CHAPTER 30

2590 Words
HINDI KO alam kung gaano na katagal na nakatulala lamang ako sa kisame habang parang sirang plaka na paulit-ulit na nag-i-echo sa isipan ko ang ipinagtapat sa akin ni Sir Kidlat kanina roon sa swimming pool area. I like you, Psyche! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung maramdaman. Basta ang alam ko lang, sobrang bilis at lakas nang kabog ng puso ko simula pa kanina. Parang kakapusin na nga ako sa hangin dahil sa nararamdaman ng puso ko. Nang matapos niyang sabihin sa akin kanina na gusto niya raw ako, ni isang kataga wala akong naapuhap sa bibig ko. Ni hindi ako nakakilos sa puwesto ko nang basta na lamang siyang tumayo at iniwanan akong mag-isa sa gilid ng swimming pool. Hindi ko na rin maalala kung paano ako nakapanhik sa kwarto ko. Holy lordy! He likes me too? Totoo nga bang nagtapat siya sa akin kanina? O baka naman imahinasyon ko lang ’yon kanina?! Malabo kasi. Malabong magkagusto siya sa akin, kasi unang-una, may girlfriend siya. Pangalawa, lagi siyang galit o naiinis sa ’kin. Tapos, out of the blue aaminin niya sa akin na gusto niya ako? Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere at napaupo ako at sumandal sa headboard ng kama. Umiling-iling ako. “Hindi. Nang go-good time lang siya kanina. Nakainom siya Psyche, nakita mo naman na may alak siyang dala! Hindi totoo na sinabi niyang gusto niya ako. So, huwag kang maniwala. Pinagti-trip-an ka lang niya. Tama,” sabi ko at tumango-tango pa. “Kaya matulog ka na at huwag mo ng isipin ang mga sinabi ng sungit na ’yon kanina. May trabaho ka pa bukas.” Muli akong humiga at niyakap pa ang isang unan ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na iwinaglit sa isipan ko ang mga katagang iyon. Pero mayamaya ay muli rin akong napabangon at naiinis na kinuha ang unan at inilagay sa kandungan ko. “Argh! Nakakainis naman kasi ang lalaking ’yon! Gusto ko tuloy maniwala na... gusto niya rin ako. Na sinabi niyang gusto niya ako.” Aburidong saad ko at muling napabuntong-hininga nang malalim. Muli, pabagsak akong humiga at tumitig na naman sa kisame. Gulong-gulo ang aking isipan. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, o ano ang iisipin ko para lang mawaglit sa utak ko ang mga sinabi niya sa akin kanina. “Ugh!” inis na itinakip ko sa aking mukha ang unan at doon sumigaw ng malakas upang ilabas ang kakaibang nararamdaman ng puso ko. “Ahhh!” Hindi ko alam kung ano’ng oras na ako dinalaw ng antok ko. Basta kinaumagahan, masakit ang ulo ko nang gumising ako. Mabuti na lang at hindi ako na-late ng gising. “Okay ka lang ba?” untag na tanong sa akin ni Natalija nang nasa kusina na ako at nakapuwesto sa harap ng hapag. Ibinigay nito sa akin ang tasa ng black coffee na ipinakisuyo kong itimpla nito. “Salamat, Natalija,” sabi ko at hinipan iyon bago humigop. “Mukhang... hindi ka ata nakatulog ng maayos?!” Bumuntong-hininga ako. “Hindi nga. Kaya heto at masakit ang sentido ko.” Saad ko. “Bakit? May problema ka ba kaya hindi ka nakatulog ng maayos?” Sasabihin ko ba kay Natalija ang nangyari kagabi? Pero nakakahiya! Paano kung hindi naman pala totoo ang sinabi ng sungit na ’yon? “Hoy!” nang umupo na rin ito sa upuang nasa tapat ko. “Sigurado ka bang ayos ka lang? Nangingitim ang ilalim ng mga mata mo. Ang haggard mong tingnan amiga.” “Natalija,” sabi ko nang humalukipkip ako sa mesa at tumingin dito. “Sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo. Baka makatulong ako.” Saglit akong tumahimik at napatulala na naman sa kawalan. Mayamaya ay nagbuntong-hininga ako uli. “May... may nangyari kagabi.” Napatitig sa akin ng seryoso si Natalija. Mayamaya ay biglang nanlaki ang mga mata nito at napatutop sa bibig nito. “Díos mio! May... may nangyari na sa inyo kagabi?” gulat na tanong nito. Bigla namang nagsalubong ang mga kilay ko. Ano ang sinabi nito? “Diyos ko naman, Psyche! Agad-agad? Ibinigay mo agad ang—” “Ano’ng ibinigay? Ano ba ang sinasabi mo riyan?” nalilitong tanong ko. Naku, iba naman ang pagkakaintindi ng babaeng ito sa mga sinabi ko. “Ano ba ang iniisip mo riyan?” tanong ko pa. “E, ang sabi mo... may nangyari kagabi. Ano ang ibig mong sabihin? May nangyari sa inyo ni Sir Kid—” “Zzzttt!” pigil ko sa iba pa nitong nais sabihin kasabay nang pagtuwid ko ng upo. Bigla kong inilibot ang paningin ko sa buong kusina maging sa may pintuan. Baka mamaya niyan, may ibang tao roon at makarinig sa sinabi ni Natalija at isipin na totoo nga. Naku, nakakahiya! “Ikaw naman, dahan-dahan ’yang bibig mo baka may makarinig sa atin.” Saway ko rito at inismiran ko pa ito. “Sorry,” sabi nito at nag-peace sign agad sa akin. “Ang akala ko kasi... e, ano ba ang nangyari kagabi?” tanong nito. Napabuntong-hininga akong muli at itinukod sa gilid ng mesa ang magkabila kong mga siko habang nakapatong naman sa mga palad ko ang baba ko. “E, naguguluhan ang isip ko kagabi pa.” Pagkukuwento ko. Nakatitig lang naman sa akin ng mataman si Natalija at naghihintay sa susunod kong sasabihin. “Kagabi kasi, nasa swimming pool area ako nang dumating doon si Sir Kidlat,” Biglang sumilay ang nanunudyong ngiti sa mga labi ni Natalija nang mabanggit ko pa lamang ang pangalan ng sungit na iyon. “Tigilan mo nga ako sa ngiting ’yan.” Naiinis na saway ko rito. “Gusto kong ngumiti ng ganito amiga kaya hayaan mo na ako.” Napaismid na lamang ako. “Sige na, continue mo na ang kwento.” Bumuntong-hininga akong muli ’tsaka dinampot ang tasa ng kape ko. Saglit akong sumimsim doon bago muling nagpatuloy sa pagkukuwento. “Aalis na sana ako roon kagabi kasi ayokong... ayokong magkasama kami roon, pero pinigilan niya ako. Sabi niya, mag-stay raw muna ako roon kasi gusto niyang nandoon ako. Tapos...” tumigil ako sa pagsasalita at tumitig kay Natalija. Naramdaman ko ring biglang nag-init ang mga pisngi ko nang maalala ko na naman ang ginawang paghawak ni Sir Kidlat sa palad ko kagabi maging ang sinabi nitong he likes me raw. Nagbaba ako ng mukha upang itago ang pamumula ng mga pisngi ko at wala sa sariling kinagat ko ang pang-ilalim kong labi. “Tapos ano?” tanong pa nito. “E, sinabi niyang... g-gusto niya raw ako.” “Ihhh!” Nagulat ako nang biglang tumili si Natalija. Tili na pinipigilang huwag mapalakas. Napatutop pa nga ito sa bibig. “Díos mio marimar? True ba amiga?” nasa mukha nito ang labis na pagkagulat. Hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. “As in, inamin niya sa ’yo na gusto ka rin niya?” “Si... sinabi niya. Pero—” “Oh my God!” tumayo ito sa puwesto nito at lumapit sa akin. Niyakap ako nitong bigla. “Ahhh! Kinikilig ako amiga! Finally, magkaka-jowa ka na.” “Ano’ng magkaka-jowa ka riyan?!” magkasalubong ang mga kilay na tanong ko. “Magkaka-jowa ka na, kasi inamin na rin sa ’yo ng crush mo na gusto ka rin niya. Saan pa ba pupunta ang usapang iyon? Hindi ba’t sa relasyon din?” tanong pa nito. “E, ano ang sinabi mo sa kaniya? Sinabi mo rin bang may nararamdaman ka rin para sa kaniya?” “Hindi,” wika ko. “Ano?” kunot ang noo na tanong pa nito at humiwalay sa akin. “Hindi ka nagtapat sa kaniya? Ano ba naman ’yan bes. Nagtapat na nga si Sir Kidlat sa ’yo tapos—” “Kasi hindi ako naniniwala na gusto niya talaga ako,” sabi ko pa. “Huh?” “Hindi ako naniniwalang may gusto siya sa akin Natalija. Kasi unang-una, may girlfriend siya. So bakit niya sasabihin sa akin na gusto niya ako? Para ano? Para gawin niya akong third party sa relasyon nila? Gagawin niya akong kabet niya? Pangalawa, hindi nga ba’t alam mo namang lagi siyang galit at nagsusungit sa akin? So, malabong totoo ang sinabi niyang gusto niya ako. At pangatlo, lasing siya kagabi. Kaya sigurado akong pinagti-trip-an niya lang ako. Dahil kung talagang seryoso siya sa sinabi niya sa ’kin... hindi sana siya basta aalis na lang at iiwan ako pagkatapos ng confession niya. Sana kinausap pa niya ako. Sana inulit niyang sabihin sa akin na gusto niya talaga ako.” Mahabang pagpapaliwanag ko. “Sabagay,” sabi nito. Sumang-ayon sa mga sinabi ko. “Kung talagang seryoso siya sa sinabi niyang gusto ka niya... bakit ka nga naman niya iiwan bigla roon?” anito. “Pero let me correct you lang amiga huh, sa pagkakaalam ko, walang jowa si Sir Kidlat.” Muling nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig dito. “Huh? W-wala?” nauutal pang tanong ko. “Oo,” wika nito. “Alam mo amiga, wala man sa mukha ko, pero maypagka-marites din ako. At alam kong matagal ng hiwalay si Sir Kidlat sa girlfriend niyang ipinagpalit siya sa mukhang tsonggo ang mukha. Kaya nga naging masungit ’yan simula nang magkahiwalay sila no’ng babae. Ano nga ulit ang pangalan n’on? Mmm, Lu, Lu, ah basta. Maganda sana ang ex-jowa ni sir, kaso pumatol naman sa unggoy.” Luana! Ex-girlfriend ni Sir Kidlat ang babae na ’yon kaya tinawag siya nitong babe kahapon? Baka. Ah, pero ayoko pa ring paniwalaan ang sinabi niyang gusto niya ako. “Bakit hindi mo siya kausapin? Itanong mo sa kaniya kung talagang may gusto siya sa ’yo? Malay mo bes, totoo pala. Naku, jackpot ka na kay Sir Kidlat.” Ngumiti pa ito na halatang kinikilig na naman. Umiling ako. “Ayoko nga. Hindi ko gagawin ’yon.” “Bakit naman hindi?” “Baka isipin niya na naniwala naman ako bigla. Baka sabihin niya, masiyado naman akong papaniwala. Sino ba ako para magustohan niya?!” Inismiran naman ako nito kasabay nang pagpapakawala nito nang buntong-hininga. “Alam mo amiga, 2022 na ngayon. Hindi na uso ngayon ang pabebe. Kung paiiralin mo ’yang mga baka mo, malamang na maunahan ka ng iba riyan. Imbes na lumalapit na sa ’yo ang karne, itinataboy mo naman palayo sa ’yo.” Lintaya nito sa akin. “Tatanungin mo lang naman siya kung totoo ang sinabi niya sa ’yo kagabi. Kapag sinabi niyang joke lang ’yon... e ’di move on. Wala ka talagang pag-asa sa crush mo. Pero kung sinabi niyang totoo ’yon, na gusto ka na rin niya... e ’di sunggab agad gurl. Huwag ka ng pabebe. Kasi maraming nakapila riyan kay Sir Kidlat.” “Haynaku, Natalija. Madali lang para sa ’yo na sabihin ang mga sinabi mo ngayon. Pero kung ikaw ang nasa posisyon ko, sigurado akong pareho rin ang mararamdaman mo sa nararamdaman ko ngayon.” “Magkaiba tayo. Kung ako man ang nasa sitwasyon mo ngayon, ako mismo ang lalapit kay Sir Kidlat para siguraduhin kung totoo ba ’yon o hindi. Kasi ako rin lang din naman ang mahihirapan at mababaliw kakaisip tungkol doon kung hindi ako magtatanong. Tingnan mo nga’t hindi ka nakatulog kagabi ng maayos kasi iniisip mo siya.” Well, at some point, tama rin naman ang mga sinabi ni Natalija. Ako lang din ang mahihirapan kakaisip tungkol doon. Pero, ayoko pa rin! Wala akong lakas ng loob na tanungin siya kung totoo ba ’yon o hindi. Ah, bahala na nga! Kapag nagkita kami mamaya... “Natalija!” Bigla akong natigilan sa puwesto ko nang marinig ko ang boses na iyon na nagmumula sa may pintuan ng kusina. Dahil nakatalikod naman ako, kaya hindi ko agad nakita ang hitsura niya. But my heart... it’s pounding to fast again. Oh, sweet Jesus! Napatingin ako kay Natalija, ayon at malapad na naman ang ngiti nito. Nanunudyo na naman sa akin. “Hi po Sir Kidlat, good morning po!” masiglang bati nito. Nahigit ko naman ang aking paghinga nang marinig ko ang paghakbang niya palapit. Oh, ano ang gagawin ko? Ewan ko ba, pero pakiramdam ko wala akong mukha na ihaharap sa kaniya ngayon. Ako bigla ang nakaramdam ng hiya sa kaniya. Damn this heart! Mas lalo pang nagregodon. Mayamaya ay naamoy ko ang pabango niya mula sa likuran ko. Damn, nasa likuran ko siya? “Please give me a cup of coffee, Natalija. Thank you.” Dinig kong sabi niya. “Right away po sir.” At kaagad na tumalima si Natalija. My God! Kailangan ko ng umalis ngayon dito. Hindi ako puwedeng magtagal dito kung nandito rin siya. Ang puso ko kasi, habang tumatagal na nararamdaman ko siya mula sa likuran ko, habang naaamoy ko ang pabango niya, mas lalong lumalakas ang pagtahip ng dibdib ko. Baka mamaya ay bigla na lamang lumabas sa dibdib ko ang puso ko at magtatalon sa harapan niya. Oh, holy lordy. Walang-hiya! Traydor na puso! Wala sa sariling napatayo ako sa puwesto ko para sana umalis na. Pero mali pala ang ginawa ko. Pagkapihit ko patalikod, muntikan ng bumangga ang mukha ko sa malapad niyang dibdib. Mabuti na lamang at napaatras akong bigla. Dahil kung hindi, naku... “Hi.” Napapikit ako nang mariin nang marinig ko ang sexy pero maskulado niyang boses. Walang-hiya talaga! Biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Mabuti na lamang, bago pa man ako tuluyang mawalan ng balanse ay kaagad niyang nahawakan ang magkabila kong mga braso upang alalayan ako. Pero sana hindi niya ginawa iyon. Dahil heto, nakuryente na naman ako. Mas lalong nagwala ang puso ko. Diyos na mahabagin! “Are you okay?” Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko at tumingala sa kaniya. Damn it! Bakit mas lalo siyang naging guwapo sa paningin ko ngayon? Araw-araw na lang ba lume-level up ang kagwapohan niya? “I said if you’re okay?” “Um,” hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Naumid na naman ata ang dila ko. Dahil naiilang ako sa klase ng titig niya, maging sa pagkakahawak niya sa mga braso ko, bahagya akong umatras upang bitawan niya ako. At hindi naman ako nabigo. Mabuti na nga lang at nasa likuran ko ang lamesa kaya roon ako kumuha ng suporta dahil nangangatog pa rin ang mga tuhod ko. “Um, e-excuse lang po sir.” “Where are you going?” “P-pupuntahan ko lang po ang Don Felipe.” “Ninong is still sleeping.” “Ah,” “Sit down.” Tumingin ako saglit sa kaniya. Seryoso ang mukha niya. “I said sit down again.” “H-hindi na po sir. T-tapos na po akong magkape.” “You’re not done.” Saad niya matapos tapunan ng tingin ang tasa ng kape ko. Nilingon ko rin naman iyon na nasa gilid ng mesa. Nanginginig pa ang kamay ko na kinuha iyon. Walang pagdadalawang-isip na inisang lagok ko ang laman niyon kahit mainit. Napaso pa nga ang dila ko pero hindi ko ipinahalata. “T-tapos na po ako sir.” Saad ko at napahigpit bigla ang pagkakahawak ko sa tasa. “But—” “Excuse lang po sir.” Kahit nanghihina pa rin ang mga tuhod ko, tinatagan ko iyon at nagmamadali akong umalis sa harapan niya. Bitbit ang tasa na wala ng laman ay lumabas ako sa kusina at diri-diretso ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa kwarto ng Don Felipe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD