ONE

3042 Words
RICO POINT OF VIEW "Insan, sige naman na! Please?" Nakaluhod na pagmamakaawa ni Rex. Kanina pa siya pinagtatawanan nila Ace pero ayaw niya pa ring tumigil. Minsan talaga napapaisip na ko kung bakit ko ba siya naging pinsan. Puro tsismis lang naman ang inaabot ng pamilya namin dahil sa mga kapalpakan niya tapos ngayon idadamay pa ko. "Pwede ba, Rex? Be matured." Bumuntong hininga ako at walang gana siyang tinignan. "Magpinsan naman tayo. Gawin mo na 'to para sa akin." "Para kang bata." Natatawang iling ko. "So, payag ka na?" "Ayoko, kaya umalis ka na diyan at may date pa ko," sagot ko habang inililihis siya para makatayo na ko. Kaso ayaw niya talagang magpatalo at hinawakan pa ko sa braso na para bang bakla na binasted ko. "Insan, pinagmumukha niya kong baliw sa harapan ng maraming tao!" "Matagal ka naman ng baliw," pabulong kong usal. "Lahat gagawin ko para lang pumayag ka," nababaliw na niyang sabi kaya napabuntong hininga ulit ako sa sobrang kunsumi. "Please!" "Ayoko nga," angal ko. "Rex, ako na lang ang bayaran mo. Gagawin ko basta mataas ang presyo," natatawang biro ni Gino habang nakikipag-apir kay Ace. "Magkano?" seryoso namang sagot ni Rex. "Seryoso ka?!" nakangangang tanong ni Gino habang hindi makapaniwala. Nagtinginan sila ni Ace at humagalpak sa pagtawa. "Ayan kay Rico na lang pala. Hindi kasi ako playboy Haha." "Insan?" Baling niya na naman sa akin at kung makikita niyo lang ang mata niya. Para siyang kinawawa ng ilang taon. "Ayoko ng pera." "Ano nga? Kahit ano, sabihin mo lang," mayabang niyang sabi at tumayo na mula sa pagkakaluhod. "Okay, ganito na lang, dahil mukhang desidido ka naman," nag-iisip kong sabi bago siya paningkitan ng mga mata. "Bilan mo ko ng condo at ang gusto ko hindi malalaman nila dad. Tutal naman gagawin mo lahat, 'di ba?" nakangisi kong alok. "Ano?!" natigilan niyang sigaw na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Mahirap kaya ang pinapagawa mo. Pero kung ayaw mo, ayos lang din naman sa akin," tumatalikod kong sabi. "Sige, aalis na ko." Umakma akong lalabas na nang pigilan niya ko. I know he will. Masyado na siyang desidido para sa ex-girlfriend niya. "Fine! Ibibili kita ng condo," napilitang sabi niya agad. "Okay, deal." Nginisihan ko siya at nakipagkamay. Mahirap ang pinapagawa niya lalo na't hindi ko naman type ang ex-girlfriend niya. Baduy siya at wala man lang kakurba-kurba. "Akalain mo 'yon? Magkaka-condo ka nang libre!" tuwang-tuwa pa ring sabi ni Gino. Nandito na kami ngayon sa foodcourt. Maaga kaming kumain para hintayin si Anika na dumating at maisakatuparan ko na ang plano ko. "Magkakaroon nga siya ng condo kaso kailangan niya pang paaminin si Anika. Mukhang imposible 'yon," pabulong na sabat ni Ace habang ngumunguya ng fries. "Madali lang naman 'yon," mayabang kong sagot. "Ayon na, oh. Lapitan mo na." Tapik agad ni Gino sa akin habang nakaturo kay Anika. Tinitingnan ko pa lang siya ay tinatamad na kong gumawa ng move. Kasi naman tingnan niyo ang suot niya. Black hoodie, rubber shoes at black pants. Bakit hindi na lang siya magtaklob ng kumot kung ganyan lang din ang gusto niya? "Teka lang." Pagpigil sa akin ni Ace sa pagtayo. Itinuro niya si Cindy na kumakain kasama ang cheering squad at napatawa naman ako sa reaksyon niya. "Ayos lang. Break na kami," nakatawa kong sabi at iniwan na silang dalawa para lumakad papunta kay Anika. Sabay pa silang sumigaw ng, "ano?!" na para bang hindi nila ko kilala. Walang tumatagal na relasyon sa akin. Para kasing laging may kulang sa kanila na hindi ko magawang magseryoso. Mataas ang standards ko pagdating sa babae. Sa sobrang taas, walang nakakapasa. "Hi?" bati ko sabay pamulsa ng kamay para mas magpagwapo sa harapan niya. "Anika? Right?" Pilit ko siyang tinignan sa mga mata. "Yes?" matipid niyang sagot at nakatuon lang ang atensyon sa tray na ikinatawa ko sa loob ko. Playing hard to get pa siya. "Pwede bang makipagkaibigan?" Ngumiti ako at pilit siyang tinitigan sa mga mata niya. Sure naman akong madali lang 'tong landiin. "No," sagot niyang bigla. "No?! Walang sino man ang nakakahindi sa akin," bulalas ko at kunot nuo siyang tinignan ulit. "Ngayon, meron na," mayabang niyang sabi at mapang-asar akong nginitian. Ilang segundo lang ang naging ngiti niya at seryoso kong iniwang mag-isa. Umalis siya sa tabi ko at hindi ko siya maintindihan! Napapikit ako sa inis at inisip ang condo na ibibigay sa akin ni Rex. Kailangan ko lang naman siyang mahuli o mapaamin. Kahit kunyari lang, tingin ko kakagat na si Rex do'n. Pinahinahon ko muna ang sarili ko bago dumilat. Pero hindi ko magawang huminahon! Pinagtatawanan na ko nila Ace at minomostrahan pa kong 'ano na?' Hinabol ko siya at hinarang. "You know," sabi ko while using my flirt voice. "I can't accept that," nakangiti kong dugtong. Nawala lang ang ngiti ko sa labi nang seryoso siyang ngumisi. Kinilabutan ako na hindi ko maintindihan. "Alam mo bang kaya kong basahin ang nasa isip mo?" Ngisi niya pa habang lumalapit sa akin. Seryoso siyang tumingkad at nilapit ang mukha niya na ikinatulala ko. "Kaya ka lang naman lumalapit sa akin kasi gusto mo ring malaman kung witch ako," bulong niya. Napalunok ako. "So, you are saying . . . that you are a witch?" "If you want to," sagot niya lang sa akin at nakangisi pa. Nagpatuloy siyang maglakad at ako? Naiwan akong nakapamewang habang hindi makapaniwala sa ugali niya. Ngayon lang ako na-challenge nang ganito sa isang babae. Makikita niya, una pa lang naman 'to. "Anong nangyari?" Tinignan ko agad nang masama si Gino nang tawanan niya ko. "Mukhang kinalawang ka kay Anika, ah?" Akbay naman ni Ace. Napakagat labi na lang ako dahil sa sobrang pikon. Ilang beses ko pa siyang sinubukang lapitan pero ang ilap niya. Naiinis na ko at kapag na sagad talaga ko ay ipapakita ko na sa kanya kung ano ang nilalayuan niya. "Mamaya-maya lang baka dumating na 'yon. Maghanda ka na, insan," nag-aalalang sabi ni Rex. "Pwede ba?" Asar kong lingon sa kanya bago ko sumandal sa upuan. Inis na inis na ko at hindi ako natutuwa sa mga ginagawa niyang si Anika sa akin. Nagmumukha na kong tanga at hindi ako papayag do'n. Mabilis kaming napalingon sa pinto nang bumukas 'yon. Nagsimula na ulit silang magbulungan na para bang hindi nagsasawa sa kwento tungkol sa kanya. Para lang siyang multo na pumasok at tahimik na naupo sa pwesto niya, na walang kahit sinong tumatabi. "Hindi ako makapaniwalang nagustuhan mo siya," bulong ni Gino habang sinisiko si Rex. "Alam niyo, ngayon ko lang napansin na kaklase pala natin siya." Nakahalukipkip namang titig ni Ace. Nakatuon lang ngayon ang atensyon ko sa kanya. Nahuli ko siyang tumingin sa akin nang masama kaya hindi ko mapigilang mangiti. So, kailangan ko na bang matakot? Tumayo ako at pa-cool na humila ng upuan para tabihan siya. "Anong ginagawa mo?" masungit niya agad na tanong kahit wala pa kong ginagawa. "I told you. Gusto kitang maging kaibigan," nakangiting sagot ko pero hindi niya ko pinansin na lalo kong ikinapikon. Hindi ko matanggal ang ngiti ko kahit nagpasak na siya ng earphone sa tainga niya dahil ayokong mapahiya. Tumingin ako sa paligid at plastik siyang nginitian ulit nang tanggalin ko ang isang earphone sa tainga niya. "Ano bang problema mo?!" inis na niyang sigaw. "I just want to know kung anong kanta ang gusto ng isang witch," sarkastiko kong sagot at pinasak sa tainga ko 'yong isang earphone. "Teka? Bakit wala namang kanta?" Kunot nuo kong baling sa kanya. Hinugot niya 'yon sa tainga ko tsaka hindi na ko pinansin. Ang weird niya. "Insan, ano na?" bungad agad ni Rex habang nauupo na ko sa pwesto ko. Hindi ko siya pinansin at pinanggigilan ko lang ng tingin si Anika. "Ano ba 'yan . . . akala ko pa naman kayang-kaya mo siya," bulong niya pa na ikinainis ko. Tinignan ko siya nang matalim at pinatahimik. Nang matapos ang klase, para siyang may sira sa ulo. Natatawa na lang ako habang napapailing sa ginagawa niya. Kanina ko pa sinusundan si Anika at kanina pa rin ako nahihilo sa ginagawa niyang pagtatago kung saan-saan. As if namang may papansin sa kanya. "Hi, baby." Napaharap ako kay Cindy pero hindi ko siya pinansin. Hindi na ko interesado sa kanya at, "baby, gusto kang makilala ni Kuya." Pagharang niya pa. Hinawi ko siya agad at muling sinundan si Anika. Nawala si Anika sa paningin ko kaya naman mabilis akong napalinga sa kaliwa't kanan. Sinubukan ko siyang hanapin at napahinto nang bumungad sa akin ang galit niyang mukha sa isang likuan. "Bakit ba sinusundan mo ko?" "Pwede ka na ba ngayon?" Ngisi ko. Umirap siya. "Hindi kita type, okay?" "Ano?" natatawa kong tanong. Tumango lang siya at mukhang hindi nagbibiro. "Ako? Hindi mo type?" Pag-ulit ko. "Bingi ka ba?" masungit niyang tanong at tinalikuran na ko. Ibang klase talaga siya. "Ako? Hindi niya type?" Asar kong titig sa kanya na naglalakad palayo. "Hamak gwapo ko pa kay Rex tapos hindi niya ko type?" Inaasar niya ba ko? "Rico, kanina ka—" "Wala akong pake." Pagharap ko agad kina Gino at Rex. "Relax, ang init ng ulo mo." Nagpamewang muna ko para huminahon sandali. Napatingin ako kay Rex at hindi talaga makapaniwala sa sinabi niya. He's nothing compares to me. "Nakakatakot ka namang tumingin. Parang gusto mo kong patayin." Tingin ni Rex. "Can I?" Matalim kong tingin. Umatras naman siya at napairap na lang ako. Ngayon lang ako nakauwi sa bahay nang ganito kaaga. Iniisip ko pa rin kung paano ko siya makukuha. Nakakairita ang ganitong pakiramdam. Sino siya para tanggihan ako? Hindi mo ko type? Pwes! Ipapakita ko sa'yo kung sino talaga ko. "Wow, may pa-flowers ka pa ngayon." "Masyado mo yatang sineseryoso si Anika. Tandaan mo, ang usapan niyo lang ni Rex ay mapaamin siya at hindi paiyakin," payo ni Ace. "Alam mo, Ace. Masyado kang mabait. Mas ayos nga sa akin kung mapaiyak ni Insan 'yon." Inakbayan siya ni Rex na mukhang tuwang-tuwa pa. Akala niya ba natutuwa pa ko sa kanya? Pagkatapos sabihin ni Anika na hindi niya ko type ay naiirita na ko sa pagmumukha ni Rex. Natanaw na siya ng mga mata ko kaya umayos na ko ng tayo at lumayo kay Rex. "Para sa akin ba 'yan?" Kinikilig pang sulpot ni Marie? o Sofia? Akmang kukuhanin niya ang hawak kong bouquet kaya inabot ko agad kay Anika. "Hi." Pagngiti ko at hinarap siya. Tinignan niya na naman ako nang masama kaya lalo akong napangiti. "Flowers for you." Pilit ko 'yong inabot at sumandal sa locker niya. Ngumiti siya at this is it, kuhanin mo na. Pero hindi! Bakit ginaganito niya ko?! Tumalikod siya sa akin at muling naglakad palayo. Ang daming nakatingin sa aming dalawa tapos ginawa niya 'yon. Masisiraan na talaga ko ng bait sa kanya. Hindi ako papayag! "Anika, pl–AH!" Bwisit! "Ayos ka lang, Prince?" "Ayos ka lang ba?" "Sinong nag-iwan ng balat na 'yan?!!!" Sigawan nila kaya napakagat na lang ako ng labi habang naiinis. Tumayo agad ako na ikinasunod nila Gino. Pumasok ako sa isang bakanteng kwarto at doon ko binuhos ang inis. "I told you! Mangkukulam siya, tingnan mo! Pinagmukha ka niyang tanga sa buong campus natin. Sa harap pa ng mga babae!" nakapamewang na sabi ni Rex habang nakakunot ang nuo. Halos ikutin niya ang buong room nang pabalik-balik kakaisip sa pwedeng plano para mapahiya na niya si Anika. "Dapat gumawa na kasi tayo ng plano para – " "Wooooww! Teka lang, ha? Rex, hindi kami kasali diyan," maagap na sabat ni Ace. Nanahimik lang ako sa isang gilid at pilit na kumalma. Totoo man o hindi, aalamin ko kung ano ang tinatago niya. "Rico?! Say something!" Pangungulit ni Rex at nilalakihan pa ko ngayon ng mata. "Forget the deal," matipid kong sagot at tumayo na. "ANO?!" sigaw niya at talagang umikot pa sa harapan ko. "Pakiulit nga? Hindi ko kasi narinig..." Pagtatanga-tangahan niya habang nilalapit ang tainga sa akin. Sira ulo talaga. "Alam kong narinig mo," seryosong sabi ko at naglakad na palayo. "Naduduwag ka ba?" Napahinto ako sa sinabi niya. Tumawa pa siya na parang nababaliw kaya napaharap ako. "Duwag ka pala, e! O baka naman nauntog nang malakas 'yang ulo mo kanina? Nakakaawa ka naman." "Baka ikaw? Kasi kung hindi ka duwag then make her fall for you again." Ngisi ko sa kanya at lumakad nang palayo. "Boom!" sigaw pa ni Gino habang sumusunod na sa akin. "Pero sayang 'yong condo na ibibigay niya," bulong niya nang makalayo kami. Umakbay silang dalawa sa akin ni Ace at tinignan nila ko na para bang inuusisa. "Wala na kong pake do'n." "Bakit may pakiramdam akong hindi ka pa rin titigil kay Anika?" "Tingin niyo?" Ngumisi ako na ikinahinto nila. "Bakit?" "Kinilabutan ako sa ngiti mo na 'yon. Ikaw ba?" Tapik niya kay Ace kaya napailing na lang ako at nagtungo na sa classroom. Naka-earphone na naman siya at may sariling mundo. Inilipat ko ang bag ko sa katabi niyang upuan at naupo do'n. Nagpalumbaba pa ko at pilit na nagpapansin sa kanya. Bakit ba ayaw mo kong pansinin? Witch ka ba talaga? "Huh? May assignment ba?" parang sira niyang bulong habang nakatingin sa iba naming kaklase. Nakakatuwa siyang tingnan. Nataranta na siya at humalungkat pa ng kung ano-ano sa bag niya. "Gusto mong pakopyahin kita?" Ngisi ko habang nakapalumbaba pa rin. "Meron ako," bulong niya kahit wala naman talaga. Palihim pa siyang sumulyap at mabilis ding binawi 'yon nang makita niya kong nakatitig sa kanya. "Bakit ba nandiyan ka na naman?" "Sa gusto ko, e." "Hindi ka pa nadala. Nadapa ka na nga kanina," bulong niya habang tumitingin sa akin. "Paano mo nalamang nadapa ako? Hindi mo naman ako nilingon. Siguro ikaw ang may gawa no'n, hano?" "Sa gusto ko, e," bulong niyang panggagaya sa pagkakasabi ko kanina at ngumisi. "Saka hindi mo naman kasi ko sinabihan na lampa ka pala." Pang-iinis niya pa lalo kaya asar akong nangiti nang mapait. "Ganyanan ba ang gusto mo?" "Ano na naman, Rico?" Tinaasan niya ko ng kilay at napangisi naman ako nang humiyaw siya noong biglaan kong inilapit ang bangko niya sa akin. Napatingin silang lahat dahil sa pagsigaw niya. Kinulong ko siya sa magkabilang braso ko at mas lalo pa kong lumapit. "Sabi mo, hindi mo ko type. Bakit naiilang ka?" "Ano ba ginagawa ng baby ko do'n?" "Bakit siya lumalapit sa freak na 'yon?!" "Gino! Ace! Si Prince ko! Ginayuma na yata ni Anika." "Ano?" taas kilay kong tanong at mas lalo pang nilapitan ang mukha niya. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak na nang mahigpit sa bag niya. Napangiti akong lalo dahil do'n. Ngayon natataranta na siya. "Ngayon ko lang napansin." "Ano? Pwede bang lu–" "Maganda ka pala sa malapitan," bulong ko sa tainga niya na ikinatigil niya. Muli ko siyang nginitian at hindi na siya nagsalita pa. "Prince!!!" sigaw ng isang babae at pilit niya kaming pinaghiwalay kaya nakaalis tuloy si Anika. Lumayo siya sa akin na ikinapikit ko nang madiin. "Okay ka lang ba, prince? Ginayuma ka ba niya?" Yugyog niya pa sa akin na akala mo kami close. Tinignan ko siya nang matalim at hinawi ang kamay niyang nakahawak. Pakialamera, nakakainis. ***** "Nakita namin 'yon, ah. Anong balak mo kay Anika? Type mo na siya ngayon?" "Ilang araw mo na rin siyang pinopormahan pero kakaiba 'yong kanina. Parang may something ka na kay Anika." "Tumigil nga kayo. Wala akong something sa kanya. I'm just curious about her. Isa pa, ngayon lang ako ginanahan ulit nang ganito. I want her, gagawa talaga ko ng paraan." Ngisi ko habang umiinom ng beer. Sumandal ako sa upuan at pinagmasdan lang ang ibang babae na dumadaan. "Edi gusto mo nga siya." Tawa ni Gino. "Ang hirap niyong kausap. Uminom na lang din kayo. Libre ko ngayong gabi." "'Yan talaga ang hinihintay kong sabihin mo!" Tuwang-tuwang tapik ni Gino habang naiiling lang si Ace. Sa aming tatlo, si Ace talaga ang pinakamatino. May kapatid kasi siyang babae at ayaw niya raw makarma. Nakakatawa ang dahilan niya. Hindi niya man lang ma-enjoy ang buhay. "Kanina ka pa kinikindatan ng mga babae mo. Mukhang wala kang plano ngayong gabi, ah," biro niya sa akin habang umiinom ng beer. Napailing na lang din ako at nangingiti. Actually, wala nga akong balak ngayong gabi. Abala lang sila sa pag-iisip ko ng plano para bukas. "Bakit gusto mo na ba ng babae, Ace? Itatawag kita!" biro ni Gino habang umaakbay sa kanya. "Tumahimik ka na lang," sagot niya habang umaalis sa pagkakaakbay. Pero paano nga kaya ang gagawin ko kay Anika? Mautak din siya at sigurado akong hindi na niya ko hahayaang makalapit pa sa kanya. "Kuya? Hindi ba tayo mapapagalitan?" Nag-aalala niyang tingin sa akin habang magkahawak kami ng kamay. "Ako ang bahala. Mag-enjoy ka lang ngayong gabi." Nginitian ko siya at hinila na papunta sa merry-go-round. "Kaya mo bang sumakay mag-isa?" "Sir Rico?" Napamulat ako ng mga mata nang may tumawag sa akin. Ang sakit ng ulo ko. "Hindi raw po ba kayo papasok ngayon? Late na raw po kayo sabi ni Manang," dugtong niya pa. Napabuntong hininga ako at pinagbuksan siya ng pinto. Minostrahan ko siyang umalis na at huwag maingay. Ayoko sa lahat ang maingay. Lalo na sa umaga at kagigising ko lang. Sumaldak ulit ako sa kama habang tumitingin sa salamin ng drawer ko. Napanaginipan ko na naman siya. "Mukhang wala ka sa mood." Salubong ni Gino sa akin. "Isang gabi ka lang hindi nambabae tapos ganyan ka na? Luh, nakakamatay pala 'yon," biro ni Ace. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad paupo sa pwesto ko. "Hmm? Wala pa rin si Witch." "Ace? Saan ka pupunta?" Habol ni Gino. "Ang ingay mo." Masungit kong pagbawal sa kanya. "Ang sungit mo. Ano bang nangyari?" Ngisi niya at tumabi pa sa pwesto ko. "Nga pala, alam mo bang pupunta raw dito ngayon si Lisa?" "Sino 'yon?" Kunot nuo kong lingon sa kanya. Tumawa naman siya at tinapik pa ko. "Kaya ka napaghahalata na maraming babae, e. Si Lisa! Nakalimutan mo agad? Kasama lang natin sila last week. Sabi niya, magsasama siya ng mga kaibigan niya para bisitahin tayo." "Type mo?" taas kilay kong tanong. "Paanong type ko? Eh, ikaw kaya ang gusto no'n."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD