Chapter Eight

1025 Words
-Vivien- Nasa hapag kami ngayon kumakain ng hapunan. Tahimik lang kaming kumakain at tanging tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig sa apat na sulok ng kusina ng mansyon kung saan kami nakapwesto. Isang tikhim mula kay Don Crisanto ang nagpagaan ng aking kaba sa mga oras na iyon. "Jake hijo, kumusta ang pagiging editor-in-chief. Hindi ka ba nababagot sa trabahong iyan!" Panimula nito. Nakinig lang ako at pinagtuonan nalang ng pansin ang pagkain sa harapan ko. "Hmm hindi naman dad. Actually, i kinda like it. Mas mabuti narin ito at pansamantalang akong makakapag-ipon ng pera para makapagpatayo ng sarili kong negosyo!" Napangiti ako sa sinabing iyon ni Jake. Napaka-ganda ng plano niya para sa sarili niya. Tumango-tango ang Don at ngayon ay si Lucas na ang tiningnan. "Eh ikaw Lucas kumusta na ang kompanya? Did you handle it properly?!" Tumingin ako kay Lucas. "No need to mention dad. Our company is totally fine!" Malamig parin ang boses nito at saka kumain ulit. "It's good then." Nakulangan ako sa fried chicken kaya sasandok na sana ako pero hindi ko ito maabot. "Ako na byeb!" Napatingin ako kay Jake. Nakatingin rin siya sakin habang kinukuhaan ako ng isang piraso ng fried chicken at inilagay sa plato ko. Napaka-gentleman naman niya talaga. Ang swerte ng babaeng makakakuha ng atensyon niya. "Pati sa hapunan, naglalandian pa talaga." Pabulong na giit ni Lucas. Kahit mahina lang ang boses niya ay rinig ko parin iyon. Hinayaan ko nalang siya at tinuloy nalang ang pagkain. "Gusto mo nitong salad byeb?" Tanong niya sakin. Kinuha ni Jake ang isang plato na may lamang salad at naglagay ng kaunti sa plato ko. I mouthed thank you to him. Ngumiti lang siya saka ako kinindatan. Well, walang malisya yun sakin dahil noon pa man ay ginagawa niya na iyon kapag gusto niya o kapag iniinis niya ako. Napakapit ako ng mariin sa mesa ng pabagsak na inilagay ni Lucas ang baso na nakapagpakuha ng atensyon naming lahat. "Where are you going Lucas?" Nagtatakang tanong ni Donya Bella. Ako rin ay nagtataka sa inasta niya. "Im full. I'm going to sleep already!" Pagkatapos nun ay umalis na ito. "Anong nangyari dun? Ano sa tingin mo Vivien?." Tanong sakin ng Donya na ikina-iling ko kaagad. Lumingon ako sa direksyon ni Jake dahil sa pagtawa nito ng mahina. "Jake, why are you laughing at?" Ani ni Don Crisanto. "I think he's jealous." I raised my brows. Selos ba kamo? Kanino? "Pano mo naman nasabi iyan Jake?." Muling tanong ng Donya. "Hindi ba halata?" Umiling lang kami saka hinintay siyang magsalita. Tumikhim ito saka bumuntong-hininga. "Nagseseselos siya kasi ang sweet ko kay Vivien ngayon. Look at his reaction. Nakakatawa." Humagikhik pa siya saka pa-iling-iling na tumayo. "Mauna na nga ako. Baka mabaliw pa ako sa kakaisip sa ka-artehan ni Lucas." Lumakad na ito bago nagpa-alam samin. Habang ako hindi parin maka get over sa mga pinagsasabi niya. Lucas was jealous? Parang hindi naman yata. Bakit iyon magseselos eh hindi naman ako mahal nun. Malalakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko ng makapasok ako sa kwarto namin ni Lucas. Natatakot parin parin ako sa kanya dahil sa malamig na pakikitungo niya sa akin. Kinabahan man ay deretso parin ang lakad ko sa loob at natanaw ko pa siyang umiinom ng wine habang nasa veranda ng bahay. Tulala lang siya. Sa tingin ko marami itong iniisip kaya ganon siya. Tahimik kong tinungo ang kama atsaka nahiga roon. Gustong-gusto ko siyang lapitan at tanungin kung ano ang problema niya pero natatakot akong masigawan at mapagalitan niya kaya nanatiling nakatikom ang bibig ko. Naramdaman kong lumakad siya patungo sa deriksyon ko. Matutulog na yata siya. Lumakas ang kaba ng dibdib ko. Ano na ang mangyayari? Huminto ito mismo sa gilid ng kama na nasa tapat ko. Hindi ko makita kung ano ang ginagawa niya, kung nakatitig ba siya sa akin o hindi dahil nakapikit ako. The next thing I knew, tumikhim si Lucas. "Hoy!" Idinilat ko ang mga mata ko saka umupo sa kama. "B-bakit?" nauutal kong tanong sa kanya. "Anong ginagawa mo?!" Masungit nitong tanong sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. "Natutulog."tanging sagot ko. Ngumiti siya ng peke habang hindi inaalis ang titig sa akin. "Kama ko yan!" Lalo akong nalito dahil sa inasta niya. Ano na naman ba 'to? Tahimik lang ako dahil gusto kong marinig ang susunod na sasabihin niya. "Hindi ako sanay na may katabi! Masyadong maliit ang kama na yan para sa ating dalawa." "What are you saying?" Iasked. "Umalis ka dyan. Huwag na huwag kang tatabi sakin." Napasinghap ako. Pati ba naman sa pagtulog ayaw niya akong katabi? Nakaka-inis na siya ah. Dati lang gusto niya kaming magkatabi tapos ngayon nagpapa-as if siyang ayaw niyang may katabi sa kama? Jusmeyo! Saan niya ba ako gustong patulugin? Sa sahig? Tahimik parin ako atsaka tumayo na. Agad na lumundag si Lucas sa kama at nahiga roon. Ipinantay pa niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng kama senyales na siya ang nagmamay-ari nun. "Kung gusto mong lumipat ng ibang kwarto, mas mabuti pa!" Napa-isip ako. Kung lilipat ako ng kama, for sure sa guest room iyon. At sigurado akong makakahinga na ng maluwang ang yelong ito. Ma tumunog na kung ano sa isipan ko. "Hindi."ani ko. "Dito lang ako!" Saka ko siya nginitian ng pagkatamis-tamis. Manigas ka! Pilitin mo mang lubayan itong mukha ko. Mas lalo lang akong mamotivate para inisin ka lalo. Agad kong tinungo ang cabinet saka kumuha roon ng kumot at unan. Inilatag ko iyon sa sahig saka umupo. Ngayon ay nakapikit na ang mga mata ni Lucas. Tulog na siya. Natamaan yata sa ininom nito kanina. Habang naka-upo sa sahig, tinitigan ko siya. Nami-miss ko na siya. Dati nagtatampo pa siya kapag hindi ko pinapatabi sa pagtulog pero ngayon parang wala na siyang paki-alam kung hindi niya ako natatabihan. Kalahating-oras kong pinapanoud ang napaka-among mukha ni Lucas bago naisipang mahiga na at matulog. Makita ko lang ito ay kompleto na ang araw ko. Bakit Lucas? Kahit anong pagtataboy mo sakin ay mahal parin kita? Hindi naman ako ganito noon ah. Ganon na ba talaga ang epekto mo sakin? Hindi matanggal-tanggal?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD