CHAPTER 15

2367 Words
“MAY KAKAMBAL pala si sir sungit,” sabi ko kay Xia at Cj habang nasa canteen na kami at nagla-lunch. Dahil morning shift na rin si Xia, kaya hayan at kasama namin siya ngayong magtanghalian. “Hindi mo alam?” tanong sa akin ni Cj. Tumingin naman ako rito habang nginunguya ang pagkaing isinubo ko. Nagkibit pa ako ng mga balikat ko. “Last month ko lang nalaman na may kakambal pala si Sir Kidlat. Nakita ko kasi sila ni Sir Arwin na magkasama sa pool. Akala ko nga noon siya si Sir Kidlat e. Pero ibang pangalan naman ang narinig kong binanggit ni Sir Arwin kaya nalaman kong kambal pala sila.” Saad naman ni Xia. “Kanina ko lang nalaman,” sabi ko. “Kung hindi pa nga sinabi sa akin ni Don Felipe na hindi pala siya si sir sungit... nag-assume na ako na siya talaga ’yon.” Dagdag na saad ko pa. “So, ano ang masasabi mo sa hitsura ni Sir Kidlat kung ganoon siya at walang balbas sa mukha?” nakangiti pang tanong ulit ni Cj sa akin. Tila nanunudyo ito. Paano naman kasi, no’ng unang araw na nakita ko si Sir Kidlat habang magkasama kami ng Don Felipe sa restaurant, kahit inis na agad ako sa pagsusungit niya, sinabi ko pa rin kay Cj na may gusto ako sa kaniya. Na nagkaroon agad ako ng crush sa sungit na iyon. Kaya ayon, minsan tinutukso ako nito. Mabuti na nga lang at hindi kami madalas magkasama sa iisang puwesto. Kasi kung nagkataong magkasama kami lagi, nako... sigurado akong matagal na ako nitong ibinuko. Mas malala pa naman ito sa mga marites sa labas ng apartment ko. “Pogi siya hindi ba?” nagniningning pa ang mga matang saad ni Cj. Napasimangot naman ako. Maging si Xia. “Hmp! Aanhin niya naman ang kapogihan niya kung masama naman ang ugali niya?!” iritadong saad ko. “Truth ’yan friend.” Mabilis na pagsang-ayon ni Xia sa sinabi ko. “Hindi nakakaguwapo to the highest level kung pangit naman ang ugali.” Nagsalubong ang mga kilay ni Cj habang ipinapagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Xia. Itinigil nito ang pagkain. “Teka lang huh! May pinanghuhugutan ba kayong dalawa na hindi ko alam?” tanong pa nito. Tumingin lang naman sa akin si Xia ’tsaka ipinagpatuloy ang pagkain nito. Tila sinasabi sa akin na ako na ang magsabi kay Cj tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na kasi ikinuwento kay Cj ang nangyari sa pagitan namin ni sir sungit. Sigurado kasi akong lagi at lagi nitong uungkatin ang mga bagay na ’yon. E, ayoko na ngang alalahanin iyon at ayaw kong ma-stress pa nang husto. “Xia? Sayk? Hello, may kausap ba ako rito?” anang Cj nang hindi ako sumagot. “Wala,” sabi ko na lang at muling sumubo sa pagkain ko. Narinig ko namang nagbuntong-hininga ito at binitawan ang hawak nitong kubyertos. Ipinatong nito ang mga siko sa gilid ng lamesa. Kahit hindi ako nakatingin dito, sigurado akong mataman itong nakatitig sa akin. “Sayk,” “Wala nga.” Giit ko pa. “So ano ’to? Hindi na ako belong sa friendship na ito at kayo na lang dalawa ang nagsasabihan ng ganap sa buhay ninyo?” nahimigan ko ang tampo sa tinig nito. Hay, bigla naman akong nakonsensya dahil sa babaeng ito. Huminto ako sa pagkain ko at kinuha ko ang tumbler ko na nasa gilid ng mesa at uminom muna bago muling nagsalita. “Naiinis... I mean, nagagalit ako sa kaniya,” sabi ko. No choice na ako kun’di magkuwento rito. Panigurado kasi akong magtatampo na naman ito sa akin kagaya no’ng nakaraan. Tumitig ito sa akin ng mataman. “Bakit?” “No’ng isang araw kasi... pinuntahan niya ako sa locker. Kinausap niya ako tungkol sa panglalandi ko raw kay Don Felipe. In-offer-an niya pa ako ng malaking pera para—” “Ano?” gulat na tanong nito hindi pa man ako natatapos sa pagkukuwento ko. Nanlalaki pa ang mga mata nito. “Sinabi niya ’yon?” dagdag na tanong pa nito. “Hindi lang isang beses... kun’di dalawang beses.” Saad naman ni Xia. “Aba, ang loko pala ng mokong na ’yon?!” bakas sa mukha nito na hindi makapaniwala dahil sa nalaman. “Sinabi mo pa,” sabi ni Xia. “Nanggigigil nga ako roon. Kung dati gusto ko siya, nako, bigla akong na-turn off. Ang gaspang pala ng kaniyang ugali.” “Bakit hindi mo agad sinabi sa akin, Psyche? E ’di sana naipaghiganti agad kita. Aba, wala siyang karapatan na magsalita ng ganoon sa ’yo kasi hindi ka naman niya kilala at higit sa lahat, walang katotohanan ang mga akusasyon niya sa ’yo.” Bumuntong-hininga ako at sumandal sa upuan ko. “Ilang beses ko ng sinabi ’yon sa kaniya. Pero pinaniniwalaan niya ang sarili niya na nilalandi ko raw si Don Felipe para mahuthutan ko ng pera. Pati raw si Sir Arwin.” Napailing-iling si Cj. Nasa mukha pa rin ang pagkadismaya at hindi makapaniwala. “Grabe pala ang mokong na ’yon. Hay nako, simula ngayon... hindi ko na rin siya type. Imbes na buto na sana ako para sa inyong dalawa, tapos wala akong kamalay-malay na ganoon na pala ang mga ginawa niya sa bestfriend ko.” Napaismid pa ito at nagpakawala rin nang malalim na paghinga. Kahit naman ganito si Cj na dinaig pa si Marites kung minsan, mabuti rin naman siyang kaibigan sa akin. Sa lahat ng nangyaring hindi maganda sa akin habang nandito ako sa Casa de Esperanza, lagi naman ako nitong ipinapagtanggol; liban lamang kay Ma’am She... kasi sino namang empleyado ang gugustohing awayin ang manager ninyo tapos last day mo na pala sa trabaho mo? “Huwag ko lang talaga marinig na pinagsasabihan ka niya ng ganoon sa susunod. Kasi wala akong pakialam kung inaanak man siya ni Don Felipe.” Nagkatinginan na lamang kami ni Xia pagkuwa’y napangiti sa isa’t isa. Sinasabi ko na nga ba e. Ganito talaga ang magiging reaksyon ni Cj kapag nalaman nito ang mga nangyari sa pagitan namin ni sir sungit. Napailing na lamang din ako at hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi ni Cj. Kasi sigurado rin naman akong hindi nito gagawin ang mga sinabi nitong igaganti ako nito kay Sir Kidlat. Alam ko ang kahinaan nito, guwapong lalaki. At sa hitsura pa lang ni sir sungit, walang duda na tataob agad ito. PAGKATAPOS naming kumain, kaagad din kaming bumalik sa locker namin at pagkatapos ay bumalik din kami ni Xia sa swimming pool area, samantalang sa Bar naman si Cj. “Wala ba akong tagos?” tanong ko kay Xia. Tiningnan naman nito ang likod ko. Nakalimutan ko kasing magpalit ng napkin kanina, kaya feeling ko tuloy ngayon anumang sandali ay tatagusan na naman ako. “Wala naman.” Sagot nito. “Hindi ka ba nagpalit?” “Nakalimutan ko.” “E ’di bumalik ka na muna sa locker at magpalit. Baka—” “Mamaya na lang. Paniguradong sermon na naman ang aabutin ko kay Madam mo.” Saad ko at napaismid pa. Tumawa naman si Xia. “Sabagay. Pag-iinitan ka na naman n’on.” Anito. “Himala nga na kanina tahimik lang siya at hindi ka niya pinagalitan e.” Dagdag pa nito. Oo nga. Nagtataka rin ako. Samantalang parati naman kahit kapapasok ko pa lang dito, abot-abot na sermon na ang natatanggap ko mula kay Ma’am Sheila. Pero kanina, for the first time na naging payapa ang buhay ko simula umaga hanggang tanghali. Nakikita ko naman itong nasa paligid lang at nakamasid sa mga galaw ko, pero hindi ako pinagalitan o hindi manlang pinuna ang trabaho na lagi naman nitong ginagawa. “Ano kaya ang nakain n’on?” pabiro ko pang tanong. Humagikhik naman si Xia. “Baka nasapian ng sampong mabait na anghel kaya bumait?!” “Hindi kaya?” Muling napahagikhik si Xia, pati na rin ako. “Huwag na nga tayong maingay, baka mamaya niyan nasa likuran na pala natin. Pagagalitan na naman ako n’on,” sabi ko pa at lumingon sa likuran namin upang tingnan kung naroon ba ang masungit naming manager. Papunta na kami ngayon sa stall namin sa swimming pool area. “Psyche,” si Jass na pasalubong naman sa amin ni Xia, habang naglalakad kami sa gilid ng mahabang pool. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin. “Bakit?” “Dalian mo riyan at puntahan mo si Sir Arwin. Kanina ka pa hinahanap.” Halata sa mukha nito ang pagkairita. Magtatanong pa sana ako ng bakit ako hinahanap ni Sir Arwin, pero hindi ko na ginawa. “Nasaan siya?” sa halip ay tanong ko rito. Inirapan muna ako nito kasabay ng pagpapakawala nito nang malalim na paghinga. “Ayon, nandoon siya sa may lounge area.” Itinuro pa nito ang kinaroroonan ng apo ni Don Felipe. Tumango naman ako. “Sige Xia, mauna ka na roon. Pupuntahan ko lang si Sir Arwin.” Pagkasabi ko n’on ay kaagad akong naglakad upang tunguhin ang lounge area. “Sir Arwin,” tawag ko rito. Kaagad naman nitong ibinaba ang magazine na binabasa nito at tumayo sa puwesto nito. “Hi Psyche!” nakangiting bati nito sa akin at lumapit sa harapan ko. “Good afternoon, Sir Arwin.” Bati ko rin dito at ngumiti. “Hinahanap n’yo raw po ako, sir?” “Um, yeah. Kanina pa actually. Pero ang sabi ni Sheila, naka-break ka pa raw so, naghintay na muna ako rito para makusap ka.” “Bakit, may kailangan ka ba?” tanong ko pa. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti nito at mas lalo ring lumapit sa akin. “Well, kinda,” kibit-balikat na sabi nito. “I mean, remember, hindi mo pa tinatanggap ang treat na sinasabi ko sa ’yo.” Hay! Ang kulit din naman kasi nito. Ilang beses ko na bang sinabi na ayaw ko nga? Lalo na ngayon. Malamang na mas lalo akong huhusgahan ni sir sungit kapag sumama pa ako ritong kumain sa labas. Ayoko ng madagdagan ang maling iniisip niya tungkol sa akin. “Sir Arwin—” “Please!” anito dahilan upang maputol ang pagsasalita ko. “You know I don’t take no for an answer. So, please say yes.” Nagulat pa ako nang bigla nitong kunin ang isang kamay ko at ikinulong iyon sa mga kamay nito. Mayamaya ay ramdam ko rin ang pagpisil nito sa palad ko. “Say yes, Psyche. Please!” pinalamlam pa ang mukha nito at nagpa-cute sa akin. Nagbuntong-hininga ako. Sasagot na sana ako, pero mula sa dulo ng swimming pool area, nakita ko naman si sir sungit na nakatanaw sa puwesto namin. Malayo man siya, pero kitang-kita ko kung gaano kaseryoso ang mga tingin niya sa akin. Yeah, sigurado akong sa akin lang siya seryosong nakatingin at malamang na pinag-iisipan na naman ako nito ng kung anu-ano at masama. Wala sa sariling nabawi ko tuloy ang kamay ko na hawak-hawak ni Sir Arwin. Binabatanyan ba niya ang bawat kilos ko? Jesus! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa akin! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para lang paniwalaan niya ako na mali nga ang inaakusa niya sa akin. Oh, Diyos ko! Kailangan ko ba talagang gumawa ng paraan para paniwalaan niya ako? Hindi naman na kailangan ’yon. Wala akong atraso sa kaniya. Malinis ang kunsensya ko kaya bahala na siya sa buhay niya kung iyon ang iniisip niya o kung iyon ang gusto niyang paniwalaan. “Please! Pretty please, Psyche.” Muli akong napatingin kay Sir Arwin nang muli nitong kunin ang dalawa kong palad. “Um,” hindi ko alam kung paano ko sasabihin dito na hindi nga ako sasama, na ayokong sumama. “Tell me what do you want me to do para lang pumayag ka sa gusto ko?” anito. Napatitig na lamang ako sa mga mata nitong mapupungay. Kahawig nga talaga nito si Sir Vincent. “Ms. Goncalvez,” Bigla akong napalingon nang marinig ko ang boses na iyon. Nangunot pa ang noo ko nang makita ko siyang nasa likuran na siya ni Sir Arwin. Paanong ganoon lang kabilis na nakalapit siya sa puwesto namin? “Kuya,” nakangiting sabi naman ni Sir Arwin. Nakita ko na bumaba ang paningin niya sa mga kamay namin ni Sir Arwin. Dahil doon, mabilis kong muling binawi ang mga kamay ko at itinago iyon sa likod ko. Nanunuring tingin naman ang ibinigay niya sa akin. “What is happening here, Arwin?” seryosong tanong niya. “Nothing kuya. I’m just talking to Psyche.” Muli niya akong tinitigan. Dahil nakakailang nga ang mga titig niya, kaagad din akong nag-iwas ng paningin sa kaniya. “Inaaya ko lang siyang kumain sa labas.” “Why?” “I mean, I want to treat her dahil sa pagtulong niya sa akin no’ng nakaraan.” Nag-angat ako ng mukha. Pero hindi ko hinayaan ang sarili ko na mahagip siya ng paningin ko. “Um, sabi ko naman po sa inyo Sir Arwin hindi na po kailangan. Okay na po sa akin ang isang thank you—” “But it’s not enough for me. I want to treat you. So, please, say yes!” Napatikom na lamang ako ng bibig ko at saglit na nag-ipon ng hangin sa dibdib ko ’tsaka iyon pinakawalan sa ere. “I’m sorry po talaga Sir Arwin... pero, hindi ko po matatanggap ang paanyaya ninyo.” Kitang-kita ko kung paano nawala sa mga labi nito ang ngiti na kanina lang ay sobrang lapad. “Excuse me po,” sabi ko at hindi na hinintay na magsalita pa ito. Kaagad akong tumalikod at naglakad na pabalik sa trabaho ko. “I think she don’t like me. Right kuya?” malungkot na tanong ni Arwin kay Kidlat habang sinusundan ng dalawa ng tingin ang dalaga. Muling bumuntong-hininga nang malalim si Arwin at wala sa sariling napaupong muli sa puwesto nito kanina. “But I’m not giving up. I know... she will say yes.” Tiim-bagang na napatitig na lamang si Kidlat kay Arwin matapos marinig ang mga sinabi ng huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD