bc

Mr. p*****t meets Ms. Witch

book_age16+
2.2K
FOLLOW
10.5K
READ
adventure
curse
witch/wizard
drama
comedy
twisted
sweet
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

Meet Anika, 'The Almost Ordinary Girl'. Actually ordinary lang naman talaga siya, until she finds out that she has an extraordinary power nung nag 18th birthday siya.

And Meet Rico, The p*****t, The Playboy, and The Almost Perfect Guy on campus. Basketball player, Campus heartthrob, Perfect son, Genius but he always plays with girls.

chap-preview
Free preview
BEGINNING
Simple at masaya ang naging buhay ko sa loob ng labing pitong taon, at hindi ko inakala na magbabago ang lahat ng iyon pagsapit ng aking ika-labing walong kaarawan. Tandang-tanda ko pa ang nangyari nang araw na 'yon. Umuulan at hindi ko alintana ang pagkabasa ko habang nakatayo sa labas ng isang mamahaling restaurant. Kanina pa ko nakatayo at naghihintay. Naghihintay na sa mga oras na ito ay titingin siya at magpapaliwanag, na hindi totoo ito. Gusto kong marinig sa kanya na mali ang nakikita ko. Dahil ngayon, punong-puno na ko ng galit at halos lamunin na rin ako ng lungkot. Hindi ako makapaniwalang ang kaisa-isang taong hinihintay kong dumating sa birthday ko ay may kasamang iba. Masaya sila at mukhang nakalimutan na ko. Sa totoo lang, kanina ko pa gustong-gustong pumasok sa loob ng restaurant at kaladkarin siyang palabas. Pero natatakot akong magalit siya sa akin at pagtabuyan akong palayo. Mabilis akong napabagsak ng mga balikat habang nanlulumo. Bigla na lang silang naghalikan sa loob at hindi ko naihanda ang puso ko. Ang puso ko na para niya ngayong binato at inapak-apakan nang sobrang tindi. Gusto ko siyang isumpa hanggang sa mamatay siya pero kahit sa isip ko ay hindi ko pa rin siya magawang saktan. Pinilit ko ang sarili na huminahon. Marahan akong pumikit habang nakakuyom ang mga palad.'You don't need him. Hindi mo kailangan ng mukhang palaka. Alam kong kaya mo siyang kalimutan.' Pagpapakalma ko sa sarili. Masakit man pero kailangan kong dumilat at pilitin ang sarili kong katawan na umalis na. Para kong iniwan panandalian ng kaluluwa ko at napangiti na lang nang mapait dahil sa malalandi nilang paggalaw. Ang sakit-sakit! "Sana maging palaka ka na lang!" sigaw ko sa sobrang sama ng loob. Nagtatawanan pa sila at muling maghahalikan nang may mangyaring kakaiba. Natigilan ako at napaawang ng mga labi dahil sa nangyari. Nagkakagulo na ngayon sa loob at tumatakbo na rin ang babae palabas ng restaurant. She cried in disgust. Mabilis kong ikinurap-kurap ang mga mata ko para masiguradong totoo ang nangyayari. Naging tunay siyang palaka at hindi ko alam kung ako ba ang may gawa no'n. Dahil ba sa sinabi ko kanina? O baka sadyang manloloko siya kaya naparusahan nang ganyan. "Ma?" Gulat kong tingin kay Mama, na nakapamewang ngayon sa harapan ko at umiling-iling na para bang may nagawa akong mali. "Dapat binalaan na kita," bungad ni Mama habang lumalapit sa akin. Kinumpas niya ang kamay niya at may liwanag na nanggaling doon na nagbalik kay Rex sa dati. Napakunot ako ng nuo dahil do'n. Kung ako pala talaga ang gumawa no'n ay dapat hindi niya na lang binalik si Rex sa dati. Dapat naging palaka na lang siya para mabawas-bawasan ang mga manloloko sa mundo. Hinila niya ang kamay ko at isang kurap ko lang ay nasa bahay na kami. Litong-lito ko sa mga nangyayari at kung paano niya 'yon nagawa. Noong gabi rin na 'yon, sinabi sa akin ni Mama ang lahat. Mga sikreto at kung paano ko nga ba 'yon mako-control. Ilang araw pa ang lumipas at nag-aral pa kong mabuti. Pero lagi akong palpak! Mabuti na lang at laging nandiyan si Mama para gabayan ako. Gustong-gusto kong matuto agad dahil sa nangyayari sa school. Simula kasi nang mangyari ang aksidente. Pinagkalat ni Rex ang lahat ng ginawa ko. Kaya naman lahat sila ay halos lamunin ako ng buhay. Nakakatamad kumilos, kaya nga gusto kong gamitin ang magic ko para maglaho o kaya maging invisible. Marami namang hindi naniniwala pero syempre. Iba rin ang isip ng ilan, nilalayuan nila ko at binu-bully dahil do'n. Kaya naman nagpasya ako na lumayo na lang sa mga tao at huwag nang makisalamuha pa sa iba. "Okay lang 'yan, Anika. Relax lang. Huwag mo na lang silang tingnan," bulong ko habang naglalakad sa hallway. Naka-hoodie ako para hindi nila ko masyadong mapansin at hindi ko sila makita na nagtitinginan habang tumatawa. Pasimple kong nagbukas ng locker at tumingin sa magkabilang gilid. Busy ang lahat at mukhang hindi naman nila ko napapansin. "Aahhhh!! Halimaw!" biglang sigaw ni Rex na ikinatingin ng lahat. Sa sobrang inis, tinignan ko siya nang masama at nagsimula naman siyang tumawa. "Ano gagawin mo ulit akong palaka?" mayabang niyang tanong habang sumasandal sa locker ko. Muntik pa kong maipit kaya napapikit ako nang madiin. "Tumigil ka na," bulong ko habang tumatalikod na sa kanya. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon lalo na sa inaasal niya. Gusto kong magpaliwanag at sabihin sa kanya kung bakit ko 'yon nagawa pero mas pinili ko na lang manahimik. "Sige na, ipakita mo sa lahat na isa kang witch!" sigaw niya pa habang pinaparinig sa lahat. Napahinto ako sa paglalakad pero sabi ni Mama kailangan kong punuin ng pasensiya ang katawan ko. Hindi ko siya pwedeng patulan para walang makaalam ng sikreto namin. Sa lahat ng tao, hindi ko inakala na siya pa talaga ang gagawa sa akin ng ganito. Parang hindi man lang niya ko minahal. Tama, nagkamali ako dahil aksidente ko siyang nagawang palaka. Pero sana naman maintindihan niya na tao rin ako. Nasaktan din ako nang makita siyang may kasamang iba. "Ma, wala bang school para sa mga katulad natin?" nakapalumbaba kong tanong. Gusto ko na kasing tumigil sa pag-aaral. I mean look at me, may magic naman ako. Bakit ko pa kailangang mag-aral sa school na 'yon? Kapag natuto na ko, alam kong kaya kong makuha lahat ng gusto ko. "Huwag mong isipin 'yan," madiin na bulong ni Mama habang nagpupunas ng lamesa. Napatingin tuloy ako sa kanya sabay buntong hininga. "Kung ano-ano ang nasa isip mo. Dapat mag-aral ka lang nang mabuti at mabuhay nang normal." "Ma, binabasa mo na naman po ang nasa isip ko?" "At bakit hindi?" Mataray niyang pamewang. "Gusto kong mamuhay ka lang nang normal. Kung pwede nga lang na hindi ka na turuan sa magic. Gagawin ko," dugtong pa niya na ikina-angal ko kaagad. "Ma, alam mong kailangan ko po 'yon. Lalo na sa panahon ngayon." Hindi na siya sumagot at tumalikod na sa akin. Nababasa niya kasi ang nasa isip ko. Gusto ko rin ng gano'n pero wala pa, e. Bukod sa palpak ako, hindi naman kasi ko katulad ni Mama. Kinabukasan, tulad ng dati halos mag-ninja ko papasok ng school. Nagtatago muna ko sa gilid-gilid tsaka mabilis na tumitingin sa kaliwa't kanan. "Mabuti naman at wala si Rex," bulong ko habang nangingiti. Mabilis akong pumasok ng room at nagpasak kaagad ng earphone. "Rico, inom tayo mamaya? Game ka?" "Uh-uh. Hindi pwede may date kami mamaya ni Cindy." "Ano?!" Napalingon ako sa lakas ng sigawan nila. Tinanggal ko ang earphone ko at tinanaw sila Gino. "Hindi naman sa naninibago kami sa'yo pero masasabit ka do'n, 'tol," payo nila kay Rico. Nagbabasa lang siya ng libro at nakikitawa sa kanilang dalawa. Si Rico, ang super duper sikat na lalaki sa buong campus. Pinsan siya ni Rex kaya kilala ko siya. Hindi na ko magtataka na babaero siya dahil magkalahi naman silang dalawa. "Oo nga, saka alam mo ba na ex-con ang kuya no'n? Kayang-kaya ka niyang tirisin nang walang nakakaalam." "Ano ba kayo? Relax." Ngumiti lang siya at sinara na ang librong hawak. Lumingon siya sa pwesto ko kaya naman mabilis akong umalis ng tingin. "Date lang naman 'yon," dugtong niya pa. "Nako! Ikaw pa? Sigurado, hindi lang date ang mangyayari!" Pahabol nila Gino habang lumalabas siya ng room. Magsisimula na ang klase pero babae pa rin ang inaatupag niya. Magpinsan talaga silang dalawa. "Insan? Saan ka pupunta? May sasabihin ako." Bwisit, akala ko pa naman absent si Rex ngayon pero late lang pala. Heto na naman po kami, siguradong magsisimula na naman siya mamaya. Napaayos na kami ng upo nang dumating si Sir Al. "Good morning, witch," bulong ni Rex at ngumisi habang nauupo sa likuran ko. Naiinis na ko sa kanya dahil ayaw niya kong tigilan. Sinisipa niya ang upuan ko, itinatali ang bag ko at kung minsan ay pinupunit niya pa ang libro ko. Minsan napapaisip na talaga ko. Paano ko ba siya minahal? Wala siyang modo, awa at respeto. Dapat talaga hindi na siya ibinalik sa dati. Kung hindi lang ako papagalitan ni Mama, matagal ko na siyang ginawa ulit na palaka. Pagkayari ng klase, nagulat ako nang sobra dahil sa locker ko. Tinignan ko nang matalim si Rex pero nginisihan niya lang ako habang nakikipag-apir sa mga kaibigan niya. Tinapunan nila ng dugo ang locker ko na para bang bampira ko. Tanga talaga ang puta. Aanhin ko 'tong dugo? Napangisi naman ako nang may naisip akong kautuan. Yari ka talaga sa akin. Damay-damay na 'to. "Ano?" Mostra ni Rex na may kayabangan. "Wala." Mostra ko pabalik sabay ngisi. Hinintay ko muna na mawalan ng tao bago i-blurred ang CCTV. Inipon ko lahat ng dugong nilagay nila sa locker ko at inilipat sa loob ng locker ni Rex. Syempre ginamitan ko ng konting magic. Sisiguraduhin kong makikita ko mamaya kung paano siya mapahiya. Tsk. Ganito ang gusto niya pwes! Pagbibigyan ko siya. Pero hindi pa 'yon sapat. Gusto ko pang dagdagan ang plano ko. "Makikita mo ngayon kung ano ang totoong magic." Ngumisi ko bago umalis sa tapat ng locker niya. Kanina pa ko naghihintay ng uwian. Kainis lang kasi gustong-gusto ko na siyang makitang humiyaw ulit. Ngingisi-ngisi pa siya sa akin ngayon. Maghintay ka. Mamaya-maya pa, napangiti kaagad ako at ngayon ko lang ulit naramdaman ito, ang sarili kong tuwa. Excite na excite na ko kaya inunahan ko na silang lahat na pumunta sa locker. Huminto ako sa tapat ng locker ko at kunyaring nag-ayos-ayos ng gamit. "Ayan na siya..." Napakagat labi ako sa sobrang pananabik. Pinanood ko siya habang papalapit na sila sa locker. Kausap niya ang barkada niya at boom! "What the hell?!" sigaw niya sabay tingin sa pwesto ko. Mabilis akong umalis ng tingin at sinara na ang locker ko. Bwisit! Palpak pa talaga ang magic ko. Dapat kasi tatalsik 'yon sa kanya, e! Pero walang nangyari at nagtulo lang sa sahig lahat ng dugo. "ANIKA!!!" gigil niyang sigaw. Nagtinginan tuloy lahat ng tao kaya napahinto rin ako sa paglalakad at muling tumingin sa kanya. "Bakit?" Pagmamaang-maangan ko. "Anong ginawa mo?!" singhal niya. "Ano ba 'yan, Rex? Ang baho ng locker mo!" sigaw ni Gino. Napatigil siya sa pagtingin sa akin at padabog na sinara ang locker niya. Pasimple kong nangiti dahil sa kanya. Para 'yon lang galit na galit na siya. Paano pa kung natuloy ang plano ko? Pasalamat siya at palpak pa ko kung hindi! Napatigil ako sa pag-iisip nang titigan ako ni Rico. Nakataas ang kilay niya at diretso ang tingin sa akin. Patay! Mukhang nahalata niya ko. Mabilis akong tumalikod at tumakbo palabas ng school. Nahuli niya ba ko? Hindi naman siguro. Patay na naman ako nito kay Mama kapag nagkataon. Hindi na lang ako mag-iisip pag-uwi ng bahay para hindi niya ko mahalata. Sa totoo lang, nami-miss ko na si Papa. Hindi ko siya gano'ng nakasama dahil maliit pa lang ako nang mamatay siya. Gustong-gusto ko siyang yakapin at magsumbong tungkol sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Kung paano naging komplikado ang lahat. Dapat pala hindi na lang ako sumunod kay Rex noong gabi na 'yon. Sana hinintay ko na lang siya sa bahay at nagtanga-tangahan. Siguro kung gano'n ang nangyari, hindi kami ngayon ganito. Kaso lang kapag nangyari 'yon, isa na kong martyr. "Marami pang iba diyan," sabat ni Mama. Binabasa niya na naman ang nasa isip ko. Nilingon ko siya at mukhang galing siya sa labas. "Ma, bakit po nagco-commute ka pa? Kaya mo naman pong mag-magic para nandoon ka na kaagad." "Sinabi ko na sa'yo, hangga't kaya mong hindi gamitin ang magic. Hindi mo dapat gamitin." "Pero pinapagod mo lang po ang sarili mo." "Anika." "Opo, titigil na." Pero totoo naman, 'di ba? Kapag natuto ko no'n hindi na ko makikipagsiksikan. Hindi na rin ako maglalakad nang sobrang layo. One snap and tada! "Huwag kang mangarap," biro ni Mama sa akin. Friday ngayon at mukhang dahil sa nangyari kahapon ay tumigil na rin si Rex. Nilampasan niya pa ko kanina na para bang hindi niya ko nakita. Ngayon lang ako natuwa dahil sa hindi niya pagpansin. Dati kasi, gusto ko lagi lang siyang sa akin nakatingin, sa akin ang atensyon at literal na dapat sa akin lang siya. "Hi?" bati ni Rico. Nagkunyari ako na hindi ko alam na ako ang kinakausap niya at umorder lang ng bibilin. "Anika? Right?" Nakangiti niyang papansin pa sa akin. Nakatingin tuloy lahat ng babae dito sa foodcourt at mukhang gusto na nila kong sunugin ng buhay. "Yes?" matipid kong sagot. "Pwede bang makipagkaibigan?" he said while smiling at me. At promise nakakatunaw ang mga ngiti niya. Gusto kong matulala pero ginigising ko ang sarili ko. "No," maikling sagot ko kahit sa loob-loob ko ang sinasabi ay 'Yes!' Ayokong mapahamak nang dahil lang sa kanya. Isa pa, bakit bigla niya na lang akong gustong maging kaibigan? Bago yata 'yon. "No?! Walang sino man ang nakakahindi sa akin." Napatingin ako dahil sa reaction niya. "Ngayon, meron na," mayabang kong sagot habang nangingiti. Anong trip nito? Mukhang nag-loading pa ang utak niya kaya naman tumalikod na ko at humanap ng pwesto. Napahinto ako nang humarang ulit siya sa daan ko at muling ngumiti. "You know, I can't accept that," malambing niyang sabi na ikinataas ng balahibo ko. Dahil kaya 'to sa nangyari kahapon? It means na nalaman niya ng witch ako?! Napataas ako ng kilay at muli siyang tinignan. Nakangiti lang siya at mukhang may something sa ginagawa niya. "Alam mo bang kaya kong basahin ang nasa isip mo?" Ngisi ko bago siya lapitan nang seryoso. "Kaya ka lang naman lumalapit sa akin kasi gusto mo ring malaman kung witch ako," bulong ko sa mukha niya kahit ang hirap niyang titigan. "So, you are saying . . . that you are a witch?" Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at nakipagtitigang lalo. "If you want to," sagot ko na lang para matapos na. Myghad! Ang hirap huminga. Ngumisi ulit ako sa kanya tsaka paatras na umalis. Bago ko tumalikod, nakita ko pa siyang mukhang kunsumido at nagpamewang pa. Nangingiti na lang ako dahil sa reaction niya na 'yon. Hay, kung hindi ko lang alam na playboy siya at pinsan ni Rex. Pwede pa sana. Teka? Ano ba 'tong sinasabi ko? Ang iksi lang ng pag-uusap namin pero ang landi ko na. Ibang klase siya, ah. Napailing-iling na lang tuloy ako habang umaayos. "Hi," bati ni Maine. Napa-facepalm agad ako habang nilalampasan siya. Wala na bang tigil 'yang kaka 'hi' nila sa akin? "Bakit ang sungit mo? Lagi mo kong nilalayuan," dagdag niya pa habang nauupo sa tabi ko. Kaklase ko siya sa ibang subject at ang kulit niya. Lagi niya kong kinakausap tungkol sa witchcraft at gusto niya raw 'yon. Madaldal siya at ayaw niyang tumigil kakasalita kahit may prof kami sa harapan. "Hoy..." Kalabit niya pa sa akin. Tinignan ko siya at dumasog nang konti para makalayo. Maganda siya pero minsan iniisip kong may sinto-sinto siya. "Nakita kong interesado rin sa'yo si Kuya Rico." Ayan na siya. Magsisimula na naman ang bibig niya. "Bakit hindi mo siya pinansin kanina? Alam mo bang maraming may gusto do'n? Sayang naman kasi mukhang type ka niya," tuloy-tuloy niyang sabi. "Ma'am? Pwede po ba kong lumipat ng pwesto?" Tinaas ko pa ang kamay ko at lalong nagpapansin. "Ma'am??" "Huwag na. Titigil na nga ako, oh." Paghila niya sa akin habang nagpa-pout. "Yes? Anika?" Sakto namang lingon ni Ma'am. Napabuntong hininga na lang ako nang tingnan ko siya at napabaling ako kay Ma'am na umiiling. "Tsk, huwag ka ngang gumanyan," nakokonsensya kong sabi habang nakatingin sa kanya. "Friends?" Lumawak ang ngiti niya. "No," madiin kong sagot at bumaling na ulit sa harapan. Pagkayari ng klase, mabilis akong tumakbo palabas. Hindi dahil sa mga tao o kay Maine. Sadyang wala lang kasi ngayon si Mama sa bahay. Plano kong basahin ang black book of spells na ayaw niyang ipagalaw. Hindi ko naman kasi siya ma-gets kung bakit ayaw niya. Curious lang ako at gusto kong malaman kung ano ang laman no'n. "Hey," bulong ni Rico sa gilid ko. Napalaki ko ng mata at ilang na sinara ang locker ko. Pinigilan niya 'yon at lalong lumapit pa sa akin. "Gusto mong kumain sa labas? Libre ko," dagdag niya pa. Kanina nakikipagkaibigan lang siya pero ngayon nakikipag-flirt na siya sa akin. Napakunot tuloy ako ng nuo habang humaharap sa kanya. Nakatitig lang siya at nakangiti. "Alam mong ex-girlfriend ako ng pinsan mo, right?" Ngumisi ko at marahan siyang itinulak palayo. "So?" "So? Anong so?" Mahina ko siyang tinawanan at muling sinubukang isara ang locker. "Pwede ba lubayan mo ko, Rico?" Mataray kong tingin at muli siyang tinalikuran. "Bakit ba ang sungit mo? Nakikipagkaibigan lang ako." "Bakit ba ang kulit mo? Ayoko ng kaibigan." Mas binilisan ko pa ang lakad ko. Halos lahat ng babae ay tumitingin sa aming dalawa dahilan para mas ibaba ko ang hoodie ko. Ayaw niya pa kasing tumigil humabol. Naiinis na ko. "Sinabi kong tumigil ka na!" Huminto ako tsaka siya tinignan nang masama. Ngumiti lang siya at mukhang natuwa pa sa reaction ko. Bwisit talaga. "Ano? Tara?" Pangungulit niya pa. "Rico, please lang. Ang daming ibang babae diyan, oh. Lubayan niyo nga ako." "Boy! Sabi mo busy ka? At sino naman 'to?" Napapikit na lang ako nang madiin noong may lumapit sa aming tatlong lalaki. Nakipag-apir siya at tumingin sila sa akin. Para nila kong minamata sa pagtingin nila na 'yon. "Hindi raw sasama kasi busy," biro nila tsaka tinapik siya sa balikat. Pa-cool lang siyang ngumiti at tumingin sa akin. Natulala ako dahil doon, nakaramdam ako ng mabilis na t***k ng puso ko. Totoo nga pala ang balibalita. Kaya marami siyang nakukuhang babae dahil sa pamatay niyang tingin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako umalis. Nagpaalam na sila at muli siyang humarap sa akin. "Let's go." Akmang hahawakan niya ang kamay ko kaya umiwas kaagad ako. Mabilis akong lumakad tsaka tumakbo nang mabilis. Hindi ko alam kung anong trip niya pero ayoko ng gano'n. I can live without them. Ayoko na ulit masaktan at ipagtabuyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Senorita

read
13.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.4K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

My Master and I

read
134.3K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
47.2K
bc

The Sex Web

read
153.6K
bc

Dex Villiem Mondragon

read
133.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook