MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan sa ere ni Kidlat habang nasa veranda siya ng kaniyang kwarto na nakaharap sa swimming pool area. Mula sa kinatatayuan niya ay natatanaw naman niya sa ibaba si Arwin habang kausap nito si Psyche.
Damn, simula kanina at magpahanggang ngayon ay ganoon pa rin ang kaniyang nararamdaman. Naiinis pa rin siya dahil sa sinabi ni Arwin na gusto nito si Psyche. Ewan niya sa kaniyang sarili kung bakit ganoon ang nararamdaman niya! Naiinis siya dahil pakiramdam niya tinatraydor siya ngayon ng kaniyang puso; ng dalaga; ng halik na nangyari sa kanilang dalawa ni Pyche nang nagdaang gabi. Pero ang totoo ay wala naman talaga siyang dapat ikainis dahil wala namang may namamagitan sa kanila ng dalaga. Or... maybe, he likes her already kaya ganoon ang nararamdaman niya ngayon? Oh, no! Hindi ’yon puwedeng mangyari. Psyche is not his type. Malayong-malayo ang dalaga sa ilang naging ex-girlfriends niya dati. She’s not his type.
“Oh, for christ sake! Sriously, kailan ka pa na-stress kakaisip sa isang babae, Kidlat?” naiinis na usal niya at natawa pa siya ng pagak. Napailing siya. “I don’t like her. She’s not my type.” Iritadong saad pa niya sa sarili pagkuwa’y muling nagpakawala nang malalim na paghinga at pabagsak na umupo sa sofa na naroon.
Mayamaya ay napaangat uli ang kaniyang likod mula sa pagkakasandal sa sofa nang marinig niya ang malakas na tawa ni Arwin. Sinilip niya ang dalawa sa swimming pool area. Mukhang nagkakasundo ang dalawa.
Napatiim-bagang na lamang siya at muling napasandal sa kaniyang puwesto. “This is crazy! I shouldn’t be thinking of her.”
“DON FELIPE!” no’ng pagkarating ko sa lanai ay nadatnan ko roon ang Don. Lumingon naman ito sa akin at ngumiti.
“Hija, come here.”
Naglakad ako ng tuluyan palapit sa puwesto nito. Madilim na sa labas at tanging mga ilaw sa itaas ng pader at sa poste ang nagbibigay liwanag sa buong garden ng mansion. Medyo malamig na rin ang simoy ng hangin.
“Hindi pa po ba kayo papasok? Malamig na po rito.”
“It’s okay hija. I’m enjoying the beautiful view.” Nakangiti pang saad nito. “Come, have a sit.” Itinuro pa nito ang sofa na nasa gilid nito.
Hindi ako nag-atubiling umupo roon. Alas syete na ng gabi at mayamaya lamang ay kakain na rin ng haponan para makainom na ng gamot ang Don Felipe.
Nang tumingala ako sa kalangitan, napangiti na rin ako nang makita ko ang mga bituing parang dyamanting isinaboy sa kalawakan. Ang gandang tingnan at nagkikislapan.
“Ang ganda po,” sabi ko.
“Yeah. It’s beautiful... just like you.”
Napatingin ako sa Don at alanganing ngumiti nang makita kong nakatitig na pala ito sa akin.
“Sabel mentioned to me earlier that you are Yolanda’s daughter.” Anito.
“Um, opo. Nasabi nga rin po sa akin ng Nanay Sabel na rito nga raw po nagtrabaho ang inay at itay noon.”
“Yeah. Yolanda was one of my personal maids and... Pastor was my personal driver.” Ngumiti ito ng matamis. “I was shocked nang malaman ko kanina mula kay Sabel na ikaw nga ang anak ni Yolanda. Oh, kaya naman pala magaan ang loob ko sa ’yo simula no’ng unang beses na magkita tayo sa park na iyon. And I have no regret that I have helped you. Lalo na ngayong nalaman ko na anak ka pala ng taong malapit sa puso ko.”
Muli akong napangiti ng matamis dahil sa mga itinuran ng Don. Mayamaya ay hindi ko na namalayan na mataman na akong nakikinig sa mga kuwento ng Don Felipe tungkol sa inay at itay ko. Kung paanong nagtrabaho ang magulang ko rito sa mansion noon. Tama nga ako na maraming magagandang kuwento tungkol sa namayapa kong magulang. Sa pamamagitan ng pagkukuwento ng Don, para na rin akong nandoon sa kapanahunan nila at nakikita ko kung paano ang buhay nila rito sa mansion.
