ANIKA POINT OF VIEW
Ganito, sabi sa libro, para maging invisible ka. Kailangan ko munang huminga nang malalim at kalmahin ang sarili bago bigkasin ang spell.
"Lulupilala nemorika inbisilabya!" subok kong basa.
Ano ba 'yan?! Nakakabulol naman. Tumingin ako sa reflection ko sa salamin at bigo ako dahil nandoon pa rin ako. Baka naman hindi 'yon ang spell?
Hanap ulit. Buklat. Eto, mukhang ito na nga!
"Lilipad lilipad mawawala mawawala mag—" "Kung witch ka man. Palpak ka." Napatigil ako nang marinig ko si Rico. Nataranta ko at mabilis kong itinago ang libro habang humaharap sa kanya.
"Ah, talaga?! Hindi ko hinihingi ang opinion mo!" nag-aalangan kong sigaw. "Binabalaan kita!" Pag-atras ko nang lumapit siyang lalo.
"Pero nakita ko may ginagawa ka."
"Ano ba?! Lumayo ka nga!" naiilang kong sigaw. Hinawakan kong mabuti ang libro sa likuran ko at pilit na tinago 'yon mula sa kanya. Halos amoy ko na ang hininga niya sa lapit ng mukha niya sa akin. Ang lakas na rin ng t***k ng puso ko na parang gustong kumawala sa sobrang kaba.
"Bakit ba naiilang ka? Hindi pa ba kayo nagkakatinginan nang ganito kalapit dati ni Rex?" Naglakad siya papalapit sa akin hanggang sa ma-corner niya ko sa pader. "Nahalikan ka na ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.
I have never been kissed before. Kahit na si Rex, hindi pa. Hintayin daw muna namin ang right time. May nalalaman pa siyang RIGHT TIME! Kung hindi ko pa siya nahuli, nakikipaglaplapan lang sa iba.
Nang mabalik na ko sa realidad, nanlaki lalo ang mga mata ko nang ma-magnet 'yon sa mga mata niya na nakatitig sa akin.
Hahalikan niya ba talaga ko?
No! Huwag kang magpapadala sa kanya. Isa siyang playboy.
Sa sobrang kaba ko, binigkas ko ang huling magic spell na nabasa ko. "Lilipad lilipad mawawala mawawala magpapalit!" nakapikit na sigaw ko and I think it works. Kakaiba na ang nararamdaman ko ngayon.
"AHHHHHH!" sabay naming sigaw ng sarili ko.
SARILI KO?
"Anong ginawa mo?!" galit na sigaw sa akin ng sarili ko.
"Sino ka?! Umalis ka sa katawan ko!" napatili kong sigaw habang pinapalo ang katawan ko. Tumigil lang ako nang mapatingin ako sa salamin. RICO?
Nanlaki agad ang mga mata ko. Tinignan ko kung totoo nga ba ito. Ginalaw ko ang kaliwa kong kamay at ganoon din ang naging reflection sa salamin.
"Pwede ba? Lubayan mo na 'yan! Ibalik mo tayo sa dati!" naiinis niyang sigaw sa akin.
"Pero hindi ko alam," sagot ko.
"ANO?!" nanlalaking mata niyang sigaw sa akin. Napapikit ako sa sobrang lakas. "So? Sinasabi mo bang na trap ako sa katawan mo?!" sigaw niya pa ulit.
Grabe, napakatinis pala ng boses ko at ang sakit sa tainga. Kaya pala dati tinatakpan lagi ni Rex ang tainga niya kapag nag-aaway kami.
Now I know...
Tumango lang ako sa kanya na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
"Pero si Mama baka alam niya kung paano!" Nakangiting isip ko.
"Trap ako sa katawan na 'to? Kita mo, oh! Wala man lang ka kurba-kurba tapos flat chested pa!" Pag-angal niya na ikinanganga ko.
"Hoy! Hindi ako flat chested, ah! Saka huwag mo ngang hawakan 'yang dibdib ko! Manyak!" inis kong sigaw sa kanya habang nagpapamewang. Patuloy pa rin siya sa paghawak kaya tinapik ko na nang malakas ang kamay niya.
"Grabe, kaya ka pala naka-hoodie lagi. Kasi walang appeal 'tong katawan mo. Tsk. Tsk," banat na naman niya.
"Bakit ikaw din naman, ah?! Kapangit-pangit ng katawan mo." Paglaban ko sa kanya pero 'oo na, nagsisinungaling lang ako.'
"Ahem, for your information puro muscles 'yan," mayabang niyang sabi. Ibang klase talaga siya.
"Haist! Halika na nga lang kay mama!" Asar kong hila sa kanya.
Grabe kasi manghusga! Akala mo naman napakapangit ko talaga. Tapos kung makapagmayabang sa sarili niya, parang siya na ang pinakagwapo sa balat ng lupa! Eh, mas gwapo pa nga si Ace sa kanya.
Pagdating sa bahay, agad kaming sinalubong ni Mama. Tinignan niya kami ni Rico na para bang may ginawa kaming masama.
"Sino siya?" nakapamewang niyang tanong na may pagkamasungit.
"Ma, sorry. Hindi ko po sinasadya," sagot ko.
"Ano buntis ka, anak?!" sigaw niya habang nanlalaki ang mga mata at niyakap si Rico. I mean ang katawan ko.
"Ma?! Nakakahiya! Paano bang buntis?!" angal ko agad habang pinapaalis siya sa pagkakayakap. Tumingin siya sa akin na para bang hindi niya nababasa ang nasa isip ko.
"Ikaw! Panagutan mo 'tong anak ko! Kung hindi—" "Ma! Ako ito si Anika." Pagpapahinto ko sa kanya dahil sa kunsumi. Tapos nakaturo pa siya ngayon sa akin na para bang papatayin niya ko.
"Ha? Anika?" Taka niyang tingin sa akin. Dahan-dahan niyang binaba ang kamay niya at muling sumulyap kay Rico.
"That's right," seryosong sagot ni Rico sa pagtingin ni Mama sa kanya.
Taranta niya kaming pinapasok sa bahay nang mag-sink in rin sa wakas sa kanya ang nangyari. Nagtapat ako sa mga kasalanan ko at mukhang itatakwil niya na ko.
"ANO?!" sigaw niya pa. "Sinabi ko na sa'yo na 'wag mong galawin ang libro na 'yon! Bakit ba ang kulit mo?!"
"Bakit ba hindi mo sinunod ang mama mo?" sabat pa sa amin ni Rico. Na para ba kong criminal na iniimbistigahan tapos pinagkakaisahan nila.
"Sorry na po, ma. Ibalik mo na po kami sa dati."
"Pero hindi ko kaya." Nag-crossed arms siya at tumalikod sa amin.
"PO?!" sabay naming sigaw.
"Pero bakit hindi mo po kaya?!" tumatayong sigaw ni Rico.
"Ma? 'Di ba naaayos mo lahat ng palpak na magic ko?"
"Pero hindi galing sa libro," madiin na sagot ni Mama kaya napahawak ako sa nuo ko. I mean sa nuo ni Rico. "Hindi mo dapat ginalaw 'yon. Sinabihan na kita."
"Ibig sabihin dito na ko sa katawan niya habang buhay?" nag-aalalang tanong ni Rico.
"Hindi naman. Susubukan kong hanapan ng solusyon," sagot ni Mama sabay ngiti. Pero bakit gano'n? Para namang pinaparusahan niya lang ako.
"Malas," bulong niya pa kaya tinignan ko siya nang masama.
"Para namang luging-lugi ka," bulong ko.
"Lugi talaga ako!" sigaw niya ulit na ikinatakip ko ulit ng tainga. "Nakita mo ba 'to?" Pagpapakita niya na naman sa katawan ko. Bwisit talaga siya.
Hindi na kami nakapasok ng school dahil sa nangyari. Nag-stay na lang kami dito sa bahay habang si Mama naman ay kanina pa ko nginingitian. I knew it! Talagang pinaparusahan niya lang ako. Wala siyang balak na tulungan kami.
"Ma? Bakit naman inalok mo pa siyang dito tumira?!" angal ko habang kanina pa sunod nang sunod sa kanya. "Hindi niya kailangang tumira dito!"
"So, ayos lang sa'yo na igala niya kung saan-saan ang katawan mo?" sarkastiko niyang tanong habang humaharap sa akin. May point naman siya kaya hindi na ko nakaimik.
Umupo na lang ako sa isang gilid at nanahimik. Teka? Nasaan nga ba 'yon? Napakunot ako ng nuo habang tumitingin-tingin sa paligid. Naabutan ko siyang naka-upo sa gilid ng rooftop namin at nakatingin lang sa malayo.
"Okay lang ba talaga kung dito ka mag-stay ng ilang linggo?" panimula kong tanong habang lumalapit. Pero hindi niya ko pinansin at nanahimik lang. Kakaiba siya ngayon, ah?
Nanibago ako sa kanya kaya naman tinabihan ko siya sa gilid ng tore at naupo rin. Pinagmasdan ko siya at mukhang ang payapa ng itsura niya. O baka dahil mukha ko kasi ang nakikita ko?
