-Vivien-
Nandito ako sa kama naka-upo kasama si Jake. Kanina pa nagsisimula yung movie , kanina parin ako tiling-tili na dito.
Nakakatakot naman kasi. Pansin ko nga kay Jake hindi naman ito natatakot bagkus tawa lang ito ng tawa.
Nagbago yata ang sitwasyon. Dati naman ay hindi ako natatakot sa mga ganitong klaseng palabas. Tapos ngayon halos mahimatay na ako sa sobrang takot. Dahil ba ito sa pinagbubuntis ko? Kinain ko tuloy lahat ng sinabi ko kanina.
"Ahhhhh!" Sumigaw uli ko. "Tanga! Huwag ka kasi pumasok diyan ng mag-isa!" Sigaw ko dahil sa katangahan nung bida.
Para namang maririnig ako nito eh hindi naman to live.
Kumuha ako ng popcorn na inihanda ni Jake kanina. Sakto namang nagpakita yung demonyong madre sa pelikula kaya out of the blue'ng napayakap ako kay Jake.
"What the h*ck!"
Napabitiw ako sa pagkakayakap kay Jake dahil sa biglaang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Lucas.
My eyes widen. Halata kasi sa reaksyon nito ang pagkagalit. Ilang segundo itong nagpabaling-baling sa amin ni Jake saka nagsalita.
"Pati ba naman dito sa bahay nagawa niyong maglampungan. Hindi na talaga kayo nahiya!" Galit ang boses niya na akala mo'y kakain na ng tao. Para naman akong na freeze sa kina-uupuan ko habang si Jake ay napasapo sa noo niya.
"Masyado kang maingay. Lucas, nanonoud lang kami ng movie dito ganyan ka na maka-react." Sambit ni Jake na ngayon ay naka-tayo na.
Lucas smirk.
"Talaga? Ganyan ba manoud ng movie. Nagyayakapan while watching?"
Medyo nasaktan ako sa puntong iyon. Ano bang pinagsasabi niya? Nagkakamali lang siya ng naiisip.
Iyan ang ayaw ko sa kanya eh. Nagco-conclude agad. Hindi niya nga kami tinanong kung bakit kami magkayakap ni Jake.
Nagseselos ka ba?
"Napayakap lang siya sakin dahil nakakatakot yung pinapanoud namin. Atsaka bakit ba Lucas. Kung makapagsalita ka parang nagseselos ka ah. Now, tell me. Are you jealous?!."
Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig mula kay Jake. Ba't niya naman tinanong iyon. Baka ano pang isipin ni Lucas. Ayoko na ng gulo.
"No I'm not. I'm not jealous. Why would i? I don't even love her!." Utas niya.
Ouch! Kelangan ba talagang sabihin iyon sa harapan ko? Alam ko naman iyon eh. Bakit niya pa kelangang isampal sakin yung katotohanan?
"Hindi nga?! Pero sa inasta mo ngayon parang tama ako!"
Nainis ako kay Jake. Gusto kong takpan ang walang preno niyang bunganga. Nakakahiya talaga ang mga pinagsasabi niya.
Lupa, pwede bang kainin mo nalang ako?!
"Can you just shut up Jake!? Wala kang alam!"
Aambangan na sana siya ng suntok ni Jake ng pigilan ko.
Lintik! Makukunan pa ako sa dalawang ito eh!
"Tama na Jake!" Pigil ko sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay nito saka tinitigan si Lucas.
"Kaibigan ko lang si Jake at wala kaming relasyon. Mahirap ba intindihin yun?!"
This time, boses ko naman ang lumakas. Gusto ko ng maiyak pero nagawa ko pang makapagpigil.
"Napaka-mean mo sakin Lucas! Iniisip mo lang ang sarili mong emosyon instead na isipin ang mararamdaman ng iba sa mga maling pinagsasabi mo. Kung galit ka sakin, wag mo ng damayin si Jake dahil nagmamagandang loob lang siya sakin. Napaka-rude mo!" I gasp.
I can't believe it. Ang bastos niyang umasta.
Galit na galit ako sa mga oras na ito. Wala na akong pake kung marinig ako ng mga maids nila, ang importante masabi ko ang sides ko.
"Yes, I'm so mean literally a rude person! But remember this. Ikaw ang dahilan kung ba't ako nagkakaganito. You broke my trust! So now, taste my punishment!"
Saka ito lumabas ng kwarto at pa bagsak na isinara ang pinto. Nanatili akong tulala saka ako umiyak. I felt Jake hugging me from my back.
"Sorry byeb." He said in a soft voice.
"Bakit ka nagso-sorry?" Curious kong tanong.
"I feel sorry for him. Kapatid ko siya pero hindi ko siya magawang e-desiplina!" I smiled at him.
"Okay lang Jake. You don't have to. You don't have to say sorry. It's my fault by the way."
Muli niyakap niya ako ng mahigpit. Thank you Jake. Knight in shining armor talaga kita. I'm very thankful naging kaibigan kita. Balang araw makakabawi rin ako sayo. Maghintay ka lang.
Lunes ng umaga nang maisipan kong bisitahin si Ivan. Friend siya ni Lucas at ex naman siya ni Hailey noong college palang kami. Naging closed friend namin siya noon dahil tuwing may hang out kami nina Charlotte ay sinasabay siya ni Hailey.
Ngayon lang namin siya hindi na nakakasama dahil sa past nila. Hailey won't like to see him. Hindi naman sa galit siya sa ex niya dahil ito ang nakipag break sa kanya. Ayaw niya lang talagang ma link pa siya sa ex niya dahil takot siyang masira ang image niya.
Knowing Hailey. A typical warfreak brat. Baka magkagulo na naman sila ng daddy niya. Which is ayaw nitong mangyari.
"It's been 3 years since our last met. You've change a lot." Puna niya sakin matapos niyang iabot sa akin ang orange juice.
Napangiti ako."Ikaw rin. Medyo umangas ka ngayon. May girlfriend ka na naman ba?" Nakatawa kong hula.
Naramdaman ko ang paghagikhik niya na para bang may pumasok sa isip niya.
"You mean flings!? I don't do dates anymore. Alam mo yung nape-pressured ka lagi kapag pumapasok ka sa ganyang relasyon? It's scary..." Aniya.
"Baka naman hindi kapa nakapag move on kay Hailey." Hula ko ulit.
He shrug his shoulder.
"You know her, the type of woman, I want to marry. But fate, really wants us to separate. Hindi ko man gustuhin, baka iyon na talaga ang gusto ng tadhana para samin..." Malungkot niyang giit.
Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. Bakit nagagawa niyang sabihin iyan eh siya naman ang nakipagbreak sa kaibigan ko.
"What do you mean fate? You break up with her. Alam mo bang isang buwan rin siyang broken hearted dahil sayo? She wants you to explain your side. Pero nasaan ka? Nagpunta kang California at hindi na nagpakita pa."
Umiling-iling pa ako nang sabihin ko iyon sa harap niya. Tumawa siya ng peke at ininom ang juice sa baso niya.
"I want to, but he wants me to stay away from her."
My forehead knot. Ano bang pinagsasabi niya.
"Who's him?"
"His father..."
"He doesn't like me. Kesyo ako lang daw ang makakasira ng future ni Hailey. The fact, na ang kompanya nila ang rivals namin. Hindi malabong ayaw niya talaga sa akin. She wants Hailey to marry someone he knew, his company could benefits. Alam mo yun? Dahil sa mga parents namin kaya hindi kami pwede..." Dagdag niya.
Napa-awang naman ang labi ko. Kaya pala niya hiniwalayan ang kaibigan ko dahil sinabi ng daddy ni Hailey na hindi sila pwede.
May rason naman pala siya. Nagalit pa ako sa kanya noon dahil inakala naming may ibang babae siya kaya niya iniwanan si Hailey.
Ang lungkot. Siguro ang hirap nang naging sitwasyon niya noon. Ang malayo kay Hailey. Siguro iyon talaga ang nakatadhana sa kanila.