CHAPTER 34

2799 Words
ANG gaan ng pakiramdam ko nang gumising ako kinabukasan. Although, hindi na naman ako nakatulog nang maayos sa nagdaang gabi dahil laman pa rin ng isipan ko ang mga nalaman ko no’ng umaga, pero parang feeling ko saktong-sakto ang tulog ko. Ang saya ng pakiramdam ko. Hindi pa man ako nagmumulat ng aking mga mata ay nakangiti na ako. Isang mahabang paghinga ang pinakawalan ko sa ere ’tsaka umupo sa kama ko. Inilibot ko ang aking paningin sa buong kuwarto ko na haggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang sa akin nga talaga ito. “Good morning, myself!” masiglang bati ko sa sarili ko bago tuluyang bumangon at naglakad papunta sa banyo. Sa tapat ng lababo ako tumayo at pinakatitigan ang sarili ko sa malaking salamin. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko ang maaliwalas kong mukha. “Ang saya mo ngayon, Psyche a?!” saad ko. “Well, sino ba naman ang hindi magiging masaya gayo’ng alam mong gusto ka rin pala ng crush mo.” Oh, really? Para naman akong baliw nito at kinakausap ko na ang sarili ko ngayon! Ganito nga ata talaga kapag in love, nababaliw at kinakausap ang sarili. “Mmm~” Mayamaya ay nag-humming na rin ako ng kanta habang naglalagay ng toothpaste sa toothbrush ko. God, para akong nasa cloud nine ngayon. Parang nakalutang ang mga paa ko sa alapaap. Nakangiti lamang ako hanggang sa matapos akong mag-toothbrush at maghilamos. Pagkatapos ay ’tsaka ako lumabas sa kwarto ko upang puntahan sa silid niya si Don Felipe. Pero nang makapasok ako roon, masarap pang natutulog ang Don. Alas syete y medya na pero hindi pa ito gising. Hinayaan ko na muna ito at muli akong lumabas ng silid at tinungo ang kusina. “Good morning po Nanay Sabel!” bati ko sa matanda nang madatnan ko ito roon at nagluluto ng almusal. “Magandang umaga rin sa ’yo hija.” “Si Natalija po?” tanong ko. “Nasa hardin at nagdidilig ng mga halaman.” Sagot nito. “Halika at mag-almusal ka na muna,” sabi pa nito. “Mamaya na lang po Nanay Sabel. Pupuntahan ko lang po sa garden si Natalija.” “Siya sige.” Muli akong lumabas sa kusina at tinahak ang daan palabas ng bahay, hanggang sa makarating ako sa garden. Naroon nga si Natalija. “Good morning!” nakangiting bati ko rito. Saglit naman itong tumigil sa ginagawa at binalingan ako ng tingin. “Good morning, amiga!” anito. “Mukhang masaya ang gising natin ngayon ah?” punang tanong pa nito sa akin nang mahalata nito ang kakaibang ngiti sa mga labi ko. Muli akong nagpakawala nang malalim ngunit banayad na paghinga. “Well,” sabi ko at pinagsalikop ko pa ang aking mga palad at nagkibit ng aking mga balikat. Pinatay ni Natalija ang hose na hawak nito at kunot ang noo na humarap sa akin. “May gusto ka bang i-share sa akin na magandang nangyari sa ’yo para ngumiti ka ng ganiyan kaganda?” curious na tanong nito. Saglit naman akong nagpalinga-linga upang tingnan kong may ibang tao roon, nang masiguro kong kami lang ni Natalija ang naroon ay muli akong tumingin dito. “May sasabihin nga ako sa ’yo bes,” sabi ko na hindi na rin nakaligtas ang kilig sa boses ko. “Okay, saglit lang.” Anito at nagmamadaling inilagay sa balde ang hose at lumapit sa akin. Walang sabi na hinawakan nito ang kamay ko at hinatak ako palapit sa lounge chair na naroon sa gilid ng swimming pool at magkatabi kaming umupo roon. “Ano ang sasabihin mo sa akin bes? Ready na ako!” anito. Saglit akong hindi umimik. Pero ang ngiti sa mga labi ko ay naroon pa rin. Tila ba kaunti na lamang ay mapupunit na ang aking pisngi. “Tungkol ba kay Sir Kidlat?” tanong ulit ni Natalija. “Nagtapat na ba siya sa ’yo na gusto ka rin niya?” “Hindi naman siya nagtapat bes, pero...” sinadya kong ibitin ang kwento ko. Nakatitig lang naman sa akin si Natalija at inaabangan ang susunod na sasabihin ko. “Bes, sinabi niya kahapon kay Don Felipe na gusto niya ako.” Nanlaki ang mga mata ni Natalija, gayo’n na rin ang bibig nito. Mayamaya ay napatutop ito sa bibig at pigil na tumili. “Totoo bes?” Sunod-sunod naman akong tumango bilang sagot. Mayamaya ay hinawakan nito ang braso ko at bahagya akong pinalo-palo roon. Halata sa mukha nito ang labis na kilig. “Seryoso? Paano niya sinabi bes? Sinabi ba niya ng harap-harapan kay Don Felipe na gusto ka niya?” tanong nitong muli. “Um, hindi niya totally na sinabi kay Don Felipe na gusto niya ako. Pero sinabi niyang may gusto raw siyang babae at nagtapat daw siya sa babaeng ’yon nang isang gabi pero iniwan niya raw kaya hindi alam kung gusto rin siya ng babaeng gusto niya. E, hindi ba’t ikinuwento ko sa ’yo na nagkausap kami no’ng isang gabi rito sa swimming pool area? Sinabi niyang gusto niya ako pero hindi ko naman agad pinaniwalaan ’yon. Pero kahapon no’ng magkasama kaming mag-almusal, nakumpirma kong totoo nga ’yon. Sa bibig niya galing na gusto niya ako.” Kinikilig na pagkukuwento ko. “My God!” muling impit na napatili si Natalija habang mahigpit na hawak-hawak ang mga kamay ko. “Sabi ko na sa ’yo e!” anito. “Gusto ka rin ng crush mo. So ngayon, kilig na kilig ka na?” Naramdaman kong unti-unti na namang nag-iinit ang buong mukha ko dahil sa kilig. “E, sino ba naman ang hindi kikiligin kung gusto ka rin ng lalaking gusto mo?” balik na tanong ko rito. “Oh, masaya ako para sa ’yo bes. Sana... sana mag-confess siya ulit sa ’yo at ligawan ka na agad niya. Nako, hindi siya lugi sa ’yo bes. Ang ganda-ganda mo tapos napakabait pa.” Mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa papuri ni Natalija sa akin. “Thank you, bes.” “Sigurado ako, bukas-makalawa may jowa ka na.” Humagikhik pa ito. Tumawa rin naman ako. “Grabe naman sa sobrang bilis.” “Haynako, kung magtatapat naman siya sa ’yo ulit huwag ng pabebe bes. Sunggab agad. Mahirap na at baka maunahan ka pa ng iba. Ang sabi ko naman sa ’yo... 2022 na ngayon. Hindi na uso ang pabebe at pagiging Maria-Clara.” Ngumiti na lang ako dahil sa mga sinabi ni Natalija. Pagkatapos naming mag-usap, bumalik ulit ako sa loob ng bahay at tinungo ang silid ng don. Sakto namang gising na ito nang dumating ako roon pero nakahiga pa rin sa kama nito. “Good morning po!” bati ko rito. Nagbaling ng tingin sa akin ang don. “Good morning too, sweetheart.” Tila nahihirapan pa itong kumilos sa puwesto nito kaya kaagad akong lumapit dito at inalalayan itong makaupo at sumandal sa headboard ng kama nito. “Okay lang ba kayo?” bahagya akong nakadama ng pag-aalala. “Yeah. I’m fine hija.” “Sigurado po kayo?” kunot ang noo na tanong ko pa. “T-tatawagan ko po ang doctor ninyo para—” “No need hija.” Anito. “I’m fine, really. Medyo kumikirot lang ang puso ko. Pero okay lang ako. You don’t have to worry about me.” “E, hindi n’yo naman po maiaalis sa akin ang mag-alala para sa inyo... ’tay.” Saad ko. Biglang napatitig sa mga mata ko ang Don Felipe. Hindi nito inaasahan ang pagtawag ko rito ng Tatay. Mayamaya, dahan-dahang sumilay ang ngiti sa mga labi nito. “What did you call me, hija?” malumanay na tanong nito. Saglit akong nagbaba ng mukha at banayad na nagbuntong-hininga. Ang gaan pala sa pakiramdam na tawagin siyang Tatay. Although, parang tatay na nga ang turing ko sa kaniya simula no’ng maging matalik kaming magkaibigan, pero iba pa rin pala ang pakiramdam ngayon. Sobrang nakakagaan ng feeling at parang may malamig na palad ang humahaplos sa puso ko sa mga sandaling ito. Muli akong nag-angat ng mukha upang tingnan ang Don Felipe. Ngumiti rin ako. “T-tatay,” sabi ko. “Oh!” anito at napahawak sa tapat ng dibdib nito. Nakita ko ang bahagyang pamamasa ng mga mata nito mayamaya. Umangat din ang isang kamay nito at inilahad sa akin. Tinanggap ko naman iyon at umupo ako sa gilid nito. Ramdam ko ang masuyong pagpisil nito sa palad ko. “Oh, anak ko!” Maging ako man ay naluluha na rin. “Masaya po kayo?” “Beyond happy, hija.” “Ako rin po, ’tay.” Mas lalong lumapad ang ngiti nito at hinila ako palapit sa dibdib nito upang yakapin. “I love you, anak ko. I’m sorry again sa mga pagkukulang ko sa ’yo. I promise, I’ll make it up to you. Hindi man ako makabawi sa ’yo ng lubusan dahil matanda na ako—” “Sapat na po sa akin na magkasama tayo ngayon. Hindi n’yo na po kailangang bumawi sa akin sa mga panahong hindi po tayo nagkasama.” Pinutol ko ang pagsasalita ng itay. “At sigurado po akong masaya si nanay at tatay kung nasaan man sila ngayon dahil nakikita nilang magkasama po tayo.” “Yeah. I’m sure of that, hija.” Anito. Naramdaman ko ang masuyong paghaplos ng mga palad nito sa likod ko maging ang paghalik nito sa noo ko. “I love you, my Princess.” “Mahal ko rin po kayo.” “NATALIJA, sino raw ang bisita ni Don Felipe?” tanong ko kay Natalija nang makapasok ako sa kusina. Abala sila ni Nanay Sabel na magluto ng tanghalian. “Hindi ko kasi nakita kanina kung sino ang dumating.” “Si Sir Kidlat ang dumating. May kasamang bisita.” “Sino raw?” tanong ko ulit. Lumapit naman sa akin si Natalija at bumulong sa akin. “Kasama ng crush mo ang ex niya.” Anito. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko. Sino’ng ex? ’Yong Luana ba? “S-sino?” kunwari ay hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nito. Bumuntong-hininga naman ito kasabay nang pag-irap nito sa hangin. “’Yong Luana.” Ah, so nandito pala sa mansion ang babaeng ’yon?! “Nanay Sabel, ipinapatanong po ni Don Felipe kung malapit na raw pong maluto ang ulam? Dito po kasi magtatanghalian si Ma’am Luana.” Anang isang kasambahay no’ng pumasok ito sa kusina. “Pakisabi kay Don Felipe at maghahain na sa mesa.” “Sige po.” “Teka lang bes at tutulungan ko si Maria na mag-asikaso ng pagkain sa mesa.” Saad sa akin ni Natalija ’tsaka umalis sa tabi ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at naglakad na palabas ng kusina. Nasa sala na ako nang makita ko namang galing sa library ang itay habang kasama nito si Sir Kidlat at ’yong Luana. Nakahawak pa sa braso ng itay ko ang babaeng ito habang malawak ang ngiti sa mga labi. “Of course Tito Felip, namiss ko po kayo. It’s been a long time na rin po na hindi tayo nagkita. I was busy with my work po kasi e.” Napairap ako at lihim na ginaya ang maarteng pananalita nito. “Ang arte-arte ng babaeng ito! Ang sarap sabunutan!” nanggigigil na bulong ko. “I know hija. Manang-mana ka sa daddy mo. Masiyadong workaholic.” “Not really naman po tito,” sabi nito at bahagya pang humagikhik. “Oh, you’re here. Hi, Psyche!” bati nito sa akin nang makita ako nitong nakatayo lang sa gilid ng mahabang sofa. Pinilit ko namang ngumiti rito. “Hi ma’am!” “Magkakilala kayong dalawa?” takang tanong ni tatay. “Yes po Tito Felip,” sabi nito. “We met the other day po. Kasama siya ni Arwin sa mall.” “Okay. Hindi ko na pala kailangan na ipakilala kayo sa isa’t isa.” Sinulyapan ko naman si Sir Kidlat na nasa tabi ng Luana na ito, nakatingin din siya sa akin ng seryoso. “Mabuti naman naisipan mong dumalaw rito hija?” “Of course po tito. I want to see you po kaya tinawagan ko si Kidlat kanina at nagpasundo ako sa kaniya.” Anito at binalingan ng tingin si Sir Kidlat. Ngumiti pa ito lalo at sa braso naman nito yumakap nang pakawalan ang braso ng itay. Ugh! Ang arte-arte talaga ng babaeng ito. Nakakairita. E, hindi naman bagay sa kaniya! Muli akong napairap. “Um, tara po sa kusina Don Felipe, nakahanda na po ang pagkain.” Sabi ko na lang upang putulin ang pag-uusap nila. Lumapit ako kay tatay at yumakap sa braso nito at iginiya na ito sa paglalakad papunta sa dining area. Nang makaupo ang itay sa kabisera ay umupo na rin ako sa puwesto ko. “What are you doing?” tanong sa akin ni Luana. Nilingon ko naman ito. “Kakain,” tipid na wika ko. “Really? I mean, you are just Tito Felip’s nurse. So, why are you joining his meal?” tanong pa nitong muli. Isang kaartehan pa ng babaeng ito, hihilain ko talaga ang off-shoulder na suot nito para tuluyang lumuwa ang dibdib nitong parang pakwan sa laki. Magsasalita na sana ako, pero inunahan naman ako ni tatay. “Ako ang may gustong sumabay lagi si Psyche sa pagkain ko, hija.” Saad ni tatay na nakangiti pa. “But why tito?” nagtataka pa ring tanong nito at umupo na rin sa isang silya na hinila ni Sir Kidlat para dito. “Mas ginaganahan kasi akong kumain kapag kasabay ko si Psyche.” Tumawa naman ng pagak ang babaeng ito. “But you shouldn’t be doing that, tito. Ang mga empleyado ay hindi dapat nakikisabay sa pagkain sa boss nila.” “That’s okay hija. Hindi naman empleyado lang ang turing ko kay Psyche.” Umiling na lamang ito at binalingan ng tingin si Sir Kidlat. Ako naman ay tiningnan din ng itay. Ngumiti ito sa akin. Ako naman ang may sabi kay itay na huwag na munang ipaalam na anak ako nito kaya wala akong magagawa kung iyon ang mga sinabi ng Luana na ito patungkol sa akin. Pero nakakairita pa rin! Nanainis! Tahimik lamang akong kumakain habang silang tatlo naman ay nag-uusap-usap tungkol sa negosyo. Nang matapos akong kumain ay nagpaalam ako kay itay at nagtungo ako sa kusina. Roon ko lamang pinakawalan ang malalim na paghinga at ang inis na kanina ko pa nararamdaman sa Luana na ’yon dahil sa pagpapabebe nito kay Sir Kidlat. Aba, harap-harapan ang pagpapabebe nito kanina sa hapag. Para bang sila lamang dalawa ang tao roon. Ugh, nakakainis huh! Nakakaselos. At ito namang sir sungit, may pagtatapat pang nalalaman na gusto niya raw ako, pero kung makaasikaso naman sa bruhang Luana na ’yon ay daig pa ang boyfriend! Selos na selos ka naman diyan, Psyche! Akala mo naman jowa mo ang nilalandi ng bruhang ’yon. “FYI, future jowa,” pagtatama ko sa isipan ko. “At sino ba naman kasi ang hindi magseselos kung nakikita mong sweet sila, aber huh?” “Who are you talking with?” Bigla akong napalingon sa may pinto ng kusina nang marinig ko roon ang boses ni Sir Kidlat. Magkasalubong ang mga kilay niya habang nakatitig sa akin. Mayamaya ay humakbang siya palapit sa puwesto ko. Oh, heto na naman ang pamilyar na pagkabog ng puso ko. “Um, w-wala po sir.” Saad ko. “You are talking to yourself?” tanong pa niya. Napalunok ako ng laway ko. God, baka narinig niya ang sinabi ko kanina! “Kanino ka nagseselos?” tanong niya ulit sa akin. Mas lalong kumabog ang puso ko lalo na no’ng isang hakbang na lamang ang pagitan namin. Nako, nahuli pa ata ako ng sungit na ito! Malinga-lingang batukan ko ang sarili ko. “W-wala po sir. Baka mali lang po kayo ng pagkakadinig.” Pagpapalusot ko pa. “Excuse po.” Saad ko at hahakbang na sana ako upang lumabas sa kusina, pero mabilis naman niyang nahawakan ang palapulsuhan ko at hinila ako palapit sa kaniya. “Ay!” bahagya akong napatili. Dahil sa pagkabigla ko sa ginawa niya, napahawak ang isang palad ko sa tapat ng dibdib niya habang nakatingala ako sa kaniya. Ang kapre naman kasi ng lalaking ito! Hindi manlang ako umabot sa balikat niya. Pakiramdam ko ay mas lalo pang lumakas ang pagtahip ng aking dibdib ngayon habang naaamoy ko ang amoy beefsteak niyang hininga. Lalo na nang titigan niya ako sa mga mata ko at pagkuwa’y ipinulupot niya ang isang braso niya sa baywang ko habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko. “Are you jealous?” tanong niya. “Were you jealous of Luana earlier?”

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD