CHAPTER 17

1995 Words
TAHIMIK lamang ako sa puwesto ko habang nasa labas ng bintana ang paningin ko. Sobrang lakas ng buhos ng ulan. Kung hindi niya ako pinasakay, malamang na basang-basa na ako ngayon. Banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga ’tsaka pasimpleng sinilip siya sa gilid ng kaliwang mata ko. Tahimik lamang din siyang nagmamaneho. Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa isipan ko kung bakit niya ako pinasakay sa kotse niya at ihahatid sa apartment ko?! I guess. Kasi saan niya naman ako ihahatid kun’di roon lang naman. Liban na lamang kung may balak siyang masama sa akin kung kaya’t pinasakay niya ako. Bigla akong natigilan dahil sa isiping iyon. Wala sa sariling napalingon na rin ako sa kaniya. Napatitig ako sa naka-side view niyang mukha. Oh, holy lordy! Hindi nga kaya ay may balak siyang masama sa akin ngayon kaya pinasakay niya ako sa kotse niya? Galit siya sa akin dahil sa pag-aakalang piniperahan ko ang Don Felipe. Hindi malabong iyon ang plano niya ngayon. Jesus! Bigla akong sinalakay ng kaba sa aking dibdib. Bakit hindi ko naisip ’yon kanina bago ako sumakay sa sasakyan niya? Sabagay, nabigla lang din ako dahil sa pagbuhos ng ulan. “What are you staring at?” Napakislot ako dahil sa baritino niyang boses. Dahil sa pagkakatitig ko sa kaniya, hindi ko na namalayan na nakatingin na rin pala siya sa akin. “W-wala po,” sabi ko at mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Sa labas ng bintana muli kong itinuon ang paningin ko habang kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko sa mga sandaling ito. Kagaya na lamang sa, paano kung i-salvage niya ako ngayon? Paano na lamang kung chop-chop-in niya ang buong katawan ko at itapon sa kung saan-saan? Diyos na mahabagin! Huwag n’yo naman po akong pabayaan kung iyon man po ang pinaplano nitong sungit na ito sa akin. Alam n’yo naman pong wala akong ginagawang masama. Hindi totoo ang mga ibinibintang niya sa akin tungkol kay Don Felipe. Huwag n’yo po akong hahayaan na mamatay ng ganito kaaga. God, hindi pa nga po ako nagkakaroon ng love life e. Hindi ko pa po nagagawa ang mga pangarap ko sa buhay! Lihim na dalangin ko. Sunod-sunod akong napalunok ng laway ko at tumikhim. Palihim ko rin siyang sinisilip sa gilid ng mata ko. Gusto ko lang maging alisto sa mga maaari niyang gawin sa akin. Dahil nasa kandungan ko ang dalawa kong bag, palihim kong hinawakan ang door handle ng sasakyan niya. In case na may gawin siyang hindi maganda, tatalon na lang ako rito. Hindi naman naka-lock ang pintuan. Okay ng mabalian ako ng buto. Pero mayamaya, nang mapansin kong pamilyar naman ang dinadaanan namin... ’tsaka lamang ako nakahinga nang maluwag. Malapit na kami sa apartment ko. Wala naman pala siyang binabalak na masama sa akin, ako lamang itong nag-iisip ng masama. Well, hindi ko naman masisisi ang sarili ko. Galit siya sa akin; galit kami sa isa’t isa. Ilang saglit lang ay tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng apartment ko. Saglit akong tumikhim ulit at nag-aalangang tinapunan siya ng tingin. “T-thank you.” Saad ko. Akma ko na sanang bubuksan ang pinto na nasa tabi ko, pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang isang braso ko. Dahilan upang mapalingon ako sa kaniyang muli. Ewan ko ba, pero hayon na naman ang puso kong labis kung kumabog. Hinawakan niya lang naman ako sa braso ko a, pero bakit ganito agad ang epekto sa akin? Tila ba nakuryente rin ako dahil sa pagdadaiti ng mga balat namin. My God, ang sabi ko dapat hindi ko na siya magustohan dahil sa ugali niya, pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? I know mas malakas ang kabog ng puso ko ngayon kumpara no’ng mga nauna. Ang balak kong pag-uncrush sa kaniya mukhang hindi mangyayari. Traydor naman kasi itong puso ko. Ayaw makisama. Masama na nga ang tingin ng lalaking ito sa akin, pero ito namang puso ko kumakabog pa rin para sa kaniya. “I...” Napatitig ako sa mukha niyang nakatitig din sa akin. Nagsalita siya pero hindi rin niya itinuloy. “B-bakit po sir?” tanong ko. Kahit naiilang ako at wala akong sapat na lakas upang makipagtitigan sa kulay tsokolateng mga mata niya, tiniis ko. Bumuntong-hininga siya nang malalim. At sa halip na sagutin niya ang tanong ko, nagtiim-bagang lamang siya at binitawan ang braso ko. “Get out,” pagalit na sabi niya. Lalabas na nga ako e, ikaw lang itong pumipigil pa. Gusto kong sabihin iyon sa kaniya, pero hindi ko na lamang ginawa. Sa halip ay binuksan ko na ng tuluyan ang pinto sa tabi ko at bumaba na. Bago ko isarado iyon, muli akong tumingin sa kaniya. “Salamat ulit, sir.” Isinarado ko na ang pinto at nagmamadali na akong tumakbo papunta sa gate ng apartment ko dahil medyo malakas pa ang ulan. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng apartment ko, lumingon ako... papaalis na ang sasakyan niya. Napabuntong-hininga na lamang ako ’tsaka binuksan na ang pinto at pumasok ako. “GOOD MORNING PO!” nakangiting bati ko sa nurse ng Don Felipe, nang makababa na ako sa front seat ng sasakyan ni Don Felipe. Nasa labas naman ito ng main door at halatang naghihintay sa pagdating ko. Nasa mansion na ako ngayon ng mga Da Silva. Alas syete pa lamang kanina nang puntahan ako ni Mang Oscar sa apartment ko para sunduin at ihatid dito sa bahay ng Don. Ang sabi kasi sa akin ni Ma’am Mary kahapon, maaga ako nitong tuturuan kung ano ang mga gagawin kong trabaho para kay Don Felipe kasi mamayang tanghali ay aalis na ito pauwi sa probinsya nito. “Good morning din, Psyche.” Nakangiti rin ito sa akin. Mukha naman itong mabait e. “Halika, sa sala na kita kakausapin at tuturuan kung ano ang dapat mong gawin. Natutulog pa rin kasi ang Don Felipe. Mamayang eight thirty pa ang gising niya.” Sumunod ako rito hanggang sa makapasok kami sa kabahayan ng mga Da Silva. Napamangha na naman ako sa ganda at lawak ng mansion ni Don Felipe. Diyos ko! Ang yaman nga talaga ng Don. Mula sa mga muebles, design, display, kulay, kurtina, lahat-lahat ng nakikita ko ngayon sa loob ng bahay na ito... nakakapigil hininga sa ganda. Ang taas ng ceiling na may malaking chandelier sa gitna. Ang swerte talaga ni Sir Vince at siya lang ang nag-iisang anak ng Don Felipe. Maswerte rin si Sir Arwin kasi nag-iisa lamang din itong apo na taga-pagmana ng mga ari-arian ng lolo nito in the future. “Halika, dito tayo Psyche.” Naagaw ang atensyon ko nang muli kong marinig ang boses ni Ma’am Mary. Nang maglakad ito palapit sa malaki at mamahaling sofa, sumunod ako ritong muli at tila nag-aalangan pang umupo roon. Para kasing nakakailang na umupo dahil sa ganda ng mga sofa. Nakakatakot at baka madumihan ko pa. “Umupo ka, Psyche.” Wala na akong nagawa kun’di ang umupo nga sa tabi ni Mary. “A-ano po pala ang gagawin kong trabaho ma’am? Hindi naman po siguro mahirap ano?” kinakabahang tanong ko. Ngumiti naman ito sa akin. “Hindi naman mahirap ang gagawin mo Psyche. At isa pa, nandiyan naman ang doctor ni Don Felipe na titingin sa kaniya from time to time. Ang gagawin mo lang ay ang i-monitor ang kalagayan ng Don. Ibigay sa kaniya ang mga gamot na kailangan niya at gawin ang mga iuutos niya.” Pag-uumpisa nitong pagpapaliwanag sa akin. Buong atensyon ko naman ang nakatuon sa pakikinig sa mga sinasabi nito. Tinitingnan ko rin ang bawat galaw ng kamay nito at binabasa ko rin ang mga gamot na sinasabi nito. Inililista ko rin iyon. Mabuti nga at handa ako, may tickler at ballpen ako lagi sa bag ko. Kapag may hindi ako naiintindihan, ipinapaliwanag naman sa akin ni Ma’am Mary ng maayos at malinaw. Hanggang sa ma-gets ko na. Hindi ko na alam kung ilang minuto na kaming nasa sala at pinag-uusapan ang tungkol sa mga gagawin kong trabaho sa Don. “Ayon lang naman ang gagawin mo. Madali lang. Lalo na kapag araw-araw mo ng gagawin, sisiw na lang ’yon.” Nakangiti pang saad sa akin ni Ma’am Mary nang matapos na kami. Nakangiti naman akong humugot nang malalim na paghinga ’tsaka iyon pinakawalan sa ere. “Kakayanin ko po siguro.” “Kaya mo ’yan ano ka ba! Ako rin naman no’ng nag-aaral pa lang maging nurse, kinakabahan ako at ang buong akala ko ay hindi ko rin kaya. Pero nagawa ko naman.” “Magkaiba naman po kasi tayo e. Ikaw, pinag-aralan mo talaga ’yon. Samantalang ako... inalok lang ng Don Felipe.” “Kaya mo ’yan alam ko. Mabait naman si Don Felipe kaya wala kang magiging problema.” Pagbubutihin ko na lang. Tatandaan at aaralin ko ang mga sinabi ni Ma’am Mary sa akin para magawa ko ng maayos ang bago kong trabaho. Nakakahiya kasi talaga kay Don Felipe kapag pumalpak ako ngayon. “Ma’am Psyche,” Napalingon ako kay Mang Oscar nang dumating ito sa sala at lumapit sa amin. “Bakit po Mang Oscar?” “Tara po muna sa kusina at mag-almusal tayo.” “Nako, tapos na po akong mag-almusal Mang Oscar,” sabi ko. “Sige na Psyche, mag-almusal ka na roon. Aalis na rin kasi ako at dadaan pa ako sa ospital. Wala ka pa namang gagawin dahil mayamaya pa magigising ang Don.” Saad naman sa akin ni Ma’am Mary. Nang tumayo ito, wala na rin akong nagawa kun’di ang tumayo na rin sa puwesto ko. “Mang Oscar, puwede n’yo po ba akong ihatid muna sa ospital? Kailangan ko po kasing habulin ang oras dahil baka hindi ko na maabutan doon si doktora.” “Sige po Ma’am Mary, ihahatid ko muna kayo.” “Salamat po.” Anito. “Sige Psyche, mauuna na ako. Good luck sa ’yo huh?” “Thank you ma’am.” “Pumunta ka na lang po sa kusina Ma’am Psyche at nakahanda na roon ang pagkain mo.” Tumango na lamang ako at sinundan ko ng tingin sina Mang Oscar at Ma’am Mary hanggang sa makalabas sila sa malaking main door. Mayamaya ay naglakad na rin ako papunta sa kusina. Kung tama itong dinadaanan ko papunta roon. Nang makarating ako sa tapat ng isang pintuan, sumilip ako roon. Nakita ko naman ang mahabang lamesa na may twenty four seats. Pumasok ako roon. Hindi ko nakita ang kusina na sinasabi ni Mang Oscar. Dining area lang naman kasi ito. Pero nang makita kong may isa pang pintuan sa bandang gilid, naglakad ako papunta roon. Tahimik at walang tao. Wala bang kasambahay ang Don Felipe? Sa laki ng bahay niya, wala manlang katao-tao rito?! Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid, at kagaya kanina nang makapasok ako sa sala ng mansion, namangha na naman ako sa mga nakita kong mga gamit sa kusinang ito. “Nasaan ba ang mga kasambahay rito?” tanong ko pa. “Who are you?” “Ay guwapong pinagpapawisan!” gulat na sambit ko nang pagkatingin ko sa may pintuan ng kusina ay nakita ko roon ang lalaking naka-topless lamang. Tanging itim na shorts ang suot niya habang may hawak siyang bote ng tubig. Nakasuot siya ng earpods habang nasa may braso niya ang kaniyang cellphone. Oh, lordy! Umagang-umaga walong pandesal agad ang makikita ko? Wala sa sariling napalunok ako ng laway ko habang nakatitig sa maganda niyang katawan. Nangingintab pa iyon dahil sa pawis niya. Oh, damn! Para siyang si Adonis na bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan at susunduin niya ako. Sa ganda ng tanawing nasa harapan ko ngayon, hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapatulala sa kaniya. “You? What are you doing here?” Mula sa pagkakatitig ko sa katawan niya, biglang umangat sa mukha niya ang paningin ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ang lalaking ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD