginagap ang mga palad ko at ngumiti sa akin. “You don’t have to worry about papa. I know, kung wala pa man siyang alam tungkol sa ’yo... I’m sure, kagaya ko makikinig din siya kay lolo. I know him, mabait si papa. Matatanggap ka agad niya.” “Sana nga, Arwin. Sana nga!” Muli itong ngumiti at binitawan ang mga kamay ko. “So, should I call you Tita Psyche now?” pagkuwa’y tanong nito. Napangiti na rin akong muli. Parang nakakailang naman. Parang hindi bagay kung tatawagin ako nitong tita, e hindi naman nalalayo ang edad naming dalawa. “Parang ang panget naman,” sabi ko. Natawa na naman ito. “No it’s not. Maganda naman pakinggan a! Tita Psyche. See?” Napasimangot na lamang ako habang may ngiti pa rin sa mga labi ko. Inismiran ko rin ito. Parang pinagti-trip-an ako nito ngayon a! “I will call you tita from now on.” “Sa isang kondisyon,” sabi ko. “Alright?” Bumuntong-hininga akong muli. “Basta hawag lang sa harap nina Nanay Sabel, nina Natalija. Sa mga tao rito sa mansion.” “Why?” kunot ang noo na tanong nito. “E, huwag na nga muna. Saka na lamang kapag... kapag na absorb na ng tuluyan ng utak ko ang lahat ng mga pangyayari.” Pagpapaliwanag ko pa. Nagkibit naman ito ng mga balikat. “Okay. Deal.” Ngumiti akong muli. “NINONG, WHAT are you doing?” kunot ang noo na tanong ni Kidlat sa don nang pagkapasok niya sa silid nito ay nadatnan niyang nasa tapat ito ng closet at tila naghahanap ng maisusuot na damit. “Naghahanap lang ako ng magandang damit na maisusuot.” “For what? May meeting ka ba ngayon?” tanong pa niya. “Oh, no. I don’t have meeting today hijo. Naghahanap lang ako ng damit para sa date ko mamaya.” Halos mag-isang linya pa ang mga kilay niya dahil sa sinabi ng don. Date? May date ito mamaya? Kanino? Kay Psyche? “A date?” tanong pa niya. “You have a date tonight?” “Yeah.” “Who?” tanong niya although may ideya ng pumasok sa kaniyang isipan kung sino ang ka-date nito mamaya. And usual, heto na naman ang panibugho sa kaniyang damdamin. Oh, God please! Malapad ang ngiti sa mga labi ng don nang lumingon ito sa kaniya. “With Psyche,” sabi nito. Damn it! Bigla siyang napamura sa kaniyang isipan. At ang panibughong kaniyang nararamdaman ay mas tumindi pa. Magdi-date sila? Hindi makapaniwalang tanong ng kaniyang isipan. “Bagay ba sa akin itong damit na ito hijo?” tanong ng Don Felipe nang ipakita nito sa kaniya ang isang sky blue long sleeve polo. Wala sa sariling nagpakawala siya ng malalim na paghinga at tiningnan ang damit na hawak nito habang kunot ang kaniyang mga kilay at nakatiim ang kaniyang mga bagang. “Any color suits you, ninong.” Walang buhay na saad niya. “Really?” ngumiti pa ito at tinitigan din ang damit. “I want to look good tonight, dahil special ang date naming ito ni Psyche.” Special? Bakit naman espesyal ang date na iyon ng dalawa mamaya? Magpo-propose na ba itong ninong niya sa dalaga? Fuck! No. Hell, no! It can’t be. “Are you okay, hijo?” mayamaya ay tanong ng don nang makita nitong bigla siyang natahimik. Muli siyang nagbuntong-hininga nang malalim. “I’m not.” Ang mga kilay naman ng Don Felipe ang nagsalubong nang tingnan siya nito. “Why? Is there a problem?” “Nothing, ninong.” “Are you sure? Maybe I can help, just let me know.” Umiling lamang siya kasabay ng paghagod niya sa kaniyang batok. “No, ninong. Thank you.” “E, ano pala ang kailangan mo at pinuntahan mo ako rito?” “Nothing. I just want to... check on you.” Saad na lamang niya. “I gotta go.” Hindi na niya hinintay na magsalita pa ang don at kaagad siyang tumalikod at lumabas sa silid nito. Nagmamadali pa siyang pumanhik sa kaniyang silid. Tiim-bagang at sunod-sunod na malalim na paghinga ang muli niyang pinakawalan sa ere habang nagpaparoo’t parito siya ng lakad sa loob ng kaniyang kuwarto. Napahilamos pa siya sa kaniyang mukha at muling hinagod ang kaniyang batok at tumingala sa kisame. “Damn it!” pagmumura pa niya. “I’m jealous. f*****g jealous.” Muling nagtagis ang kaniyang bagang. Ano ba ang kailangan niyang gawin ngayon para hindi matuloy ang date ng dalawa? “Oh, really Kidlat? Gagawa ka ng paraan para hindi matuloy ang date nila?” pinagtawanan niya ang kaniyang sarili dahil sa naisip niyang iyon. Muli siyang napailing at naglakad palapit sa kaniyang kama. Umupo siya sa gilid niyon at itinukod niya sa kaniyang mga hita ang magkabilang siko at ikinulong sa kaniyang mga palad ang mukha. “You’re acting crazy, men. You are going crazy because of her.” Tumawa pa siya ng pagak pagkatapos ay muling napabuga ng hangin. KINABUKASAN, halos tanghali na nang magising siya. Paano ba naman kasi, magmamadaling araw na kanina nang makauwi siya sa mansion galing sa bar ng kaibigan niyang si Judas. Dahil hindi niya makayanang manatili sa mansion habang nasa labas ang kaniyang Ninong Felipe at nakikipag-date kay Psyche, nagpasya na lamang siyang lumabas din. Baka hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili at sumabog siya dahil sa labis na selos na kaniyang nararamdaman sa dalawa. Hindi niya alam kung ano’ng klaseng date ba ang nangyari sa dalawa kagabi, pero sigurado siyang labis siyang naghihimutok sa galit at selos habang nilulunod ang kaniyang sarili sa alak. Pagkabangon niya sa kaniyang higaan ay kaagad siyang dumiretso sa banyo at naligo upang mawala ang hang-over na kaniyang iniinda. Sobrang sakit ng kaniyang sentido. Naparami ngang talaga ang alak na ininom niya kagabi. Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay kaagad siyang bumaba sa kusina upang kumain. May lakad din kasi siya mamayang hapon. “Oh, good morning hijo!” bati ng Don Felipe sa kaniya nang pagkapasok niya sa kusina ay nadatnan niya ito roon, kasama si Psyche. Saglit siyang napatitig sa dalaga na ngayon ay nakatingin din sa kaniya. Lihim siyang nagpakawala nang buntong-hininga ’tsaka naglakad palapit sa hapag. “Morning, ninong.” Bati niya rito at umupo sa silyang nasa tapat ng dalaga. “Anong oras ka na nakauwi kagabi? Pagkarating kasi namin dito ang sabi ni Natalija ay nasa labas ka rin daw.” “Um, yeah. Nakipagkita ako kay Judas sa bar niya.” “Dahil pa rin ba sa problema mo kaya naglasing ka kagabi?” tanong nitong muli sa kaniya. Saglit niyang tiningnan ang don, maging ang dalaga bago kumuha ng pagkain at naglagay sa kaniyang pinggan. “Yeah, ninong.” “Bakit hindi mo sabihin sa akin kung ano ang problema mo? Maybe I can help you. Tell me hijo, is it about money? Or—” “No ninong, it’s not about money.” Saad niya. “It’s...” muli niyang tinapunan ng tingin si Psyche na nakatingin din sa kaniya. Pero nang magsalubong ang kanilang mga mata ay kaagad itong nag-iwas ng tingin sa kaniya. “...about the woman I like.” Napatitig naman ng mataman sa kaniya ang Don Felipe. Mayamaya ay gumuhit ang ngiti nito sa mga labi. “A woman you like? I suddenly became interested in your problem, hijo.” Binitawan nito ang hawak na mga kubyertos pagkuwa’y itinukod ang mga siko sa gilid ng mesa at ipinagsalikop ang mga palad; ipinatong doon ang baba nito. “Come on and tell me who is this lucky girl giving you problem now?” Napailing naman siya. “I can’t tell, ninong.” “Why not?” AH, SO, WALA na pala talaga akong pag-asa sa kaniya! I mean, alam ko naman na malabong magkagusto siya sa akin... pero no’ng sinabi sa akin ni Natalija no’ng isang araw na wala siyang girlfriend, kahit papaano itinanim ko sa isipan ko na bago may chance. Pero ngayong sa bibig niya na mismo nanggaling na may nagugustohan siyang babae, ano pa ang aasahan ko? Malabo namang ako ang babaeng sinasabi niyang gusto niya! Sabi ko naman sa ’yo Pysche, huwag ka ng umasa sa sungit na ito. Malinga-lingang batukan ko ang sarili ko ngayon. Lihim akong nagpakawala nang buntong-hininga at itinuon na lamang sa pagkain ang aking atensyon. Tila nawalan ako ng gana. “Well, I’m not sure if she likes someone else, but I’m sure the guy she’s with likes her.” Buti nga sa ’yo! Sana magkatuluyang silang dalawa para wala ka ring chance sa babaeng gusto mo. Ah, talaga ba Psyche? Selos na selos ka naman diyan! “Then why don’t you ask her? Or, confess to her that you like her! Baka gusto ka rin ng taong gusto mo?!” Saad ni Don Felipe. “Well, actually ninong, I confessed to her the other night.” Bigla akong natigilan nang marinig ko ang sinabi niya. Wait, tama ba ako ng narinig na sinabi niya? Nag-confessed siya noong isang gabi? E, hindi ba’t nagkausap kami no’ng isang gabi sa swimming pool area? Tapos sinabi niya sa akin na gusto niya raw ako. So, ibig sabihin... a-ako... ako ang tinutukoy niyang gusto niya? Wala sa sariling napaangat ang mukha ko at tiningnan ko siya. Sakto namang nakatingin din siya sa akin. Seryoso ang hitsura niya. Oh, God! May biglang pumitik sa puso ko nang magtama ang mga mata namin. Napalunok ako ng laway ko. “Really? So, ano ang sinabi niya sa ’yo?” napatingin ako kay Don Felipe nang magtanong ulit ito. Narinig ko naman siyang bumuga nang hininga ’tsaka muling itinuloy ang pagkain. “Wala akong nakuhang sagot, ninong.” “But why?” “It’s my fault. Iniwanan ko siyang mag-isa.” Oh, Diyos na mahabagin! Gusto niya nga ako? Ako nga ang tinutukoy niya! At ngayon sigurado na akong hindi lang siya basta nang ti-trip no’ng gabing iyon doon sa swimming pool area. Mas lalong kumabog ang puso ko dahil sa mga nalaman ko ngayon. Damn, gusto kong ngumiti, tumawa at magtatalon ngayon din dahil sa kaligayahan ng puso ko, pero pinigilan ko ang sarili na gawin iyon. Pinanatili kong seryoso ang mukha ko kahit sa kaloob-looban ko ay parang sasabog ako anumang sandali dahil sa kilig na nararamdaman ko. Gusto niya rin ako? Gusto ako ni sir sungit?! “Hindi kasi dapat ganoon hijo. If you confess to someone, dapat hindi mo basta-bastang iniiwanan. Dapat sinisigurado mong may makukuha kang sagot mula sa kaniya. Either she likes you too or not. Her answer matters.” Tama po kayo, Don Felipe. Dapat hindi siya umalis agad no’ng gabing iyon. Malay niya hindi rin ako tinablan ng hiya at napa-oo at gusto rin kita no’ng gabing ’yon. E ’di sana masaya kaming pareho. Pero, ngayon ay masaya naman na ako. Higit sa pa sobrang masaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD