CHAPTER 32

2045 Words
“HINDI ako naniningil, hija. Kusang loob at taos puso akong nagbibigay sa ’yo ng tulong kaya hindi mo kailangang bayaran ang lahat ng ito.” “Bakit po napakabuti n’yo po sa akin, Don Felipe?” naitanong ko. “Because... you are Yolanda’s daughter.” Anito. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan sa ere ng Don Felipe at muli akong pinakatitigan nang mataman. Ewan ko ba, pero biglang kumabog nang malakas ang puso ko dahil sa klase ng titig ng Don sa akin. Tila ba may nais itong sabihin sa akin ngunit nagdadalawang-isip pa ito. Mayamaya ay muli nitong binuksan ang malaking photo album na nasa mesa. May kung ano itong kinuha roon. “Here, take a look at this, hija.” Iniabot nito sa akin ang isang picture na parang mas malaki lang ng kaunti sa wallet size. Bagama’t colored ang larawan, pero mapapaghalataang luma na iyon. Nagtataka man ay kinuha ko iyon at tiningnan. Pinakatitigan ko ang picture na iyon bago muling tiningnan ang don. “Ang... ang inay po ito, Don Felipe,” sabi ko. May maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi ng don at bahagyang tumango. “Yeah. That’s your late mother, hija.” Anito. “E, s-sino po ang lalaking kasama ng inay rito sa picture? Sigurado po akong hindi po ito si tatay.” Saad ko pa nang muli kong tingnan ang larawan. Maraming picture ang inay at itay noong bata pa sila kaya alam ko kung ano ang hitsura ng Tatay Pastor ko noong bago pa lamang sila mag-asawa ni nanay. “That’s me,” sabi nito. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko nang muli akong mag-angat ng mukha upang tingnan ulit ang don. Ano raw? Itong lalaking kasama ng inay ko sa larawan ay ang Don Felipe? Pero bakit sila magkasama? Tapos base sa mga hitsura nila sa picture na ito ay pareho silang masaya! Nakahawak pa sa baywang ng inay ang isang kamay ng Don Felipe. Ano ang ibig sabihin nito? Na... na may namamagitan sa kanilang dalawa ng inay nang mga panahong kinunan ang larawan na ito? Biglang dinagsa ng samo’t saring katanungan ang isipan ko. “P-paano pong...” hindi ko natapos ang tanong ko, sa halip ay muli kong pinakatitigan ang picture. “My wife and I had been married for twenty years when I met your mother,” sabi pa nito at muling nagbuntong-hininga. “Yolanda was twenty-three at that time.” Napatitig akong muli sa don. Tila biglang may nabuhay na kuryusidad sa kalooban ko dahil sa mga sinabi nito. May dapat ba akong malaman na nangyari noon sa nanay ko pati kay Don Felipe? Pakiramdam ko kasi, oo. “M-may... may gusto po ba kayong sabihin sa akin, Don Felipe?” naglakas-loob akong tanungin ito. Ramdam ko kasi sa sarili ko na may dapat akong malaman ngayon na nangyari sa pagitan nila ng inay noon. Ipinatong ng don ang magkabilang siko nito sa armchair at ipinagsalikop ang mga palad sa tapat ng tiyan nito at tumitig sa kawalan. “Bagong salta rito sa Maynila noon ang inay mo. Nagtrabaho siyang kasambahay rito sa mansion,” paninimula na sabi nito. “Mabait ang nanay mo. And the first time I could look into her eyes, I saw that she was full of innocence. Iyon ang naging dahilan upang makadama agad ako ng kakaibang t***k ng puso ko para sa kaniya. I fell deeply in love with Yolanda.” Oh, tama ba itong mga naririnig ko na sinasabi ng don? Dahil doon, mas lalo pa akong nakadama ng curiosity upang marinig ang lahat ng kwento nito tungkol sa kanila ng inay ko. “Kagaya sa sinabi ko kanina... I was married to someone else before I met your mom. But I’m not totally happy with my marriage life kahit pa matagal na kaming nagsasama ng asawa ko at may anak na kami. I mean, ikinasal lang naman kami ng asawa ko dahil sa kagustohan ng mga magulang namin noon. We didn’t had a choice. Minahal ko naman siya sa paglipas ng mga panahon na magkasama kami... pero hindi ganoon kalalim. And wala akong