CHAPTER 16

2377 Words
PAGKABUKAS ng pinto ng elevator ay kaagad akong lumabas at tinahak ang mahabang corridor papunta sa penthouse. Kanina kasi habang nasa trabaho ako, pinuntahan ako ni Mang Oscar at sinabing gusto raw akong makausap ng Don Felipe. Pinapapunta raw ako ng Don sa penthouse. Hindi naman na ako nagpaalam kay Ma’am She dahil si Mang Oscar na mismo ang nagsabi rito na gusto nga akong makausap ng Don. Hayon na naman ang nakalipad nitong kilay habang masama at kakaiba ang tingin sa akin kanina nang lumabas ako sa bar. Nang nasa tapat na ako ng penthouse, kumatok ako ng tatlong beses. Ilang saglit lang ay bumukas naman ang pinto niyon at bumungad sa akin ang isang babae na halos hindi nalalayo sa akin ang edad. Ito ang nurse ng Don Felipe. “Ma’am... nandiyan po ba si Don Felipe?” nakangiting tanong ko kahit alam ko naman na narito nga sa penthouse ang Don. Ngumiti rin ito sa akin at mas lalong binuksan ang pinto. “Nandito at kanina ka pa nga hinihintay. Halika, pasok ka.” Anito. “Thank you po!” saad ko ’tsaka pumasok na rin. Hindi ito ang unang beses na nakapunta ako rito sa penthouse, pero sa tuwing nakakapasok ako sa malaking kwarto na ito hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na mamangha. Lagi pa rin akong namamangha sa mga gamit dito na mamahalin. Maganda talaga ang penthouse na ito. “Hija, Psyche!” Nakita ko agad ang Don Felipe na nakaupo sa wheelchair nito habang may kausap na isang lalaki na nakaupo naman sa sofa. “Good afternoon po Don Felipe.” Bati ko rito habang may ngiti pa rin sa mga labi ko. “Come, have a sit.” Anito. Naglakad naman ako palapit sa isang single couch at doon ay umupo. “Paano po Don Felipe, I’ll go ahead. Tawagan n’yo na lang po ako kung may kailangan pa po kayo.” Anang lalaki na tumayo na rin sa puwesto nito matapos isarado ang black leather bag nito. “Okay James. Thank you so much.” Tumingin naman sa akin ang James na ito. Bahagyang yumuko ang ulo nito at ngumiti sa akin. “Good afternoon po ma’am.” Ngumiti na lamang din ako rito kahit bigla akong nailang dahil sa pagtawag nito sa akin ng ma’am. “Good afternoon din po sir.” Saad ko. “Mary, puwede mo ba muna kaming iwanan?” mayamaya ay saad ni Don Felipe sa babae na kaagad namang tumalima at lumabas na rin kasunod ng lalaki. Sinundan ko muna ng tingin ang babae hanggang sa makalabas ito. Mayamaya ay muli kong tinapunan ng tingin ang Don Felipe na nakangiti pa rin sa akin hanggang ngayon. “Um, kumusta po kayo Don Felipe?” tanong ko. Tatlong araw rin na hindi ko nakita ang Don. Simula nang tanghali na kinausap ako ni Sir Arwin doon sa swimming pool area, iyon ang huling araw na nakita ko rin si Don Felipe. Ang dinig ko na balita no’ng isang araw, dinala raw ulit sa ospital ang Don dahil muli itong inatake sa sakit nito sa puso. Kaya nga nag-alala rin ako para sa kalagayan nito. Gustohin ko mang bumisita sa ospital, hindi ko naman alam kung saang ospital ito dinala. “Okay naman na ako hija. I guess.” Kibit-balikat na saad nito. “Nag-alala po ako para sa inyo. Mabuti na lang po at okay na po ang pakiramdam ninyo ngayon.” “Thank you, hija.” “E, gusto n’yo raw po akong makausap sabi ni Mang Oscar?” “Yeah. Pinapuntahan kita kay Oscar kanina.” “Bakit po?” tanong ko. Humugot muna ito nang malalim na paghinga ’tsaka iyon pinakawalan sa ere. Pagkatapos ay hinawakan at pinaikot nito ang gulong ng wheelchair upang umandar iyon. Akma na sana akong tatayo sa puwesto ko para tulungan ito, pero... “No. Just sit down hija.” Pigil nito sa akin. Napaupo na lamang akong muli. Hanggang sa medyo nakalapit na ito sa puwesto ko. “I just wanted to talk to you,” sabi pa nito. “Tungkol po saan?” “Si Mary... she’s my personal nurse.” Anito. Hindi naman ako umimik at nanatiling nakatingin lamang ako sa mukha ng Don. “Pero kahapon, nagpaalam siya sa akin na magre-resign na raw siya dahil biglang nagkaroon ng emergency sa kanila. Nagkasakit ang tatay niya at walang ibang mag-aalaga kun’di siya. And, last night... I was thinking na kung papayag ka ay ikaw na muna ang kukunin kong kapalit niya habang naghihintay ako na dumating galing amerika ang nurse na papalit sa kaniya.” Napatulala naman ako saglit dahil sa mga sinabi ng Don. Ano raw? Ako kukuning personal nurse ng Don Felipe? Pero, hindi naman ako nurse. Wala akong karanasan sa trabahong iyon. I mean, marunong akong mag-alaga ng may sakit, pero iyon lamang ’yon. “P-po?” nauutal na tanong ko. Ngumiti naman ang Don. “I know magugulat ko kapag sinabi ko sa ’yo ang tungkol dito hija.” Tumawa pa ito ng pagak. “A-ako po? Kukunin n’yo po akong personal nurse ninyo?” tanong ko ulit. “Yeah. I mean, why not?” Napangiti naman ako. “E, hindi naman po ako nurse. Marunong lang po akong mag-alaga ng may sakit pero hindi po ako—” “And perfect. I’m a sick person.” Pinutol nito ang pagsasalita ko. “I mean po, wala po akong experience about sa—” “Hindi na ’yon problema hija. Madali naman matutunan kung paano mo ako paiinumin ng mga gamot ko.” Muling pinutol ng Don Felipe ang pagsasalita ko. Hindi na lamang ako nakapagsalita at nanahimik ako saglit. E, paano pala ang trabaho ko sa bar kung kukunin akong personal nurse ng Don Felipe? At isa pa, panigurado akong mas lalong iinit ang dugo sa akin ni Sir Kidlat kung tatanggapin ko ang alok ng Don na maging personal nurse. “Um, p-pero po...” “Gusto kong ikaw na muna ang mag-alaga sa akin hija habang naghihintay pa ako na matapos sa trabaho niya sa amerika ang nurse na papalit kay Mary.” Saad pa nito. I don’t know what to say. Kasi sa nakikita kong hitsura ng Don ngayon, alam kong hindi na naman ito tatanggap ng No answer. Wala sa sariling napabuntong-hininga na lamang ako nang malalim ngunit banayad. “You will work with me for only two months hija. After that you can come back here to Casa.” Saad pa nitong muli. “Dalawang buwan pa kasi sana bago mag-resign si Mary. Kaya dalawang buwan pa rin bago makapunta rito sa Pilipinas ang papalit sa kaniya. So, last night naisip ko na ikaw na muna ang kukunin ko. Because I know mas gagaan ang pakiramdam ko at makaka-recover agad ako kapag ikaw ang nag-alaga sa akin,” sabi pa nito habang nakangiti na naman sa akin ng matamis. God, kung may makakakita at makakarinig man ngayon sa mga sinabi ng Don, sigurado akong bibigyan na naman ng malisya. Pero para sa akin, wala namang malisya iyon. Hindi ako naiilang, hindi ako nakakadama ng kilabot o ano pa man. Sadyang may mga tao lang talagang iba at masama kung mag-isip. Kagaya na lamang nina Sir Kidlat at Ma’am She. “Hindi mo naman siguro ako tatanggihan hija, hindi ba?” Pilit na lamang akong napangiti sa Don nang muli itong magsalita. Tama nga ang Don Felipe. Hindi ko nga matatanggihan ang kahilingan nito. “Kailan po ako magsisimula bilang nurse ninyo?” tanong ko. This time, totoo na ang ngiti sa mga labi ko. Ewan ko ba, pero may parte ng puso ko ang biglang natuwa at na-excite sa kaalamang lagi kong makakasama ang Don. Na kahit papaano ay saglit din akong makakawala kay Ma’am She. Makakawala nga ba ako o mas lalo ako nitong babantayan lalo pa at lagi na nga akong nasa tabi ng Don. Nakita ko rin ang matamis at mas malapad na ngiti sa mga labi ng Don dahil sa naging tanong ko. “Oh, thank you hija. I know hindi mo ako bibiguin.” Anito. “E, malakas po kayo sa akin Don Felipe,” pabiro ko na lamang na sabi. “ANO? SO, IBIG sabihin dalawang buwan kang hindi namin kasama rito sa trabaho?” tanong sa akin ni Xia habang naglilinis ako ng counter bar habang nasa loob naman ito at naglilinis din doon. “Oo,” sabi ko. “Pero, lagi rin naman akong nandito dahil nandito naman sa Casa si Don Felipe.” Sinabi ko kasi agad kay Xia ang napag-usapan namin ni Don Felipe kanina sa penthouse. Bukas ng umaga pala ako magsisimulang magtrabaho bilang personal nurse ng Don. Ang sabi naman nito ay ituturo muna sa akin ni Mary ang dapat kong gawin bago ito umalis at umuwi sa probinsya nito. “Sabagay. Consider mo na lang na nakapahinga ka sa trabaho mo rito sa bar ng dalawang buwan.” “Siguro ganoon na nga,” nakangiting sabi ko. “Pero sigurado akong mas mag-iinit ang dugo sa ’yo nina Ma’am She at Jass. Lalo na ang sir sungit mo.” Bumuntong-hininga ako at saglit na tumigil sa ginagawa ko. “Hayaan ko na lang sila, Xia. Kahit naman patulan ko sila at paulit-ulit na sabihin sa kanila na malinis ang konsensya ko at wala akong ginagawang masama sa Don Felipe, hindi naman sila maniniwala at masama pa rin ang tingin nila sa akin.” Saad ko. “Pero alam ko naman na kahit hayaan mo sila, hindi mo pa rin mapipigilan ang sarili mo kapag sumubra na sila sa mga maling paratang nila sa ’yo.” Tama naman si Xia. Kasi tao lang naman ako. Kahit pa sabihin kong hayaan ko na lang sila at magtimpi na lang ako, sasabog pa rin ako. Pero hanggat kaya naman ay gagawin kong magtimpi. Huwag lang nila akong sagarin. “Basta tandaan mo lang bes, nandito lang kami ni Cj para ipagtanggol ka o tulungan ka kapag inapi ka na ng dalawang bruhang ’yon.” Napangiti na lamang ako sa muling sinabi ni Xia. “Thank you, bes.” “Siyempre, bestfriends tayo e.” Nakangiti ring saad nito. Pagkatapos ng maghapong trabaho namin, nauna na rin ako kay Xia na magpunta sa locker. Mag o-over time daw kasi ito ng isang oras dahil may dapat pa itong tapusin sa inventory sa mga alak. Si Cj naman ay walang pasok ngayon dahil day-off. Kaya ako lang ang mag-isang lalabas at uuwi. Pagkatapos kong hubarin ang uniform ko, iniligpit ko na rin ang mga gamit ko. Wala na akong itinira sa locker ko kasi dalawang buwan naman akong hindi papasok sa bar. “Bye kuya Mao.” Paalam ko sa guard. “Hinakot mo na ang mga gamit mo Psyche, hindi ka na ba papasok dito?” nakangiting tanong nito. “Hindi na muna kuya,” sabi ko. “Hindi nga? Seryoso?” “Oo nga.” “Hala, bakit?” lumapit ito sa akin at kinuha ang isang bag na pinagsidlan ko ng mga gamit ko. Ito na ang nagbitbit niyon hanggang sa makalabas kami sa employee’s entrance ng hotel. “E, kinuha na muna ako ng Don Felipe na maging personal nurse nito. Dalawang buwan lang naman habang naghihintay siya sa pagdating ng nurse niya galing amerika.” Pagpapaliwanag ko rito. “Ganoon ba?” anito. “Sabagay, kasi nabalitaan ko ngang nag-resign daw si Mary.” “Iyon nga ang sabi ng Don sa akin.” “Nako, wala na pala akong babatiin ng magandang umaga.” Tumawa naman ako. “Kuya Mao, maraming empleyado ang Casa. Huwag mong sabihin na ako lang ang binabati mo sa umaga?” pabiro pang saad ko. Tumawa rin naman ito. “Hindi naman. Ibig kong sabihin, wala na akong babatiin na maganda sa umaga.” Hindi ko na napigilan ang mapatawa ng malakas. “Nako, ang bolero mo talaga kahit kailan Kuya Mao.” Saad ko. “Sige na at aalis na ako. Salamat sa pagbitbit ng gamit ko.” Kinuha ko rito ang bag ko. “Mag-iingat ka, Psyche. Good luck din sa bago mong trabaho.” “Thank you, Kuya Mao. Ingat ka rin.” Pagkasabi ko niyon ay kaagad din ako naglakad papunta sa kalsada upang mag-abang ng jeep na masasakyan ko pauwi. Pero tila minamalas ata ako ngayong gabi. Ang mga jeep kasi na dumadaan ay puro puno at walang bakanteng upuan. Wala tuloy akong nagawa kun’di ang maghintay pa ng ilang minuto. Mayamaya ay napabuntong-hininga ako nang malalim nang biglang kumulog. Napatingala ako sa madilim na kalangitan. Ni wala akong makita kahit isang bituin. “Nako, huwag ka munang uulan hanggat hindi pa ako nakakauwi sa bahay. Wala akong payong. Tiyak akong magiging basang sisiw ako nito mamaya.” Kausap ko sa kalangitan na tila ba ay pakikinggan ako nito. Muli akong nag-abang ng jeep. Pero kagaya kanina ay mga punuan pa rin ang mga dumadaan. Halos magkakalahating oras na rin akong nakatayo sa puwesto ko. Nangangawit na nga ang mga paa ko maging ang balikat ko dahil sa dalawang bag na bitbit ko. Mayamaya lang, napatingala ulit ako sa kalangitan nang may tumamang butil ng ulan sa pisngi ko. “Oh, God! Please huwag ka munang bumuhos at—” napahinto ako sa pagsasalita ko nang biglang may bumusinang sasakyan sa unahan ko. Napapikit pa nga ako nang pagtingin ko roon ay nasilaw ako dahil sa maliwanag na head light niyon. Huh? Sino naman ito? Nang mamatay ang ilaw sa unahan ng sasakyan, doon ko lang nakilala kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyan. Bumaba ang salamin sa bintana niyon ay bumukas din ang pinto. “Get in.” Utos niya sa akin. Huh? Bakit niya naman ako pasasakayin sa kotse niya? Hindi nga ba’t galit siya sa akin? I mean, galit din ako sa kaniya. “I said get in Ms. Goncalvez. It’s raining.” Seryoso pa ring utos niya sa akin. Bubuka na sana ang bibig ko para magsalita, ’tsaka naman bumuhos ang malakas na ulan. Dahil sa pagkabigla ko, wala na akong nagawa kun’di ang patakbong lumapit sa kotse niya at sumakay na roon. Isinarado naman niya ang bintana nang makasakay na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD