-Lucas-
"Aalis ka na?" Malambing na tanong sakin ni Charlotte. Naka-upo siya sa sofa habang kumakain ng sandwich na ginawa niya kanina lang.
Tumango lang ako.
Nasa condo unit ko, kami ngayon. Dito ko naisipang matulog kagabi dahil ayaw kong makita ang pagmumukha ni Vivien.
Malaki parin talaga ang galit ko sa kanya dahil sa ginawa niya sakin. At hindi ko alam kung kailan ito huhupa.
Kulang pang kabayaran ang pagpapahirap ko sa kanya ngayon kumpara sa mga kasalanan niya sakin.
If she only love me purely, walang halong kasinungalingan. Hindi sana ako aabot sa puntong ganito. She made me do this to her. Galit ako sa kanya, kay Jake at sa sarili ko. If only I didn't trust her. I wouldn't have felt this kind of situation now. It's also my fault. I should blame myself for this.
Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa drawer sa may TV saka binuksan ang pinto ng unit para lumabas na.
"Dito ka ba matutulog mamaya?" Aniya nang makitang paalis na ako.
Nagkibit-balikat lang ako. I'm not sure. Kapag kasama ko siya nakakaramdam ako ng kakaiba. Kakaiba in terms of lust. I never liked Charlotte. Ngunit nang sabihin niya sakin ang sikreto ni Vivien I started to trust her.
Ngunit tiwala lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Kapag pagmamahal na ang usapan, hindi ko kayang ibigay iyon sa kanya. She's not my type.
"I don't know, titingnan ko." I coldly said.
Tumayo siya at nilapitan ako. Ramdam ko pa ang pagsimangot niya nang marinig iyon mula sa labi ko.
"I love you!" Saka ako nito hinalikan sa labi.
Mapait akong ngumiti at tinalikuran na siya. Hindi ko na siya sinagot pa at ramdam ko namang nalungkot siya dahil sa inasal ko.
Mahal niya ako. Ako, mahal ko ba siya?
Charlotte is a sweet woman. She's so honest with me. Nang dahil sa kanya, nalaman ko ang lahat-lahat tungkol sa plano ni Vivien. Thanks to her at hindi na ako magpapakatanga pang muli!
I never planned on using Charlotte to forget Vivien. Siya mismo ang lumapit sakin para ialay ang sarili niya sakin without forcing her.
Sino ako para tumanggi? Advantage ko na iyon para parusahan si Vivien. And I'm happy with it.
I decided na umuwi muna para malaman ang bawat kilos ni Vivien. Baka nagpapakasaya na yun sa kaginhawaan niyang natamo. What a gold digger! Ginamit niya pa talagang paraan ang pagbubuntis para lang maki-asam sa yaman namin. She'll pay for it!
Nagmamaneho na ako sa kotse ko nang mapansing tumunog ang cellphone ko. Si Travis tumatawag.
Agad ko iyong dinampot at sinagot bago ibaling atensyon sa pagda-drive.
"Oh?"
"MTD?" Aniya sa kabilang linya.
Napa-iling ako nang tanungin niya iyon. Nagyayaya na naman silang mag-inom.
"Pass! Busy ako!" Masungit kong utas.
I'm very busy. Busy ruining Vivien's life.
"Oops..we don't accept pass!"
"I'm serious. Wala ako sa mood mag-inom!" Matabang kong wika.
Narinig ko ang pagtawa nang mga kasama niya sa kabilang linya.
Sinasabi ko na nga ba at ni loud speak niya.
"Do you know, Akira?"
Napa-irap ako nang bumanggit na naman siya ng pangalan ng kung sinong babae. Inakala niya yatang may plano pa akong mambabae sa mga panahong ito.
Speaking of mambabae. Yeah, me and Charlotte are into flirting stage. Aaminin ko, masakit na nga siya sa ulo ko kaya wala na akong balak dagdagan pa iyon.
"Why?"
"Hindi mo itatanong kung sino siya?"
I bit my lips. "Kung sino man siya. Wala akong pake!" Giit ko.
"Oh come on Lucas! Wag masyadong pa humble. You know her right? She's someone you know!"
"What about her?" I ask dahil alam kong hindi niya ako tatantanan kahit pa babaan ko siya ng tawag.
Travis is quite impressive. Impressive, in terms of remembering things kahit na dekada na ang lumipas. Noong una, ay naiirita kami kapag siya na ang nagsasalita pero ngayon ay nagugustuhan na namin ang katangian niya. Somehow, it helps us. Kagaya ngayon.
"Guess what? She's here. Hinahanap ka!"
"Whatever." Tipid kong sagot.
Akmang ibababa ko na ang tawag nang magsalita uli siya.
"We're talking about Vivien and her past..."
Namilog ang mata ko."Hindi ka talaga pupunta?"
Hindi na ako nagdalawang isip pa na mag U turn at tinahak ang daan papunta sa MTD.
Kapag talaga si Vivien ang pinag-uusapan ay nagiging interesado ako.
Curious parin talaga ako sa kanya. Sa mga intensyon niya sakin. Siguro may alam si Akira sa totoong intensyon ni Vivien sa akin.
I must confront her and know the truth. This will be my chance.
Pinark ko na agad ang kotse ko pagkarating ko sa labas ng MTD. Mukhang marami silang customer ngayon dahil sa dami ng taong naglalabas masok sa lugar.
As I push myself towards the entrance. Hinarang agad ako ng bouncer, na ikina-kunot ng ulo ko.
"Hindi mo ba ako kilala?!" Inis kong tanong sa bouncer.
"Sorry boss, baguhan lang ako dito. Kailangan ko munang tingnan ang card niyo." Pormal nitong utas sakin.
Niluwagan ko ang neck tie ko bago kinuha ang wallet ko at kumuha ng VIP card roon. Inilahad ko iyon sa kanya upang matingnan niya.
Pabigla-bigla yata ang pagpapalit nila ng bouncer ngayon?
Tsk! It's wasting my time!
"Oh? Bakit ang tagal mo? Naiinip na tuloy si Akira sa kahihintay sayo!" Natatawang biro sa akin ni Alfonce.
I smirk."Hindi naman siya importante. Para saan pa?"
"Ang rude mo ha! Para namang wala tayong past.." ani Akira atsaka kinindatan ako.
Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. Nag glow-up na siya ngayon. Maganda naman siya dati pero mas gumanda siya ngayon. Kaso hindi ko parin siya type.
"Wala tayong past!"
Padabog akong umupo sa couch at kinuha ang inilahad na shots sa akin ni Travis.
"Meron. May amnesia ka ba? Nilandi kaya kita dati. Ayun tuloy nasabunutan pa ako ni Vivien..."
"Talaga?" Singit ni Arthur na parang natuwa pa sa narinig.
"Yeah. Galit na galit ako nun kaya sinabihan ko si daddy na tanggalan siya ng scholarship. Serves her right..."
I nodded my head. Iyon pala ang dahilan kung bakit nawalan siya ng scholarship. Dahil kay Akira.
Akala ko ba hindi niya ako gusto? Bakit galit na galit siya noong landiin ako ni Akira? Pinipeke niya lang ba iyon?
"Gusto niya ba talaga ako?" I ask.
"Si Vivien ba?"
Tumango ako bilang sagot. Napalunok pa ako nang nag-isip muna siya bago ako sagutin.
"It's quite odd. Nag confess kasi siya sa kuya mo about sa feelings niya. Tapos, weeks lang ang lumipas, ikaw na naman ang gusto niya? Parang ang dali niya lang maka move on hindi ba?" Paliwanag ni Akira na ikinabigat ng pakiramdam ko.
"So what do you think, Kira?" Tanong ni Alfonce.
Bigla kaming natahimik lahat. Naghihintay kami sa isasagot niya.
"I think, si Jake talaga ang gusto niya at hindi ikaw!"
Pagkarating ko sa mansyon ay dumiretso na ako sa itaas para magbihis. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay tumambad sa akin ang katahimikan.
Nasaan kaya ang babaeng yun! Hmm maybe she's in the kitchen, eating. Or maybe in the garden, mahilig yun sa bulaklak, baka nagdidilig ng halaman.
Hinubad ko ang damit ko saka nagtungo sa closet para kumuha ng panibago. Patapos na ako sa pagbibihis ng makarinig ako ng sigaw. That voice is from Vivien.
Lumabas ako ng kwarto para hanapin siya. Isa na namang sigaw ang narinig ko and this time galing iyon sa kwarto ni Jake. Is he and Jake doing something?
Nag-init ang ulo ko dahil sa naisip ko. Napakuyom ako sa kamao ko. Nanigas ang panga ko. Hindi talaga
marunong makuntento itong babaeng ito. Napakalandi!
Dali-dali akong pumanhik patungo sa kwarto ni Jake at walang pag-alinlangang binuksan pintuan ng kwarto niya.