“Napakabait ng magulang mo, hija. Lalo na ang tatay mo. Sa tagal niyang nagtrabaho sa akin, naging matalik na rin kaming magkaibigan. Kaya labis akong nalungkot nang malaman kong gusto na rin niyang umalis sa trabaho niya. Ayon naman pala ay may balak na sila ni Yolanda na magsama,” sabi nito at tumawa na naaalog ang mga balikat.
“Mabait nga po ang magulang ko Don Felipe,” sabi ko. “Pero nakakalungkot lang po at bigla silang nawala. Bigla nila akong iniwan dito sa mundo.” Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko pagkasabi ko sa mga katagang iyon. Nagpakawala rin ako nang malalim na buntong-hininga nang tumingala ako sa kalangitan at dalawang malalaking bituin na nagkikislapan ang nakita ko. “Nami-miss ko na rin po sila.” Saad ko.
“I’m sure... nasaan man ngayon sina Yolanda at Pastor, lagi ka nilang binabantayan hija. And... I’m here too. Puwede mo akong ituring na tatay mo.”
Muli kong nilingon ang Don Felipe. Kagaya kanina ay mataman na naman itong nakatitig sa akin. Pero sa mga sandaling ito, tila may kakaibang kislap sa mga mata nito habang nakatitig sa akin.
“I can see it in your eyes na masiyado ka ngang nangungulila sa magulang mo.”
Mapait akong napangiti dahil sa sinabi nito. Mayamaya, bago pa man mag-init ang sulok ng mga mata ko, kaagad kong kinagat ang pang-ilalim kong labi upang pigilan ang luhang nagbabanta roon. Madali talaga akong maging emotional kapag magulang ko ang pinag-uusapan.
“Mabait kang bata, Psyche. Kaya labis akong natutuwa na nakilala kita.” Ngumiti pa ito sa akin ng matamis.
“Maraming salamat po Don Felipe. Tatanawin ko po buong buhay ko; tatanawin ko pong malaking utang na loob sa inyo ang pagtulong ninyo sa akin simula umpisa.”
“Don’t mention it hija. Masaya ako na tumutulong ako sa ibang tao. Ano pa kaya sa ’yo na anak ka ni Yolanda?!”
“Maraming salamat po ulit.” Ngumiti akong muli.
“Don Felipe, sorry po sa isturbo.”
Napalingon ako kay Natalija nang dumating ito sa lanai.
“Yes Natalija?” anang Don na hindi nag-abalang lumingon.
“Nakahanda na po ang pagkain.”
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito sa ere. “Alright. Susunod kami ni Psyche.”
Tumango naman ako kay Natalija ’tsaka tumayo sa puwesto ko at itinulak ang wheelchair ng Don papasok, hanggang sa makarating kami sa kusina.
LATAG NA ANG GABI, pero kagaya sa nagdaang gabi ay hindi pa rin ako dalawin ng antok ko. Hindi pa ako mapakali sa puwesto ko. Para bang naiinitan ako kahit nakabukas naman ang aircon. Kahit naligo rin ako kanina bago humiga.
Iritadong bumangon ako at tumayo. Maglalakad na sana ako palabas ng kwarto nang maalala ko naman bigla si sir sungit, maging ang nangyari kagabi roon sa kusina. Bigla akong napaatras. “Ay, baka naroon na naman siya ibaba?!” saad ko sa sarili at nagdalawang-isip akong bigla na lumabas sa pinto.
Ilang minuto akong nakatayo lamang sa tapat ng pintuan habang nag-iisip kung tutuloy ba ako sa paglabas at manaog sa kusina o babalik na lamang sa kama. Pero sa huli, nagbuntong-hininga ako ng malalim at nagpasya na ring lumabas. Hindi ko na lamang siya papansinin kung naroon siya sa ibaba. Kailangan kong uminom ng gatas ngayon para makatulog ako, dahil kung hindi... malamang na tanghaliin na naman ako ng gising bukas. Nakakahiya na kay Don Felipe kung mangyayari ulit iyon kagaya kahapon.
Maingat na pinihit ko ang doorknob at sumilip muna sa labas. Saglit kong pinakiramdaman ang tapat na kwarto, tahimik naman at mukhang natutulog na ata siya.
Dahan-dahan na akong lumabas sa silid ko at tinahak ang medyo madilim na pasilyo hanggang sa makababa ako sa hagdan. Siguro nga’y tulog na ang mga tao dahil napakatahimik na ng buong paligid. Naging panatag naman ako hanggang sa makarating ako sa kusina. Pagkapasok ko roon, halos atakihin pa ako sa puso ko dahil sa labis na gulat nang nakita kong may taong nakaupo sa isang silya na nasa harap ng hapag.
“Diyos ko!” bulalas ko at napahawak pa sa tapat ng aking dibdib. Halos tumalon ang puso ko roon. Napabuga ako nang malalim na paghinga. Diyos ko naman! Kahit wala akong sakit sa puso, aatakihin talaga ako nito dahil sa lalaking ito. Lagi na lamang akong ginugulat. “Nanggugulat naman po kayo sir!” iritadong saad ko.
Kahit malamlam lang ang ilaw sa loob ng kusina, malinaw kong nakita ang mukha niya nang lumingon siya sa akin. Usual, magkasalubong na naman ang mga kilay niya.
“You’re so noisy.” Saad niya.
“E, nanggugulat po kasi kayo riyan!”
“I didn’t startle you. I just sat here quietly.”
Kahit na, nagulat pa rin po ako. Gusto ko pa sanang sabihin iyon sa kaniya, pero hindi na lamang ako umimik. Pinilit kong supilin ang sarili ko bago naglakad para makapasok na ng tuluyan. Tahimik akong nagtungo sa lagayan ng mga baso. Kumuha ako roon ng isa ’tsaka iyon nilagyan ng tubig at saglit na uminom upang matanggal ang kaba ko. Pagkatapos ay kumuha na rin ako ng gatas. Ayokong mag-assume, pero feeling ko nakatingin siya sa akin ngayon. Naiilang kasi ako sa kilos ko. Ramdam kong may mga matang nakatitig sa akin mula sa likuran ko.
“Can’t sleep?”
Nabigla akong lumingon sa kaniya nang marinig ko ang tanong niya. Nakita ko pa ang pagkislap ng kaniyang mga mata nang magtama ang paningin namin. “A-ako... ako po ba ang tinatanong ninyo?” tanong ko.
“Sino pa ba ang tatanungin ko, tayo lang naman dalawa ang tao rito sa kusina?” masungit na tanong niya rin sa akin. “Unless, may nakikita kang iba rito sa kusina na hindi ko nakikita.” Dagdag pang saad niya.
Lihim naman akong napairap. Sungit talaga! Aba, malay ko ba! E, nakakagulat lang na siya ang unang kumausap sa akin ngayon. Samantalang ang sungit-sungit niya sa akin.
“Um, opo.” Tipid na sagot ko na lamang kahit gusto na ng kamay ko na ibato sa kaniya ang basong nasa harapan ko ngayon. Ugh, nakakainis!
At ang lakas pa ng loob ko ngayong tumingin sa kaniya, palibahasa’y hindi ganoon kaliwanag ang ilaw e.
Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. At napansin ko lang na nag-iinom pala siya nang kinuha niya ang isang bote ng alak at nagsalin sa isang baso. “I can’t sleep too.”
Hindi agad ako nakapagsalita. Napatitig ako sa kaniya ng mataman. “Kaya po ba... nag-iinom kayo?” mayamaya ay wala sa sariling tanong ko.
“I just want to relax my mind.”
Tipid akong napatango ’tsaka ko itinuon ang aking paningin sa gatas na tinitimpla ko. Hinalo ko iyon. Pagkatapos kong maibalik sa cabinet ang kinuha kong lalagyan ng gatas, dinampot ko na rin ang baso ko at naglakad. Hindi ko pa malaman kung lalabas na ba ako ng kusina para iwanan siya o mananatili pa ako para samahan siya?!
Oh, Psyche. Sa tingin mo matutuwa siya kung mananatili ka pa rin dito sa kusina? Tanong ng aking isipan.
Bahagya akong nagpakawala nang paghinga at saka humakbang na palabas...
“Have a sit.”
Bigla rin akong napahinto at napatingin sa kaniya nang marinig ko ang sinabi niya. Ano raw? Pinapaupo niya ako? Bakit?
Psyche, sigurado ka bang hindi ka pa natutulog ngayon? Baka nananaginip ka na ata kaya ganito at kinakausap ka niya at... gusto ka niyang paupuin? Para ano? Para magkausap pa kayo? Sa isip-isip ko habang nakatitig ako sa mukha niya. Hindi lamang ako makapaniwala. Kaya hayon, lihim kong kinurot ang hita ko. Nang maramdaman ko ang sakit doon... alright. Hindi pa nga ako natutulog. Hindi ako nananaginip. Pero anong hangin ang nalanghap niya at kinakausap niya ako ngayon? Bakit parang mabait siya sa akin ngayon, although seryoso pa rin naman ang mukha niya.
“Tatayo ka na lang ba riyan?”
Napakurap ako at bahagyang nagulat. Nakatitig na lamang pala ako sa kaniya. Wala sa sarili at alanganing napalapit naman ako sa isang silya na nasa kaibayo ng kaniyang puwesto. Umupo ako roon matapos kong ilagay sa mesa ang gatas ko.
Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa habang hindi ko magawang tumingin sa kaniya ng diretso. Panaka-naka ko lamang siyang tinitingnan. Nakatuon sa basong hawak niya ang paningin niya.
Bakit pa ba ako umupo rito? Umalis na lang kaya ako ano? E, nakakailang naman na magkasama kami rito. Bakit niya ako pinaupo rito e, hindi naman kami okay?! ’Tsaka... wala naman kaming pag-uusapan. Magmumukha lang kaming tanga rito na magkaharap sa upuan pero wala namang imikan.
Banayad akong nagpakawala nang malalim na paghinga ’tsaka dahan-dahan ng kumilos sa puwesto ko. Tatayo na sana ako... pero nagsalita naman siya.
“Bakit hinayaan mong halikan kita?”
Biglang nangunot ang noo ko at napatitig sa kaniya dahil sa naging tanong niya. Ano raw? Hinayaan ko siyang halikan niya ako? Aba, siya nga itong magnanakaw ng halik e. Dalawang beses na niyang ninakaw ang halik ko. And for him to know, first kiss ko ’yong ninakaw niya roon sa park. Tapos... sinundan pa niya no’ng isang gabi.
“S-sir?” hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko sa kaniya kahit muli akong nakadama ng inis sa kaniya. Nabigla ako.
Bumuntong-hininga naman siya at dinala sa tapat ng bibig niya ang baso at inubos niya ang laman niyon.
“You let me kiss you... last night.”
Nakita ko pa ang pagtiim-bagang niya nang tumitig siya sa akin. Seryoso ang titig niya sa akin.
Aba, at parang kasalanan ko pa ngayon? Nagtaas ako ng noo. “Excuse me lang po sir ah. Pero... kayo po ang may kasalanan. Kayo ang nagnakaw ng halik ko. Hindi ko po kayo hinayaan na halikan ako at—”
“It’s your fault.”
Loko talaga ang lalaking ito! Pinaupo niya ako rito para sisihin ako sa halik na ginawa niya sa akin kagabi? Walang-hiya rin naman ang mokong na ito! Hindi na lamang siya magpasalamat na siya ang nakaunang kumuha sa halik ko. Ako nga hindi na nagreklamo... siya pa tuloy!
Matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya at nagdadabog na tumayo sa puwesto ko. Bitbit ang baso ng gatas ko ay naglakad na ako palabas ng kusina. Ngunit hindi ko pa man din nararating ang pintuan ay natigilan ako nang hablutin niya ang braso ko. Hindi ko sinasadyang matapon sa damit niya ang gatas nang bigla akong mapaharap sa kaniya.
“Sh—” binitin niya ang kaniyang sasabihin.
Nanlalaki naman ang mga matang napatitig ako sa damit niyang nabasa; dahil manipis lamang ang tela n’on... kitang-kita ko ang pagbakat ng kaniyang abs.
Dahan-dahang tumaas sa mukha niya ang paningin ko. “S-sorry! Sorry po sir. Hindi ko sinasadya. Nanghahablot po kasi kayo riyan e!” paninisi ko sa kaniya.
Tiningnan naman niya ako. Nakatiim-bagang siya at halos mag-isang linya na ang mga kilay niya. Ewan ko ba, sa klase ng titig niya sa akin ngayon... biglang nabuhay ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Kaba na hindi ko maipaliwanag kung natatakot ba ako sa kaniya o kinikilig lang ang puso ko.
Like seriously, Psyche? Nakakatakot ang titig niya sa ’yo tapos kikiligin ka pa? Normal ka pa ba huh? Malinga-lingang batukan ko ang sarili ko dahil doon.
Bahagya naman akong napangiwi nang makaramdam ako ng sakit sa palapulsuhan kong mahigpit niyang hawak.
“S-sorry po sir—”
Hindi ko na naituloy ang iba ko pang sasabihin no’ng hilahin niya ako ng tuluyan papunta sa kaniya. Mabilis niyang binitawan ang palapulsuhan ko at ipinulupot niya sa baywang ko ang braso niya habang nakahawak na sa batok ko ang isang palad niya. Kagaya kagabi, hindi ko alam kung gaano kabilis ang mga pangyayari, basta muli ko na lamang naramdaman ang mainit at malambot niyang mga labi na lumapat sa mga labi ko.
Saglit na huminto sa pagtibok ang puso ko, pero mayamaya... unti-unti iyong bumilis na para bang kakapusin ako ng hangin.
Ilang segundo ng magkahinang ang mga labi namin, pero nakatulala pa rin ako sa kawalan. Mayamaya, papikit pa lamang sana ang mga mata ko nang dahan-dahan naman siyang lumayo sa akin. Muling nagtama ang mata namin. Ramdam kong nanghihina na naman ang mga tuhod ko dahil sa halik na iyon, mabuti na lamang at nasa baywang ko pa rin ang braso niya, magkadikit ang katawan namin. Ang basong hawak ko naman, muntikan ko na iyong mabitawan, mabuti at bago pa iyon mangyari, mabilis na inalis niya ang kamay niyang nasa batok ko at hinawakan niya ang kamay ko.
Muli akong napalunok ng laway ko habang magkahinang pa rin ang mga mata namin. Tila may kakaiba akong naaaninag doon.
“You see, you let me kiss you again.”
Bahagya kong nahigit ang paghinga ko nang tumama sa ilong ko ang mainit ngunit amoy alak niyang hininga. Oh, God! Feeling ko bigla akong nalasing dahil sa amoy na iyon.
Bumuka ang bibig ko pero wala akong makapa na kataga upang sagutin ang sinabi niya. Tila nalunok ko ata ang dila ko.
“What are you doing to me, Psyche?” namamaos ang boses na tanong niya habang mataman pa ring nakatitig sa mga mata ko.
Ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko ay mas lalo pang humigpit kaya lalo pang nagkadikit ang mga katawan namin.
Ipinagpalipat-lipat niya ang paningin niya sa mata at mga labi ko.
Oh, God! Ano ba ang ginagawa niya sa akin ngayon?
“What did you do to me?” tanong niya ulit sa akin.
“W-wala... wala naman akong... g-ginagawa.” Nauutal na saad ko sa kaniya.
Bahagya siyang napailing kasabay niyon ang pag-iling niya. “No. You did something woman, para magkaganito ako.” Mariing saad pa niya at muling tinitigan ang mga labi ko.
A-ano naman ang ginawa ko sa kaniya?
“Damn it!” tila nahihirapang sambit niya at muli na sanang hahagkan ang mga labi ko pero...
“Psyche hija, are you there?”
Napalingon ako sa may pinto nang marinig ko roon ang boses ng Don Felipe. Napalunok ako ng laway ko. Oh, God! Nandito ang Don, nakakahiya kung makikita nito na nasa ganitong ayos kami ni sir sungit. Nang tumingin ako sa kaniya ulit, bigla niya akong itinulak papunta sa madilim na bahagi ng kusina. Napasandal ako sa malamig na pader. Magrereklamo na sana ako sa kaniya, ngunit muli niyang inangkin ang mga labi ko.