balak na lokohin siya kagaya sa pangako ko sa harap ng altar noong ikasal kami. But not until one day, when I met the young Yolanda. Hindi ko napigilan ang puso ko na umibig sa kaniya. At first, I resisted that love because I didn’t want to hurt my wife and my son. Pero nang malaman ko na may lihim ding pagtangi sa akin ang iyong ina, naglakas loob na akong sabihin sa kaniya na mahal ko siya. Noong una ay ayaw niyang pumayag na makipagrelasyon sa akin kahit pa pareho kami ng nararamdaman para sa isa’t isa... ayaw niya raw na masira ang relasyon namin ng asawa ko, ang pamilya namin. Ayaw niya na siya ang magiging dahilan ng pagkasira ng pamilya namin. Pero hindi rin naman ako pumayag na hindi maging akin si Yolanda, because I love her so much. Palihim ko siyang sinuyo nang sinuyo hanggang sa napapayag ko siya sa patagong relasyon namin. Alam kong mali, pero wala akong magagawa. Mahal na mahal ko ang Yolanda. We love each other.” Napasinghap ako dahil sa aking mga nalaman. Totoo ba ang lahat ng ito? Ang inay at ang Don Felipe ay nagkaroon ng relasyon noon? Wala naman nabanggit sa akin ang inay noon tungkol sa una nitong pag-ibig! At si Don Felipe, matagal na kaming magkakilala ngunit bakit ngayon lamang nito nabanggit sa akin ang tungkol sa bagay na iyon? Well kunsabagay, kasi nito lamang nalaman ng Don Felipe na anak ako ng Nanay Yolanda. Hindi naman siguro sadya ang pagkikita namin noon sa park kaya nito naisipang tulungan ako, hindi ba? “Isang taon na naging lihim ang relasyon namin dito sa loob mismo ng pamamahay ko. Si Pastor, siya lamang ang tanging nakakaalam sa relasyon namin ng inay mo.” Muling nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatitig pa rin ako nang mataman sa mukha ng don. Ang itay? Alam ng tatay ko na may relasyon noon sina nanay at Don Felipe? Ngunit paanong nangyari na sila ang nagkatuluyan? “And then Yolanda told me that she was pregnant,” muling huminto sa pagsasalita ang don. Tinitigan ako nito ng mas mataman. Ewan ko, pero heto at kumabog na naman ang puso ko. May kakaiba akong nararamdaman ngayon. Para bang... kapag nagsalita ulit ang don ay sasabog ako sa mga maaari kong marinig mula rito. “I got her pregnant. And... it was you.” Nahigit ko ang paghinga ko at parang pakiramdam ko mahuhulog ata ako sa kinauupuan ko gayo’ng maayos naman ang pagkakaupo ko. Ang picture na hawak ko ay hindi sinasadyang nabitawan ko iyon. Tila nabingi ako sa mga narinig ko. Ano raw? Si Don Felipe ang nakabuntis sa nanay ko? Si Don Felipe ang tatay ko? Biglang nagulo ang isipan ko dahil sa mga nalaman ko. Naramdaman ko rin ang biglang pag-iinit sa sulok ng aking mga mata. Anumang sandali, alam kung tutulo ang aking mga luha roon. Parang sirang plaka na paulit-ulit sa aking pandinig ang huling mga kataga na binitawan ng don. It was you! Unti-unting nanlabo ang aking paningin. Nag-uulap na ang aking mga mata. “I talked to her. Sinabi ko sa kaniya na kakausapin ko ang asawa ko para ipaalam ang tungkol sa relasyon namin, ang tungkol sa pagbubuntis niya sa ’yo. But she refused. Ayaw niya. And she thought of a way... she wants to leave. Gusto niyang umuwi sa probinsya nila para doon ipagpatuloy ang pagbubuntis niya. Pero hindi ako pumayag. Hindi ko kayang malayo siya sa akin, lalo na at ipinagbubuntis niya ang anak ko. But...” saglit na tumigil ang don at humugot ng malalim na paghinga. I can see in his eyes what sadness and pain he feels now because of what happened before. Nakikita ko iyon sa mga sandaling ito. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. “Isang araw pagkauwi ko galing sa trabaho, nalaman ko mula kay Salbe na umalis na nga raw siya. Ipinahanap ko ang nanay mo sa mga tao ko, pero hindi ko siya makita. After a few weeks, ipinagtapat sa akin ni Pastor kung saan niya inihatid ang nanay mo. Pastor helped me to see her. Nasa Valenzuela pala siya at doon niya naisipang mangupahan ng bahay dahil ayaw niya raw umuwi sa kanila kasi nahihiya siya sa magulang niya. I talked to her at ilang beses akong nagmakaawa sa kaniya na bumalik na lang siya sa mansion at kakausapin ko ang asawa ko, pero matigas ang nanay mo. Nang araw na iyon din ay tinapos niya ang relasyon namin. Ayaw na niyang magpakita pa ako sa kaniya. The same day, nang makauwi ako, I talked to my wife. Ipinagtapat ko ang katotohanan. And as I expected, nagalit sa akin ang asawa ko. Lagi na kaming nag-aaway dahil sa kasalanan ko. Iyon ang naging dahilan upang mas lumala ang sakit niya sa puso.” “Gusto kong bumalik sa nanay mo para makiusap ulit, but that time, my wife needs me more. Kailangan siyang dalhin sa ibang bansa para doon ipagamot. And before I leave, I tried to talked to your mom for the last time... pero hindi siya nagpakita sa akin. Si Pastor ang tanging inasahan ko para masiguradong okay si Yolanda, pati ang anak namin. While I was in New York, hindi ko alam na sila na pala ang nagkatuluyan. Nalaman ko na lamang iyon nang makabalik na ako rito sa Pilipinas, after two years.” Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung saan ako nasasaktan sa mga sandaling ito, kung doon ba sa malungkot na love story nila ng inay na hindi nagkaroon ng happy ending, or doon sa katotohanang nalaman ko na may halong sekrito at kasinungalingan pala ang buhay ko?! Lumaki ako sa paniniwalang tatay ko si Tatay Pastor. Pero ngayon malalaman ko na lamang na si Don Felipe pala ang totoo kong ama. Paniniwalaan ko ba ito? Hindi ko alam. “After those two years, muli kaming nagkita ng nanay mo. Hindi naman niya ipinagkait sa akin na makita, mayakap, mahalikan at makilala kita.” Doon, nakita kong may dalawang butil ng luha ang pumatak sa mga mata nito. Mapait din itong ngumiti sa akin. “Walang pagsidlan ang kaligayahan sa puso ko no’ng unang beses na masilayan kita... anak ko. No’ng unang beses na mahawakan at mayakap kita. I wanted to be with your side, God knows that. Gusto kong ako ang kilalanin mong tatay at hindi si Pastor. Gusto kong ako ang nasa tabi mo para alagaan ka, pati ang nanay mo. Gusto kong ako ang kasama mo sa bawat paghakbang mo. Gusto kong ako ang magpapatahan sa ’yo kapag umiiyak ka. Gusto kong ako ang nasa tabi mo habang lumalaki ka. But I can’t do that. Ayaw ng nanay mo. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na maging ama sa ’yo. Sapat na raw na nakita at nahawakan kita. And after that, pinagbawalan na ako ni Yolanda na makita kang muli. Pero si Pastor, palihim siyang nakikipagkita sa akin parati, dala-dala ka niya. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa kaniya.” Bumuntong-hininga nang malalim ang don at pinunasan ang luha sa mga pisngi nito. “Aminado akong hindi ko nasubaybayan nang husto ang paglaki mo, pero masaya pa rin ako dahil alam kong napalaki ka nina Yolanda at Pastor na mabuting bata, mabuting anak.” Tahimik lamang akong umiiyak habang nakikinig pa rin sa kwento ng Don Felipe. So, lahat pala ng ito ay alam ng don? Simula sa umpisa! Ang unang pagkikita namin noon sa park, hindi iyon isang hindi inaasahang pagkakataon lamang. Sadya ang mga nangyari noon, maging ang pagtulong nito sa akin na makapasok sa Casa de Esperanza para makapagtrabaho. Kaya rin pala mapilit itong bigyan ako ng kahit anong tulong dahil alam nitong anak ako nito. Kaya pala sobrang gaan ng loob ko rito kahit noong unang beses pa lamang kaming magkita, iyon ay dahil siya ang tatay ko! Oh, God! Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito. Never in my wild dreams na darating ang araw na malalaman kong anak pala ako ng isang bilyonaryo! Is this really true?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD