MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere nang nasa loob na ako ng kwarto ni Don Felipe. Nasa tapat din ng dibdib ko ang isang palad ko. Grabe, sobrang lakas ng pagtahip ng aking puso. Para akong hinabol ng aso at takot na takot akong makagat. Medyo pinagpawisan nga rin ako sa noo ko dahil sa mainit na kape na ininom ko kanina. Walang-hiya! Ramdam ko pa rin ang hapdi ng dila ko.
“Are you okay, hija?”
Bigla akong napalingon kay Don Felipe. Hindi ko napansin na gising na pala ito at nakaupo na sa gilid ng kama at parang patayo na rin.
Ngumiti naman ako ng matamis at naglakad palapit dito. “Good morning po.” Bati ko rito.
“Good morning, sweetheart.” Bati rin nito sa akin. “Are you okay? Bakit nagmamadali kang pumasok dito?”
Bahagya akong nagbaba ng mukha. “Okay lang po. Um, nagmadali lang po akong pumunta rito kasi baka... baka po gising na kayo.” Pagdadahilan ko na lang. “Tatayo na po ba kayo?” tanong ko pa.
“Yeah. Come at samahan mo ako sa garden. Gusto kong magpa-araw.”
Kaagad naman akong tumalima upang alalayan ang Don. Kagaya kahapon, hindi na rin ito gumamit ng wheelchair. Mas gusto na raw nitong maglakad-lakad upang ma-practice ang mga tuhod nito. Mas mainam naman kasi ’yon para makapag-exercise ang mga buto nito.
“Gusto n’yo po bang mag-almusal muna?” tanong ko nang makalabas na kami sa silid nito.
“Sa gazebo na lang, hija. Sabayan mo ulit ako.”
Nakangiting tumango naman ako.
“How was your sleep last night by the way?”
“’Yong totoo po, hindi po ako nakatulog agad.” Pag-amin ko rito. “Marami pong gumugulo sa isipan ko.”
Bukod sa naging pagtatapat sa akin ni Sir Kidlat kagabi, laman pa rin ng isipan ko ang mga napag-usapan din namin ni Don Felipe kahapon.
Lumingon sa akin ang Don. Sa una ay seryoso ang mukha nito, pero ilang saglit lang ay ngumiti ito sa akin ng matamis at bahagyang tinapik-tapik ang kamay ko na nakapulupot sa braso nito.
Pareho kaming naging tahimik habang magkaagapay na papalabas ng main door. Hanggang sa makarating kami sa gazebo.
“Saglit lang po at maghahanda po ako ng almusal natin.”
“You don’t have too, sweetheart. Hayaan mo ng si—”
“Gusto ko pong ako pa rin ang gumawa ng almusal natin ngayon, Don Felipe.” Agap ko sa iba pa sanang sasabihin nito.
Tinitigan ako nito. Mayamaya ay tumango na lamang ito at ’tsaka ako tumalikod at muling naglakad papasok sa kabahayan. Tinungo ko ang kusina. Nag-aalangan pa akong pumasok doon dahil baka naroon pa rin si Sir Kidlat. Kaya ang ginawa ko, mula sa hamba ng pintuan ay sumilip ako sa loob upang tingnan kung naroon pa siya. Nang makita kong si Natalija na lang ang nadoon, ’tsaka ako pumasok.
“Bakit bigla kang nawala kanina?” salubong na tanong nito sa akin habang nakakunot ang noo.
Umismid naman ako. “Ano ang gusto mong gawin ko, manatili rito habang nandito rin siya?” balik na tanong ko.
“Sabi ko naman sa ’yo... tanungin mo siya para—”
“Hayaan mo na lang ako Natalija.” Pinutol ko ang pagsasalita nito.
Nagbuntong-hininga naman ito at tinitigan ako ng seryoso. Akma na sana itong magsasalita ulit, pero inunahan ko na.
“Halika at tulungan mo na lang akong magluto ng almusa para kay Don Felipe,” sabi ko at naglakad palapit sa refregirator upang maghanap doon ng pagkain na ihahanda ko para sa almusal namin ng Don Felipe.
Wala naman itong nagawa kun’di ang tumulong na lamang sa akin.
Pagkatapos namin magluto ni Natalija ay dinala ko agad sa gazebo ang pagkain na nasa tray. Nadatnan ko ang Don na nagbabasa ng news paper habang nagpapa-araw. Nang mailapag ko sa center table ang dala ko ay ’tsaka nito itinigil ang pagbabasa. Itinabi nito ang news paper.
“Kain na po tayo.” Saad ko at inilagay sa tapat nito ang vegetable salad na paborito nitong kainin tuwing umaga, samantala, scrumbled egg, bacon at sinangag naman ang akin. Dala ko na rin ang mga gamot at vitamins na iinumin ng Don mamaya.
“Next month ay pasukan na rin. Gusto kong asikasuhin mo agad ang mga requirement mo para sa enrolment, hija.”
Pagbubukas nito ng usapan namin habang pareho na kaming kumakain.
“Opo. Magpapaalam nga po ako sa inyo sa day-off ko kung puwede pong magpunta ako sa apartment ko para po kunin doon ang mga papeles ko.”
“Magpahatid ka na kay Oscar.”
“Hindi na po. Sasakay na lang po ako ng—”
“Nariyan si Oscar at wala namang ginagawa kapag hindi ako umaalis ng bahay. Huwag ka ng mag-commute at magpahatid ka na lang sa kaniya.”
Napatango na lamang ako matapos nitong putulin ang pagsasalita ko.
“At gusto rin kitang samahan na magpunta sa napupusuan mong paaralan para mag-enrol.”
Napatitig naman ako mukha ng Don dahil sa sinabi nito. Mayamaya ay napangiti ako. “Hindi naman na po kailangan na sumama kayo Don Felipe. Mapapagod lang po kayo at—”
“Kaya ko na ang sarili ko hija.” Anito. “Don’t worry about me. Magaling na ako.” Nakangiti pang dagdag nito nang tingnan din ako nito sa mga mata ko.
“Sigurado po kayo?”
“Just for you,” sabi nito.
“Salamat po.”
“You don’t have to thank me, hija. Gusto kong gawin ito para sa ’yo.”
Banayad akong nagpakawala ng buntong-hininga habang matamang nakatitig sa mukha nito.
Hay, ano ba ito?! Bakit parang gusto kong maiyak ngayon dahil sa ginagawa ng Don Felipe para sa akin?
“Let’s eat at sasamahan mo pa akong magpa-araw.” Anito at ipinagpatuloy na ang pagkain.
Pagkatapos nga naming kumain ay nagkuwentohan pa kami ng Don habang nagpapaaraw ito sa labas ng gazebo. Kung anu-ano lamang ang mga napagkuwentohan namin. Masarap kausap ang Don Felipe. ’Yong tipong hindi ka mauubusan ng salita o tanong kasi marami rin siyang sagot at kwento. Hindi nakakatamad makipag-usap dito. Marami ka ring matututonan sa mga kwento nito.
“Thank you, Psyche.” Seryosong saad nito sa akin mayamaya.
Nilingon ko ang Don. Magkatabi kasi kaming nakaupo sa lounge chair na nasa labas ng gazebo.
Mayamaya ay kinuha nito ang isang kamay ko at ikinulong sa mga palad nito. Masuyo rin iyong ginagap.
“Thank you for making me happy right now,” sabi nito. “Matanda na ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan na lamang ang ilalagi ko rito sa mundo. Kaya labis akong nagpapasalamat na nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama ka habang may lakas pa ang katawan ko.”
“Masaya rin naman po ako na nakasama ko kayo.” Saad ko at hinawakan ko rin ang kamay nitong nasa ibabaw ng palad ko. Ngumiti ako nang matamis. “Huwag po kayong mag-aalala, ipagdadasal ko po lagi na sana bigyan pa po kayo ng Diyos ng mahabang buhay para po magka-boding pa po tayo.”
Banayad itong nagpakawala nang malalim na paghinga ’tsaka binitawan ang kamay ko at ipinatong sa balikat ko ang isang braso nito at kinabig ako palapit dito. Ipinilig ko naman sa leeg ng Don ang aking ulo at matamis na ngumiti.
“Thank you so much, Psyche.”
BIGLANG NAGTAGIS ang bagang ni Kidlat nang mula sa veranda ng kaniyang silid ay natanaw niya sa labas ng gazebo si Psyche at kaniyang Ninong Felipe na magkatabi sa upuan, nakapilig pa sa leeg ng matanda ang ulo ng dalaga.
Damn it! Naninibugho na naman siya ngayon dahil sa kaniyang nakita.
Nagpakawala siya nang malalim na paghinga kasabay niyon ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kaniyang cellphone.
Siguro nga’y kulang pa ang pagtatapat na ginawa niya kagabi sa dalaga. Tila parang bale-wala nga lang dito ang confession na ginawa niya rito e. Damn, kung hindi nga lamang siya nilukob ng labis na pagkaduwag kagabi pagkatapos niyang sabihin sa dalaga ang tunay niyang nararamdaman para dito, hindi siya aalis kagabi at sisiguraduhin niyang makakakuha siya ng magandang sagot mula rito. Pero naduwag siyang bigla. Isabay pa roon ang pag-aalala niya kapag malaman ng kaniyang Ninong Felipe na gusto niya ang babaeng karelasyon nito... nawalan siya bigla ng lakas. Pinanghinaan siya.
And now, looking them from afar, tila sweet sa isa’t isa... may panibugho at kirot sa kaniyang dibdib.
“Why Psyche?” natanong na lamang niya sa kaniyang sarili habang tinatanaw pa rin ang dalawa.
Why not her? She’s beautiful. She’s different from other woman. Sagot ng kaniyang isipan.
Yeah, that’s true. Hindi pa man niya lubusang nakikilala ang dalaga, pero alam niyang naiiba ito kumpara sa ibang babae na nakilala niya dati. Naiiba ito kumpara sa mga naging girlfriend niya noon.
Muli siyang bumuntong-hininga at napapailing na lamang na pumasok sa loob ng kaniyang silid. Hindi niya kayang tagalan na makitang masayang magkausap ang ninong niya at ang dalaga. Mas lalo lamang siyang nagse-selos.
“PSYCHE!”
Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko roon ang boses ni Sir Arwin.
Nasa sala ako at nagpapahinga. Kakatapos ko lamang kasi tumulong kina Nanay Salbe at Natalija na magluto ng tanghalian namin.
“Bakit Sir Arwin, may kailangan ka ba?” tanong ko nang makalapit na ito sa akin.
“Can we talk?”
“Tungkol po saan?” tanong ko pa.
“Let’s go outside,” sa halip ay sabi nito at nag-iwas sa akin ng tingin.
Nang magsimula itong maglakad papunta sa main door ay napilitan na rin akong tumayo sa puwesto ko at sumunod dito.
Sa swimming pool area kami nakarating.
“I’m sorry.”
Kunot ang noo na napatitig ako rito. Hindi naman ako agad nagsalita. Hinihintay ko kung may sasabihin pa ito. Pero nang manatili na itong tahimik, nagbuntong-hininga ako at naglakad palapit sa silya na naroon sa ilalim ng malaking payong. Umupo ako roon.
“Wala ka naman dapat ihingi sa akin ng sorry, Arwin.” Saad ko.
Naglakad din ito palapit sa akin. Pumuwesto ito sa isang upuan na nasa tapat ko. Ipinatong nito ang mga braso sa mesa at tinitigan ako ng seryoso.
“Lolo and I had a serious conversation last night,” paninimula nito. “At first I didn’t want to believe him. Pero no’ng sinabi niya sa akin ang lahat... I have to believe him.” Saglit itong tumigil sa pagsasalita. Makaraan lamang ang ilang sandali ay tumawa ito ng pagak habang napapailing pa. “God, I can’t believe myself that I liked my aunt.” Anito.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na mapangiti.
“I mean, I have no idea that you’re my grandpa’s daughter.”