ANIKA POINT OF VIEW
"Hi?" Nakangising lapit ni Maine.
"Ano na naman?" bored kong tanong at mas binilisan ko pa ang paglakad para hindi siya makasunod. Kaso para siyang aso, ang bilis humabol at nagpapa-cute pa ngayon. "Pwede bang tumigil ka na kakasunod?!" iritable kong sigaw bago siya irapan.
"Ang sungit mo talaga," parang bata niyang bulong na ikinatingin ko ulit sa kanya.
"Tumigil ka na kasi," sagot ko.
"Gusto ko lang namang makipagkaibigan. 'Di ba witch ka? Pwede mo ba kong turuan?" tuwang-tuwa niyang sabi habang pumapalakpak. Kailan ko ba inamin sa kanya na witch ako? May sinto-sinto talaga. "Just do a trick! Please! O kaya bigyan mo na lang ako ng magic," dugtong niyang nakamostra.
Huminto na ko at tinignan siya nang matalim. Nakatitig siya ngayon sa palad niya na para bang may pinapanood do'n. Kung hindi lang talaga siya maganda baka napagkamalan ko na siyang baliw. Tumingin ulit siya sa akin at kumurap-kurap.
"No," madiin kong sagot at lumakad na ulit.
"Hi?" bati naman ni Rico. Bakit ba ayaw nila kong tigilan? Kung ngumiti pa siya ngayon akala mo namang close na kami. "Flowers for you." Pag-abot niya sa bulaklak. Napangiti tuloy ako, hindi dahil sa bulaklak kung hindi dahil sa kautuan na naman ng utak ko.
Tinalikuran ko siya and I snapped my fingers.
"Anika, ple-Ah!" rinig kong sigaw niya. Sumulyap ako ng tingin para siguraduhin lang na nadapa siya sa balat ng saging. Palihim lang akong tumawa at muli nang nagsuot ng hoodie.
Gusto ko lang namang mapag-isa. Mahirap man pero kakayanin ko kesa masaktan ulit dahil sa taong malapit sa akin.
"I see what you do." Nakangising harang sa akin ni Maine. "Nilag~" Sasabihin niya pa kaya tinakpan ko na ang bibig niya.
"Ang kulit..." nakukunsumi kong bulong. "Fine, dahil nakita mo na lang din. Sasabihin ko na," walang magawang sabi ko.
"Don't worry, your secret is safe," nangangako niya namang sabi habang tinataas ang kamay. Mukha namang trustworthy siya kaya naman pinagbigyan ko na. "Pwede na ba kita ngayong maging bestfriend?" Pagpapa-cute niya na naman.
"Ano pa nga bang magagawa ko?" sagot ko at tuwang-tuwa naman siyang lumundag at kumapit na sa braso ko.
Simula no'n, hindi na niya ko tinigilan. Lagi na siyang sumusulpot kung saan-saan. Sumasama rin siya sa bahay at wala akong magawa. Kahit kasi sinusungitan ko siya ay wala pa rin. Sabi ni Mama, mukhang okay naman daw si Maine. Nababasa niya ang nasa isip ni Maine at hindi naman daw siya delikadong tao.
"'Wag ka kasing malikot!" utos ko kay Maine na nandito ngayon sa bahay namin. She wants to fly. Kaya naman salit na mga gamit sa bahay ang pagpraktisan ko ay siya na lang daw. Ewan ko ba sa kanya at tuwang-tuwa pa. Eh, para ngang bali-bali na 'yung buto niya kakalaglag. Buti na lang at sa tapat siya ng kama laging nahuhulog.
"See? Nagagawa mo na!" natutuwang sigaw niya sa akin.
Napahinto ako sa pag-iisip at naglulundag dahil tama siya! Nagagawa ko na! "AAHHHHH!" sigaw niya at gulat naman akong napatingin sa kanya nang malaglag siya sa kama. Nawala na naman ako sa focus dahil sa tuwa. "Isa pa!" Pagbangon niya habang pumapalakpak.
"Tama na, mamaya mabalian na kita ng buto." Iling ko sa kanya at naupo na sa kama. Inabutan ko siya ng juice at naupo naman siya sa tabi ko.
"Nga pala? 'Di ka ba natatakot pumasok bukas?" bigla niyang tanong.
"Bakit naman?" Taka kong tingin sa kanya habang nag-iinat. Ang bigat niya at ako yata ang nabalian kanina.
"Pinahiya mo lang naman ang 'Ultimate Boyfriend ng Campus'. Sigurado, kakalbuhin ka ng mga babae sa school," paliwanag niya sa akin.
"Tss, para 'yon lang. Saka sasamahan mo naman ako, 'di ba?" nakangisi kong biro at natigilan nang hawakan niya ang buhok niya na para bang naiiyak na. "Ang wierd mo talaga," hindi makapaniwalang bulong ko.
"Ibig sabihin . . . kakalbuhin din nila ko? Huhu! Todo alaga pa naman ako sa buhok ko!"
Natatawa na lang ako sa kanya dahil mukhang may sayad talaga siya.
"Maine? Nandiyan na 'yung sundo mo." Silip ni Mama habang may dala-dalang lunchbox. Binigay niya 'yon kay Maine at tuwang-tuwa naman siya.
"Ma, pinapalitan mo na po bako?"
"Dapat matuto ka sa kanya," bulong niya sa akin habang parehas kaming nakalingon kay Maine. Papasok na siya ngayon sa sasakyan habang kumakaway-kaway sa amin ni Mama. "Mabuti naman at nakakuha ka rin ng kaibigan," nakangisi niyang sabi at tinapik ako sa balikat.
"Kinulit niya lang naman ako," kibit balikat kong sagot at pumasok na rin ng bahay.
Bago matulog binasa ko pa ulit ang black book of spells. Hindi 'yon napansin ni Mama na nawawala kaya na sa akin pa rin. Sa totoo lang, wala naman akong matutunan dito. Ang hirap pang basahin ng mga nakasulat.
Pero nandito lahat ng kailangan ko. Kung paano maging invisible, lumipad, maglaho, manumpa at marami pa. Kaso lang ang hirap basahin at pag-aralan. Wala man lang instruction na malinaw.
"Ooopss!" Kagat labi kong tingin sa flowervase na nabasag ko. Narinig ko ang mga yapak ni Mama sa hagdanan kaya naman mabilis kong itinago ang libro at nagpulot ng nabasag. "Oh? Ma?" Kunyaring nagulat kong tingin sa kanya. Wala akong iniisip. Wala akong iisipin.
"May tinatago ka ba?" taas kilay niyang tanong pero wala akong iisipin. "Matulog ka na lang nga. Gabing-gabi na." Tumango lang ako at ngumiti.
Nang makalabas na siya, sinubukan ko ulit ang magic ko para mabuo 'yong vase na nabasag. Pinikit ko ang mga mata ko at kumumpas. Pagkadilat ko napangiwi agad ako sa nangyari. Nabuo naman 'yong vase kaso lang lahat ng gamit ko naging vase. "Patay na naman ako nito."
Hindi ako natulog dahil sa kapalpakan ko kagabi. Inayos ko lahat 'yon para hindi mapagalitan ni Mama. Tulog pa nga siya noong lumabas ako ng bahay para pumasok ng school. Natulog lang ako sandali sa coffee shop at nag-alarm.
Pagkagising ko, nag-inat-inat muna ko bago tumayo sa upuan at lumabas. Malapit lang 'to sa school kaya hindi naman ako male-late. Sumakit talaga ang katawan ko dahil sa bwisit na vase na 'yon.
Napahinto ako sa paglalakad at nanlaki agad ang mga mata ko. Tumakbo ako sa isang gilid at nagmatyag. Hindi nga nagbibiro si Maine sa sinabi niya kahapon. "Bwisit." Napapakagat na lang ako ng labi dahil sa sobrang pagkataranta.
"I told you!" Biglang sulpot ni Maine sa gilid ko. Kumapit siya sa akin at mukhang natatakot din na makalbo.
Ilang minuto rin ang pinalipas namin pero punong-puno pa rin ang main gate ng fans ni Rico. Hanep, sabi na at gulo lang ang hatid sa akin ni Rico. Ang payapa na sana ng buhay ko kasama ang hoodie pero ngayon lalo pang gumulo!
"Gawin mo kaya tayong invisible?" suggest ni Maine.
"Loka ka. Makakapasok ka naman sa loob," angal ko sa kanya.
Sumimangot naman siya at nagpa-cute ulit. "Eh, paano ka? BFF tayo, 'di ba? Walang iwanan."
"Ang sabihin mo ay gusto mo lang maging invisible." Natatawa kong iling sa kanya. Nginitian niya naman ako nang sobra dahil nabuking ko siya. "Pero sorry ka. Hindi ko pa 'yon kayang gawin," bulong ko.
"Oh? Maine, bakit nagtatago ka diyan?" Napatingin kaming parehas sa tumawag sa kanya. Mabilis akong lumayo kay Maine habang siya naman ay mabilis na hinila si Ace.
"Kuya!" sigaw ni Maine. Napaawang ako ng labi habang papalapit sila sa akin. Kuya?
"Anika! This is my kuya Ace, ang pinakagwapo sa lahat ng kuya sa buong mundo," tuwang-tuwa niyang pakilala kay Ace na may kasama pang mostra.
"Anika?" taas kilay niyang tawag sa akin. Natigilan ako at napatitig sa kanya dahil kilala niya ko. Matagal ko na siyang nakikita pero ngayon lang kami nagka-usap. "Bakit nagtatago kayo?" Nagtataka niyang tingin sa amin at tinuro naman agad ni Maine ang main gate sa kanya.
"Galit sila kay Anika dahil kay Kuya Rico," paliwanag niya. "Tsaka hindi naman kasalanan ni Anika kung nadapa si Kuya Rico," dugtong niya sabay kindat sa akin. Napakadaldal niya talaga.
"Teka at ite-text ko si Rico. Makakatulong siya." Ngumiti siya sabay labas ng cellphone. Tumakbo agad ako at inagaw 'yon sa kanya. Nagulat kaming pareho dahil muntik ko nang mahulog 'yon.
"Sorry, 'wag mo nang i-text si Rico. Kaya ko naman makapasok. Isama mo na lang 'to papasok sa loob. Ayaw kasing umalis sa tabi ko," nahihiya kong paliwanag.
"Sure ka?" tanong niya at tumango naman agad ako. Ang gwapo niya sa malapitan. Teka? Nakukuha ko pa ngayong pagpantasyahan ang kapatid ni Maine.
Bakit kasi ang gwapo ni Ace? Maamo ang mukha, matalino at mukhang mabait din siyang kuya. Nakakaingit naman si Maine. Parang gusto ko rin ng Ace.
"Sure kang kaya mo? Hihingi pa rin ako ng tulong sa loob." Tinapik niya ako sa balikat at ngumiti. "Tara," aya niya kay Maine sabay hila.
"Teka, kuya! 'Wag natin siyang iwan!" nagwawalang sigaw sa kanya ni Maine. Nakakatuwa silang tingnang dalawa.
Minsan nga dalawin ko rin si Maine sa kanila at baka nandoon si Ace palagi. Okay! Back to reality, Anika!
Paano kaya ako makakapasok naman sa school? Male-late na ko. Bakit ba kasi nauso pa ang mga fan girls na 'yan? Kala mo silang isang rebellion na papatay at may mga dala pang gunting!
'Luh?! Seryoso ba sila?!'
Mabilis tuloy akong napahawak sa buhok ko habang nakakagat labing nakasilip sa kanila.
RICO POINT OF VIEW
"Sama ba kayo mamaya?" aya ni Lisa. Napatingin ako kay Gino at mukhang game na game naman siya. "Asan si Ace? Girl, gwapo rin 'yon." Tapik ni Lisa sa kasama niya.
"I'm not sure kung papayag 'yon," sagot ni Gino.
Kanina pa ko hilong-hilo at lalong lumalala dahil sa ingay nilang lahat. Hindi naman ako ma-gets ni Gino kapag minomostrahan ko siya kaya lalong sumasakit ang ulo ko.
"Rico?" Silip ni Ace sa pintuan.
Mabuti naman at nandito na rin siya. Matatahimik na ang buhay ko.
"Ace! Nandiyan ka na pala. Halika dito dali at may ipapakilala kami sa'yo." Inakbayan siya agad ni Gino na ikinatigil niya. Binalingan niya ko ng mapanghusgang tingin na para bang may ginawa akong mali. Hindi ko naman tinuturuang mangbabae si Gino. Siya pa nga 'tong kanina pa kulit nang kulit.
"What?" masungit kong sagot sa pagtingin niya.
"Kuya Rico!" Jusko, nagsama pa ng isa pang maingay. Sumasakit na nga ang ulo ko sa kanila tapos dadagdag pa siya.
"S-sino siya?" nakatulalang tanong ni Gino. Tinamaan yata sa kapatid ni Ace. Napangiti tuloy ako habang tumatayo na. "Hi," parang tanga niyang bulong habang nakatulala pa rin.
"Hello! Ako si Maine, kapatid ko si Kuya Ace."
"Maine! What a beautiful name!" mukhang tangang sigaw niya sabay lahad ng kamay. Napatawa tuloy kami ni Ace nang malakas.
"Kuya Rico!" sigaw ni Maine. Nilampasan niya lang si Gino na hanggang ngayon ay nakalahad pa rin ang kamay.
"Ouch naman, Rico!" sigaw niya pa sabay hawak sa dibdib niya. Ang corny ng puta. "Ang dami mo na ngang babae tapos pati ba naman si Maine? Sa akin naman na 'yan," ngiting asong sabi niya.
Umapila agad si Ace at hinarangan ang kapatid niya. "Hoy! Magtigil ka at kapatid ko 'to. Yari ka talaga sa akin."
"Ang dami niyong sinasabi!" sigaw ni Maine na ikinatigil naming tatlo. Nagpamewang pa siya sa harap ko at tumingin nang masama. "Si Anika nasa labas pa kailangan ng tulong mo," mataray niyang sabi at padabog na lumabas ng room.
"Si Anika?" Kunot nuo kong tingin kay Ace.
"Oo, hindi siya makapasok dahil sa mga babae mo," sagot niya.
"Ang ganda ng kapatid mo. Bakit ngayon ko lang siya nakita?"
"Ikaw! Lubayan mo 'yang kapatid ko, ah."
Kaya pala wala pa si Witch. Pupuntahan ko ba? Sabagay huwag na lang kaya? Makaganti man lang ako sa kanya.
"Rico? Hindi mo tutulungan si Anika? Puntahan mo na at kanina pa 'yon nandoon," nakapamewang na sabi ni Ace habang nakahawak ang isang kamay sa mukha ni Gino. "Tigilan mo nga ako! Anong kuya kuya ka diyan?! Subukan mo lang lapitan 'yong kapatid ko!" angal niya pa.
"Guys? Nandito pa kami," sabat ni Lisa habang kumakapit na naman sa akin. "Siya si Ace, ang gwapo niya rin, right?" Turo niya pa.
"Nagpapatulong ba siya sa akin?" taas kilay kong tanong.
"Hindi, ayaw niya ngang ipa-text ka kaso lang-" "Okay na, 'yon lang talaga ang hinihintay ko. Ako na ang bahala." Nginisihan ko siya at tumakbo na palabas ng room.
Dumaan ako sa exit para hindi mapagkaguluhan. Umikot na lang ako at natawa sa nakita ko. Nakatayo lang siya sa isang gilid at kung ano-ano ang pinagsasasabi. Ang cute niya para siyang batang naglalaro.
"Kung witch ka man. Palpak ka," bati ko sa kanya habang lumalapit. Mukha siyang gulat na gulat at tinago pa ang librong hawak.
"Ah, talaga?! Hindi ko hinihingi ang opinion mo!" iritable niyang sigaw. Hindi ko alam sa kanya kung bakit ayaw na ayaw niya sa akin. Wala pa nga akong ginagawa sa kanyang masama. "Binabalaan kita!" Turo niya pa sabay tingin sa paa ko.
Napapangiti na lang ako habang lalo pang lumalapit sa kanya.
"Bakit ba naiilang ka? Hindi pa ba kayo nagkakatinginan nang ganito kalapit dati ni Rex?" nakangisi kong bulong sa harapan niya. Ngayon na lang ulit ako nakakita ng ganitong ka inosenteng mga mata. 'Yong mga mata na para bang sinasabing 'lumayo ka.'
Simula dati, lahat na lang ng babae gustong mapalapit sa akin at kung bibigyan sila ng chance na ganito kalapit sa akin. Lagi na lang nila kong sinusunggaban na para bang gustong-gusto nila kong makuha. Pero siya, naiilang pa siya na lalo kong kinakatuwa. Para siyang inosenteng bata na binu-bully ng kalaro niya.
Kung halikan ko kaya?
Napatitig ako sa mga mata niya lalo habang dahan-dahang napapatingin sa labi niya. "Nahalikan ka na ba?" Stupid question knowing he's my cousin's, ex-girlfriend. Ano ba 'tong tumatakbo sa isip ko? Umaabanteng kusa ang mga paa ko habang siya naman ay kanina pa atras nang atras. Mabilis ko siyang kinulong sa pagitan ng mga braso ko para wala na siyang matakasan pa.
May kakaiba talaga sa kanya.