"Kahit naman saan ako mapunta wala namang hahanap sa akin," nakayuko niyang kwento.
Ano bang problema nito? Masyado siyang ma-drama ngayon na para bang napakapangit ko at hindi niya matanggap na na-trapped siya sa loob.
"Bakit naman?" pakikiayon kong tanong kahit na sa loob ko ay gusto ko na siyang itulak dito sa tore.
"Hindi mo ko maiintindihan," sagot niya kasabay ng pagtingin sa mukha ko.
"Hindi kita maiintindihan kung hindi mo sasabihin."
"Wala kasi silang pakialam sa akin. Lumaki kong mag-isa na–" Huminto siya at bigla na lang tinikom ang bibig. Umiwas siya ng tingin at muling bumaling sa malayo.
"Paanong wala?"
"Bakit ba ang dami mong tanong? Close ba tayo?" biglang masungit niyang sagot na may kasamang matalim na tingin. Gusto kong matawa sa ekspresyon ng mukha niya. Grabe, nakakatakot pala talaga ang mga tingin ko.
"Anong nakakatawa?" taas kilay niyang bulong sabay irap.
"Edi hindi na. Sungit nito." Irap ko rin sa kanya. "Sabagay masaya ka na siguro at nabuko mo na ko na isa akong witch."
"Hindi naman kita isusumbong. 'Wag kang mag-alala," sagot niya na ikinagulat ko talaga. Seryoso lang ang mukha niya habang tumatayo. Iba ang naramdaman ko sa sinabi niya na para bang napaka-trustworthy niya ngayon.
"Saan ka pupunta?" taka kong tanong habang sinusundan siya ng tingin.
"Maliligo," nakangisi niyang sagot sa akin at napatango na lang ako bago muling bumalik ng tingin sa malayo. Bumaba na siya at papunta na sa CR para maligo.
TEKA? Maliligo siya?! Gamit ang katawan ko?! s**t!
"Hoy, m******s!! 'Wag mong titingnan 'yang katawan ko!!!!" malakas kong sigaw habang kumakaripas ng pagtakbo papuntang CR. Naabutan ko siyang naghuhubad na kaya nilagyan ko agad ng tuwalya ang katawan ko.
"Anong ginagawa mo dito? Maliligo ako umalis ka."
"Hoy, ikaw! Hindi ka pwedeng maligo gamit 'yang katawan ko!!!" Duro ko sa kanya habang nakahawak ang isang kamay ko sa tuwalya.
"Anong gusto mong gawin natin?" taas kilay niyang tanong, na parang may laman ang sinasabi niya. "Bahala ka. Babaho 'tong katawan mo," dagdag niya pa habang ngumingisi. Nang-iinis ba siya?
*****
Tinignan ko siya pagkalabas ko ng kwarto. Nakatitig siya sa cellphone niya at ngingisi-ngisi na para bang nang-aasar.
"Hoy, saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.
"Iihi lang saglit," sagot ko. Bigla kong naalalang katawan niya nga pala 'to. At iba ang style ng pag-ihi ng lalaki sa babae! "Hindi pwede 'to!!" ihing-ihing sigaw ko.
"Sige lang, umihi ka na. Feel free," sabi niya pa gamit ang mala-m******s niyang boses.
"Manyak ka talaga!" sigaw ko sabay bambo sa kanya ng tabo. Napaaray siya kaya natawa ko nang sobrang lakas.
"Ganyan! Ayos lang sarili mo 'to." Pambwi-bwisit niya pa sabay turo sa ulo ko.
"Ah, gano'n?!" Nginisihan ko siya sabay palo sa sarili ko ng tabo. "Aray!" angal ko. Tumawa siya at nagmukha akong tanga do'n.
"Ayoko na! Mukha tayong tangang dalawa! Pansin mo ba?" sabi niya habang hinihimas ko naman ang ulo ko.
"Anong gagawin natin?" nakataas kilay kong tanong.
Kaya naman napagpasyahan namin na maglagay ng rules sa isa't isa. Una, kapag maliligo na kami o gagamit ng CR laging pipiringan ang isa't isa. At kung kaninong katawan 'yon, siya ang bahala sa gagawin. Pangalawa, dapat pag-ingatan namin ang kanya-kanyang katawan dahil hiram lang namin 'to. Pangatlo, dapat bihira lang kaming maghiwalay.
Aish, kahit ayawan ko pa ang pangatlo! Kailangan lagi ko talaga siyang kasama para mabantayan ko ang gagawin niya sa katawan ko.
"Tulog ka na?" tanong ko sa kanya na katabi ko ngayon sa higaan. Grabe, hindi talaga ako makakatulog dahil hindi ako sanay nang may katabi. Tapos! Eto pang lalaki na 'to.
Parang noong mga nakaraang linggo lang hindi ko siya pinapansin! Tapos ngayon katabi ko siya matulog at higit sa lahat, simula bukas dapat magkadikit lang kami lagi.
Nanlaki agad ang mga mata ko sa ginagawa niya at mabilis ko siyang binatukan. "Aray!" angal niya.
"Bastos ka talaga, ah!" inis kong sigaw habang nakaharap sa pwesto niya. Mantakin mo naman, hawak nang hawak sa dibdib ko! Edi m******s!
"Sa wala kaming ganito, e! Kahirap kaya matulog! Paano ko makakatulog nang may nakaumbok sa harap ko?!" tuloy-tuloy niyang angal. "Tapos itong bra mo pa! Hindi komportableng isuot! Asar!" nakakatawang dugtong niya habang pilit na tinatanggal ang bra niya sa katawan. Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa kanya.
"Stop laughing! It's not funny!"
"Ang epic ng mukha mo!" sigaw ko at hindi makatigil sa pagtawa. "Basta ako komportable sa katawan mo," bulong ko na may halong pang-aasar.
"Asar," rinig kong angal niya habang tumatalikod.
Nakakatuwa na ang isang sikat na playboy ay naging babae. Grabe, ang dada niya tapos puro reklamo. Napapaisip tuloy ako habang pinagmamasdan siya. Paano kaya ang magiging reaction nila? Kung malalaman nila na naging babae ang kanilang munting prinsipe.
Sigurado napakaraming iiyak!
Kinabukasan, tuwang-tuwa na naman siya dahil naiilang ako sa pagpapaligo. Pinag-tripan niya pa ko at may kung anong kalokohang ginawa. Manyak talaga.
"Ayoko niyan."
"Ano ba?! Kanina pa tayo nagbibihisan dito, oh!" angal ko sa kanya habang pilit kong nilalagay sa kanya ang damit ko. "Isa!"
"Ang pangit naman kasi niyan! Wala ka bang iba dito? 'Yung kaakit-akit namang tingnan." Tumayo siya at pinaghahalungkat ang laman ng kabinet ko.
"Hindi pa ba kayo bababa? Nakaluto na ko." Silip ni Mama.
"Tita? Pwede ka bang mag-magic? Damit lang po." Lapit niya kay mama kaya napailing ako. "Ang pangit kasi ng taste niya sa pananamit," dagdag niya pang angal habang umiirap sa akin.
"Hindi ako basta-bastang nagma-magic. Pero sige, pagbibigyan kita ngayon. Bumili na lang kayo mamaya ng damit."
"Ma?!" angal ko pero pinatahimik niya lang ako at pinagbigyan si Rico.
"Okay na ba 'yan?" tanong ni Mama habang naka-crossed arms na nakatitig kay Rico.
Nag-thumbs up naman siya at maarteng umikot-ikot pa sa harapan ng salamin.
"Bilisan niyo," utos ni Mama at lumabas na.
"See? Ang ganda mo kapag nakaayos," nakangiti niyang sabi kaya nahawa ko at nangiti habang nakatingin sa itsura niya.
"Oo na, tara na sa baba." Natatawa kong iling sa kanya. School uniform niya lang mula kahapon ang suot ko ngayon. Pwede na raw 'to dahil hindi siya makakauwi sa kanila. Siguro dapat sumabay na lang din siya sa pagbili ng damit mamaya.
"Ang dami naman niyan, ma," nakangiting bati ko habang nauupo na.
"Ang gwapo mo ngayon, nak," biro ni Mama. Napailing na lang ako at kumuha na ng kanin.
"Wow! Mukhang masarap!" Natutuwa namang takbo ni Rico papunta sa mesa.
"Grabe, ang takaw," bulong ko na talagang 'di makapaniwala.
"Tita, pahingi pa po," natutuwang sabi niya sabay kuha pa ng pagkain.
Napatitig na lang kami ni Mama sa kanya habang lamon siya nang lamon.
"Baka tumaba 'yong katawan mo sa kanya," nang-aasar na bulong ni Mama sa akin. Pero salit na mainis ako, natutuwa pa ko sa kinikilos niya. Para siyang bata na ngayon lang nakakain ng masarap.
"Ang sarap talaga! The best ka pala magluto, tita." Thumbs up niya pa habang ngiting-ngiti. "Teka? Anika, hindi mo na ba kakainin 'yan? Sa akin na lang?" tuloy-tuloy niyang sabi at kahit hindi pa ko tumatango kinukuha niya na.
"Grabe, ang lakas mo pa lang kumain!" manghang-manghang sabi ko habang lumalakad na kami papuntang school. "Muntik mo nang kainin pati plato kanina," mapang-asar kong dugtong pero ngiting-ngiti pa rin siya kahit sinabi ko 'yon. Ibang klase.
"May sasabihin ako sa'yo." Nakangiti niyang tingin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Pero huwag kang tatawa." Paghinto niya at para bang ang ganda-ganda ng mood niya ngayong araw.
"Ano nga?"
Ngumiti siya sa akin nang malawak. "Ngayon lang kasi ako nakakain ng lutong bahay," mahinang sabi niya at bigla na lang lumakad nang mabilis.
"Teka hintayin mo ko!" humahabol kong sigaw. Nakapagtataka naman, pwede ba 'yon? Bakit hindi ba marunong magluto ang mga magulang niya?
"'Wag mo kong titigan. Nandito na tayo sa school." Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Dapat pala lagi kang busog para lagi kang nakangiti," natutuwa kong sabi sa kanya. Nag-iba naman bigla ang mukha niya at umiwas pa ng tingin sa akin. "Hintayin mo ko!" angal ko.
"Tingnan niyo, oh."
"Bakit parang magkasabay sila?!"
"Kakalbuhin ko talaga 'yang Anika na 'yan!"
Sunod-sunod kong rinig sa paligid. Nakatingin sila ngayon nang masama kay Rico pero wala siyang pakialam. Natatakot tuloy ako! Pero teka? Bakit ako matatakot kung nasa katawan ako ni Rico? Safe naman ako dito.
"Tandaan mo 'to. 'Wag kang magpapahalata na hindi ikaw, ako," seryosong sabi niya sa akin bago pumasok ng room.
"Paano?" nagkakamot ulo kong tanong habang pinipigilan siya sa pagpasok.
"Pretend to be me. 'Wag kang magpapahalata na nagkapalit tayo ng katawan," sagot niya at nauna na siyang pumasok ng room.
Ako lang ba? O mabilis talagang tumibok 'tong puso ni Rico? Napahawak tuloy ako sa dibdib ko habang pinapakiramdaman ang t***k nito. Bakit ganoon siya? Bigla na lang siyang bumait at parang ang cool niya.
"Rico!" biglang bati sa akin ni ACE?! Napanganga ko habang lumalapit siya at todo ngiti pa. Nakalimutan kong bestfriend niya nga pala si Ace! Anong gagawin ko nito?!
"Anong mukha 'yan?" Natatawa niyang silip sa mukha ko habang nakaakbay. Ang gwapo talaga ni Ace. Nanginginig tuloy ako at baka mapansin niya. "Bakit hindi ka pumasok kahapon? Kayong dalawa," tanong niya habang nakaturo kay Rico na nakaupo na sa pwesto ko. Pinaningkitan niya ko ng mga mata tsaka umirap. Anong problema no'n? Kanina ang bait-bait niya.
"So, totoo nga?"
"Ha?" Gulat kong baling sa kanya habang lumalapit kami kay Gino.
"Gusto mo na si Anika?" Tuwang-tuwa niya pang turo kaya todo iling ako. "Naks naman! Tinatago mo pa. Halatang-halata ka naman na namin." Tapik niya. Umalis siya sa pagkakaakbay at nagsingisi sila sa akin.
"Para kayong mga sira." Ilang kong alis ng tingin sabay baba ng bag niya sa upuan.
"Ayaw mo pa kasing umamin. Nagulat nga kami at bigla ka na lang tumakbo para lang puntahan si Anika."
"You have never done that to anyone," mapanghusgang bulong ni Gino habang nakangisi.
"Especially to girls," dugtong naman ni Ace sabay taas baba ng kilay.
Napatingin tuloy ako kay Rico. Nakapalumbaba lang siya doon sa pwesto ko at tahimik. Tabihan ko kaya siya? Wala naman sigurong maghihinala sa akin.
"See? You are staring at her."
"Tabihan mo na." Tulak pa nila sa akin sabay bato ng bag ko. Hindi pwede 'to! Kapag tinabihan ko siya do'n at nakisabay sa mga sinasabi nila. Edi wala na kaming pag-asa ni Ace. Tapos siya pa ang nangunguna sa pang-aasar kay Rico para lumapit sa akin. Aiisst!
Sumakit tuloy bigla ang ulo ko. Kung kailan may crush na ko ulit tapos kaibigan niya pa. Kaasar!